CHAPTER 19

1329 Words
"WHEN I KILL someone, they're supposed to stay dead." nakangising wika ni Zeki sa kanya. Nagulat siya nang sabihin ni Twix na gusto siya makausap ni Zeki. So, buhay na buhay nga ito. Papunta na sila ngayon sa lugar kung saan nagkukuta ang mga tauhan ng La EME. Si Twix ang nagmamaneho, katabi si Zeki. Habang nasa likuran siya kasama si Marshall at Reese na andito na rin bansa. "Balita ko--may asawa kana?" Natawa ito. "Why? Can't believe that someone tricked me for good?" tumango siya. "Unexpected." he said with poker face. Mas lalo ito natawa. "Say's the man who already have a daughter" "Asshole." wika niya. "I would like to confirm that--I'm a king of Assholes." he smirked with a sarcasm in his face. Umiling-iling na lang siya. Zeki White at his finest. Asshole! Nalaman nila ang lokasyon ng kalaban dahil kina Marshall at Reese. Sinabi ni Twix sa mga ito. Napabuntong-hininga siya ng maalala si Coffee. Punong-puno nang takot ang dibdib niya ng makita ito duguan. Naisipan niya kasi dumaan lang sa labas ng bahay ng dalaga baka sakali masulyapan ito at si Sugar. Kaya labis ang gulat at pag-aalala niya ng makitang bukas ang gate at pinto ng bahay nito. Kaagad siya pumasok, at nahindik siya ng makita ang kalagayan ng dalaga at ang Ama nito na duguan at walang malay. Kaya naman nang malaman niya kinuha ng La EME si Sugar, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Subukan lang nila saktan ang anak ko. "Were here!" ani ni Twix. pumarada sila sa isang gubat? "nasa gitna ng gubat sila nagkukuta--" Kumilos naman sila agad nila Zeki. Kanya-kanya sila kuha ng ibat' ibang klase ng baril sa likod ng kotse. Si Reese hawak ang dalawang revolvers nito, Si Marshall dala ang favorite nito commando assault rifle. Si Zeki na dala ang kriss vector nito at silver pistol. Habang siya, naka-ready na ang kanyang Glock 27 na sinukbit niya sa likuran ng sinturon niya at hawak ang M16 niya. "It's show---time" excited na wika ni Reese.  Kunot noo napasulyap siya kay Twix na nakaupo pa rin sa harap ng manibela. "Don't tell me you're not coming with us?"  Tinignan niya ng masama ito.  Twix smirked. "I'm just a baby driver, feeling ko naman yakang-yaka nyo na 'yan. Don't worry, di ko kayo iiwan" sabay kindat pa sa kanila. He huffed in so much annoyance.  Kilala niya ito ayaw lang nito magasgasan ang pinaka-iniingatan nito panget na mukha. "Bigyan nyo ko ng isang dahilan para di ko patayin itong kulapo na 'to!" naiinis na asik ni Zeki sabay naniningkit na tumingin kay Marshall. Nagkibit balikat lamang si Marshall. "Bilang panganay nang ilang minuto, binibigyan kita ng karapatan patayin ang gagong 'yan." "--basta itira mo ang ulo niyan, hahanapin ng nanay namin. Ebidensya." dugtong naman ni Reese. "Ssshh--Excuse me brothers. Which level of HELL is this?" wika ni Twix sabay taas ng gitna daliri nito. Umiling na lamang siya. Puro kagaguhan lang talaga alam nitong triplets na 'to. "I don't always tolerate stupid people" mahina niyang wika. "---we really have something in common. I miss you, bestfriend" nakangising wika ni Zeki sabay akbay sa kanya. "Tara na. Kating-kati na ang kamay ko" paasik ni Reese sa kanila. Mabilis na ang naging sunod na pagkilos nila hanggang sa makarating sila sa pakay nila. Isang luma at malaking Barn ang bumungad sa kanila. Nagtago sila sa mga mayayabong na damuhan. Habang si Zeki ay nakatayo sa likod ng malaking puno.  Pinagdadasal niya ligtas at walang masamang mangyare kay Sugar. Hindi niya mapapatawad ang sarili oras na masaktan ito. Masyado pa itong bata para makaranas nang ganito klaseng karahasan. He grasped his fist in so much anger.  Zeki motioned him to go forward with him and Reese and Marshall on the opposite side of the Barn. Ngunit hindi pa sila nakakalapit nang natigatig sila sunod-sunod na putok ng baril. Oh s**t ang anak ko!  Nagkukumahog siya tumakbo papunta sa Barn, walang laman ang isipan niya kundi si Sugar. Hindi siya makakapayag na hindi makuha ang anak. Nang makalapit sa pinto agad bumukas iyon, walang seremonya tinutukan niya ng baril ang taong bumungad sa kanya. Nabigla siya nang mapag-sino ito. Si Sacha. Mapanukso nakangisi ito sa kanya. Pero mas nabaling ang atensyon niya sa pasan nito sa likod.  "Sugar! Baby!" mabilis niya inabot si Sugar at kinarga. Tulog ito. Mahimbing ito nakapikit. "Just like an ordinary day---Sacha saves the day! Hoo---ray?" sarkastikong wika ni Zeki sa kapatid nang makalapit, ganun rin si Marshall at Reese na pumasok sa loob ng Barn upang i-check kung may buhay pa. Inismiran lang ito ni Sacha. "I'm so disappointed that you're alive tsk... Did you and Lucifer Morningstar break up?" Sacha said in sarcasm and salute her middle finger to Zeki. Napatirik na lang ang mata niya sa palitan ng mga salita ng kambal na to. Hindi niya alam kung bakit meron siya mga kaibigan na triplets at kambal, parang balak na niya magpalit ng mga kaibigan. Muli siya napasulyap kay Sugar na buhat-buhat na niya, napangiti siya. Masaya siya at ligtas ito.  "Thank you" mahina niyang wika kay Sacha. Tinaasan siya nito ng kilay. "Wala na akong utang na loob sa'yo, Miranda" Ngumisi siya at nag-thumbs up. Quits na sila. Ang mahalaga lang ngayon sa kanya ang kaligtasan ni Coffee at ni Sugar.  "All goods na"  wika ni Marshall Napatingin siya kay Marshall habang may hawak na lighter. Si Reese naman ay may sinasaboy na thinner o gas sa paligid ng Barn. "Okay, Fuckers. Let's go home. I miss my wife already." malakas na sabi ni Zeki habang walang lingon na lumakad na ito palayo, sumunod naman na siya at ang iba. Nasa loob na sila nang sasakyan. Nagpa-plano sila. Si Zeki ang magdadala kay Sugar sa kakilala nito Lieutenant Colonel sa  AFP.  Marami ito kakilala malalaking tao sa bansa, mga government official na kasama nito sa illegal na business. "Gawin natin 'to nang tahimik. Magtataka ang mga pulis kung bigla na lang susulpot ang bata na dala-dala mo" paliwanag ni Sacha. Tumango naman siya. Susundan na lamang nila si Zeki at ang Lieutenant na mai-report ito sa police station at ligtas na maibalik si Sugar kay Coffee. Speaking of Coffee, hindi pa siya tapos sa dalaga. Kung hindi niya madaan ito sa santong dasalan, wala siya choice kundi idaan ito sa santong paspasan. He will definitely make her mine by any means.  Huminto ang sasakyan at bumaba si Sacha kasama sina Marshall at Reese. Sumulyap siya muli kay Sacha. Mas nakakatakot pa ito kay Zeki kung tutuusin, wala ito inuurungan laban. Hindi na kata-kata sa kanya na pinatay nito ang halos trentang katao na alagad ng LA EME sa loob lamang ng ilan minuto. Jeez!  "So, hahayaan mo na lang ba si Sacha sa White Fence?" kapagkuwa'y tanong niya kay Zeki ng muli umandar ang sasakyan. Karga-karga pa rin niya sa dalawang braso niya si Sugar. Sumeryosong sumilip si Zeki sa kanya. "Nope. Titigilan lang siya ng La EME oras na mag-asawa siya. And don't worry about me my dear bestfriend, I'm the king of White Fence" Umingos siya. "When it comes to you,? I don't give a s**t. --Did your wife knows about this? about White Fence?" tanong niya. Sa loob ng anim na taong hindi ito nagparamdam, maraming pagbabago ang nangyare rito, isa na roon ang pag-aasawa nito. Nagbago ang aura nito mula ng makita niya ito paglipas ng marami taon. Ibang-iba na ito, at aaminin niya mas gusto niya ang bagong Zeki ngayon. "My wife knows every details of my humble past--it's kind of scary but I feel weak when it comes to her" "She's your weakness, I guess"  "--she's also my strength."  Nginisihan siya nito. Marahan siya natawa. He can relate. Damn! "Lakasan niyo pa ang pang-iinggit, ibubunggo ko 'to kotse" paasik na wika naman ni Twix habang nagmamaneho. Malakas sila natawa ni Zeki.  "Subukan mo kung ayaw mong gawin kong rainbow 'yang buhok mo!" banta niya sa pagitan ng pagtawa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD