Chapter One

934 Words
"Sige na! Ikaw na ang pumalit sa pwesto ni Eros!" Tinapon ni Clifford ang itim na necktie sa sulok saka tumingin kay Grey. "Ayoko! Malaking AYOKO!! may sumpa nga 'yang tronong na 'yan! uupo lang ako diyan kapag pinalitan niyo 'yan." Inis na sabi niya, hell! tatlong kaibigan niya na ang umupo diyan at lahat sila nakatali na. Una, si Grey sunod si Sebastian, ngayon mukhang si Eros naman ang tinamaan. "Ang arte mo Clifford para kang timang, parehas kayong lahat. Hindi natin pwedeng palitan ang trono dahil 'yan ang simbolo ng grupo simula no'ng una." Sermon ni Grey, umismid siya dito saka nilaro ang hawak na susi. "Grey... hindi na kami magugulat kapag isang araw hindi na underworld ang tawag dito sa baba. Heaven underworld na!" Natatawang sabat naman ni Maxeau. Grey glared at Maxeau. "Isa ka pa, ikaw dito?" Napangiwi lang si Maxeau. Napailing siya at tinalikuran ang mga ito saka siya umakyat papunta sa bar. Hindi ako uupo sa trono na 'yan! Tapos. "Hey dude, what happened? hanggang dito rinig ang bunganga ni Grey eh." Sabi ni Ellifard na nasa mini bar. Umupo siya sa tabi nito saka nagsindi ng sigarilyo. "He want me to be a new King of the underground, ayoko. May sumpa 'yon eh." Sabi niya habang humithit ng sigarilyo. "Haha, why? You don't like it? You can control all the gang and supplies." Anito. Matalim niyang tinignan ito. "Hindi bale na lang." Sabi niya. Magsasalita pa sana ito nang bigla namang tumunog ang cellphone niya, kinuha niya 'yon mula sa bulsa ng pantalon niya saka 'yon sinagot. "Clifford! hindi ka daw pumasok sabi ng tita mo!" Medyo nailayo niya sa tenga ang cellphone dahil sa lakas ng boses na bumungad sakanya. Muli niya 'yong binalik. "Wala akong ganang pumasok isa pa wala naman akong matutunan doon eh." Sabi niya. "Bastos ka talagang bata ka!" Sigaw na naman nito. In-off niya ang cellphone at binalik sa bulsa. "Hindi mo talaga makasundo si tito ha?" Nakangising sabi ni Ellifard. "That old man.... he's pain in my ass!" Sabi niya saka siya tumayo at lumabas ng club. "Ha? Ganon ba? Sige kung hindi ka makakapunta ayos lang. Maybe, some other time?" Natigilan siya ng marinig niya ang isang lalaki na nakatayo sa tabi ng kotse niya. Mukhang may kausap ito sa cellphone habang nakasandal sa kotse nitong itim na katabi lang ng kotse niya. Napansin niya ang isang bugkos ng bulaklak na hawak nito. Nakita niyang yumuko ito habang hawak ng mahigpit ang bulaklak. Napangisi siya. Stupid. Binuksan niya ang pinto ng kotse niya saka pumasok. "No one can control my life. Even the women.." "MAKIBAKA! WAG MATAKOT! MAKIBAKA! WAG MATAKOT!!" Napahinto si Faith nang marinig niya ang mga sigaw na 'yon, nakita niyang nag ra-rally ang mga taong 'yon sa tabi ng kalsada habang nasa harap ng mga ito ang ilang ka-pulisan na pinipigilan ang mga nag-ra-rally. "Hay.... the poor peoples, bakit ayaw kasi nilang umalis na lang para hindi na masaktan, mga bobo." Nanliit ang mata niya nang marinig niya ang komentong 'yon ni Criselda. Gusto niyang sumagot ngunit pinigilan niya ang bibig. "Hey ugly Faith, take my bag." Mataray na sabi nito, kinuha niya naman ang bag nito. Bumaba na rin siya ng van at pinagbuksan niya ng pinto si Criselda. Tinabig nito ang balikat niya nang makababa. Nagtitimping sinara ang pinto ng van nito saka siya sumunod dito. Napapaismid siya habang pinapanood ang maarteng paglakad nito. Kumekendeng wala namang pwet! Natawa siya sa naisip niya, nakataas ang kilay na nilingon siya nito. "May sinasabi ka?" Pinapormal niya ang mukha. "Wala po maam." Tahimik na sabi niya habang nakayuko. "Hmp!" Mataray na tumalikod ito. "Edi shiin." Bulong niya. Nagulat siya nang bigla itong lumiko sa kung saan. "Maam- - - - "Wag kang magulo! Katulong ka lang!" Asik nito sakanya. Hindi naman na siya sumagot. Oo 'yon ang trabaho ko. Nagpapasalamat nga 'ko kay sir Edrick dahil pinag-aaral niya 'ko eh ang problema nga lang kailangan kong bantayan ang anak niyang may sampung sungay. Sumunod na lang siya dito. "Clifford baby!" Tili nito sa isang lalaki na mukhang kanina pa hinihintay si Criselda. Nakita niyang ngumisi 'yong lalaki 'yon at hinalikan agad si Criselda. Napangiwi siya. "Kadiri, mga walang pakundangan." Bulong niya. "I miss you baby, you miss me na ba?" Maarteng sabi nung bruha. "Yes. Well, my 'friend' miss you too." Sabi nung lalaki. Anong friend? Don niya lang nakumpirma ang 'friend' na tinutukoy nito nang bumaba ang tingin nito sa pantalon. Nanlaki ang mata niya. Ang manyak ng lalaking 'to! "Goodness Criselda, hindi kana---hindi kana.." Hindi niya matuloy ang gustong sabihin. Binalingan siya ng mga ito. "So?" Mataray na sabi nito na mukhang nakuha ang gustong sabihin niya, nanliit lang ang mata niya pero hindi na siya sumagot. "Who is she?" Tanong ng lalaking manyak. "Don't mind her.... she's my maid." Sabi ni Criselda. "Oh.... hi." Tumingin naman siya sa lalaking 'yon, nakangisi ito. Pakiramdam ko sa taong 'to walang magandang ginagawa sa buhay. Hayy ano bang bago sa mga mayayaman... "Wait? nagkita na tayo ha?" Sabi nito, kumunot naman ang noo niya. "Talaga? wala akong kilalang manyak sorry." Sabi niya. Nakita niya ang paglawak ng ngisi nito. "Wow.... just wow." Natutuwang sabi nito. Wowwin mo mukha mo.. "San naman kayo nagkakilala?" Mataray na sabi ni Criselda. "I don't remember the exact place. Pero alam ko nakita ko na siya" Sabi pa nito. Ah basta! wala akong kilalang manyak period! "Ahaa! ikaw!" Nakatawang sabi nito at tinuro siya. Anong ako?! "Yeah i remember you woman! Ikaw 'yong bakla sa lumang gusali." Napanganga siya.... Ako? Bakla?!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD