"A-ANONG ginawagawa natin dito?" Nagtatakang tinignan ni Clifford ang gusali na nasa harap niya. Mental Instituition...' Binalingan niya ang tiyahin. "Tita?" Nagtatakang tanong niya sa tiyahin na tumingin lang sa ama niya. "Pumasok na muna tayo iho..." Sabi ng kanyang ama at naunang pumasok sakanya. Sinenyasan siya ng tiyahin. "Halika na iho.." Sabi nito na humawak sa braso niya. Kahit pa marami pa siyang gustong tanungin dito ay tumahimik na lang siya. Kahit pa may namumuong konklusyon sa isip niya ay hindi na niya magawang tanungin ang ama at tiyahin. Pagpasok sa loob ay sinalubong sila ng isang nurse. "Magandang araw po Mr. Vienos." Bati nito sa ama niya. "Pwede ba kaming bumisita sakanya ngayon?" Tanong ng ama niya. Ngumiti naman ang nurse sakanila. "Pwede ho." Sabi nito saka

