Chapter- 2

2012 Words
Malakas ang kaba ni Sunshine sa kanyang dibdib ng marinig ang palapit na mga yabag. Agad na dumistansya sa dinning table at tumayo sa di kalayuan. Halos mangalog ang mga tuhod ng matanawan ang seryosong mukha ng amo. Nag tungo ng ulo at hinintay na makaupo ang mag ama. "Yaya halika kana po, let's pray first." Agad na lumapit siya sa bandang likoran ng alaga at nanatiling nakatayo. "S-set down Ms. Sunshine." Seryoso parin ang mukha ni Jake. "Ahm, s-sige po s-sir." Nanatiling naka yuko habang nakikinig sa pagdadasal ng kanyang alaga. "Yaya kain na po tayo." "Ah-s-sige." Tahimik silang kumain, subrang awkward between Jake and Sunshine. Si Justin ay nanahimik na lang din kahit may gusto pa sana itong sabihin. Ramdam nito ang pagka tense ng kanyang yaya kaya minabuti na itikom na lang ang bibig. Halos mabilaukan na ang dalaga sa pagmamadali. Mabilis na tumayo ng maubos ang laman ng sariling pinggan. Nag tongo sa harap ng lababo at naghugas ng kamay. Binuksan ang fridge at kumuha ng desert para sa mag ama. "Yaya thanks po dito sa cake na gawa mo ang sarap po." Nginitian nalang ang alaga. "S-salamat din dito sa coffee jelly ang s-sarap din." "W-welcome po sir." "Ah dad doon muna ako sa room ko at may importante lang akong gagawin. Pasimpleng sininyasan ang ama at agad namang na get nito. Nagmamadaling lumabas ng dinning room si Sunshine at dimiretso sa kitchen sink. Malakas ang pintig ng kanyang puso sa nerbyos o takot. Sinikap na kumilos ng normal. Kailangan niyang humingi ng tawad sa kanyang bos. Kawalang respeto ang ginawa niyang pakikialam. Yaya lang siya ng anak nito at wala siyang karapatan sa lahat ng bagay na pag aari nito. Galit na galit sa kanya at natatakot siya na baka palayasin. Ayaw na niyang bumalik sa kanyang tiyohin. Ilang beses na huminga ng malalim at matapos makalma ang sarili ay humanda na sa gagawin. Agad na bumaling para puntahan ang kanyang bos pero na statue siya ng makitang nakatayo doon ang lalaki. Lalo na siyang natakot ng makita ang kaseryosohan habang nakatingin sa kanya. Isang bagay lang ang pumasok sa kanyang isipan, ang kapatawaran nito. Mabilis na nilapitan ito at agad na ginawa ang laman ng isipan. "P-patawarin po ninyo a-ako sir, n-nangangako po ako na h-hindi na mauulit ang g-ginawa ko." Napaatras si Jake ng biglang lumuhod sa kanyang harapan si Sunshine. "P-pakiusap po s-sir h-huwag ninyo akong p-paalisin at gagawin ko po ang lahat mapatawad mo lang ako." Yukong yuko ang ulo ng dalaga habang kagat ang ibabang labi. Pigil na pigil din na huwag tumulo ang luha. "A-are you sure na gagawin mo ang lahat para mapatawad kita?" Hindi alam ni Jake kong bakit ang salitang iyon ang kanyang nasabi. Babawiin sana niya iyon ng biglang nagsalita ito. "O-opo sir, lahat po ng s-sabihin at i-ipag uutos ninyo ay g-gagawin ko." Nagka bulol-bulol na sa mabilis na pagsagot. "O-okay fix yourself and g-go to my r-room!" "What the hell is goin'on?" Pati siya ay halos mautal at ang kanyang dibdib ay napakalakas ng kaba. "O-opo sir, liligpitin ko lang ang dinning room." "Okay at bilisan mo ayaw kong pinaghihintay ako." Nakaramdam ng kasiyahan si Jake, magkakaron na siya ngpagkakataon maibigay ang kanyang mga pasalubong dito."Pero teka hindi ba parang binu bully yata niya ang dalaga?" Kahit alam niya na takot na takot sa kanya ito ay gusto parin niya na mangiti. Agad na umakyat sa kanyang kwarto at inilabas ang mga paper bags. Doon inilagay ng driver sa loob ng closet niya. Naligo na din siya para..."f**k! what i am thinking huh!" Masyado yata siyang excited. Ano teenager lang? Tudyo ng sariling isipan. Ilang beses na kumatok si Sunshine ay walang sumasagot. Naka awang ang pintoan kaya naglakas loob na itinulak ang pinto at pumasok. Iginala ang paningin sa kabuoan ng silid kaya lang wala ang kanyang bos. Hahakbang na sana siya paalis ng makarinig ng kaluskos. Kaya mabilis na bumaling ang ulo para alamin kong sino iyon. "Ay kabayo!" Halos manikip ang paghinga ng dalaga sa pagkabigla sa nakita. "Oh sh!t! Bakit ka bigla pumasok, ayan nakita mo ang hindi dapat makita." Lihim na nangingiti si Jake sa innocent reaction nito. "S-sorry po sir, babalik na lang ako mamaya." "Stay!" "Po?" Lalong nangalog ang kanyang mga tuhod sa nerbyos. Hindi nagawang humakbang at nanatili na nakatalikod. "Humarap kana at nakabihis na ako." "S-sir ano po yong ipag uutos mo?" "Come here at kunin mo lahat ng mga paper bags." "Sige, saan ko po ilalagay ang nga ito." "Sa kwarto mo." "Po?" "Mula ngayon ayaw ko na pinupupo mo ako at tinatawag na Sir. Call me Jake understand?" "P-pero sir..." "Akala ko ba susundin at gagawin mo ang mga ipagagawa ko sayo?" "Ahm, opo 'oh sorry J-jake." Dinampot lahat ni Sunshine ang naglalakihang paper bags. Hindi niya iyon kayang dalhin lahat, kaya ang madadala lang at nagmamadaling lumabas. Naiwan si Jake na masayang nakangiti. Tumayo at nagtungo sa ibabaw ng kama. Na miss niya ang higaan na ito, tatlong buwan siyang wala sa pilipinas. Nang makarinig ng yabag ay tinawag ang dalaga. "Ms. Sunshine please lock the door at pumunta ka dito." "Po? I mean s-sige." Halos magsikip ang kanyang paghinga sa "kaba o sa excitement?" Bulong ng magulong isipan. "A-andito na a-ako, anong ipag uutos mo si....i mean J-jake?" "I'm so tired, maari mo ba akong i masahe?" "P-pero hin..." "Come on baby'please?" "Shemay tama ba ang kanyang narinig? Baby? Tinawag siyang baby?" "Nasaan kana, masakit ang buong katawan ko and i need your help." Parang pinalis ang natitirang pagtutol sa kanyang isipan. Agad na lumapit sa naka dapang lalaki. "Ahm...a-anong ilalagay ko salikod mo?" "Lotion is enough baby." "Gad kinikilig ang puso niya" Nilagyan ng lotion ang likod at maingat na minasahe iyon. "Humn...so good baby, more hard please." Sinunod naman niya ang gusto nito. Halos manakit na ang kanyang mga kamay sa kakamasahe sa matitigas na muscle ng bos niya. Lalo na ang matambok na pang upo nito ay minasahe din niya. Hindi maiwasan na pasadahan ang kabuuan ng katawan ng kanyang bos. Napaka kinis ang moreno nitong balat. May manipis na balahibo sa braso at binte. "Humn...nakakagigil ba yang pwetan ko? Kanina mo pa iyan pinipisil huh!" Namula na parang kamatis ang kanyang mukha at agad na binitiwan ang parteng hawak niya. "S-sorry." Biglang tumihaya ito at halos manlaki ang kanyang mga mata. "Masarap ang ginawa mo na pagpisil ayan nagising tuloy (chuckle). "L-lalabas na ako J-jake." "Stay! I want to talk to you." "Ah o-okay." "Set beside me." Naupo pasandal sa head board ng kama si Jake kaya naupo naman siya sa gilid nito. Narinig niya ang ilang malalim na bunting hininga nito. "I'm so sorry kong naging harsh ako kanina. Nabigla lang ako ng makita kong ano ang hawak mo. Unang beses na may ibang babae na humawak ng orchids na iyon. Mula ng mamatay ang asawa ko ay naging malungkot ang buong mansion. Ang mga bulaklak ay nangalanta at pati na ang mga orchids doon. Subrang sakit ng biglang pagkawala niya sa buhay namin ni Justin. I never accept at halos mabaliw na ako noon. Maraming babae ang lumapit sa akin at lahat sila ay nadala ko sa kama. Sa mahigit tatlong taon na wala na ang asawa ko ay maraming babae'ng nagtangka na pikotin ako. Ilang beses din na sinubokan kong maghanap ng magiging pangalawang mommy ni Justin. But i fail, until you came to our life." Parang nadudurog ang puso ni Sunshine sa subrang lungkot at sakit na pinagdaanan ng kanyang bos. "C-can you stay with me? I mean stay with us?" "A-anong ibig mong sabihin?" "Justin love you, he want you...."and i want you too". Gusto niyang idugtong dito. Gusto mang aminin ni Jake sa dalaga ang kanyang tunay na nararamdaman kaya lang ay hindi pa iyon ang tamang panahon. Ayaw niyang mabigla ito at maging dahilan ng pag alis nito sa buhay nila ng kanyang anak. "Don't worry hindi kita mamadaliin na mag decide agad. Maari mong pag isipan ang...." "I stay, and i promise that i will never go, hanggang hindi kayong dalawa ang nag papaalis sa akin." "Oh god thaks baby." Nabigla si Sunshine at hindi agad nakapag react ng yakapin siya nito. "Salamat talaga, pangako hindi ka magsisisi. And one more thing is gusto kong ipagpatuloy mo ang iyong pag aaral." "W-why?" "Anong why?" "B-bakit ako? Ibig kong sabihin bakit sa dinami dami ng mga babae. Bakit ako ang napili mo at ni Justin? "You have a good heart, iyan palagi ang sinasabi ni Justin. He love you at ikaw ang gusto niyang maging mommy." Namula ang kanyang mukha sa subrang init ng pakiramdam. Hindi sa init ng panahon dahil napaka lamig ng kwarto. Nang init ang kanyang mukha sa hindi malamang dahilan. "Ahm, kong wala ka ng ibang ipag uutos o gusto pang sabihin ay lalabas na ako. B'baka hanapin din ako ni Justin." "S-sige, salamat." May gusto pa sanang sabihin si Jake sa dalaga pero narinig na lang niya na sumara na ang pinto. "Yaya ganda, why your so blush po?" "H-ha? W-wala naman medyo mainit lang." "Ate you sure?" "Oo sure na sure." "Okay, by the way can you cook my favorite food 'please yaya ganda?" "Of course yes baby, ahm 'bigman pala." "Apology accepted i'm not a baby anymore hump! Sige puntahan ko lang muna si dad." "Okay bigman." Sa kwarto ay nakatitig lang si Jake sa kisame. Hanggang ngayon hindi siya makapaniwala na ganon kadali, napapayag agad niya ang dalaga. "Humn, tulaley ka daddy huh! In love kana kay yaya ganda ano?" "Son! Ano ba yang sinasabi mo riyan, mamaya marinig ka ng yaya mo!" "Ha Ha Ha aminin, if i know dami mong pasalubong sa kanya." "Pumayag na siya anak." "What do you mean dad?" "Na magibg mommy mo." "Really? Wow! Malakas  pa na pumalakpak yahoo! thanks dad, so kailan ang kasal?" "Anong kasal?" "Sabi mo payag na siyang maging mommy ko? So ibig sabihin ikakasal na kayo ah!" "Walang kasal anak, maari mo naman siyang maging mommy kahit di kami kasal." "But i want legal mommy! And papaano kayo gagawa ng baby sister ko kong hindi mo siya pakakasalan?" "Hindi ganon kadali ang gusto mo anak. Kasal ay dapat lang sa dalawang tao na nagmamahalan." "You love her and she love you! Anong problema duon?" "Anak hindi ako mahal ng yaya ganda mo. Ikaw ang dahilan kaya siya pumayag na mag stay at maging mommy mo." "Ang hina mo talaga dad, matagal ka ng mahal ni yaya ganda! Ay naku ang manhid mo huh!" "T-tutuo ba iyang sinasabi mo anak?" "Ha Ha Ha bakit ka bumubulong dad? Huwag kang mag alala wala si yaya ganda. Nasa kitchen iyon nag luluto ng paborito ko." "Ah ganon ba? P-paano ka nakakasiguro na m-mahal nga ako ng yaya ganda mo?" "Ahm, ganito kasi iyon dad 'secret! Ha Ha Ha hindi ko sasabihin sayo. Ang mabuti pa ay umpisahan muna ang panliligaw. I am willing to help you dad." "Ganon? Eh di walang ligaw! Secret pala huh!" "Dad...! Bahala ka pag naunahan ka ng iba. May mga bachelor's kaya na nagpapapansin kay yaya ganda. Mga gwapo pa at mukhang magugustohan ni yaya ganda ang mga iyon." "What? Sino ang mga gonggong na iyon? Hindi ako mangingimi na barilin sila!" "See? Ayaw pang umamin huh! Makababa na nga baka luto na ang paborito ko. By dad Ha Ha Ha." "Son sandali!" Pero pagsara ng pinto na lang ang kanyang narinig. Napatayo si Jake at hindi mawala sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang anak. Kumuyom ang kanyang kamao, hindi siya makakapayag na may ibang lalapit sa kanyang si Sunshine. "Ops wait, anong "kanyang si Sunshine?" "Assuming Jake huh!" "Shut up my mind! Nakikigulo ka pa eh!" Dinampot ang mobile phone at may tinawagan habang pababa ng hagdan. "Make sure na walang makakalapit na lalaki! I will pay triple basta magawa mo ng maayos ang trabaho mo.!" "Makaasa ka bos, ako ang bahala sa mga nagbabalak na lumapit kay mam." "Good!" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD