Kalahating bahagi ng kanyang mga mata ang nakapikit habang binubuksan ni Sabrina ang pintuan ng kanyang inuupahang apartment.
Every 10:30 ng gabi kung makarating siya ng kanyang tinutuluyan.
Sa sobrang pagod, parang gusto na niyang matulog na lang at hindi na magpalit ng damit.
Sa sobrang lagkit ng kanyang katawan, napilitan na rin siyang bumangon at pumunta ng banyo.
Naalala niya si Audrey, ang gaan ng pakiramdam niya dito. Ang ganda niya. Naalala niya ang mga mata nito. Napakaamo.
Siguro kung nagkatuluyan lamang ang kanyan nanay at tatay, napaka ideal sana ng kanyang buhay ngayon.
Puro aral nalang ang kanyang aatupagin. Hindi na niya kailangan pang magtrabaho.
Masaya siguro ang kanyang teenage life.
Ang sarap siguro ng pakiramdam kung may tinatawag na tatay.
Tsk! Tsk! Tsk!
How I hate this feeling.....
Kahit saang lupalop ka pa magtatago tay, hahanapin kita.
Pero siyempre tapusin ko muna ang pag-aaral ko. Para naman ipagmamalaki mo ako.
*******
Napakaaga ng aking caller, akala ko kung sino, kapatid ko lang pala. Mabuti na rin dahil oras na para bumangon.
"Good morning mahal kong Fatima, bakit napatawag ka? "
"Ayaw mo nun? Alam ko kasi namimiss mo na ako. Excited lang akong batiin ka.. Advance happy birthday ate.."
"tagal pa yun, if I know, malaki siguro nakupit mo kay nanay ano? Kaya napatawag ka? "
"hindi ah, may ipon ako noh. Talagang namiss lang kita ate. Marami bang pogi dyan ate? Nakita mo na ba ang prince charming mo? Uyyy. "
" Oo naman, parang artista sa kaguapohan. Maraming tisoy dito"
Bigla kong naalala ang lalaki kagabi.
Delete. Delete. Delete.
"Uy fatima, napakabata mo pa para sa mga pogi na yan. Saan mo ba yan nakukuha?
" Si ate talaga I'm turning ten na noh. Ang mga kaklase ko nga may mga crushes na. Pero di ko sila gagayahin. Siyempre gusto ko rin maging katulad sayo. Gusto ko rin maging iskolar katulad mo para dyan din ako makapag-aral. At para makatagpo ko rin si prince charming ng buhay ko. "
"Eh kung isusumbong kita kay nanay? Para ngayon pa lang ikukulong ka nalang sa bahay? "
"Ate talaga oh, napa kj. Ang bata mo pa, pero ugali mo pang old maid nah"
Hindi ko mapigilan di mapangiti..
Alam niyang di totoong nagagalit ako.
"alam mo princess, namiss kita, pati si nanay. Kiss mo ako sa kanya ha? "
Di ko mapigilang di maiyak.
Di kasi ako umuuwi.
Nagtatrabaho ako tuwing bakasyon.
" kami rin ate, namiss ka rin namin"
Malungkot nitong sabi.
"Ate?? "
"hmm? "
"pag nahanap mo na ba ang tatay mo, iiwan mo na kami? "
Nabigla ako sa tanong niya.
" bakit mo naman naitanong yan? "
" narinig ko sila nanay at tatay, pinag-usapan ka nila. Tapos nag-aalala si nanay, natatakot siya na baka ilayo ka ng tatay mo pag natagpuan ka niya"
" Of course hindi ko yan hahayaan na mangyari. Pakisabi kay nanay na mahal na mahal ko siya at di ko yun kayang gawin. "
"Ok ate, babay.. I love you ate "
"love you too little sis. Ingat kayo dyan"
Anu ba yan, ang aga-aga pero umiiyak na ako.. Mmmm. Makahanda na nga lang.
*******
Kasalukuyang kong binabasa ang aking dapat gagawin sa linggong ito habang naglalakad sa pasilyo ng unibersidad.
Doing research for the next week term-paper
Check √
Borrowing humanities book in the library-
Later--
Preparing for a quiz (taxation subject)
Later--
Showing video to our guidance department officer. (Audrey case).
Done√
Hmmm, ito ang dahilan kung bakit di ako nakapagreview kahapon.
Na hindi ko dapat ginawa.
Pero paano kung gagawin ulit yun ni Roan sa kanya..
Bahala na...
"Look rence, it's not my fault! Believe me.. Please talk to me"
Panic-mode na pakiusap ni Roan sa boyfriend niya habang naglalakad sa pasilyo.
Nakitsismis na rin ang ibang estudyante.
Hala! Pinagbubulungan na sila.
"Stop it Roan, I saw the video. For pity sake she's our family friend. Most likely my sister. Pero anong ginawa mo? Sinaktan mo siya? Let's stop this nonsense. It's over! Listen everyone! Kung sino man sa inyo ang sinasaktan ng babaeng ito. Isumbong nyo na agad sa guidance office. This school will never tolerates student having with immature attitude."
And you woman! Stop following me or else I swear, I will never let you enter in this university again!" sabay talikod at naglalakad palayo.
Shocks kakatakot naman nun. Naiwang speechless si bruhita.
Sayang!
Naudlot ang kanyang colorful na life.
Bago pa niya ako makita, maka-exit na nga.
Ganyan naman talaga ang buhay, hindi lahat nasa itaas ka.
Bully pa more....
**********
(Audrey's P.O.V)
Kanina pa ako nagpaikot-ikot sa loob ng paaralan para hanapin ang babaeng nagtanggol sa 'kin kahapon.
Nakalimutan ko ang pangalan niya.
Ano nga ba yun?
Sam?
Sab?
Sol?
Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip.
Mana kasi ako kay mommy.
Madaling makalimot.
First time na may nagtatanggol sa 'kin.
Ang sarap pala sa pakiramdam na ipinagtatanggol ka.
Saan na ba kasi ang saviour niya.
Sayang.
Libre ko pa naman sana siya ng lunch.
Next time ko nalang siya hanapin.
Makapunta na nga sa cafeteria...
(fake cough)!!!
Sino yun?
Lingon sa kaliwa. Wala
Lingon sa kanan. Wala rin
Sure ako.. Galing sa likuran ko yun.
Woaahhh.
For the first time in history???
Si nick ba talaga toh?
"Where are you going? " bungad na tanong niya.
"Dun oh" sabay turo ko sa cafeteria.
Mais na malagkit.. Guapo mo talaga papa nick.
Strict looking eyes,
kissable lips,
rosy cheeks,
hayyy.
Mabuti nalang makapal itong eye glasses ko. Hindi halata na nakakatitig ako sa kanya.
"Why are you staring at me?"
Patay! Buking agad..
" kinakausap mo ako diba? Natural titigan kita."
Palusot. Palusot. Palusot. Maniwala ka na pls.
Now he's smirking.....
Ay shit.. Cute mo naman.
" I thought you're just checking me"
Ansabeh!????
"Assuming much? " giving him my smirk as well.
Akala mo ikaw lang marunong huh.
And now his face is back to serious mode.
"By the way, rence is looking for you. Inutusan niya akong hanapin ka. " sabi nito at naglalakad palayo.
Di man lang ako hinintay.
Sarap batukan.
Kundi lang talaga kita crush naku....
"Where have you been, young lady? " Panimulang tanong ni laurence sa 'kin.
Kasama niya ang kanyang mga friends. Lahat sila guapo. Pero siyempre mas nakakaangat ang aking one and only nick.
Lahat sila hinahabol ng mga chicks. Kaya palagi akong inaaway ng mga bee's dito sa school dahil ako lang iyong female friend nila.
Wala nga akong kapatid pero sa tuwing makakasama ko sila, secure na secure ako. They're just like my brothers.
Hmmmm...
sige na nga,
para ko na silang kapatid,
maliban kay nick.
Simula bata ganyan na yan siya. Very silent. Pero kapag kaming dalawa lang. Sweet naman siya. Palagi niya akong binibigyan ng stuff toy. Kasi alam niyang mahilig akong magcollect nun.
Noong bata pa kami, palagi niya akong binibigyan ng chocolates. Kaya pudpud lahat ang ngipin ko noong grade school ako.
Pero ngayon hindi nah.
" Spacing out again, audrey? " Balik tanong ni laurence.
" Iniisip ko lang 'yong babae na tumulong sa 'kin kahapon" palusot ko.
" First time na may tumulong sayo ah. Maganda ba siya? " tanong ni James.
" sobra! " tipid kung sabi..habang kumakain.
Mmmmm.. Sino kayang umorder ng pagkain sa akin. Galing naman. paborito ko kasi.
"Woahhhhh!!!!
Lahat sila nagreact.
Anong course niya!? Tanong ni Jacob.
Anong pangalan niya!? Tanong ni James ulit.
Sexy ba siya!? Tanong ni Philip.
Kailan mo siya ipakilala sa 'min? Chorus nilang tanong.
" Wala akong balak, mga pervert kayo eh".
"Ikaw talaga Audrey! Wag naman ganyan" si Jacob ulit.
Ignore. Subo. Nguya. Lamon.
Processing.....
Wait...
"Tub.,ig.. Tub-big. " nabulunan ako eh.
Mabuti nalang to the rescue sa papa nick. Pero in serious mode ulit.
" Oh my G! Thanks for the water sweetie," while giving my fake smile to him.
"Oi" si Audrey dalaga nah". Sabay nilang sabi.
Rolled eyes!!!
"Duh!! Anyway guys, thanks sa food. Nabusog ako. "
"Hindi naman talaga sayo yun eh, hala ka? "
Naguguluhan ako. Akala ko ba ililibre nila ako.
"bakit kanino ba dapat yun? " tanong ko.
"Kay Nick" sabay turo sa tinutukoy.
Tawanan silang lahat.
" pinapatawag niyo ako diba? Akala ko ililibre nyo ako? " palusot ko.
Naku,, nakakadiscourage ang ginawa ko. Baka sabihin niya napakatakaw ko.
" tsk, Assuming much? " naka-smirk na sabi ni nick.
Naku ha! Wala pang 24 hours nakaganti na siya sa 'assuming much expression'.
"Back to our topic Audrey, sino ang tumulong sa'yo? Seryosong tanong ni laurence.
" Nakalimutan ko pangalan niya eh. Totoo, maganda siya. Maputi, mukhang mabait. Ganda ng mga mata niya. Tapos, nangako siya sa akin na pagbabayaran nila roan ang ginawa nila sa akin. Pero umalis agad siya. "
"Don't worry Audrey, from now on babantayan at poprotektahan ka na namin. Masaya kami dahil maliban sa amin, may nagtatanggol sayo. And sorry kasi dahil sa amin napahamak ka." saad ni laurence.
Balak ko na sanang magpaalam pero bigla akong pinigilan ni Nick my love.
"samahan mo ako, kinain mo ang lunch ko diba? Kaya, ako naman pakainin mo ngayon"
Sabay hila sa akin.
Panic mode ako...
" Oi, mag di-date sila" sabay sigawan nilang lahat tsaka nagtawanan.
"Seriously dude!? Akala ko ba busog ka?, naksss iba na yan" dagdag buska ni Philip.
Samantalang si nick naman ay nakaakbay na sa'kin habang nakangiti..
Hang sweet niyah.......
Yay!!!!!!
*********end of chapter 2********