Sabrena's POV:
"s**t" napamura ako ng mahina habang nasa ladies room dito sa campus. Sino ba kasi ang hindi maiinis. Napakaiksi ng uniform namin sa cheer dance competition. Ayoko sanang sumali eh kaso kung di ako sasali kailangang kung pumunta for the whole week para magpa check attendance habang ginaganap ang interschool sports tournament.
Ngayong araw ang final rehearsal namin. At nirerequire kami na isuot ito habang nagsasanay. Daming tao sa school gymnasium. Maulan kasi kaya napilitan kami na dito magpraktis.
"Oh my G! You're so sexy Sab" palundag na sabi ni Dianne habang nakangiti sa harapan ko. Siya din naman ah. Ganda ng legs niya. Palibhasa matangkad siya kumpara sa 'kin. Tinaasan ko nalang siya ng kilay habang naiiling na tinitingnan ang aking sarili sa salamin.
"what? Ayaw mong maniwala? " sita niya habang nanlaki ang kanyang mga mata na nakatingin sa'kin.
Bigla kung itinaas ang kamay ko sa ire para tumigil na siya sa kakadaldal. Agad din naman siyang napatigil na nakatingin pa rin.
" magtapat ka nga, straight kaba talaga o tomboy ?" taas kilay kung sita habang pinoponytail ang aking buhok.
Ewan ko ba. Isa pa to eh kahit anong taray ko dito no effect pa din. Pareho sila ni Laurence. Wait. Bakit ba naisip ko na naman siya. Kumusta na kaya siya. Isang linggo na ang nakalipas mula ng huling kausap ko siya. Di na rin siya nagparamdam. Parati kung iniistalk ang kanyang account sa social media. Siguro may iba na siyang nililigawan. Always feeling in love kasi nakalagay sa status niya. Or kung hindi man ay " looking forward to see you".
Ewww!!!! Kakasuka..
"Nakakasuka nga ba?" mapanghamon na tanong ko sa sarili. parang di yata sumasang-ayon ang isip ko.
" ang sabihin mo, nakakapanghinayang" udyok pa ng utak ko.
" ikaw talaga! Kapag nagagandahan sa kapwa babae, tomboy na agad? Di ba pwedeng humahanga lang? O naiinsecure o naiinggit? " sabi niya sabay tampal sa kanyang kamay sa noo ko.
Sakit nun ah. Galit na napatingin ako sa kanya. Agad naman siyang napayakap. Naku, pasalamat siya at may soft spot ako sa taong sweet.
" seryoso ka?! Sa ganda mong yan makaramdam ka pa ng insekyuridad? " agad naman siyang napasimangot.
"ikaw naman!, di naman sa ganun. Talagang hinahangaan lang kita. Kaya nga diba nakipagfriends ako? Kasi idol kita " kangiti niyang saad habang abala sa paglalagay ng face powder.
Ay tange!!!!! Parang hirap paniwalaan nun. Hmp! Bahala na nga siya. Siya nga tong may masarap na buhay. Ako pa ba ang maging choosy?
Kakatapos lang ng praktis namin pero di pa rin humuhupa ang ulan. Stranded lahat ng studyante na naroroon.
" Sigurado ka? Ayaw mong sumabay? Kasi willing ako na ihatid kita total may driver naman" maraming beses na paulit ulit na tanong niya. Sino pa nga ba't walang iba kundi si Dianne. Kulit talaga nito.
" Ok lang ako. Di pa naman malalim ang gabi. Marami pa akong masasakyan sa labas ng campus. " baka mamaya masanay na naman ako na naging dependent sa iba. Mas mahihirapan lang ako.
Agad naman siyang nagkibit-balikat na nagpapakita ng walang choice kundi ang sundin ang gusto ko. Dianne is really sweet and caring. Maswerte ang lalaki na mapupusuan nito.
" Oh my G!!!!! I think may ibang susundo sayo" bulong niya sa'kin na para bang naiihi. Di ko talaga maintindihan ang ugali ng babaeng 'to.
Over kung makareact. Di ko nalang siya pinansin habang nakatitig sa ulan.
Hay. Ang lamig naman. Paano, napakaiksi ng suot ko. Wala sa isip ko napayakap sa sarili.
" I think you need to wear this" bigla akong napatingin sa isang kamay na may hawak na jacket na inilahad sa harapan ko. .
"Lau-laurence? " di ako makapaniwala. Akala ko ba ayaw na niyang bumalik dito. Bakit kaya nandito siya.
Di man lang siya nagsasalita habang hila niya ang kamay ko. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. Tsaka ko napansin na may traveling bag nang nasa loob na kami ng sasakyan. Binuksan niya 'to at kumuha ng isang pajama.
" suot mo to,mukha kasing nilalamig kana" di ko alam kung magkasya sa 'kin ang binigay niya. Malaki kasi. Di man lang siya ngumiti. Hmp! Bakit ang suplado niya. Kinuha ko na lang at sinuot na rin habang tinitingnan niya ako. Total napakaiksi naman ng suot ko. Di ko na kailangan pang hubarin.
" masyadong maluwang" tipid kung sabi. Speechless eh. Guapo kasi.
" malamang, sa akin yan eh. " hala. Tinarayan ako. Ano bang kasalanan ko.
" ba't ba kasi sumali-sali kapa sa cheer dance?" seryoso?sinisita niya ako?
" Malamang gusto ko" napaarko na ang kilay ko.
Napailing na lamang siya habang pinagmamasdan ako.
" lapit ka nga sa'kin" hinila niya ang kamay ko.
" Ayoko! Huwag mo nga akong hawakan, nakakainis ka. " sabay tapik sa kamay niya. Walang hiya. Akala ko talaga di ko na siya makita. Sinungaling talaga.
Gusto kong umiyak. Kakainis.
" Pwede bang malaman kung bakit naiinis ka" pabulong na tanong niya habang yakap ako. Masyadong malakas pagkahila niya kaya napunta ang mukha ko sa dibdib niya. Ayan!! Napaluha tuloy ako. Kasi naman eh. Namisss ko talaga siya.
" sinungaling ka kasi, kakainis ka. Masyado kang pa-miss" sinuklian niya nalang ng mahinang tawa.
" music to my ears, talaga? Na miss mo 'ko? " tanong niya ulit habang hinahalikan ang buhok ko. Bakit ba kasi hindi nalang sa mukha. Joke!!!
Isang tango lang ang isinagot ko.
" I miss you too, I love you babe, do you love me na? Will you be my girl?" na ngayon ay nakatitig na siya sa mga mata ko. s**t!! Naiihi ako. Sorry, first time eh.
Napatango nalang ako. Ay mali. Ah basta. Mga kilay ko lang kasi pinapagalaw ko bilang sagot sa tanong niya.
" Please say it" na ikinanlaki ng mga mata ko.
" Huwag na, nahihiya ako. " I swear! Para na akong kamatis sa sobrang pula ng pisngi ko.
" Gusto kung marinig" Aiiiiiiii. Brutal naman. Pinapahirapan ako.
" I love your hair"
Teka!!!!!
Sandali....
Para akong nakalutang sa cloud nine.
Mint flavor. Ang lips niya. Ilang sandali pa at bigla niyang piningot ang ilong ko.
" you're really an innocent girl. It's official. You're now my girlfriend that's why I sealed it with my kiss. Baka mamaya bawiin mo pa. "
Speechless si ako.....
Semestral break:
"alam mo ang ganda mo pala, pag tumawa ang cute mo pa... ' bigla akong nagising sa ring tone ko.
"hello.. " bati ko sa kabila habang pikit pa rin ang mga mata. Alam ko naman kasi kung sino ang tumatawag di na kailangan pang tingnan. Every morning ganito na routine ko. Siya na ang nagsisilbing alarm clock. Sino pa nga ba eh di ang hunky and handsome boyfriend ko.
" I'll give you twenty minutes to pack up. I'm on my way. Bye love" at biglang nawala sa ire. Ow ha?! Ang lupit. Lahat ng endearment naitawag na niya sa 'kin. Candy, cup cake, sweetie pie, vanilla ice cream, honey, sweetheart, babe, heart, mine at maraming pang iba. ANG BADUY!!!!!!! Pero, nakakakilig eh :).
I'm just wondering kung saan na naman niya ako ipapasyal. Kahit anong pangungulit ko naman di rin siya nagsasalita.
Last time. pumunta kami ng Baguio ng wala akong baon na damit. Kasi ang sabi niya magpapahangin lang kami. Hanggang sa umabot kami ng Baguio.….
Flashback:
Sabrina's POV:
"Bakit ba kasi pumunta tayo dito ng wala sa plano? Ayan tuloy, kailangan kung bumili ng damit. " reklamo ko habang nagmamartsa sa loob ng mall.
" Tsk!! Isang angal pa diyan, at hahalikan kita dito mismo sa maraming tao" pasimpleng bulong niya habang nakaakbay sa 'kin.
" tsaka sino bang may sabi na ikaw ang magbabayad? Ang sabi ko pumili ka." inirapan ko pa rin siya. Anong akala niya? Wala akong pera?.. Meron naman kahit papaano. Yun nga lang kunti lang.
" huwag mo nga ipamukha sa akin ang per--"
Tsup!!!
Pinandilatan ko siya pagkatapos.
"I already warned you honey, sa susunod torrid kiss na…kaya sige lang... " nakangiti pa siya.
Lumalaki pa ang mga mata ko habang nakatingin sa paligid. To check it out if someone is staring at us. Buti naman wala.
Napangiti ako sa kanya. Yong sweet smile pero fake. Tsaka bumulong.
" lagot ka sa akin mamaya" tsaka naglalakad ng mabilis. Balak ko talagang dumistansiya muna bago pa tuluyan magdilim ang paningin ko.
Sa Hotel.......
" Hello? Bakit one room lang ang kinuha mo? Nanadya ka ba talaga? " at talagang nanlilisik pa mga mata ko sa sobrang galit. Balak ata niyang buntisin ako. No way. Dami ko pang pangarap sa buhay. I'm too young for premarital s*x.
" tsk! Tsk! Easy babe. I'm not a rapist. You know, I promise I'll do it in a gentle way" at kinindatan pa ako pagkatapos. Binato ko siya ng pillow. Nakuha pa nitong tumawa.
" chill! Ok?? I just want to hug you while sleeping. I promise I'll behave. Pinagsikapan kong ireserved tong room because of this. " sabay bukas sa pintuan. Nasa balkonahe kami na connected sa room namin. Kita ang buong siyudad at nagkikislapan ang mga ilaw. Ang ganda. Idagdag pa ang bituin sa langit. Amazing.
"Enjoying the view" tanong niya habang nakayakap mula sa likuran ko. Damang-dama ko ang kanyang hininga. Napatango ako.
" mas mag-eenjoy ka kapag gamitin mo to. " sabay abot sa'kin ng gigantic telescope.
Napangiti ako. Kasi pareho pala kami. Mahilig mag star gazing.
End of chapter 14********