CHAPTER 20

1079 Words
"Mommy!!" Nagliwanag ang mukha niya at napangiti siya nang masilayan ang nakangiting mukha ni Sugar. Patakbo ito lumapit sa kanya. "Mahal ko--" niyakap niya ng napakahigpit ito. Hindi siya makatulog ng maayos dahil sa labis na pag-aalala. "Mommy, are you okay? I miss you, mommy" Naluha siya. Walang papantay sa galak na nararamdaman niya. Tumango siya. "May sugat si Mommy sa likod, but it'll heal soon. How 'bout you, mahal ko? Sinaktan ka ba nila? May masakit ba sayo?" tanong niya kay Sugar habang nakayakap pa rin ito sa kanya. Umiling ito. "Nope, mommy. I'm fine." Nakahinga siya ng maluwag. Pinugpog niya ito ng halik sa noo, sa mukha, sa ilong, sa pisngi at sa leeg. Natatawang lumayo sa kanya si Sugar. "Its tickle, mommy. Stop." Napatigil siya pagtawa ng may tumikhim. Napalingon siya kay Noriko na nakasandal sa hamba ng pinto. "Nakausap ko ang detective na humahawak sa kaso, dahil naibalik na si Sugar, hahanapin na lang yung mga taong nanloob sainyo---for the meantime, dun muna kayo sa bahay." lintanya ni Noriko. Tumaas ang kilay niya sa narinig. "bahay mo?" "sa bahay ng parents ko--" Tumanggi siya. "No, okay na kami. Tingin ko naman hindi na mauulit yung--" "You think so? Coffee, sira ang gate nyo, wasak ang pintuan at basag ang bintana ng bahay mo. saang part dun ang safe kayo? sige nga sabihin mo, para hahayaan ko kayo." Napakagat labi siya. May punto naman ito, pero naiilang siya. Nakakailang! "Bukas pwede ka na lumabas, ang Papa mo kailangan pa niya mag-stay sa ICU dahil nagkaroon siya fever, under observation pa..mas safe kayo sa bahay. Pinagpaalam ko na rin ito sa Papa mo nang magising siya kanina at pumayag siya." Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at tumango na lamang. Wala siya choice. Takot pa rin naman siya. Nagkaroon siguro siya ng trauma dahil sa nangyare. Ayaw na niya maulit iyon. Buti na lang at natawagan na niya ang kapatid. Pabalik na rin ito ng bansa dahil sobra rin ito nag-alala. "Fine. Payag ako" Pansin niya kumislap ang mata ng binata at tumango. "Good. Bibili lang ako dinner natin. Baby Sugar, what do you like for dinner?" Nakaupo si Sugar sa tabi ng kama niya habang hawak nito ang cellphone niya. Naglalaro. "Mcdonald's!" masayang hiyaw nito. Natawa naman ng marahan ang binata at kinusot ang buhok ni Sugar. Sumulyap din ito sa kanya. "You? Dinner?" "kahit ano na lang--" Nginisihan siya nito. Nabigla siya nang ilapit nito ang mukha sa mukha niya. Napalunok siya ng laway. Mabilis na nagrigodon ang puso niya. "me for dinner, you want?" Napataas ang kilay niya. Itinulak niya ito ng mahina, para lang magkaroon ng distansya ang mukha nila. Kinakapos kasi ng hangin ang dibdib niya. Aatakihin ata siya sa puso. "Maniac!" Malakas ito natawa. "para sayo hahanap ako ng kahit ano" sabay kindat pa sa kanya. At tuluyan nang lumabas. Napailing lang. "Mommy, nakalimutan ko sabihin kay daddy na bili rin siya ng sundae" Sugar look at me and pout her lips. Pero nawindang siya sa sinabe nito. "W-What did you say, mahal ko?" naglalaro uli ito. "hmm--sundae?" "No--not that. Did you say daddy?" Biglang kumabog sa kaba ang dibdib niya. Masasakal ko talaga si Noriko kung sinabe nito. "Opo. He's my daddy di ba po?" "Yun ba ang sabi niya sayo?" kabadong tanong niya sa anak. "Nope po. I just figured it out lang. Saka I saw his cellphone, ako ang wallpaper. Mommy am I right?His my daddy? Can I call him daddy na? You're not mad di ba po?" Napatitig lang siya dahil sa sunod-sunod na tanong ni Sugar sa kanya. Hindi niya akalain na naisip lang nito iyon.  Napahikbi siya.  "Mommy--are you mad at me? Sorry na po." Umiling siya sabay punas ng luha. "No, mahal ko. Hindi ako galit. Si  mommy nga dapat mag-ask sayo, are you mad at mommy? dahil hindi ko sinabi sayo?" Yumakap si Sugar sa kanya at binigyan niya ng matamis na halik sa pisngi. "I'm not galit, mommy. That' why I'm asking you if its okay to call him my daddy? Is it really okay?" Naluluha siya tumango. "Its okay mahal ko. He's your daddy after all. Are you happy?" Napa' yehey ito.  "Yes mommy, I'm super duper very much happy. Thank you mommy. I have my own daddy na.A real daddy.!" Kitang-kita niya ang saya sa mga mata ng anak. Tama, tama lang ang ginawa niya. Ang makita itong masaya ay masaya na rin siya. Bahala na sa mangyayare. Iisipin na lang niya ang kaligayahan dulot nun kay Sugar. Makalipas ang ilang minuto, dumating na si Noriko may dalang take out Mcdonald's at dalawang chinese take out box. "Dinner is here. Here--baby. Your mcdonald's, I bought fries, chicken with rice and for ---" "daddy. I forgot to tell you, I want sundae ice cream." nakangusong turan ni Sugar. Natigagal naman si Noriko. Gusto niya mangiti dahil sa reaksyon nito.  Literal na natameme ito kay Sugar at tinignan siya. Nagkibit balikat siya. Pero deep inside, gusto na niya matawa dahil sa itsura nito nang tawagin ito Daddy ni Sugar. "Baby, did you--did you just called me Daddy?" Aww. May namuong luha sa mga mata nito. Tumango naman si Sugar.  "Why daddy? You don't like me to call you that?" "No. No. Baby-- I mean. I like it. I actually love it. Oh anak--" Mahigpit na niyakap ng binata si Sugar. Habang nagpupunas ng luha. "You're my daddy, so I will call you daddy now. I love you, daddy." Lalong napaluha si Noriko dahil sa huling sinabe ni Sugar. Panay ang punas ito nang luha sa mata. Pasinghot-singhot ito. What a cry baby! "I love you too baby--daddy will never leave you and mommy again. Okay?" Hinalikan din ito ni Sugar sa pisngi at nakangiting tumango sa binata. Nahimasmasan na humakbang palabas si Noriko. "Saan ka pupunta?" "Daddy where you going?" Nakangising tumingin ito sa kanila. "Bibili si Daddy ng sundae..para sa baby ko..hmm..saglit lang ako" "Okay Daddy. Make it three na. For you and for mommy also, she likes sundae too." Nag 'Ok' sign ito sa daliri at kumindat pa sa kanya. Hindi niya alam pero masaya siya. Parang gumaan ang loob niya. Hindi niya maipaliwanag ang damdamin niya. Ayaw niya sumugal pero kung ganito kasaya sa pakiramdam parang nanaisin niya na lang sumugal. Lalo pa't umamin na ang binata na mahal siya nito. Kinalma niya ang puso niya.  Coffee step by step. Bawal maging marupok. Tibayan mo ang panangga mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD