chapter 19- nice to see you (again)

1592 Words
Sabrina's POV: Nakatulog pala ako kanina. Mabuti nalang ginising ako ni Alex. Nakakahiya nga kasi dalawa sila ng boss niya ang nakakita sa'kin habang tulog ako. Kakahiya naman sa kaibigan ni tatay. Ano nga ulit pangalan nun? Parang Rudy. Sayang nga at hindi ko pa siya nameet. Busy kasi siya sa kanyang singapore trip. Yun ang sabi ni alex sa akin kanina. Naku Ano kayang itsura nun? Ang sabi ni tita Mildred may anak na binata si boss Rudy. Teka bakit ba bigla nalang ako nagkaroon ng interest. Hay naku. Tatapusan ko nga lang tong hinahakot ko. Mabuti nalang at pwede ng magamit ulit ang elevator. Hindi na ako mahihirapan. Nakasabayan ko sa elevator ang tatlong babae. Siguro taga-accounting department sila. Dun ko kasi nakita ang uniporming kapareha ng suot nila ngayon. Napangiti ako sa kanila. Siyempre ako ang baguhan kaya ako dapat ang maging friendly. Yes. Palakaibigan na'ko ngayon hindi tulad ng dati. Well, sabihin nalang natin na nagbago na ako. Kasi wala ng dahilan para maging mailap sa mga tao. Wala na kasi akong bitterness sa buhay. Yun nga lang zero ang love life ko pero bata pa naman ako. Akala ko magsmile back din sila sa'kin pero naka ignore mode lang sila. Hinayaan ko nalang. " Girl alam nyo ba? May nahuli si Pres. kanina na natutulog during working time. Naku pasalamat siya at busy si papa L. Naku Kung nagkataon na mainit ang ulo nito tiyak nasisante agad siya. Alam nyo naman si papa L, superstrict yon. " tumingin pa sa'kin pagkatapos tsaka umirap. So ako yong pinariringgan niya. Tsk. Tsk. Ano kayang problema niya sa'kin? Hahayaan ko nalang sila at kunwari na hindi ko sila narinig. Hindi naman yon working time eh. Lunch break kaya yon. " Hoy bakla! Alam nyo ba? Wala na namang gf si president. Hay sana this time mapapansin na niya ako" Teka sandali, akala ko ba kasing edad ni tatay ang may-ari ng kumpanyang ito. Palihim akong napasulyap sa nagsasalita. Parang magkasing -edad lang kami. Ibig sabihin gusto niya yong matured? " Asa!!!! Palibhasa bagohan ka pa lang dito. Hindi mo ba nababasa ang company handbook natin? Bawal dito umibig sa big boss oi, kung ayaw mong masisante. Naku bakla! Basa-basa din pag may time. Tsaka si president? Naku mga model ang dinidate nun. Take note-international model. Ang iba rumarampa sa victoria's secret collection. At ang iba naman mga mayayaman. Mostly graduated from harvard. Ganun ang mga gusto ni president. " na parang gusto niyang sabunotan ang kinakausap habang inirapan pa ito. Sinuklian naman ng irap sa isa. Nakakatawa naman tawagan nila. Siguro pangarap nilang maging GAY. Naku ha. Siguro napakaguapo ng kung sinomang president ang tinutukoy niya. Hmp! Kung sino man yon. Talo pa rin siya sa kaguapohan ng Laurence ko. " Sus bakla walang silbi ang kanilang yaman at ganda laban sa isang patak na love potion na ipapainom ko kay papa president. Pati yang sinasabi mong company handbook? mawawala ang bisa niyan kapag sobrang inlove na sa akin si--aray ko!!! Bakit ka ba nanampal bakla? " sabay kamot sa pisngi nito na natamaan sa kanyang kamay. " Eh paano ang haharot mo lang naman te,.walang hiya ka balak mo pa ata akong unahan kay president" sabi nito at nauna ng lumabas sa elevator habang nakasunod ang dalawa niyang kasama. Naiwan akong mag-isa. Ang saya naman nila. Bigla kung naalala mga friends ko sa amerika. Pero hindi ko naman talaga super close yon eh. Yong magkasama lang kami pag nasa school. Si Audrey talaga ang always kong ka-bonding dun. Mapa school o mapabahay. Nagtatampo kasi yon kapag makipagbonding ako sa iba. Naalala ko bigla si Dianne. Pati si Marky at Abigail. Kumusta na kaya sila? Sila kasi ang kaibigan ko dito. Kaibigan na walang gimikan. :). Hay! Kailan kaya ako magkaroon ng best buddies talaga. Yong makakabonding mo sa tawanan at gimikan. Masyadong kasing boring ang buhay ko. Hindi bale, ang importante buo na ang pagkatao ko. Meron na akong nanay at tatay. Yon lang naman ang importante sa'kin. Bilis ng oras kasi uwian na naman. Heto nga at nag-aabang ako ng taxi. Tamad akong magdrive kaya di ko ginagamit ang kotse ko. Ayoko rin magkaroon ng driver. Masyadong kalabisan naman kasi yon. Biglang may magarang kotse na huminto sa tapat ko. " Hatid na kita sab, sakay na" kala ko kung sino si Alex lang pala. " Ang yaman mo naman, paiba-iba ang kotse mo" kasi yong sinundo niya ako ibang kotse din ang kanyang dala nun. " Kay bossing ito issue nya sa'kin. Galing kasi akong airport. Hinatid ko siya dun. Alam mo naman. Kapag si boss nasa manila at walang business trip abroad. ako ang naging driver niya. Nagdadrive lang yon sa mga personal na lakad niya. Like for example kung kasabay niya yong mommy niya or yong sister niya. Siya talaga nagdadrive. Ayaw niyang ilagay sa peligro ang mahal niya sa buhay. Mapili kasi yon sa mga driver. Maswerte nga ako kasi pinagkatiwalaan niya akong ipagdrive siya. " " Matagal ka na ba sa Tifflau? " " Medyo. kaya kabisado ko na ugali ng boss ko." at kumibit balikat pagkatapos. Gusto ko sanang itanong kung ilan taon na ang boss niya kaso nahihiya naman ako. " Alex, pwede bang ihatid mo nalang ako sa Luneta park? " pakiramdam ko kasi masyadong nakakaboring mag-isa sa condo kung uuwi agad ako dun. " Sure!! Gusto mo samahan pa kitang mamasyal? " " Oo bah" napangiti na ako ng malapad dahil kahit papaano may makakasama ako sa pamamasyal. Luneta Park: It's been four years. Parang kailan lang. Coincide lang kaya yon? Kasi feeling ko nagkatotoo ang hiniling ko. Dito ko yon hiniling eh. Naalala ko tuloy si Laurence. Kasi dito- dito niya ako pinipicture-an. Yong nakaakbay siya sa'kin. "wish ko? Happiness." "ikaw? Anong wish mo? " Napangiti siya. "wish ko? Hinihiling ko na sana kung anuman ang hinihiling mo ay matupad yon. " "halika papicture tayo,. Dapat may remembrance ka sa lugar na 'to. Malay natin one of these days matutupad ang wish mo. At least may babalikan kang alaala. " - may babalikan kang alaala........ - may babalikan kang alaala........ -may babalikan kang alaalan........ " o.k ka lang ba sab? "..... Alex POV: Bakit kaya napakalungkot ng kanyang mukha habang tanaw niya ang sumasayaw na fountain na may mga iba't-ibang kulay. Kanina pa siya nakahawak sa kanyang necklace na may heart pendant. "ok ka lang ba sab? " di na ako nakatiis. Pakiramdam ko kasi anumang oras ay papatak ang kanyang luha na kanina niya pa pinipigilan. " yeah--may- may naalala lang ako" nakangiti niyang sabi pero di man lang umabot sa kanyang mga mata. "Boyfriend mo? " Umiling lamang siya. " ex-boyfriend mo? " "oo" tipid niyang sabi. " anong nangyari? Bakit kayo nagkahiwalay? " wala na. Curious na tuloy ako. Basta love story gusto ko ng makipagkwento. " iniwan ko siya" tuluyan ng pumatak ang kanyang luha. Bigla ko naman siyang inabutan ng panyo. " thanks! " at pinunasan na niya ang kanyang pisngi. " Oh no!, do you still love him? Bakit mo siya iniwan? " " It's very complicated. Mahirap sabihin. Tsaka siguro hindi talaga kami para sa isa't-isa. " " naku malay mo magkita ulit kayo at magkausap. Muling magkaayos. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Ganyan naman ang pag-ibig diba? Magkahiwalay, magkalayo, magkatagpo muli. Kahit gaano pa katagal ng panahon bago kayo pagtagpuin muli kung kayo-kayo talaga. " " palagay ko hindi na kami magkita pa. Tagal na yun. Galit yon sa'kin eh. Kasi bigla nalang akong nawala. " malungkot na sabi niya. Sabrina's POV: " palagay ko hindi na kami magkita pa. Tagal na yun. Galit yon sa'kin eh. Kasi bigla nalang akong nawala. " Pinalitan kasi ni nanay lahat ng password ko sa social media account. Pati celphone ko di rin niya sinauli. Eh hindi ako mahilig magmemorya ng mga numero kaya wala akong balita sa kanya mula nun. Nagiging busy rin ang buhay ko mula ng nakilala ko si tatay. Akala ko rin nun makalimutan ki rin siya. Nagkamali ako. "Oh sorry to hear that. " nakayakap na sabi ni Alex sa'kin. " wala yon. Sorry din kasi nag-oover acting ako. Ngayon ko lang kasi ibinuhos lahat ng nararamdaman ko. " hindi ko naman kasi sinasabi kay Audrey noon tungkol kay Laurence. Alam ko kasi na magkakilala sila. Kaya sinarili ko na lamang. May usapan din kami ni tatay na tapusin ko muna pag-aaral bago love life. Pati kay Audrey yon din ang gusto ni tatay. ******* Lunes na naman. I'm just wondering kung anong position ang i-aasign sa'kin. Sabi kasi ni Alex one week lang ako bilang janitress. Maaga akong pumunta sa kumpanya. Dahil di pa kami nagkita ni Alex, bumalik ako sa lungga ng mga janitor. " Mabuti naman at nandito kana Sabrina. Natatandaan mo last tuesday? Di ba sabi ko sayo may hahakutin ka pa sa ibang department? Hindi mo man lang ako tinanong ulit tungkol dun. Nakalimutan ko tuloy. Pumunta ka nga sa marketing department kasi andun lahat ang hahakutin mo. Pakibilisan lang ha? " pagkatapos tumalikod na. Ang sungit talaga niya. Ok nga ang elevator at maswerte nga ako dahil hindi ko na kailangan pang pumanhik ng hagdanan. Malas pa rin eh. Kasi walang cart wheel na paglalagyan ng mga hahakutin ko. Kaya heto naglalakad ako sa hallway na halos hindi ko makikita ang madadaanan ko. Patagilid pa ako habang naglalakad dahil sa dami ng dala ko. Lampas ulo ko ito sa sobrang dami. Kailangan ko kasing matapos agad. Lakad. Lakad. Lakad. Nang bigla akong may nakabangga. Oh God!!!! Nagkalat lang naman ang mga papel na dala ko. Di ko alam kung anong uunahin ko na pulutin. " What the hell!! "" boses lalaki. Siya pa ang galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD