PROLOGUE
"Alam mo ba na sa bahay daw na 'to namatay 'yong lola ni Estiel?"
Biglang tumayo ang balahibo ni Faith sa sinabi ni Dennia. Nakagat niya ang ibabang labi habang nililibot ng tingin niya ang buong bahay, luma nang gusali 'yon at napakadilim tanging flashlight lang ang dala nila. Sa pinaka-unahan siya habang ang mga kasama niya ay nasa likod niya. Muntik pa siyang mahulog nang matapakan niya ang semento na parang dinurog. Sinipa niya 'yon.
"Are you ready Faith?"
Nilingon niya Dennia, nakangisi ang mga ito sakanya. She gulp.
"S-sigurado kayong hindi ako ma t-tsugi dito?" Tanong niya pa. Tumawa silang lahat.
"Don't be so stupid girl! gusto mong makuha ang ang necklace mo diba? then do what i want!" Pagkasabi non ay tumalikod na ang mga ito. Kinabahan siya nang dumampi sa balat niya ang malamig na hangin, niyakap niya ang sarili.
Kung hindi lang importante sakin ang necklace na 'yon edi sana kanina pa bumulagta sa sahig 'tong mga kurimaw na 'to eh!
Nanginginig na umakyat siyang mag-isa sa second floor ng sirang gusali, hawak niya ang flashlight na nagsisilbing ilaw niya.
"God! Nakakatakot talaga dito!" Kinakabahang bulong niya, ang wild pa naman ng imagination niya, nakakita niya ang isang upuan sa sulok. Lumapit siya don saka umupo. Nililibot niya pa rin niya ng tingin ang buong paligid. Baka kasi biglang may lumabas na babaeng mahaba ang buhok at gumagapang papalapit sakanya o kaya si annabell na kinatatakutan niya. Marahas siyang umiling.
Hindi! ayoko ng imagination ko!
Tinignan niya ang orasang pambisig. Nakita niyang limang oras pa bago mag ala-sais ng umaga, gusto kasi nila Dennia na mag stay siya sa lumang gusali ng halos anim na oras.
Halos mapatayo siya sa sobrang gulat nang may marinig niya ang malakas na kalampag .
"Sinong nandiyan?!" Sigaw niya, pero walang sumasagot.
"Dennia?!" Sigaw niya. Pero simoy lang ng hangin ang nararamdaman niya. Tumayo siya at lumapit sa kinaroroonan ng ingay na 'yon. Na-curious siya kung ano ang ingay na 'yon. Pero ika nga curiosity kills the cat and she is the cat..
"Who are you?" She heard that baritone voice, napatingala siya sa tangkad nito. Oh God! kapre! Napaatras siya. Nanlalaki ang matang bumaba ang mata niya sa katawan nito, Oh my..... Naka-topless lang ito ... hindi lang 'yon ang kinagulat niya.
Shemaayy! naka-brief lang siya!!
"Are you enjoying the view?"
Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa mukha nito, nakangisi ito sakanya na para bang natutuwa sa nakikitang reaksyon ng mukha niya.
Hindi multo ang nasa harap ko! isang manyak na kapre!
"AAAHHHH!!!"