chapter 15- Bye

1478 Words
Sabrina's POV: " Hey! Di ka pa ready? " pambungad na tanong nito matapos akong halikan sa pisngi. " Bakit? May reklamo ka? " nakapamaywang kung tanong. Kakatapos ko lang magbihis pero magulo pa ang buhok ko. Mabuti nalang at nailagay ko na sa bag ang kakailanganin ko. " Ikaw naman nagagalit agad. Nagtatanong lang. " sabi nito tapos yumakap agad sa'kin bilang pang-aalo. Dapat lang. Kung ayaw niyang umalis mag-isa. " saan ba tayo pupunta?" nasa loob na kami ng sasakyan habang sinusuklay ko ang aking buhok. " Sikretong malupit" sabay kindat sa'kin. " bakit ayaw mong maglagay ng make-up? " biglang tanong niya habang nagmamaneho. Guapo niya talaga. Sa bawat araw na magkasama kami ay nadadagdagan ang kapogihan niya. " Bakit? Napapangitan ka ba sa'kin? " mokong to ah. Bakit di nalang niya sasabihin ng diretso. Tumawa siya ng mahina. "mamahalin ba kita kung di ka maganda" " Bakit? Mga magagandang babae lang ba ang pwedeng mahalin?, paano pala kung nagiging pangit ako. " kakalungkot naman isipin nun. " Sweetheart, buong pagkatao mo ang minahal ko. Hindi lang hitsura mo, kundi lahat na. Pati na ang katarayan mo. Lalo na yang mga kilay mo na nakataas palagi. " Talaga? Palaging nakaarko ang kilay ko. Ang pangit naman kung ganun. " naniniwala ka na ba? " tanong niya habang nakatitig pa rin. " oh. Ikaw naman. Bolahin mo rin ako". Ganun ha. Hinampas ko siya ng malakas. Muntik na akong naniwala dun ah. 'kala ko totoo. Nakakainis talaga. Tumawa siya ng malakas habang sinasalo ang mga kamay ko. Ako naman ay napipikon na. Habang tinitingnan ko siya ng masama at inirapan pagkatapos. " Oi, I'm just kidding about the bolahan portion. And the rest ay totoo yun. " di ko nalang siya pinansin at itinuon ko nalang sa daan ang paningin ko. " Honey" pangungulit niya. Hmp! Honey mo yang pagmumukha mo. Ano 'kala niya sa akin bubuyog? " Sweetie" Ignore mode. Baka mamaya lalanggamin kami pareho. " darling" Eww..sa lahat ng tawagan yan ang pinakaayaw ko. Parang endearment ng senior citizen. "cup cake" Sorry. Hindi ako mahilig sa cakes. " vanilla ice cream" " saan? " biglang tanong ko. Iniisip ko pa lang naglalaway na ako. Napahampas naman siya sa manibela at malakas na tumawa. Mahilig talagang manggood time. Alam niyang favorite ko talaga ang ice cream. Napahiya ako dun ah. Hmp!! Di ko talaga siya papansinin forever. Kahit pa tumurik mga mata niya sa kakadaldal. Total naman binolabog niya ang tulog ko kanina pwes, wala akong ibang gagawin sa byahe kundi ang matulog..… *********** "wake up my princess" sabay hagod niya sa buhok ko. Manigas siya. Magkukunwari muna akong tulog. " andito na tayo Sweetheart " bulong niya pa habang hinahalikan ako. " bango naman ng babe ko" habang inaamoy ang buhok ko. " gising na baby ko" sabay halik sa punong tainga ko. Parang gusto kung magreact dahil sa sobrang kiliti na nararamdaman ko. " what are you doing? " sita ko pero nakapikit pa rin ang mga mata. " I'm waking you up love." feeling ko napakalapit ng kanyang mukha sa akin. Dama ko kasi ang hininga niya. At hindi nga ako nagkamali nang dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Pero muli akong nakapikit matapos magkatagpo ang aming mga titig sa isa't-isa. " lumayo ka nga" sabay tulak sa mukha niya. Nakakaduling kasi kung makipagtitigan ako ng malapitan sa kanya. Nakakawala ng poise. Baka mamaya pati virginity ko mawawala na rin. Oops, sorry my language. " yeah sure, after doing this" at sakop na niya ang bibig ko. Oh sige, pagbigyan. As long as di siya lumampas sa boundary kung ayaw niyang makatikim ng sipa at suntok. Oh siya!! Sige na nga, aaminin ko. Ang sarap humalik ng hudyo. " may balak ka bang anakan ako?" kunot-noo kung sabi ng makatiyempo. " bakit gusto mo ba? " " hindi rin, lakas mong manantsing eh. " " hahahaha.. I love you babe" wika nito na nakayakap pa. " do you love me too? " " heto na nga oh? Nakayakap kana sa 'kin at ilang beses mo na akong nahalikan. Baka naman mamaya yayain mo pa akong makipag all the way para lang maniwala ka." " honey, I want to hear it from you." sabi nito habang ibinaon niya ang kanyang mukha sa leeg ko. Tsansing talaga. " Listen Mr. Laurence Alcantara, I love you very much. Huwag na huwag mo akong paiiyakin kung ayaw mong ipapakulam kita--" hindi pa nga ako natapos sa speech ko tumawa na siya ng malakas. Panira talaga ng moment. " honey I promise di kita paiiyakin dahil sa panloloko. Mmmm. Siguro, pwede pa kitang paiyakin sa sobrang sarap. Promise ko yan" sabi nito ng pabulong. " Many*k!!!! " sabay kurot sa kanya. Hmp!! Makababa na nga ng sasakyan. Pauwi na kami galing tagaytay. Yes. Doon kami napadpad ng yayain ako ni laurence. Ang saya. Talagang nag-eenjoy ako. Gusto niya pa sana dun magstay pero kailangan talaga ako sa trabaho. Dalawang araw lang kami dun. " huwag ka ng bumaba. Alam kong napapagod ka na" suway ko sa kanya ng akmang tanggalin niya ang kanyang seatbelt. " are you sure"? " yep, ok lang talaga. So paano? See you on next- next week? " may business trip kasi si laurence. Kasama ang daddy niya. " behave ha? I love you" tapos binigyan ko na siya ng mabilisan na halik sa lips. Baka kasi mapalitan ako kapag puro katarayan lang ang pinapakita ko. " I love you more, ma miss kita. Video call tayo sa Skype ha? Ikaw din, huwag magpapaligaw. " inirapan ko nalang siya bago ako bumaba. Hinintay ko muna na makaalis ang sasakyan niya bago tuluyang pumasok sa loob. Kukunin ko na sana ang susi sa bag ko ng mapagtanto kong nakabukas ang pinto. Tanging ako lang at ang may-ari ng apartment ang mayroong duplicate. Pero ngayon lang nangyari to. Nagmamadali akong pumasok sa loob. " saan ka galing? " isang malamig na boses ang sumalubong sa'kin nang makapasok ako sa loob. " na-nay? " di ako makapaniwala. " sagutin mo ang tanong ko? Saan ka galing? " halatang nagpipigil ng galit. " ku-kuwan, galing po ako sa isang kaibigan. Sa kanilang probinsya, kailan lang po kayo dumating nay? " biglang bawi ko. Pero di man lang siya sumagot habang naglalakad patungo sa kinatatayuan ko. Pak!! Pak!! Mag-asawang sampal yon. Isang nakakabinging sampal. Parang namanhid bigla ang pisngi sa lakas ng impact. "kailan ka pa natutong magsinungaling. ?" habang pinapakita sa akin ang naiwan kong celphone. Pati ang ipod na may mga larawan ni laurence. " kaya pala ayaw mong umuwi tuwing bakasyon. Dahil busy ka sa pakikipag landian. Kesyo nagtatrabaho ka, kesyo busy ka, kesyo may summer class ka. Pinagkatiwalaan kita dahil ang akala ko ayaw mong makipagboyfriend dahil takot ka na magaya sa 'kin. Ano hah? Ganun lang kadali nakalimutan mo nah? Gusto mo ng matulad sa'kin. Ano Sabrina?sumagot ka??? " Patawad po nay, pero maniwala po kayo, wa-wala po akong ginawang masama. Tsaka malaki na po ako nay. Alam ko na po ang tama at mali- Pak!!! " kahit labag sa loob ko na payagan ka sa gusto mo na dito mag-aral pero pinagbigyan kita. Dahil malaki ang tiwala ko sayo. At sinayang mo lang yon. Ngayon panahon na para ikaw naman ang sumunod sa gusto ko. Uuwi tayo ng mindanao. Doon ka na mag-aral. Wala akong pakialam kung masayang ang scholarship mo. " " nay, huwag po. Please maawa po kayo. Huwag nyo po akong pauwiin. Di ko pa nahanap ang tatay ko. Maawa po kayo nay.." paluhod kung sabi habang nakahawak sa mga kamay niya. "Mag-impake ka na. Ibabalik ko lang ang celphone mo kapag nasa bahay na tayo" **** Kinabukasan : Papunta na kaming airport. Ilang oras nalang at tuluyan ko ng lisanin ang maynila. Di ko na makita si laurence. Napakasakit. Sa isang iglap tuluyang nawala ang pangarap kong makilala ang aking ama.gumuho bigla ang mundo ko. Yon lang kasi ang pinanhahawakan kong pag-asa para mabuo ang pagkatao ko. Pero heto bigo ako.napaluha na naman ako. Ilang sandali pa at nasa airport na kami. Pero heto ako, tahimik na lumuluha. "gusto mo ba talagang makilala ang tatay mo? " Tumango ako. " pagbibigyan kita - sa isang kundisyon " " ano po yon? " " makipag hiwalay ka sa boyfriend mo" Ang hirap. Pero kakayanin ko. Walang tigil ang daloy ng mga luha ko. " sige po" At inabot niya sa'kin ang celphone ko. Wala sa sariling idinial ko ang numero niya. Laurence : "hi babe. Aalis na kami mamaya, after lunch miss me? Where are you? " Mamimiss ko ang boses niya. Sigurado. " nasa mindanao na ako laurence, di na - di na ako babalik ng maynila. Dito na ako mag-aral. Mabuti-pang-kalimutan mo na ako.sorry kong di ako nakapagpaalam ng personal. Biglaan kasi.bye-" " hey babe are you crying?you're just kidding right ?"tuluyan ko ng ibinaba ang celphone. Agad naman g kinuha ni nanay. " ibigay mo sa akin ang lahat ng account mo sa social media pati password nito. -subukan mong kontakin ang lalaking iyon at tuluyan na kitang kaladkarin pauwi sa atin. Nagkaintindihan ba tayo? " opo" *******end of chapter 15
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD