chapter 3-The first encounter.

1141 Words
Rence POV: "Dude totoo ba? " pambungad na tanong ni Jacob na kararating lang sa aming tambayan dito sa loob ng campus. Walang sinuman ang nakakaalam na may tambayan kami sa pinaka-rooftop sa isa sa mga school building sa loob ng unibersidad. Sinadya ko itong pagandahin para sa aming barkada at walang sinuman ang puwedeng makapasok. "Ang alin? " tipid kung tanong habang busy sa kakatingin ng aking iphone. Naka-access lang naman sa aking gadget ang bawat CCTV coverage sa buong campus areas. Maliban na lang sa mga female comfort rooms. Bakit? Gusto ko lang pagmasdan ang bawat galaw ng mga estudyante habang nasa loob ng campus. Kung itatanong nyo kung paano ko 'to nagawa, well I have my ways. Sige na nga, grandparents ko ang may-ari nitong school kaya nagagawa ko ang gusto ko. Kung itatanong niyo kung gaano ako kayaman. Huwag na. Hindi ako mahilig magkwento sa kayamanan ng mga magulang ko. " kung totoo bang hiwalay na kayo ni Roan? " si Jacob ulit. If I know matagal na siyang may gusto sa babaeng yon kaya lang kahit anong papacute niya, hindi siya pinapansin sa huli. "last week lang, bakit? Balak mo siyang ligawan? " "ayos lang ba dude?" "bahala ka na sa kanya,." pawalang bahala kung sagot. "Tol, nakalimutan mo na ba? Sinaktan niya si Audrey. Tapos ngayon liligawan mo? " kontrang sabi ni Nick. "Oo nga tol, Roan is a b***h. Maghanap ka na lang ng matinong babae. " sang-ayon naman ni James habang naglalaro ng gitara. " hindi ko naman siya seryosohin mga tol, gusto ko lang matikman ang kanyang mga tamis na halik. " sabi nito habang nakapikit ang mga mata. "ulol!!! Kailan ka pa naging manyak pare. Ikaw ba yan? Ang alam ko. Nagsusungit-sungitan ka para makawala sa mga clingy girls. And, speaking of Roan. Mas sobra pa siya sa ganon. " ani ni Philip. "for a change mga dude," kibit-balikat nitong sabi. " aha! chicks hunting tol? " tanong ni James patungkol sa'king ginagawa. "nope" tipid kong sabi. Biglang akong napatigil sa'king ginagawa. Siya kaya 'to? How come that she's here? ******** Sab POV: Dalawang oras na akong nagbabasa ng libro pero pakiramdam ko walang pumapasok sa aking utak. Di pwede to. Meron kaming long quiz mamaya. Ano na lang isasagot ko kung hindi ko maiintindihan ang binabasa ko. Ang hirap naman kasing intindihin. Sumasakit na ang ulo ko. Ok. Tama na muna to. Parang sasabog na ang utak ko. Hmmmm. Pisil sentido muna. Tama, baka mamaya sa sobrang aral ay mabaliw ako. Ilang sandali pa ang lumipas ay may biglang may kumalabit sa braso ko. Bastos to ah. Sino kaya tong hinayopak na to. Pwede naman niya akong kausapin. Kalabit pa talaga? Kunot noong napatingin sa katabi. "Do you have an extra pen? Can I borrow? " ngiting tanong ng isang lalaki. Akala niya siguro nakakatawa ang ginagawa niya. Napailing ako. Sabay pikit ulit ng mga mata ko. Maya't-maya ay may kumalabit ulit. Nanadya talaga. Muli kung tiningnan ang katabi. Ngayon nakangiting aso na siya. Bastos talaga. "may nakapagsabi na ba sayo na maganda ka? " sabi nito habang sinasadya niyang papungayin ang mga mata. Kung titingnang mabuti ay parang napuwing lang. Sarap batukan. "meron. Ang nanay ko" sabi ko habang pinipigilan ko ang aking sarili. Sarap batukan talaga. Pikit mata ulit. Sakit ng ulo ko talaga. Nagpapasalamat ako at parang natahimik na ang katabi ko. Hay! Sana umalis na siya. Fake cough. Dahan-dahan kung idinilat ang aking mga mata. Hala!! Bakit napakalapit ng mukha ng lalaki na nasa tabi ko . Parang akma niya akong halikan. " so, ginawa na palang dating place ang library? " kunot-noong sabi ng poging lalaki. My goodness. Bakit andito siya sa harapan ko. Kasama pa ang mga kaibigan niya. Ang gaguapo naman. Lahat sila naka crossed-armed. "Excuse me, wala akong kinalaman sa pinagsasabi mo" tanggol ko sa sarili. Habang ang katabi ko naman ay parang nag-eenjoy pa lalo habang palipat-lipat ng tingin sa akin at sa lalaking nambibintang sa'min. " Don't deny it ms.-Domingo, diba nakapikit pa ang mga mata mo habang hinihintay kang halikan ng lalaking ito. " akusa nito matapos hablutin ang school I.D. ko. "hindi totoo yan! Nakapikit ang mga mata ko dahil sumasakit ang ulo ko. At siya! Hindi ko siya kilala. Magsalita ka nga! " mamula-mula kong sabi habang di ko mapigilang di mahampas ang katabi ko. Hindi man lang nagawang magsalita ang lalaki at nagkibit balikat pa. "Sa guidance office na kayo magpapaliwanag" sabi nito habang tangay ang I.D. ko. Kasunod ang kanyang mga kaibigan. Paano na'ko makapasok sa school bukas.. Laglag ang balikat ko habang palabas ng guidance office. Di ko pa rin nakuha ang aking I.D at nandun pa sa Laurence na yon. Grabe naman. Dahil sa paratang niya, di na ako makapunta ng library ng buong semester. Paano na ako makapag-aral ni wala akong pambili ng libro. Pa'no na ang scholarship ko. Gusto kong umiyak. Mabuti nalang at binigyan ako ng gate access galing guidance office para lang makapasok kahit walang I. D. Wala na akong magawa pa. "Ok ka lang ba sab? " tanong ni Ian habang nakaupo sa tabi ko. Nasa loob na ako ngayon ng aming classroom. Mabuti nalang at hindi pa dumating ang aming professor. Isang tango lang isinagot ko. "Umiiyak ka ba" alala niyang tanong. Napailing ako. Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong napaluha. "share mo please at ng matulungan kita, we're friends right?" alo nito sa'kin "pinagbintangan akong nakipaghalikan sa loob ng library. At alam mo ba kung sino ang nangbintang? Yong crush mo na si Laurence." Sabi ko sa kanya habang tinutukoy ang lalaking kinaiinisan ko. "Oh no!!! Gusto mo kausapin ko siya for you? " "huwag na. Hindi rin naman mababago ang isip niya. Tsaka pinahiya na niya ako sa lahat ng estudyante na nasa library kanina" "sorry sab, kung nandun lang sana ako kanina maipagtanggol sana kita. " malungkot nitong sabi. "wala yun" tipid kung sabi habang pinupunasan ang mga luha ko sa pisngi. " ******* Nanay bebang food chain: "Para kang pinagsakluban ng langit sab? May nangyari ba?" pagmamalasakit na tanong ni mark habang pinupunasan ang counter. "wala!! sumasakit lang ang ulo ko" tipid kong sagot sa kanya habang pilit na nakangiti. Para tigilan niya ako sa kakatanong. Mabuti nalang at wala masyadong customer at medyo nakakarelax pa ako ng kunti habang walang nagbabayad. Iniisip ko lang kung anong dapat kung gawin ngayong di na 'ko pwedeng makapanghiram ng libro sa library. Wala na akong ibang magagawa pa kundi ipambili ang naipon kung pera. Balak ko pa sanang bumili ng mumurahing tablet para magamit ko na rin sa school. Pahamak talaga ang lalaking yun. At si Laurence naman, napaka dirty-minded. "Sab, ok ka lang? Kanina ka pa walang kibo?" nagtatakang tanong ni Abby sa 'kin. "Wala may iniisip lang ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD