Nina Domingo POV:
Heto na ang kinatatakutan kong mangyari.ang mawala sa akin ng tuluyan ang anak ko. Labing-walong taong gulang ako noon nang ipagbubuntis ko siya. Masyadong bata para maging isang magulang. Mabuti lang sana kung may katuwang ako. Pero sa kasamaang palad, ay wala.
Noong malaman ko na nagdadalangtao ako, ang saya ko. naisipan ko agad na sabihin kay Alfred. Ang ama ni Sabrina.
Pero ng isang araw na handa ko ng sabihin,
nagbago ang pasya ko ng makita ko siya na sinusuyo ang matalik kung kaibigang si Mildred habang umiiyak. Nakipaghiwalay ito kay Alfred dahil sa akin.
Napag-alaman ko na may relasyon pala sila at siya talaga ang mahal ni Alfred, ginamit lang niya ako para mapalapit kay Mildred.
May kahinaan sa utak si Mildred. Dahil kaibigan ko siya, ako ang tagaturo sa kanya. Taga-gawa ng assignments, research project, feasibilty study, lahat. At dahil dun, nakukusensiya siya kaya gusto niyang makipaghiwalay. Hindi ko na kinaya ang pagtatagpong yon. Wala din naman akong mapapala kung ipagpilitan ko ang sarili kay Alfred sapagkat iba ang laman ng kanyang puso. Maaaring panagutan niya ako kung sakaling nalaman niya. Pero hanggang dun nalang. Habambuhay akong masasaktan kapag magkasama kami. Dahil iba ang gusto niyang makasama.
Kasalukuyang papunta kami ni Sabrina sa kumpanyang pinamamahalaan ng pamilya Sandoval. Kung ako ang masusunod, hindi na kailangang magkita pa ang mag-ama. Marami akong doubts. Paano kung hindi siya kilalanin ng kanyang biological father? Kung mangayayari yon, ako ang labis na masasaktan. Pero karapatan ni Sabrina na malaman ang totoo. Nasa tamang edad na rin siya.
" Excuse me maam, hinihintay na po kayo ni Mr. and Mrs. Sandoval sa loob" pukaw ng kanyang sekretarya. So, magkasama pa rin pala sila pati sa kumpanya. Siguro natatakot ang kanyang dear bestfriend na malingat ang kanyang asawa. Maganda ito. Magrereunite ang isang niloloko, manloloko at idagdag mo pa ang isang ahas. Nakakatuwa. Dahil sa mga sandaling ito, ako ang nagsisilbing kontrabida.
Agad naman kaming napatungo ni Sabrina sa kuartong tinutukoy. Bakas sa mukha ni Sabrina ang excitement. Alam ko rin na may nararamdaman din siyang kaba sa mga sandaling ito.
Magarbo at malawak ang opisina ni Alfred. Moderno sa kagamitan. Tanaw niya ang dalawang table. Ano to? Table ng president at vice president ng kumpanya, pinag-isa? Kunsabagay, kailangan naman talaga ni Mildred ang coach. Knowing her, napakahina ng utak nito.
"Oh my God, Nina?! Is that really you? " manghang bulalas ng ex-bestfriend ko. At napatingin naman ang ex-boyfriend ko sa amin. Di ko rin maipagakakaila. Ako man ay nakaramdam ng munting kasiyahan ng makita siya. Naalala ko tuloy ang pinagsamahan namin noon. Mildred is a very kind woman. Para kaming magkapatid noon. Pati magulang nito ay di na 'ko itinuturing na iba. Sayang lang at nagkahiwalay kami sa di inaasahang pagkakataon. Hindi ko pinaglaban si Alfred, kasi alam ko na sa bandang huli ako pa rin ang matatalo. Ano bang panlaban ko kumpara sa kaibigan ko? Mayaman ito. Samantalang ako isang probinsiyana. Magaslaw akong kumilos samantalang siya napakahinhin. Praktikal ako, siya naman ay pursigedo. Palaban ako siya naman ay parang isang bata na kailangan ng proteksyon. Kung hindi ako ang nag-give way noon, alam kung hindi niya kakayanin.
Napahinto ako sa aking iniisip ng bigla siyang lumapit at yumakap sa'kin.
" Sorry bestie, alam kong galit na galit ka sa'kin patawarin mo'ko. " napaiyak na ito.
" Tss. Di ka pa rin nagbabago. Iyakin ka pa rin". Kunwaring galit ko. Baka kasi di ako makakapagpigil at bibigay na rin ako.
"matagal na yon. Kalimutan mo na" pang-aalo ko sa kanya.
Lumapit na rin si Alfred sa'min.
" Patawarin mo rin ako Nina. Dahil sa katarantaduhan ko noon ay nasaktan kita ng labis" aba at napaluha pa siya.
"Siya na ba ang anak natin? " bigla niyang baling kay Sabrina. Nagulat ako. Paano niya nalaman na may anak kami.
" Alam ni Mildred na nagdadalantao ka, kaya pilit siyang nakipaghiwalay sa'kin ng malaman niya ito. "
" patawad Nina, hindi ko sinasadyang ibigin si Alfred noon. Kaya ng makita ko ang pregnancy test result na nasa bag mo, nakipaghiwalay agad ako. Ayaw niyang sanang pumayag kaya sinabi ko na nagdadalangtao ka. Kaya lang nahuli na siya ng puntahan ka niya. Kasi wala ka na dun sa tinitirahan mo. Patawarin mo ako Nina" pagmamakaawa nito habang nakaluhod pa.
" Matatanda na tayo Mildred para pag-usapan ang ganyang bagay. Matagal na yon. Tsaka meron na rin akong prinsepe na talagang nakatadhana para sa akin. Move-on na tayong lahat. Ang pag-uusapan nalang natin ngayon ay ang tungkol kay Sabrina, dahil higit sa lahat siya ang nagsasakripisyo dahil sa pinaggagawa natin noon. Kung ipagpapahintulot mo Mildred, gusto ko sanang maka-usap si Alfred ng sarilinan. "
" walang problema Nina, pero sana dun na tayo sa bahay magpatuloy. " masiglang aya niya na parang nabunotan ng tinik. Kahit ako, gumaan bigla ang pakiramdam.
Sandoval's Mansion :
Alfred's POV:
Sinong mag-aakala na darating ang pagkakataong ito. Ang buong akala ko'y habambuhay kong dadalhin ng aking kunsensya ang masamang ginawa ko noon dulot ng aking kapusokan.
Si Nina Domingo - Matapang at palaban, matalino, mapagmahal, maganda. Wala sinumang lalaki ang hindi maaakit sa kanya. Nagkataon lamang na simula pagkabata ko ay iisa lamang ang laman ng puso ko. At yon ay si Mildred. Kaya lang, masyadong mailap si Mildred. Akala ko noon makakalimutan ko rin siya kapag makatagpo ako ng ibang babae pero nagkamali ako.
Kahanga-hanga ang ugali ni Nina. Dahil sa pagparaya niya natupad ang aking pangarap na makasal sa babaeng pinakamamahal ko. Kaya lang, talagang hindi perpekto ang buhay. Sapagkat nakasama ko nga si Mildred, may kulang pa rin. Yon ang makasama ang panganay kong anak. Ang anak namin ni Nina. Kaya ngayon, napakasaya ko. Nasilayan ko na rin ang panganay ko.
Dahil sa may sakit sa puso si Mildred, hindi na kami pwedeng pang magkaanak matapos maisilang sa Audrey. Kaya noon pa man, gusto ko ng ipahanap si Nina at ang anak namin.
Ang lahat ng ito ay buong buhay kong pasalamatan kay Nina. Kaya bilang sukli sa kanyang ginawa. Susundin ko ang lahat ng gusto niya. Makabawi man lang sa lahat ng atrasong nagawa ko sa kanya.
Natagpuan ko si Nina na kasalukuyang nakaupo malapit sa garden. Halatang may malalim na iniisip.
Nakatalikod siya sa'kin ng bigla siyang nagsasalita.
" Ihahabilin ko na siya sayo. Just promise me one thing- Ilayo mo siya sa pilipinas.
Buong buhay niya wala siyang ibang pangarap kundi ang makilala ka, makasama ka. Naalala ko pa noong bata pa siya, napakamasayahin niya, masigla, malambing, maalalahanin. Pero ang lahat ng yon ay unti-unting napapalitan ng pagiging ilap sa mga tao. Lalo na sa mga batang katulad niya. Tinanong ko siya kung bakit ayaw na niyang makipaglaro. Ang sabi niya mas o.k ang mag-isa dahil ayaw niyang magulo at maingay. Isang araw pinapatawag ako ng principal dahil nakipagsuntokan siya sa kanyang kaklase. Pero nadatnan ko siya na ipinagtatanggol niya ang kanyang sarili. Ang sabi niya mas o.k ang ginawa niyang panununtok kumpara sa manakit ng kapwa sa pamamagitan ng pagbitaw ng masamang salitang tulad ng tawagin siyang putok sa buho o anak sa kawayan. Lumaki siya na palaban. Marunong siyang umintinde ng sitwasyon. Tinanggap niya ang kanyang kalagayan sa buhay ng walang reklamo. Lumaki siyang independent at Ni minsan hindi ko siya pinagsabihan na magtrabaho pero ayaw niyang maging pabigat sa'kin. Alam ko kung bakit gusto niyang mag-aral dito sa manila at yon ay ang mahanap ka at makilala.
Pero nitong huling araw, nakitaan ko siya ng kahinaan. Natuto na siyang magmahal Alfred. Alam kong hindi masama ang magmahal. Pero masyado pang maaga para umibig. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya noon. Ayaw kong matulad siya sa'kin. Naiintindihan mo ba ako?"
nakaramdam ako ng pagkahiya. Ang lahat ng iyon ay naranasan ni Sabrina dahil sa akin. Sana hindi pa huli ang lahat.
" Kung ang lahat ng gusto ko ay kaya mong sundin at gawin, pwede ko siyang iiwan sa pangangalaga mo. Pero kung hindi mo magagawa wala akong ibang choice kundi ang dalhin siya sa pag-uwi dahil yon lang ang tanging paraan para mailayo ko siya sa tukso. I'll give you enough time to figure it out. "
" kaya kung gawin ang lahat. Iyan ay maliit na bagay kumpara sa nagawa ko sa inyong dalawa. Napakalaki ng atraso ko sayo at sa anak natin. Makakaasa ka Nina. "
********
Sabrina's POV:
Kung alam ko lang na ganito lang pala kadali para mahanap ko ang tatay, sana matagal ko ng pinapunta si nanay sa Manila. Masaya ako. At last, nabigyan ng katuparan ang pangarap ko sa buhay. Pero bakit ganun? Ramdam ko pa rin ang kahungkagan. Parang may kulang.
Ang ganda ng bahay nila tatay. Nabanggit niya kanina na tanging iisa lang ang kanyang anak. Ang half-sister ko. Pero hangang ngayon hindi ko pa siya nakikita na bumaba. Sana mabait ito at nakasundo niya.
" Yaya, pakitawagan si Audrey, pakisabi na kakain na" si Tita Mildred yon. Bakas sa kanyang mukha ang kabaitan.
" Ok ka lang ba sab? Alam mo ito ang pinakahihintay ni Audrey ang mameet ang knayang kapatid. Matagal na niyang alam na may kapatid siya. Alam kong magkakasundo kayo. "
" sa-sana po, sorry po tita kung medyo nagulo namin ang buhay nyo-"
"huwag mong isipin yon. Hindi ka nakakagulo hija. Masaya ako dahil sa wakas nagkausap kami ng nanay mo at nagkaayos. " ang bait niya talaga.
" oh my!!! Sabrina!!? "
" Audrey? "
" magkakilala kayo? "
*******end of chapter 15***
Note:
Fast-forward tayo next chapter.
May bagong character na makisali.
Isang sekretarya na astig-