"Yan gusto ko yan. Tapos 'yung grapes isama mo na rin, gusto ko din ng orange pagbalat mo 'ko. Gawa mo na din ako ng gatas, Konting bilis naman pabagal-bagal eh." Pinanlisikan ng mata ni Faith ang hudyo! kanina pa ito utos ng utos sakanya, hindi porke siya ang nagpasubo dito ng seafood na 'yon gagawin na siya nitong katulong. Hindi nga niya alam na allergy ito don eh. Pagkalabas nila ng clinic ay nagpahatid agad ito sa condo nito. Mayayaman nga naman afford na mag-condo anytime. Wala rin naman siyang nagawa kung hindi ang ihatid ito dahil siya ang sinisisi nito! Nagdadabog na lumapit siya dito at binigay ang mangkok na may lamang ubas at saka binalatang orange. "Ikaw magpakain sakin.." Utos nito, pinanliitan ko niya ito ng mata. Pasalamat ito mahaba pasensya niya! kumuha siya ng isang pi

