Natitigilang tinignan ni Faith ang labas ng club. Mukhang may pinagbago 'yon kumpara noong pumunta siya nang sundan niya si Criselda. Panay ang buga niya ng hangin habang iniisip kung papasok ba siya o hindi. Nakita niya pa ang ibang taong pumapasok na sa loob. Naririnig na rin niya ang pag-iingay sa loob. Baka ano naman kasing isipin sakin ng lalaking 'yon....' Marami kasing gustong pumikot diyan sa kaibigan ko' Napasimangot siya nang maalala ang sinabi ng Maxeau na 'yon. "Pake ko kung magpa-pikot ka! Na sayo naman 'yan eh. Saka hindi naman tayo no?!" Naiinis na sabi niya habang nakatingin sa club na 'yon. Tumalikod siya pero nakailang hakbang pa lang siya nang muli siyang matigilan. Pumikit muna siya ng mariin saka matalim ang matang tumingin sa club na 'yon. Padabog siyang pumunta

