chapter 18- snob boss

1533 Words
Alex POV: What's the drama??!! Duh, pinagreport lang naman ako ni bossing kahit sunday. Mahabaging langit. Gusto ko rin magbeauty rest ano? Si boss talaga, so workaholic. So, since sunday, suot ko ang paborito kong outfit. Duh!!!!! Cargo short with plain shirt and with matching leather jacket. Paki ko sa makakita sa suot ko. Kaya napagkamalan akong tomboy eh. Straight ako noh. Kaya lang mas komportable ako sa ganito. Pati nga uniform ko sa office naiiba sa lahat. Imbes na sexy uniform. Duh!!! Slacks ang sa akin. I told you close kami ni boss. Kaya kahit monster ang tingin ng nakakarami sa kanya. Para sa akin siya pa rin ang anghel na hulog ng langit. Ang pinakamabait na taong nakilala ko. Huwag mo lang lalapitan kapag serious mode ito sa trabaho. Kung ayaw mong masigawan ka. Kaya nga kapag nakasimangot na siya naku, kung pwede lang di muna ako magpapakita sa kanya. Papayag ako. Hay naku buhay parang life. Heto na papasok na ako sa office. Agad ko namang nakikita si boss na may binabasa na mga papeles. " Dyan ka na pala Alex" puna nito na nakayuko pa rin ang kanyang ulo at nakatitig pa rin sa mga papel. " Kindly update me regarding with my schedule next week. I mean, the entire week. " sabi niya habang nagbabasa pa rin. " May meeting kayo sa mga Korean investors tomorrow morning. May lunch meeting kayo with our project suppliers from Bangkok. Then in the afternoon pupunta kayo ng cebu." " wait-" Bigla akong napahinto sa pagbabasa. "Di ba natin pwede i-cancel yong pagpunta ko sa cebu? " "We can't boss. Remember this is our most awaited moment para sa prospect project natin dun. " agad naman siyang napatango. " From Cebu, babalik kayo ng manila sa tuesday para naman sa preparation mo for your singapore conference trip. Tuesday until friday. Then sabado morning until sunday may project site visit kayo sa Palawan. Yon na lahat boss" Yan. Ganyan siya ka halimaw sa trabaho. Ang totoo siya din ang may gusto niyan. Kung anong dahilan siya lang din ang nakakaalam. Yun ang ayaw ko ng alamin pa. Baka mamaya isang malutong na "you're fired!! " paano na ang pinapaaral kong kapatid aber?!! May binigay siyang file. May larawan ng isang magandang babae. Oh wow!! Graduated from New York??? At ang ganda. Ano to? Stalker na ba si boss? " Sunduin mo siya bukas sa nakalagay na address. Train her. Teach her about the flows in this company. But not so fast. Kailangan malaman niya at mapagdaanan niya ang lahat ng posisyon dito. Mula sa pinaka-mababa na posisyon hanggang sa pinakamataas. Be nice to her. I mean, she's different from others. But, don't give her a special treatment. Ikaw na ang bahala magpakilala sa kanya sa iba't-ibang head department." at muli na naman siyang napatingin sa larawan. Parang ang lalim ng iniisip niya. " By the way Alex, I want you to clear my schedule for the entire week right after next week. If there is unexpected conference abroad, I want you to be there as my representative. " " Yes boss. " "Thank you lex, you can go now. " Sa wakas, tuloy ang sunday beauty rest ko. Kinabukasan : Andito na'ko ngayon sa condo ng babaeng susunduin ko. Ang ganda naman dito. Muli kong tiningnan ang unit number. Ito na yon eh. Makadoor bell na nga. Ok waiting mode muna bago ko ulit pindotin tong door bell. Bitbit ko ngayon ang uniform pang utility. Yes. Hindi ba sabi ni boss mula sa pinakamababa na posisyon? Nag-aalangan pa nga ako eh. Kaya tinawagan ko ulit si boss para walang mintis. At isang malutong na OO. Pinagalitan pa ako pagkatapos. Si boss talaga may pagkabipolar. Minsan nice, minsan parang may PMS. Problema ko naman ngayon kung papaano ko 'to sasabihin sa isang maganda at nagtapos pa sa ibang bansa na magsimula siya bilang janitress. Paano kung matarayan ako? Tang.inanag naman nito. Oo palaban ako pero nakakapagod kaya ang magtaray. Ayokong magkakawrinkles ng maaga. Bahala na. Akmang dodoorbell ulit ng biglang bumukas ang pinto. " Hi! My name is Alexandra but you can call me alex and I'm from Tifflau company. Andito po ako maam para sunduin kayo at i. Assist na rin kayo. " sabi ko habang nakatingin sa mukha niya. Maganda kasi. Marami na akong nakikitang magaganda na rumarampa papunta sa office ng amo ko pero naiiba ang beauty niya. " Pasok ka alex." sagot niya matapos akong ngitian. " pasensya kana medyo makalat kakalipat ko lang kasi kahapon. Di pa nailagay sa loob ang mga gamit ko". Hindi naman talaga makalat. May mga malalaking maleta lang kasi ang kanyang living room. " By the way just call me Sab. My friends call me that way" at ngumiti na naman siya. Wow ha. Nakakatouch! First meet pa lang namin pero tinuring na niya akong kaibigan. " Ok sab " Sabrina's POV: Ang sakit ng braso ko. Kakarating ko lang galing kumpanya. Napagod ako ng husto. Buong araw kasi akong nagma-mop. Aaminin ko. Kakaiba ang training na ginawa namin. Nakakachallenge. One week akong magtatrabaho bilang taga-mop sa hallway. At sa iba't-ibang department. Ughhhh! Sakit talaga. Biglang tumunog ang celphone ko. " Hello tay? " dahil pumayag ako sa kagustuhan ni tatay. Binilhan niya ako ng condo na malapit sa Tifflao company. Makasama ko rin dito si auntie Rosa. Sa susunod na linggo pa ito darating. Nakasama ko na siya sa new york. Kasama namin siya ni audrey dun. " kumusta ang training mo anak? " " uhm, uhm, ma-mabuti naman po. Marami po akong nakilala at saka mababait naman po sila. " na kabaliktaran naman. Tanging si alex lang ang mabait dun. Pero sa akin na nalang yon at wala akong balak na sabihin kay tatay. Ayokong mag-alala siya. " good to hear it. Kumain ka na ba? " "kakain pa lang po tay" ang totoo parang gusto ko nalang matulog at huwag nalang kumain. " ok anak, see you this weekend. Bye" yon kasi ang napagkasunduan namin. Ang matulog sa mansion tuwing sabado at linggo. ********* Second day as being the utility girl. " sabrina, pakidala nga lahat to sa stock room. Pakibilis lang ha at marami ka pang hahakutin sa ibang department. " kakatapos ko lang manghakot ng kanilang basura. Malapit ng maglunch. Bilisan ko nalang para matapos ko agad. Teka saan kaya ang stock room? Mabuti pa tanungin ko nalang si manong Rico. Nakilala ko siya kahapon. Janitor din. Siya din tumulong sa'kin para madaling matapos ang paglilinis ko. " Manong Rico saan po banda ang stock room? " abala din ito sa paglilinis. " nasa 25th floor neng, teka ano ba yang nasa cart wheel mo? Mukhang mabigat yan ah. Naku dadalhin mo ba yan doon? Under maintenance pa naman ang elevator ngayon. Hintayin mo nalang na maging ok ang elevator bago mo yan hakutin. " sabi nito habang abala sa pagma-mop ng sahig. " naku baka matagalan pa bago matapos manong maghahagdan nalang ako may hahakutin pa kasi sa ibang department. Sige po manong salamat po. " nasa ground floor ako ngayon. Ibig sabihin mapapalaban na naman ako nito. Kaya mo to sab. Kung dati nakaya mong harapin ang mga bully mong classmates ito pa kaya? Naliligo na'ko ng pawis sa kakabitbit nitong boxes na may mga laman na papel. Meron pang naiwan sa kareton sa ibaba. At kasalukuyang nasa 15th floor pa lang ako. 16th floor- [ kaya pa! ] - - 20th floor-[nakakagutom din pala, pero kunti nalang. Malapit na. ] - - -25th floor [ kakapagod na. Di bale andito na'ko] Saan kaya dito ang stock room? Ayon may gwardiya! Magtatanong nalang ako. " Saan po dito ang stock room? " " naku, puno na ang stock room dito. Subukan mo nalang sa 50th floor. " nakasimangot pang sabi sa'kin. Di na ako makasingit sa kanya. Oh my God. Nagugutom na ako. :(. Bilang mode na naman si ako. 26th floor - [laban lang! Isipin ko nalang na para kay tatay tong ginawa ko. ] - - - 30th floor-[ pwede naman sigurong maupo muna ano?, nakakahingal din pala ang ganito. Tuluyan na akong napaupo sa tiles matapos maisantabi ang mga boxes. Quarter to one pm na. Mabuti nalang at may baon akong sandwich sa maliit kung bag. Kainin ko muna. Nakapikit ang aking mga mata habang ngumunguya. Ang sarap matulog. Sana sabado na......... ******* Alex POV: Kawawa naman si Sab. Bakit ba kasi kailangan niya ang maging utility girl muna bago mapunta sa mataas na posisyon. Ayan tuloy nakatulog dahil sa sobrang pagod. At ito namang katabi ko. Tahimik lamang habang minamasdan siya. Sino pa nga ba eh di si bossing. Oo. Nakabalik na siya galing cebu. Mamayang 3pm pa ang flight niya papuntang singapore. " Boss, hahayaan na lang ba natin siya na dito matutulog? Baka kasi mahulog siya sa hagdanan. " kung lalaki lang sana ako binuhat ko na siya kanina pa. Muli kung tiningnan si sab habang mahimbing sa pagtulog. Bahagyang nakanganga pa ng kunti ang bibig niya habang nakasandal sa semento. May bitbit pa siyang sandwich. " mukhang di pa siya nakapaglunch boss" nakatingala kung sabi sa kanya na nakakrus pa ang mga kamay sa dibdib nito. Wala man lang reaksyon buhat sa kanya at tumalikod pa ito. " Gisingin mo siya at sabayan mo siyang maglunch". Pagkatapos ay naglalalakad na ito palayo. Ang snob naman ni bossing. Hindi ba pwedeng siya na lang ang maging kasabay ni sab? End of chapter 18****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD