PABALIK -balik ang lakad ni Sancho sa labas ng ER. Isinugod niya sa ospital si Angel pagkatapos nitong mahimatay kanina. Hindi niya mapigilan na hindi mag-alala sa kalagayan ng dalaga. Buti na lang talaga at sa malapit lang ang kaibigan niyang si Cathy. Nasa poder nito ngayon si Aldin. Hindi niya alam kung anong nangyari sa dalaga. Nagulat na lang siya ng sumigaw ito at lalo siyang nagulat sa sinabi nito. Ano bang nangyari noon sa dalaga? May nangyari ba noong pinagbubuntis nito ang anak nila? May dapat ba siyang malaman sa nakaraan nito?
Natigil sa kakaikot nito si Sancho ng dumating ang humahangos na si Joshua.
"Anong nangyari, Kuya?" hinihingal nitong tanong. Kasama nito ang kanyang mga magulang na parehong hindi maitago ang pag-aalala para sa babaeng sinisinta.
"Hindi ko alam. Pagdating ko kagabi ay paalis si Angel kasama si Aldin. Tinanong ko siya kung saan siya pupunta dahil may bag siyang dala. Nasigawan ko siya ng hindi sinasadya. Bigla nalang siya sumigaw at sinabing wag kong sasaktan ang anak niya. Nang hahawakan ko na sana siya ay bigla na lang siya hinamatay."
He was also confused like them. Hindi niya alam kung bakit nagkaganoon bigla ang dalaga. Maayos pa ito ng iwan niya kanina tapos bigla nalang itong nagkaganoon. Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari sa dalaga. Nitong nakaraang linggo ay nakikita naman niyang masaya ang dalaga sa piling niya. They are doing good and fine. Naging mabuti siya kay Angel dahil nais niyang mapalapit sa dalaga. Alam niyang nagtatagumpay na siyang makapasok sa puso nito. Ilang hakbang nalang ngunit bakit biglang nagkaganito ang lahat sa kanila. Bakit biglang nais nitong umalis sa poder niya? Bakit biglang nais nitong takasan ulit siya?
"May pinag-awayan ba kayong dalawa, Kuya? Akala ko ba ay maayos na kayong dalawa at magtatapat ka nalang sa kanya?"
"Hindi mo pa sinasabi kay Angel ang nararamdaman mo?" tanong ng kanyang ama.
Napatingin silang magkapatid sa ama nila. May disappointment sa mga mata nito. Napayuko siya. Alam naman niya na dapat ay sinabi na niya sa dalaga ang nararamdaman ngunit naghahanap pa siya ng pagkakataon. Aaminin niya natatakot siyang magtapat sa dalaga. Natatakot siyang sabihin dito ang pag-ibig dahil maari wala iyong katugunan. Kapag nalaman ng dalaga ang nararamdaman maari itong lumayo sa kanya at iyon ang ikinatatakot niya. Kagaya nalang nangyari kagabi. Sa sobrang takot niya ay nasigawan niya ito.
"Sinasabi ko na nga ba at ito ang mangyayari." Napa-iling ang kanyang ama.
"Anong sinasabi mo, ama?" tanong ni Joshua.
"Ma---" hindi natapos ng kanyang ama ang iba pa nitong sasabihin ng humahangos na dumating ang kapatid at ama ni Angel.
"Anong nangyari sa anak ko?" tanong agad ng ama ni Angel. Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa kwelyo. "Anong ginawa mo sa panganay ko? Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo siya sasaktan. Bakit ngayon ay nandito siya sa ospital?"
"Patawad po." Yumuko siya. Hindi niya kayang magpaliwanag sa ama ni Angel. Alam niyang nabigo niya ito.
"Sabihin mo sa akin kung anong ginagawa mo sa anak ko bago kita tagaing hayop ka."
"Huminahon po muna kayo, Sir. Hindi rin alam ni Kuya kung anong nangyari kay Angel. Bigla nalang po sumigaw si Angel at nahimatay kanina." Si Joshua ang nagpaliwanag sa ama ni Angel.
Pareho silang napatingin sa kanyang kapatid. Seryuso ang mukha nito habang ang kanyang mga magulang naman ay walang emosyon.
"Ikaw?" gulat na sabi ng ama ni Angel. Binitiwan nito ang kanyang damit. "Anong ginagawa mo dito?"
"Masaya akong makita kang muli." Yumuko ang kanyang ama ng bahagya.
"Kilala mo siya, Ama?" takang tanong niya.
Sabay na napatingin sa kanya ang mag-amang Cruz. Nanlalaki ang mga mata ng mga ito. Para bang may sinabi siya na dapat ikagulat ng mga ito.
"May problema po ba? Paano niyo nakilala ang ama ko?"
"Anak ka niya?" tinuro pa nito ang kanyang ama.
"Siya ang sponsor namin ni Kuya, Kuya Sancho. Siya ang nagbigay ng scholar ship namin ni Kuya. Siya din ang nagbayad ng ospital ni Ate noong nanganak siya." Sabi ng bunsong kapatid ni Angel.
Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa ama niya. Bigla ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Kung ganoon ay kilala na talaga nito noon pa si Angel. May alam na talaga ito sa dalaga bago pa ito pumasok ng kompanya. Buong akala niya ay wala itong alam tungkol sa anak niya. Na iyon ang unang pagkakataon na makilala nito si Aldin.
"Alam mong may anak ako?" umalis siya sa kinatatayuan at nilapitan ang ama.
Lalo siyang naiinis dito dahil wala siyang nakikitang emosyon sa mukha nito. Paano iyon nagawa sa kanya ng ama? Pakiramdam niya ay pinaglaruan siya nito. Alam nitong may anak siya kay Angel ngunit wala man lang itong sinabi sa kanya. Hinayaan siya nitong magmukhang tanga. Anong iniisip nito ng pinakilala niya si Aldin dito? Na isa siyang sira ulo para malaman pagkalipas ng anim na taon na may anak siya sa pagkabinata.
"Dad, sabihin mo sa akin. Paano mo naitago sa akin ang totoo?" Hinawakan niya ang kwelyo ng ama.
"Kuya, huminahon ka." Hinawakan ni Joshua ang braso niya.
"Paano ako hihinahon? Pinagmukha akong tanga ng sarili kong ama. Alam niyang may anak kami ni Angel ngunit hindi manlang niya sinabi sa akin. Anim na taon, Joshua. Anim na taon niyang nilihim sa akin ang katotohanan na may anak ako sa babaeng noon ko pa iniibig. Kung hindi niya iyon nilihim sa akin ay hindi sana nawala sa akin ang anim na taon ng buhay ng anak ko. Nakita ko sanang lumaki ang anak ko. Ngayon mo sabihin sa akin na dapat akong huminahon?" sigaw niya at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo ng ama.
Walang sinabi ang kanyang ama. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Para bang isang biro lang dito ang nararamdaman niya dahil walang emosyon ang mga mata at mukha nito.
"How could you do this to me, Dad? Kaya mo ba ako pinatapon noon sa U.S dahil alam mong nakabuntis ako? Talaga bang---"
"Wala kang alam sa nararamdaman ng ama mo Sancho. Kaya bitawan mo ang ama mo." Malakas na sigaw ng kanyang ina. Hinawakan nito ang braso niya na nakahawak sa kwelyo ng ama. "Hindi mo alam kung anong ginawa niya para maging maayos lang ang buhay mo at ni Angel."
Napatingin siya sa ina. Unti-unti niyang binitawan ang pagkakahawak sa kwelyo ng ama. "Anong ibig mong sabihin, Mommy?"
May lungkot sa mga mata ng kanyang ina. Tumingin muna ito sa kanyang ama bago muling nagsalita. "Alam mo kung anong ginawa ni Patricia sa pamilya natin. Ayaw namin malaman niyo ni Joshua na pinapaalis ng board ang ama niyo sa pwesto niya. Para sa amin ay mabuting nasa ibang bansa kayo habang inaayos namin ang gusot sa kompanya. Maliban doon ay inalam ng ama mo ang tungkol sa kinalulukuhan mong babae. Doon niya nalaman na buntis si Angel. Alam namin na hindi ka pwedeng guluhin pa sa U.S dahil para iyon sa ikabubuti mo at ng kompanya. Nangako ang ama mo na tutulungan niya si Angel sa kahit anong bagay." Tumingin ang kanyang ina sa pamilya Cruz.
"Humanga kami sa tatag ni Angel. Kahit napakahirap magbuntis ng walang asawa ay ginawa niya. Alam niyang si Sancho ang nakabuntis sa kanya ngunit hindi siya lumapit sa amin para lang manghingi ng pera. Iyon palang alam namin na napakabuti niyang babae at gusto namin siya para sa anak namin. Tumulong kami hindi dahil alam namin na may responsibilidad ang anak namin sa anak niyo kundi dahil nakikita namin ang kabutihan ng anak mo at nararapat lang siya ay tulungan. Kaya nga pinaki-usapan namin kayo na wag sabihin kay Angel ang tungkol sa pagtulong namin sa pamilya niya dahil alam namin na tatanggihan niya iyon. Kilala kami ni Angel at ang mamasamain niya ang tulong na ibibigay namin."
Para naman siyang kandila na nauupos na na umupo sa sahig ng ospital. Hindi niya akalain na may pinagdaanan na ang kanyang mga magulang. Akala namin ay maayos na ang lahat ng pinatapon siya sa U.S. Hindi niya akalain na may mabigat palang pinagdaanan ang kanyang mga magulang. Bakit ba hindi niya iyon napansin noon?
"Hanggang ngayon ay nagpapasalamat pa rin kami sa pamilya niyo. Sa tulong na binigay niyo." Mahina ang boses na sinabi ng ina ni Angel.
"Hindi niya kailangan magpasalamat. Ginawa lang namin ang nararapat. May pagkakamali ang anak ko sa anak niyo at iyon lang ang na---"
"I save Angel that night. That's what I thinking until now. Pero ngayon sa tingin ko ay nagdulot lang ako ng sakit kay Angel. Nailayo ko nga siya sa mga lalaking iyon ngunit hindi ko naman siya nailayo sa sakit na kagagawan ko." putol niya sa iba pangsasabihin ng ina.
"Anong ibig mong sabihin, Sancho?" tanong ng kanyang ina. Lumapit ito sa kanya at umupo sa harap niya.
Umangat siya ng tingin. May mga luhang pumatak sa kanyang pisngi. "Angel drunk an alcohol that night with drugs. Natipuhan siya ng isang g**g ng gabing iyon at binalak nilang pagsamantahan si Angel. I deal with them that night. I pay them with my trust fund that Lolo gave to me."
Narinig niya ang malakas na pagsinghap ng kanyang mga magulang. Alam ng mga ito ang tungkol sa trust fund na pinamana sa kanya ng Lolo niya. Matagal na panahon din iyon tinanong sa kanya ng ama kung saan napunta. He lied to them. Sinabi niyang nag-invest siya sa isang negosyo ngunit nalugi agad iyon.
"Binili ko sa kanila si Angel ng gabing iyon ngunit ang sabi nila ay mamatay si Angel kapag hindi humupa ang init sa katawan nito. Hindi ko alam ang gagawin. Natatakot akong dalhin siya sa ospital dahil maari itong makulong dahil sa d**g na pina-inum dito. So, I did the thing I guess the right thing to do." Yumuko siya. Akala niya ay tama ang mga ginawa niya ng gabing iyon ngunit hindi pala. Hindi niya din nailigtas ang dalaga dahil naghirap ito ng mabuntis sa anak nila.
"Oh my god!" tanging narinig niya na sinabi ng ina.
Hindi siya nag-angat ng tingin. Nanatili siyang nakayuko at umiiyak. Nanatili ang katahimikan sa paligid nila dahil sa sinabi niya. Matagal niyang panahon itinago ang katutuhanang iyon sa kanyang pamilya. Ayaw niyang husgahan ng pamilya niya si Angel. Ayaw niyang malaman ng mga tao ang madilim na kahapon nilang iyon ni Angel. They did mistake that night. He lost the only thing that his Lolo gave to him. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang yakap ng kanyang ina.
"You did the right thing, my son. You save a girl from being r**e. I know your grandfather understand your reason. Pera lang iyon. Ang importante ay naligtas mo ng gabing iyon si Angel." Bulong ng kanyang ina habang hinahaplos nito ang kanyang buhok.
"Did I really save her, Mom? Hindi nga siya pinagsamantalahan ng mga lalaking iyon pero may nangyari sa amin. At para sa akin ngayon ay wala akong pinagkaiba sa mga lalaking iyon. Sinamantala ko ang kahinaan ni Angel ng gabing iyon. She was in drugs and I shouldn't---"
"You have no choose like you said. Ginawa mo lang ang sa tingin mo ay tama. Stop blaming yourself, at least you doing your best right now for your son and Angel."
Hindi siya sumagot. Alam niyang pinapagaan ng kanyang ina ang kanyang loob ngunit hindi mawala ang sakit na nararamdaamn niya. Mabigat pa rin ang loob niya. Ngayon ay sinisisi niya ang sarili sa mga ginawa niyang pagkakamali. Hindi na siya umaasa pa na mamahalin siya ni Angel pagkatapos ng mga nalaman niya. Natigil ang pag-iyak niya ng bumukas ang pinto kung saan sinusuri si Angel. Sabay - sabay silang lumapit sa doctor.
"Dok, kamusta ang anak ko?" agad na tanong ng ama ni Angel.
Tumingin dito ang doctor. "Okay na siya. Kailangan niya lang ng pahinga. We run some test and we found out something."
"Ano po iyon?" siya na ang nagtanong.
Tumingin sa kanya ang doctor. "Ikaw ba ang asawa niya?"
Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ng doctor. Anong kinalaman ng tanong nito sa kalagayan ni Angel. "Ako nga po." Sagot niya. Wala na siyang paki-alam kung nagsisinungaling siya sa harap ng doctor.
"Congratulation, hijo. Magiging ama ka na. Magdadalawang buwan ng buntis ang pasyente."
Sabay sabay silang naruruon na napasinghap. Gulat na gulat sila sa binalita ng doctor. Tama ba ang narinig niya? Buntis si Angel. Magiging ama ulit siya.
"Sa ngayon ay kailangan niyang magpahinga dahil hindi ganoon kalakas ang kapit ng bata. Kung maari sana ay hindi siya mastress." Tumingin ang doctor sa mga magulang ni Angel. "may ibibigay akong resita mamaya sa inyo. Sa ngayon ay mananatili muna ng isang araw dito ang pasyente para makapagpahinga. Ililipat na siya ng mga nurse sa magiging kwarto niya." Huling sabi ng doctor bago iniwan sila.
Lahat naman sila ay nagbigay ng pasasalamat sa doctor. Naghari ang katahimikan sa kanila ng makaalis ang doctor. Hindi pa rin nag-sisink in sa kanyang isipan ang sinabi ng doctor. Parang nabibingi pa rin siya sa sinabi nito. Natigilan lang siya ng may tumama sa mukha niya. Napa upo siya sa sahig ng ospital sa lakas ng suntok sa kanya. May naramdaman siyang dugo sa gilid ng labi niya. Pinunasan niya iyon gamit ang likod ng kanyang palat. Napangisi siya ng makita ang pulang likidong iyon.
Narinig niya ang sigaw ng kanyang ina. Napaangat siya ng tingin. Hawak ni Andrew ang ama nito habang hawak naman ni Joshua ang ama niya. Nasa tabi niya naman ang kanyang ina.
"Binuntis mo na naman ang anak ko. Hindi ka ba talaga marunong gumalang na gago ka." Sigaw ng ama ni Angel.
Ng marinig ang sinabi nito ay parang may humaplos sa puso niya. Magiging ama ulit siya. Buntis ulit si Angel. Tumawa siya ng mahina. Ngayon palang pumasok sa isipan niya ang katutuhanan na dinadala ni Angel ang pangalawang anak nila.
"Anong tinatawa mo dyan, gago? Walang na---"
"Buntis si Angel. Magiging ama ulit ako." Putol niya sa iba pa nitong sasabihin nito. "Sinong hindi matutuwa? Mahal ko ang anak niyo 'Tay Angelo. Ngayong magkakaroon na kami ng pangalawang anak, sa tingin ko ay dapat ko ng gawin ang tama. Ang pakasalan si Angel."
Lahat ay napatingin sa kanya. Nakita niya ang pagbabago sa mukha ng ama ni Angel. Mula sa galit na mukha ay napalitan iyon ng lungkot. Bigla ay nag-alala siya. Ayaw ba nitong pakasalan niya ang anak nito? Hindi ba siya nito gusto sa dalaga?
"Tay Angelo, iingatan ko po si Angel at Aldin. Kagaya nga ng sina---"
"Alam mo ba ang nangyari kay Angel noong pinagbubuntis niya si Aldin?"
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. May dapat pa ba siyang malaman.
Yumuko si Tay Angelo. "Sancho, hindi ako ang totoong ama ni Angel."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Napatingin siya sa ama at nakita niyang hindi ito nagulat sa sinabi ni Tay Angelo. Ganoon din ang ina niya at si Joshua. Kung ganoon ay alam nila na iba ama ni Angel.
"Ang totoong ama ni Angel ay nasa kulungan ngayon dahil sa kadahilan na muntik na niyang mapatay si Angel noon."
Napasinghap siya sa narinig. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya ng mga sandaling iyon. Si Angel muntik ng mamatay noon dahil sa ama nito. Ano ba talaga ang nangyari sa babaeng minamahal niya noong nasa ibang bansa siya? Maraming sekretong itinatago sa kanya ang dalaga.
"Lorenzo, iyan ang totoong pangalan ng ama ni Angel. Namatay ang ina ni Angel sa panganganak kaya ng magtrabaho si Lorenzo sa ibang bansa ay naiwan sa amin si Angel. Naging malapit sa amin ang bata at tinuring namin siyang parang anak. Sa araw ng pagtatapos ni Angel ay umuwi ang ama niya para sana umakyat sa intimblado, ngunit ang balitang nagdadalang tao si Angel ang sumalubong sa kanya. Sa sobrang galit nito sa ginawang pagkakamali ni Angel ay sinaktan nito ang bata. Hinampas nito ng kahoy ang ulo ni Angel dahilan kung bakit my pilat siya sa ulo. Muntik na siyang mamatay ng araw na iyon. Sumuko sa pulis ang ama ni Angel."
Umiling siya. Kaya ba ganoon na lang ang galit ng dalaga sa kanya. Kaya ba minsan ay nahuhuli niya itong galit na nakatingin sa kanya. Masyadong malalim ang sugat na iniwan nila sa taong nakapalibot sa kanila. Isang gabi na puno ng sarap ay nag-iwan ng masakit na alala sa kanilang dalawa. Lalo na sa dalaga, masyadong malaki ang sugat na ibinigay niya dito. Pagkakamaling hindi din naman nito ginusto ngunit naging malaki ang iniwang lamat sa dalaga. Paano niya ngayon itatama ang mga pagkakamali? Paano niya gagamutin ang sugat sa puso ni Angel kung sobrang paghihirap ang ibinigay niya rito?
May pag-asa ba talaga siya sa dalaga na iniwan niya doon na puno ng paghihirap?