Sab POV:
@nanay bebang food chain:
"hi Abby!!! Ganda natin ah.. " pambubuska ni mark habang naglilinis ng dining. Habang si Abby naman ay busy sa pagliligpit ng pinagkakainan. Ganito lagi ang set. Up ng dalawa. Palaging nagpipikonan habang ako naman ay nakikinig sa kanila.
" hi abs, alam mo walang halong biro. Ganda mo talaga. " sabi nito sabay kindat sa dalaga. Hindi pa rin siya pinapansin nito.
"Oh abby,!!! Pansinin mo naman ako."
Wala pa rin. Tanging irap lang ang tugon ni Abby sa kanya.
"Abs, kandila ka ba? "
" bakit?" kunot-noo nitong sabi.
" ang ganda mo kasi sa dilim eh. Hehehe"
" mark, ikaw? Kandila ka rin ba? "
"bakit abs? Ako ba ang liwanag mo? "
"hindi. Kasi gusto kitang hipan eh para mamatay ka na lang. " sabi nito habang nagtitimpi sa galit.
"hehehe oi, galit siya sa akin. "
" at masaya ka pa? " di makapaniwalang sabi ni abby habang iiling-iling.
" kasi naniniwala ako sa kasabihan na "the more you hate is the more you love" kaya sige lang magalit ka na sa akin. Ok lang yun. " nakakaloko niyang sabi.
"lumayo ka nga! Bago pa'ko makalimot" galit na sabi ni abby.
"paano ba naman ako lalakad palayo...
Kung isang ngiti mo lang di na ko makatayo.."
Nakangising sabi ni mark. Ang loko, tinodo pa ang mga banat.
Habang si abigail ay nanlilisik ang mga mata sa sobrang galit.
"tse! . Diyan ka na nga."padabog nitong sabi at pagkatapos pumunta na sa kitchen.
Di ko mapigilan na di mapangiti. Dahil kahit pikon na pikon si abby yun naman ang ikinatuwa ng lokong mark.
" naku baka balang araw magsisisi ka nalang kung bakit mo tinutukso si abby. Lalo na kapag nadevelop ka sa kanya pero di mo maligawan dahil inis na inis siya sa'yo. Umayos ka nga mark" napailing kong sabi.
"hahahahahaha! Nakakatuwa kasi siyang tingnan kapag napipikon lalo na kapag lumalaki ang butas ng ilong niya" natatawa niyang sabi.
" kailan kaya mark? " bigla kong tanong.
" ang alin"? Naguguluhan nitong tanong pabalik.
" kailan mo balak tumino? Balak mo pa 'ata ubosin ang lahat ng mga babae sa mundo. Siguro kung pagsamahin mo lahat ang naging girlfriends mo pwede ka ng magpa organize ng pageant. Pumili ka lang! miss universe, miss world, miss earth. Yun ka mark. " taas-kilay kong sabi.
" Grabe sabrina, hindi naman ako ganun. Alam mo 'yong salitang "fling"? Yung game lang walang totohanan. Kung sino unang mainlove siya ang talunan. Tsaka sila naman ang nauna eh. 'yoko namang sabihang bakla kapag ako aayaw."
Napailing lang ako. Sabagay may punto din siya.
"hindi ko pa rin maintindihan eh" naguguluhan kong sabi.
"ang alin? " kunot noo niyang sabi.
" bakit kailangang maki pag fling kung di rin naman mapunta sa totohanan? Bakit makipagflirt kung kunwari lang naman pala ang nararamdaman? " tanong ko.
"gawain yan ng mga taong gustong maenjoy pero ayaw ng commitment. Yong hindi naniniwala na may forever na pagmamahalan. Short term relationship. No rules, no commitment, no expectation, just for fun. No string attachment. Yong ganun? "
Kibit-balikat niyang sagot.
Bigat naman. Sabagay, iwas complication, iwas obligation. Siguro sa ganyang paraan din ako napunta sa mundong ito. Dahil sa isang fling kaya ako nabuo.
Gusto kong magmura. Pero para kanino ang mura ko.
Gusto kong isigaw ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. Kung bakit may pamilyang masaya, buo at kumpleto. Samantalang ako, heto.
Nag-iisa.
" Ikaw sab? Kung sakali, Anong gusto mo? " biglang pukaw ng kausap ko.
"ka-fling o totohanan man yan. Wala akong balak subukan" kibit-balikat kong sagot.
" alam mo, matagal na kitang nakasama dito pero wala akong masyadong alam sa buhay mo. Magkwento ka nga? Kaibigan naman tayo diba? Alam mo, naalala ko sayo kapatid ko. Masyadong tahimik. Nasa loob lang palagi ng kanyang kuarto. Nagbabasa ng pocketbook mahilig siyang mangolekta nun. Ikaw anong hilig mo? " curious niyang tanong.
"wow! Pareho pala kami ng kapatid mo, mahilig din akong mag-ipon ng ganun eh. " agaw pansin ni abby kagagaling lang niya sa kusina.
"ikaw sab? Ano mga hobbies mo"?
"wala" tipid kong sagot. Wala naman talaga.
"iba ka rin. Kahit pakikinig ng music? Wala wala kang hilig? " di makapaniwalang tanong ni mark.
"mahilig din akong magbasa nun ng mga ganyan. Pinakapaborito kung author si Helen Meriz. Pero noon yon hindi na ngayon? " walang gana kung sagot.
" Bakit? " nagtatakang tanong ni abby.
"tinatamad na ako. " palusot kong sabi. Kung ano man and dahilan ko. Sa akin na lang.
Sab POV:
"Naku girl, ibang klase ka rin. Pakiramdam ko ang lungkot ng buhay mo. Pwede mo naman gawin yun pampa-aliw lang. Yong pampalipas oras. Pawala ng stress."
Di ko alam may tinatagomg kadaldalan pala si abby.
Nginitian ko na lang siya.
" ikaw abby girl, anong pinagkakaabalahan mo kapag free-time?" Tanong ni mark sa kanya habang .
" mahilig akong magbasa ng stories sa online eh. And of course f*******:, i********:, twitter, youtube. Yun lang. Di ako mahilig mamasyal kaya sa bahay lang ako"
"Ikaw mark? Anong ginagawa mo kapag may vacant time ka" tanong ko sa kanya.
"isa lang ginagawa ko. Chicks hunting! " kindat nitong sabi habang natatawa. Si abby naman biglang nagsalubong ang mga kilay.
"Alam mo, di bagay sayo. Pangit mo kasi" taas noo nitong sabi habang papalayo.
Hindi maipinta ang mukha ng binata.
Oh sige. Sila na ang aso't pusa.
********
Maaga pa lang may kumakatok na. Kahit di ako masyadong nakatulog noong nagdaang gabi, late pa rin akong nakatulog kagabi. Nag-advance review ako sa lahat ng mga subjects ko. Malaking tulong talaga ang binigay ni Dianne mini ipad.
Sino naman to. Kainis naman oh. Kung kelan pa napasarap ang tulog ko, saka naman may nambubulabog.
"Good morning, bakit di ka pa nakapagbihis? " takang tanong ng taong kaharap.
Awtomatikong napakunot-noo ako sa lalaking kaharap ko.
"bakit ka andito"? Nakapamaywang tanong ko sa kanya.
"Good morning too sabrina" sarkastiko nitong sabi habang walang pakialam na naglalakad sa loob ng kanyang apartment.
"anong almusal natin? " tanong nito habang may pinindot sa kanyang celphone.
Kapal naman ng pagmumukha niya. Siya pa ang nakabulabog siya pa ang nanghihingi ng almusal.
"hindi ako kumakain ng almusal kaya wala akong maihanda sa'yo. " tamad kong sagot habang pabalik sa silid tulugan ko. "mamaya pang 10:00am ang pasok ko kaya kong balak mong ihatid ako huwag ka nang mag-abala pa. Makakaalis ka na. " sabi ko habang nakataas ang kamay ko sa ire tanda ng pamamaalam.
*****
Laurence POV:
Kahit kakagising lang niya pero di ito nakabawas sa kagandahan niya. Alam ko naman ang kanyang schedule at sinadya ko talaga ang pagpunta ng maaga para makasama ko siya ng matagal.
Napatingin ako sa orasan. Quarter to seven am na. Hmm anu kaya ang masarap kainin.
May naisip ako.
*******
Sab POV:
Time check: 8:30 in the morning. Kailangan ko ng bumangon. Dali-dali akong nagtungo sa banyo at naligo.
Nagmamadali akong lumabas ng kuarto pagkatpos kung magbihis. Para makaalis agad, noodles nalang ang kakainin ko para naman magkalaman ang aking tiyan.
"finally, nagising ka na rin. Halika ka na, kumain na tayo. " alanganin niyang anyaya sa akin.
Napatingin ako sa pagkain na inihandan niya sa mesa. Pritong itlog, hot dog, ham with matching milk pa. Saan galing to?
Ang alam ko pinaalis ko siya bago ako natulog. Bakit andito pa din siya.
"Bakit mo ba to ginagawa? Nakukunsensiya ka ba at gusto mong bumawi" panghuhuli ko sa kanya.
"oo. This will serve as my peace offering. Kaya sana tanggapin mo. " nakatitig niyang sabi sa akin.
Nakatitig na rin ako sa kanya.
"Di mo kailangang gawin to. " seryoso kong sabi habang direktang nakatingin sa mga mata niya.
In fairness. Guapo naman talaga siya. Pero wala akong oras para makipaglandian o makipagcute.
"huwag mo ng isipin to. Kagustuhan ko 'to" sabi niya na nakangiti na.
"so, shall we eat now?"
Wala akong nagawa kundi ang tumango na lang.
Tahimik akong kumakain. Kakahiya man pero marami ang naubos kong pagkain. Walang naiwan sa naihanda niya.
Bahala siya. Nag-alok siya, sayang naman ang grasya kung tanggihan ko di ba?
Ilang sandali pa at nasa school na kami. Balak ko na sanang bumaba agad pagkatapos niyang ihinto ang sasakyan niya ng naisipan ko ulit na magpasalamat.
" Salamat ulit sa lahat" sabi ko habang nakatingin sa gawi niya.
" hindi mo naman kailangan na sundoin ako at ihatid dito. Pwede naman akong pumasok kahit wala ka" sabi ko habang ipinakita ang hawak kong access form na galing sa guidance office sa kanya.
Ngumiti siya.
"wala sa akin yun. Tsaka heto oh, ibibigay ko na ulit sa'yo to" sabi nito habang iniabot abot ang school id ko.
" pero pwede bang maging kaibigan tayo? " sabi niya habang nakangiti sa akin.
" naku maniwala ka. Hindi ako ideal na maging isang kaibigan. Busy ako palagi. Ni oras para sa sarili ko wala ako nun. " mabilis kong sabi sa kanya.
Totoo naman. Wala akong time.
" ok lang, no worries. Kung wala kang oras para dun. Di bale, hindi naman ako demanding"
Anu raw??????
Hindi ko to gusto.......
******end of chapter 5*********