Chapter- 3

2021 Words
"Yaya bilisan muna riyan at late na tayo sa simbahan." "Nariyan na bigman," bakit kasi ang sisikip ng mga damit na ito! At kita pa ang kanyang mga tuhod. At ang kanyang dibdib ay parang naiipit na at gustong lumabas." Kung siya lang ang masusunod hindi niya ito susuotin eh! Kahit anong hila niya ay ganon parin. "Yaya ganda dad is waiting, ikaw rin baka pag nagtagal kapa riyan ay siya na aakyat dito 'bahala ka. Bababa na ako sa kotse na ako maghihintay." "Ito na palabas na, "buset talaga! Kong hindi lang kita mahal ay hindi ako susunod sa mga gusto mo!" Ops siya mahal ko na? Anong kalukohan yang pumasok sa kokote mo Sunshine! Erase! Minsan pang sinulyapan ang sarili sa full-length mirror at naiinis na lumabas. "It's late." Malamig na boses ni Jake na ikinataas niya ng kilay. "Pretending huh! Natulala ka nga eh sa suot ko" Nagmamadaling sumunod agad dito patungong basement. "Wow! Your so beautiful yaya ganda!" "Bolero ka bigman huh! By the way salamat sa complement." "Ops! Doon ka sa harap yaya ganda, umn 'mommy pala He He He." Napilitang pumasok na sa unahan si Sunshine. Kanina pa nakatayo doon si Jake habang hawak ang pinto ng kotse. Lalong umiksi ang suot niya ng maupo na sa tabi si Jake. Hindi malaman kong anong position ng upo ang gagawin. "Hindi mo ba gusto ang suot mo?" "Ahm, m-maiksi masyado at ang sikip." Natawa ng bahagya si Jake, kahit kasi saang ungle sipatin ay bagay na bagay naman ang damit dito. Ngayon lang niya naalala na may pagka conservative nga pala ito. "Kong hindi ka comfortable sa mga iyon ay huwag muna lang suotin. Bibili na lang tayo ng bago." "H-hindi naman sa ganon, naninibago lang siguro ako. Ngayon lang ako nakapag suot ng ganito, pasinsya na." "It's okay, it's my fault dahil pinangunahan kita. Dapat kasama ka pagbibili para makapamili ka." "I'm sorry J-jake, talagang naninibago lang ako. Ilang araw lang siguro at masasanay din ako." Alam ni Sunshine na disappointed ang kanyang bos. At iyon ang ayaw niyang maramdaman nito sa kanya. "Are you sure?" "Oo sigurado ako." Napaiktad ng biglang may mainit na bagay ang pumatong sa kanyang isang kamay. At ng lingunin niya iyon ay ang palad ni Jake. Pumisil iyon sa kanyang mga daliri. "Thanks." Ang akala ng dalaga ay bibitiwan na ang kanyang kamay pero nanatili doon ang palad nito. Agad na napatingin sa rear mirror sa taas at biglang nahila ang sarili niyang kamay. Si Justin ay naka tingin sa kanila at pangiti ngiti. Namula ang kanyang pisngi sa subrang kahihiyan. "Son stop looking at us huh! Your mommy ganda is blushing." "Ops! Sarre! Ha Ha Ha" "What did you say?" "Nevermind dad, kahit ulitin ko hindi mo parin magi get dahil hindi ka nanunuod ng K-Drama." "What K-Drama?" Pati si Sunshine ay napahagikgik ng tawa. Na ikina asar na ni Jake. "Stop laughing! Pinag kakaisahan ninyo akong dalawa huh!" Agad na itinikom ni Sunshine ang kanyang bibig kahit hirap pigilan ang tawa. "Mommy ganda, huwag mong pigilan! Baka sumabog pa yan at lahat tayo ay madisgrasya." "Son! Hindi ako maka relate! Ano bang pinag uusapan ninyo? At ano na naman yang sasabog na makaka disgrasya sa atin?" Malakas na nagtawanan ang dalawa at muntik na silang mapasubsob sa lakas ng preno. Asar na talaga si Jake kaya ng tumigil ang kotse ay agad na bumaba ito. Malakas na isinalya ang pinto ng sasakyan. "Hala bigman galit na ang dad mo." "Sundan mo mommy ganda, dito lang po ako." Napilitang lumabas si Sunshine kahit na kinakabahan siya. "S-sorry J-jake." "Don't talk!" Halos mabingi siya sa lakas ng sigaw nito sa kanya. Pero himala nawala ang kanyang takot o kaba. Sa halip ay ginagap niya ang kamay nito. "Sorry na, i explain." "What?" Feelingero din itong si Jake tinalo pa ang teenager. May nalalaman pang pa pagalit galitan. Gusto lang ng attention mula kay Sunshine. "Yong K-Drama ay Korean teleserye drama." "Ahm, i see, eh yong sasabog at possible na madisgrasya tayo? "W-wala iyon, joje lang ng anak mo." "Then explain! What is it?" "Ahm 'papano ko ba sasabihin haist!" "What? Tell me!" "Ahm 'yong h-huwag pigilan at baka sumabog ay madisgrasya pa tayo" u-utot lang 'yon jake." "W-what? Ha Ha Ha!" Napatanga si Sunshine habang nakamasid sa lalaking halos mamilipit sa kakatawa. Ngayon lang niya ito nakita ng ganon kasaya. "Oh my god! Ha Ha Ha, baby puro kayo kalukohan ni Justin. Saan niya natotonan ang mga salitang ganyan? Huwag mong sabihin na ikaw ang nagturo?" Biglang sumeryoso ito at tumitig sa kanya. Agad na kinabahan ang dalaga kaya mabilis na nagpaliwanag. "No! I mean hindi ko siya tinutoruan ng mga street words. Sa K-Drama niya siguro narinig. Tagalog english ang ginagamit na translator doon." "Okay i get it, let's go at baka wala na tayong maabutan sa simbahan." "Dad, okay na po ba?" "Okay na anak, ang hindi okay ay ang mga natutohan mo na salitang kalye diyan sa K-Drama na yan." "Sorry dad." Tumahimik na sila at malapit na rin naman sila sa church. Mabuti at may bakante sa parking. Parang napaso naman na napaiktad ng maramdaman ang mahigpit na pag hawak ni Jake sa kanyang kamay. Sa kabilang side niya ay si Justin naka hawak din sa kanyang kaliwa. Kahit sino ang maka kita sa kanila ay iisipin na happy family sila. Sinubokan ni Sunshine na hilahin ang kanyang palad pero lalo lang iyong humigpit. Hanggang natapos ang pag sesermong ng priest ay hindi binitiwan ni Jake ang kamay ng dalaga. Si Justin ay palihim na nangingiti. Wala siyang ibang ipinag dasal kong di ang maging isang masayang pamilya silang tatlo. "Sun! Ikaw ba yan?" "H-hi kumusta Bong?" Hihilahin sana siya ng kababata na si Bong ng hilahin siya pabalik ni Jake. "Let her go! At huwag na huwag mo ulit siyang hahawakan! She is mine!" Napatanga nalang ang dalaga sa narinig kay Jake. "Sun sino ba ang epal na ito? Babanatan ko ito kahit nasa harapan tayo ng simbahan. At ano iyong sinasabi niyan na "she is mine!" "Ahm." "Hey mister! Ako na ang magpapaliwanag sayo para maintindihan mo huh!" "At sino naman ang kutong...." "Ang bibig mo Bong!" Bigla namang nanahimik ang lalaki pero masama ang tingin nito kay Jake. "She is my mommy ganda! And soon my dad to be her husband!" "Hoy kutong lupa! Huwag mo akong ma english dahil wala akong naiintindihan!" "Enough son, let's go "BABY!" Talagang naka emphasise pa ang salitang baby. Sa halip na hawakan ang kamay ni Sunshine ay hinapit ito sa baywang ng mahigpit. "Huwag kang lilingon at baka barilin ko yang kanto boy na yan! Kakalabas lang natin ng simbahan nagkasala na agad ako huh! Hindi na tayo uulit mag simba dito dahil nagkalat ang devil!" Hindi na lang kinontra ito at baka lalo pang ma badtrip. Pero ng maalala ang mga pinagsasabi nito kay Bong ay agad na kinilig siya. "Where do you want to eat?" Hindi sumagot ang dalaga dahil hindi siya sigurado kong siya ang tinatanong nito o si Justin. "I asking you Sunshine!" "Ha? Ako ba ang kinakausap mo?" "I am talking to you right?" "Ahm 'pasinsya na akala ko si Justin ang tinatanong mo. "Sungit naman nito." "May sinasabi ka?" "W-wala po Sir." Nanahimik na parang may angel na dumaan. Pero ng masulyapan ang bata sa likoran ay gustong matawa nanaman ni Sunshine. Kindatan ba naman siya nito at nag puppy eyes pa. Tumigil sila sa isang chinese resto. "Go inside and order the food at magpa park lang ako." "Agad na bumaba ang dalawa at maglahawak kamay na pumasok sa luob. "Table for two ma'am?" "Three please." Iginiya sila ng waiter papasok sa isang maliit na room. Agad na napansin niya ang nakasulat sa may pintuan. "For Family" napagkamalan pa silang mag ina. "Ready for the order ma'am?" Agad na sumagot si Justin at ibinigay dito ang mga pangalan ng mga pagkain na oorderin. Hindi familiar sa kanya ang mga pagkain na iyon. Pero ipinaubaya nalang niya sa kanyang alaga. "Are you okay mommy ganda? Still fighting between you in my dad?" Sasagot na sana siya ng bumukas ang pinto. "No, we're not fighting son, it's just a conversation." "Ahm 'Okay." Nagkwentohan pa ang mag ama habang siya ay tahimik lang na nakikinig. Hindi nagtagal at bumukas ang pintuan. "The food's here, ma'am / sir." "Okay thank you." Nginitian ni Sunshine ang waiter matapos magpasalamat dito. Nilagyan niya ang plato ng kanyang alaga. At lalagyan din sana niya ang para kay Jake ng umiwas ito. "I can manage, and don't give that f*****g smile that idiot man!" Agad na itinikom ng dalaga ang kanyang labi. Gusto na niyang mapailing dito dahil sa mga ikinikilos nito. Ano ba ang malalim na pinaghuhugotan nito? Natapos ang kanilang lunch ng walang nagsasalita. Kahit si Justin ay tahimik lang sa likoran. Sabagay nalilibang ito sa hawak na tablet. "We are going to the mall right now, son are you okay?" Napansin ni Jake na hindi normal ang pananahimik ng kanyang anak. Dalawa lang ang dahilan ng hindi nito pagsasalita o pagkibo. Either Inaantok o baka badtrip. "Hey! Justin anak, may sakit kaba? What's wrong?" "Wala dad i am good, may iniisip lang po ako." Naiinis si Jake sa hindi malamang dahilan, kaya sa halip na sa mall sila ay dumiritso na lang sila ng uwi. Nagtaka naman ang dalaga ng mapansin na ang way nila ay patungo na sa mansion. Nilingon ang katabi pero salubong ang mga kilay nito. "Mukhang galit ano nanaman kaya ang ikinasisimangot nito? Haist." Nag angat ng mukha si Justin ng huminto ang sasakyan. "I think sa mall tayo dad?" "Some othertime na lang." Agad na bumaba ng sasakyan si Jake at naiwan ang dalawa. "May LQ lang huh!" "Hindi ko alam bakit galit yata ang dad mo." "Sa kwarto lang ako mommy ganda. Ikaw na ang bahala kay dad kayang kaya mo yon." Sabay kindat pa nito na ikinapula ng mukha niya. Naligo muna at nagtungo sa kusina. Wala naman siyang ibang magawa kaya inilabas nalang ang frozen pork para sa hapunan. Magluluto siya ng kare-kare at gagawa ng dessert. Past one (1pm) pa lang kaya bumalik na muna siya sa kanyang kwarto. Nahiga na lang siya sa kama ng biglang maalala si Jake. Napapaisip siya kong bakit lately ay madali itong mainis o magalit. Mula ng dunating galing ibang bansa ay nag iba na ito. "Hindi kaya may sakit o may mabigat na problema? Nakaramdam ng pag alaala siya sa kanyang bos. Nagmamadaling umakyat sa ikalawang palapag para puntahan ang lalaki. Kumatok siya kahit medyo naka awang ang pinto, pero walang nagbubukas. Bahagyang itinulak iyon at pumasok. "Sir?" Napahinto siya ng makita ito na nakahiga sa ibabaw ng kama. Tatalikod na sana siya para lumabas ng magsalita ito. "Lock the door at lumapit ka dito." Nagtataka man ay sinunod na lang ang utos nito dahil amo parin niya ito. "A-anong ipag uutos mo s-sir?" "Masakit ang ulo ko, gusto ko na masahiin mo ako." "O-okay, pero..." "Umakyat ka para hindi ka mahirapan at walang pero-pero huh!" "Ha? Okay sige na nga." Subrang lambot ng bed at nahihiya pa siya baka madumihan pa niya ang napakalinis na higaan. Nag mulat ng mata si Jake at talo pa ang na startruck ng makita ang dalaga. Bumaba ang mata sa suot nitong maiksing cotton short at cotton sleeveless. Bakat pa ang malulusog nitong dibdib kahit may suot na bra. "Ahm 'Sunshine are you seducing me?" "Hindi ah! Bakit ano ba ang ginagawa ko sayo?" Kahit siya sa sarili ay nagulat din, nakalimutan niya na ganon pala ang kanyang damit. Agad na namula ang buong mukha at nagmamadaling bumaba ng kama. Pero mabilis si Jake agad na nahawakan ang braso nito. "S-sir?" Pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki sa kanya. "Jake 'baby, not sir." "M-magpapalit lang ako at babalik din agad." Pero sa halip na bitawan siya nito ay hinila ng malakas. Naglanded sa ibabaw ng kama ang kanyang katawan. Kasabay ng pagpulupot ng matitigas na bisig sa kanyang katawan. "Stay baby and don't move!" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD