After four years:
(Tifflau group of Companies)
Head Office:
Alex POV:
Abala ang lahat sa paghahanda ng kanilang proposals. Duh goodluck. May the best team win. Samantalang heto ako, kampante na nakaupo sa kanang upuan ng boss ko. Ang pinaka na pinakaguapong boss sa balat ng lupa. Idagdag mo pa ang ooooozing s*x appeal. Pero duh!! Baka sabihin niyo pinagpapantasyahan ko siya. Naku, nagkakamali kayo. Di ko pinangarap ang mapabilang sa babaeng pinaiiyak niya. Alam nyo ba kung bakit? One week per girlfriend ang contract niyan. After that, babush na agad si kung sinoman ang babaeng patay na patay sa kanya na desperadong naghahabol. Tsaka mas gusto ko pang mamuhay base on reality. Eh talagang di kaya ng ganda ko eh. Anu ngayon? In other words di kami talo. Feeling close pa kami niyan. Hmp! Ako lang ata ang sekretaryang nakakatagal sa kanya. Paano, yong iba mahilig landiin si boss. Eh ayaw niya ng ganon. Ayon!! Ang sinumang empleyado na magtangka? Sisante agad. Take note. Hindi lang ako ordinaryong sekretarya, spokesperson din ako. Sa mga facial expression pa lang niya, alam ko na ang ibig sabihin nun. Gusto niyo ng sample? Sige. Watch and learn.
" Are you through with your proposal's presentation? " bored na tanong ni boss idol sa nagpresenta. Nakakunot-noo pa ito habang nagtatanong.
" Yes sir, hmmm, and it's more than a hundred percent profit guarantee, and it's pretty sure that it could give a high satisfaction to our clients. So what do you think about it sir? " Hahahah tinatanong niya pa talaga si boss hahaha.
Biglang nagring ang mobile ni boss at biglang napatayo ito.
" Just ask my assistant about it, I'll be back right after this call." at napatungo na siya sa labas.
Oh see? Pero siyempre mamaya na ako magcomment kapag andyan na si boss baka kasi hindi nila magugustuhan ang sasabihin ko at matsugi ang beauty ko.
So, while waiting our handsome and sexy boss, chika-chika muna sila at si boss lang naman pinag-uusapan nila kesyo superstrict daw and malupit. Duh!!! Wala pa nga silang narinig na bad words on this day malupit agad? Ano na lang kaya if may narinig na silang mura. Ewan ko lang kung hindi sila magkaroon ng temporary loss of memory. Ang ibang gals naman ay nagtatanong kung ano kaya si boss pagdating sa kama. Oh my Geee!!! nakakaloka. Rated PG. Minanyak pa talaga nila si boss.
" So what do you think about it Alex? " biglang natahimik ang lahat. Kung kanina ay parang nasa palengke na busy sa pakikipagtawaran, ngayon naman ay parang nasa simbahan na busy sa pagdadasal. "
" The proposal is very lame. Let's just say, it's too good to be true. And I'm not convince about the high percentage of our possible incoming product earnings. I'm thinking that the proposal was made without conducting surveys, or without putting of so much effort in order to have connections to the market. You know?- connecting people is the best key. Gathering their point of views. It is still very important that we, The Developer/ The Provider must know the needs of the people. I therefore conclude that it is not good enough. I suggest you need to undergo a thorough research regarding with your project." duh!!! Alangan naman mag-aagree ako eh may ibig ipahiwatig ang paglukot ng noo ni boss pogi.
" I'm also thinking the same way. I'm sorry ladies and Gentleman I'm afraid I can't stay long. Let's just resume this conference maybe-tomorrow,same time. Good day!!! " at nagmamadali na itong lumabas. Ako din nagmamadaling sumunod bago mabugahan ng apoy.
Lakad na may sabay takbo. Malayo na kasi si boss.
" Alex!"
" Boss? " hay salamat at napantayan ko na siya sa paglalakad.
" clear my schedule during lunch time. Resume it at two pm. I don't like disturbance. You know what I mean. Am I making myself clear? " tanong nito habang naglalakad ng mabilis.
" crystal clear boss!!! "
"good. If there is any interruption you know what to do. " at binuksan na ang pintoan ng kanyang opisina. Shemay!!! Kaya pala!! May sumalubong agad ng halik. Mapapalaban na naman si boss.
At dahil ako ay isang spokesperson may karapatan din akong gawin ang mga bagay sa mga di kanais-nais na sitwasyon. Kagaya nito.
" Saan si Laurence? " wow na wow. Napatingin ako sa kalendaryo. Wednesday pa lang at pinalitan na siya. Di man lang siya nakaabot ng sabado.
" nasa loob" mataray eh. Taas baba ang kilay niya. Tse!!!
Biglang napatungo agad sa office ni bossing.
Ako naman biglang napaharang.
" Sorry maam pero bawal po kayong pumasok eh"
" Don't block my way or else-"
" what?! " sapakin ko na to eh.
" ano bang posisyon mo dito? " aba tinatanong pa talaga.
" all around maam" totoo naman talaga.
" know your status. Kung ako sayo padaanin mo 'ko kung ayaw mong ipapasisante kita sa boss" wow. Lupit. Hahaha,, ang alam ko kasi single status ako ngayon hahahaha.
" siyanga pala maam may pinapasabi si boss. Simula sa araw na ito. Break na daw kayo. bibigyan kita ng isang minuto para makaalis sa harapan ko at kung ayaw niyong umalis, papasamahan ko kayo sa guard. Mamili kayo? Voluntary exit? Or ipapakaladkad ko kayo?" natakot ata kasi kusa na siyang lumabas. Oh diba? Ngayon alam nyo na ang trabaho ko. Ang hirap. :)
Ninoy airport:
Sabrina's POV:
Fresh from New York. Thanks God at nandito na ako sa Pilipinas kung mahal. It's been four long years. Four years ko na din di nakikita si nanay. Nakakamis. Namiss ko rin ang second family ko. Ang family ni tatay.
Maraming nangyari sa aking buhay mula ng umalis ako at sa ibang bansa na magpatuloy ng pag-aaral. Malaki ang ipinagbago ng buhay ko magmula sa araw na yon.
Pero mula noon, may isang bagay ang hindi nabago. Yon ay ang nararamdaman ko kay Laurence. Hanggang ngayon, siya pa rin ang laman ng puso ko.
Maraming nanligaw pero hindi ko magawang maibaling ang nararamdaman ko sa iba. Kaya naibuhos ko lahat ng atensyon ko sa pag-aaral.
" Welcome back ate, I miss you so much!! " nakangiting bati ni Audrey at mahigpit na nakayakap.
" Hush!!!! Magkasama lang tayo noong isang linggo ikaw talaga audrey... " napailing kong sabi sabay halik kina tatay at tita Mildred.
Magkasama kami ni Audrey na nag-aral sa ibang bansa. Nahuli lang ako dahil sa aking trabaho.
Pinauwi kami ni tatay pareho dahil sa kumpanya. It's about time na daw para maging hands-on. Kinakabahan nga ako kasi wala akong experience di kagaya ni Audrey na kinalakihan na niya ang negosyo ni tatay. Kahit paano may alam siya.
" Nasanay na akong katabi kita sa pagtulog, masisi mo ba ako? " at medyo nagtatampo na. Inakbayan ko nalang tsaka niyakap.
" Paano nalang pag mag-asawa na itong si Sabrina, Audi? Ibig sabihin dalawa kayo ng magiging asawa ni sab ang makakatabi niya? " iiling sabi ni Tita Mildred.
" Naku mom, paano makapag-asawa yan ni wala ngang boyfriend. " at nag me-make a face pa. Loko talaga to.
"Ganun? Mabuti pa ipakilala natin siya sa mga anak ng friends mo hon? , tamang-tama nagpadala ng dinner invitation si Rudy at bukas na yon, what do you think hon? " masayang suhestiyon ni tita.
" Actually Rudy invited us for a family dinner because he offered me a partnership in a big project. He wants to discuss it over dinner. And I want Sabrina to personally handle the project. "
"I don't have any experience tay"
" Don't worry hija, matutuhan mo din yon. Mabuti pa sa bahay nalang natin pag-usapan ang tungkol diyan. "
Tamang-tama gutom na kasi ako.
**********
" Are you sure?" pangungulit ni Audrey. Papunta na sana kami sa sinasabing dinner kaso biglang nag-aalburoto ang tiyan ko. Kaya ayoko nalang sumama. Baka dun pa ako magkalat.
" paki sabi nalang kina tatay na nagkaroon ako ng LBM. Di ko talaga kaya eh. Sorry" agad nalang siyang tumango at umalis na.
*******
Audrey's POV:
kumpleto ang family member ni tito Rudy. Si Tiffany, si tita at si Laurence na nakikipagkwentuhan kay mommy. Samantalang si daddy, tita at tito naman ang nag-uusap. Dalawa kami ni tiffany na taga pakinig sa kanila.
" So what do you think fred? That project is very promising. Sayang pakawalan. Remember the owner of AC company? They're also interested but I refused their offer. Wala akong tiwala sa Rodriguez family matapos nilang i. Withdraw ang kanilang share of investment noong previous project namin. Malaki sana ang losses ko nun. Mabuti nalang at nagawan ko ng paraan at kumita pa rin ako.
" Well, I'm also interested and I have chosen my daughter as my representative since I'm also busy with my other business. "
" Oh that's good,, Kasi si laurence din ang naisipan kung magmanage dun. Tamang -tama iyon sa kanila ni Audrey at Laurence." nasisiyahang sabi ni tita. Hindi pa kasi nila alam na nahanap na ni daddy ang anak nito kay tita Nina. College buddies si tito at daddy kaya alam din nila ang tungkol sa life story ni daddy.
" I'm not referring to Audrey, I'm talking about my daugter with Nina-"
" You mean to say you already found her Alfred?" gulat na tanong ni tita. Napatango naman si daddy.
" Kaya lang Rudy, may hihilingin ako. This is the first time that Sabrina's will handle a project. And you know also about my business, it's not about property development. I'm more on shipments business here in the Philippines and abroad. And Sabrina doesn't have any experience regarding your project's proposal. "
" Don't worry Alfred, Laurence will guide Sabrina. And even train her before the project will start. "
Biglang napatigil sa pagsubo ng pagkain si Laurence habang nakatingin kay daddy. Halatang gulat na gulat ito.
" what-what is her full name again tito? "
" Sabrina, Sabrina Domingo-Sandoval"
**end of chapter 17****