CHAPTER FIFTEEN

2351 Words
NAKATINGIN sa magandang fountain si Angel. Katatapos lang ng kasal ng isa sa mga kaibigan ni Sancho. Isinama siya ng binata bilang partner nito. Nakilala niya ang isa pa sa kaibigan ni Sancho na babae. Mazelyn Reyes-Wang is one of Sancho's best friend. Nalaman niya na kaibigan lang ni Sancho si Cathylyn na pinagseselosan niya. Nalaman niya iyon mula kay Mazelyn. Napansin niya din na nag-aaway ang dalawa. Inaasar kasi ng binata si Cathy. Ngayon niya lang din napansin ang kakaibang ngiti ng binata. He is laughing like no tomorrow when Cathy face get darker. Parang aso't pusa din ang dalawa kung mag-ayaw ngunit kahit ganoon ay hindi niya mapigilan na hindi makaramdam ng inis sa kay Cathy. Paano ba nito napapatawa ng ganoon si Sancho? Kapag siya ang kausap ng binata ay seryuso nito. Madalas nilang pag-usapan ay si Aldin at kapag napupunta na sa ibang paksa ang pinag-uusapan nila ay agad siyang umaalis at nagdadahilan. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing pag-uusapan nila ni Sancho ang tungkol sa kanila ay lumalayo siya. Siguro ay marahil natatakot pa rin siya sa katutuhanan na may nararamdaman na siya sa binata. "Why are you here?" Napalingon siya sa gilid niya ng marinig ang boses na iyon. Napakurap siya ng makita ang namumulang mukha ni Sancho. Alam niyang naka-inum ito kanina. Maputi ito kaya sobrang halata kung nakainum ang binata. Ngayong nasa malapit lang ang binata ay hindi mapigilan ang puso niya ang tumibok ng mabilis. Hindi niya din maalis ang tingin sa binata. Wala talaga siyang maipipintas sa binata. Napakagwapo nito sa kahit anong angolo. Hindi na siya nagtataka kung bakit galit sa kanya ang mga babae sa opisina. Nalaman na din kasi ng lahat na nagsasama na sila ni Sancho at may anak pa. maraming nagsabi na social climber siya, na inakit niya ang binata at sinadyang magpabuntis ngunit hindi niya iyon pinansin dahil alam niya sa sarili na wala iyong katutuhanan. Ang importante naman ay ang anak niya. Na tanggap ito ng mga magulang ni Sancho. Masyado na ngang malapit ang anak niya sa pamilya ni Sancho. Madalas na ito sa bahay ng mga magulang ng binata. Kapag pareho silang nasa opisina o out of town ay iniiwan nila si Aldin sa mga magulang nito. Hindi pa niya nakakausap ng mag-isa ang ama ni Sancho ngunit nararamdaman niyang tanggap siya nito bilang ina ng anak ni Sancho. Kung ano ang trato sa kanya ni Sir John noon ay ganoon pa rin. "Why are you here, Angel?" muling tanong ni Sancho na nagpaputol sa daloy ng iniisip niya. Napakurap siya. Nasa kanya na pala ang tingin ng binata. Agad siyang nag-iwas ng tingin at yumuko. Hindi niya talaga kayang salubungin ang tingin ng binata. Natutunaw siya at alam niyang magiging mahina na naman siya kapag nagpatuloy siya sa pakikipagtitigan dito. Ngunit nagulat na lang siya ng hawakan ni Sancho ang kanyang baba at iniharap dito. "Why you keep looking away from me, Angel?" may pagtatampong sabi nito. Idinikit nito ang kanilang noo. Lalong bumilis ang t***k ng puso niya. "I want you to look at me always. Ayaw kung sa ibang lalaki ka nakatingin. Maari ba iyon, Angel." "S-Sancho..." "I want your attention, baby. I can't help it anymore. I don't want to pretend that I alright with our set-up right now. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis na hindi ka hawakan ng ganito gayong nasa malapit ka lang." hinawakan ni Sancho ang kanyang baywang at hinatak palapit dito. "Gusto kong gawin ito sa iyo, Angel, ngunit natatakot naman ako na baka lumayo ka sa akin." "Anong sinasabi mo. Sancho?" Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Sancho. "I really love hearing my name from you. Napakasarap noon pakinggan kapag binabanggit mo." Inilayo ni Sancho ang mukha sa kanya at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. Naghatid naman ng init sa kanyang mukha pababa sa kanyang katawan ang ginawa nitong paghaplos. Hindi niya napigilan ang sarili na ipikit ang mga mata at damhin ang haplos nito. May sayang nabubuhay sa puso niya at nagbibigay kapayapaan sa kanya. Alam niyang walang kasigaraduhan ang lahat sa pagitan nila ni Sancho. Kaya hinihiling niya ng mga sandaling iyon ay manatili sila sa ganoong posisyon habang buhay dahil habang hinahaplos ni Sancho ang kanyang pisngi nararamdamdaman niya na may pagmamahal sa kanya ang binata na alam niyang napaka-imposible. Sana nga ay totoo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Dahil hinihiling niya nasa ay may pagtingin na sa kanya ang binata. Na may pag-asang maging sila sa bandang huli. "Sancho..." bulong niya sa pangalan ng binata. Hindi na niya napigilan ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi ng maramdaman ang paglapat ng isang mainit na bagay sa kanyang labi. Puno ng pagsuyo ang halik na iginawad sa kanya ng binata. Maingat at may pagmamahal ang mga halik ang pinagkaluob nito sa kanya. Walang pag-alinlangan na tinugon niya ang halik ng sinisinta. Ayaw na niyang pigilan pa ang nararamdaman dito, nais niyang tugunan kung ang iginagawad nitong damdamin sa kanya. Nais niyang sabihin sa binata na minamahal niya ito kahit man lang sa pagganti sa halik nito. Mas lumalim pa ang halikan nila ng ipinasok ng binata ang dila nito sa kanyang labi. Buong puso naman niyang hinayaan ito. Mas lalo siyang nagpaubaya ng maramdaman ang kamay nito na humaplos sa kanyang katawan. Wala silang paki-alam kung sakaling may taong makakita sa kanila. All matter for her is the kiss they are sharing and the feeling that Sancho giving to her. She feels so alive because of his kiss and touch. She wants more from him. Hindi na niya napigilan pa ang sarili. Inilagay niya ang mga braso sa leeg nito at may inilapit pa ang sarili sa binata. Wala na siyang paki-alam kung anong mangyayari kinabukasan. Kung paano niya haharapin ang binata pagkatapos nito. Susulitin niya ang sandaling malaya niyang maipadama kay Sancho ang pagmamahal na nararamdaman. "A-angel..." paos at puno ng pagnanasang banggit ni Sancho sa kanyang pangalan. Hinihingal na tinitigan niya sa mga mata ang binata. Lasing na yata siya kagaya nito dahil wala na siya sa katinuan habang nakatitig sa nag-aapoy na mga mata nito. Imbis na makadama ng takot dahil sa intesidad na nakikita ay lalo pa siyang nang-init. Those desire and l**t at his eyes makes her wants more. She feels too beautiful at that moment. "I want you now, Angel. Please! Let me own you." Instead of saying 'No' and push him, she pulls him and kiss him with so much l**t. Mukhang ikinabigla ni Sancho ang ginawa niya. Ilang sandali itong natigilan ngunit ng makabawi ito ay mas inilapit nito ang katawan niya sa katawan nito. Walang pang-alinlangan niyang hinayaan ang binata na idikit ang katawan niya dito. Bukas na niya iisipin ang ginawang pag-uubaya. Sa ngayon ay nais niyang madama ang pagmamahal na iniaalay nito sa kanya. ANGEL feels like a snake got her while looking at the two red lines. Bakit ngayon pa nangyari ang bagay na ito? Hindi pa siya handa at alam niyang ganoon din si Sancho. Hindi pa nila alam kung ano bang meron silang dalawa ngayon. Sancho never speaks about their real status. Para bang nagkakaunawaan lang silang dalawa. They eating together, come to the office together, and even sharing a bed together. Simula ng gabing iyon ay marami na ang nagbago sa pagitan nila ng binata. Madalas na silang nag-uusap ng tungkol sa isa't-isa. Hindi na rin siya naiilang nakasama itong dumating sa opisina at sabay na umuuwi sa hapon. Para bang naging natural na ang lahat sa pagitan nila. They even share a room and without a night that Sancho never owns her body. Sa tuwing yayakapin at hahalikan siya nito ay hindi niya napipigilan ang sarili. Kusa siyang nagpapaubaya at ibinibigay dito ang sarili. Wala ng pag-alinlangan sa sarili niya dahil itanggi man niya ang lahat.Alam niya sa sarili niya na ginusto niya ang nangyayari sa kanila ni Sancho. Sa tuwing yakap at inaangkin siya ng binata ay pakiradaman niya ay siya ang pinakaimportanteng tao sa buhay nito. Na may pagmamahal ng nararamdaman sa kanya ang binata. Bawat yakap at halik nito ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdaman. Pakiramdam na mamahalin siya ng binata sa huli. "Angel!" Nabitiwan ni Angel ang hawak ng may kumatok sa pinto ng banyo. Natatarandang kinuha niya sa lapag ang kanina'y hawak na bagay at agad iyon tinapon sa basurahan. Hindi iyon pwedeng makita ni Sancho. Natatakot siyang malaman ang magiging reaksyon nito. "Angel, okay ka lang ba dyan?" tanong ni Sancho sa likod ng pinto. "Ah..." hindi niya alam ang gagawin. Her mind is in black because of the sudden news. Kahit wala pa iyong kasigaraduhan ay natatakot pa rin siya. "Angel, okay ka lang? May problema ba?" pinilit na buksan ni Sancho ang pinto ng banyo. Nahimigan niya din ng pag-aalala ang boses nito. "I-im fine, Sancho. Katatapos ko lang maligo. May kailangan ka ba?" Tumigil si Sancho sa pagpupumilit na buksan ang pinto ng banyo. "Magpapaalam lang ako. Aldin wants to eat ice cream. Wala na tayong stocks kaya bibili lang ako saglit." "Ganoon ba. S-sige. Wag mo masyadong ramihan, hindi pwede sa matamis at malamig si Aldin, baka magkasipon siya." Paalala niya sa binata. Narinig niya ang mahinang tawa ni Sancho. "Yes po, boss. Alis na ako. I will be back soon. Dyan lang naman ako sa katabing grocery mall." "Okay. Ingat ka." "Thank you." Narinig niya ang mga yapag ni Sancho na paalis ng pinto ng banyo. Agad siyang lumabas ng masiguradong umalis siya ng kwarto nila. Agad siyang nakahinga ng maluwag. Anong gagawin niya ngayon? Hindi pwedeng manatili pa siya sa poder ni Sancho. Paano kung malaman nito ang tungkol sa dinadala niya? Paano nito tatanggapin ang pangalawang anak nila? Hindi niya napigilang ang pagpatak ng mga luha niya. Bakit ba hindi siya nag-iisip? Hindi mamaaring hindi siya mabuntis ni Sancho lalo na at hindi ito gumagamit ng proteksyon kapag may nangyayari sa kanila. Ngayon, anong mangyayari sa kanya? Walang pagmamahal sa kanya ang binata. Paano kung magalit ito sa kanya dahil sa pangalawang pagkakataon ay nabuntis na naman siya? Nagpaladlakad siya sa gitna ng kwarto nila. Paano kung hindi matanggap ni Sancho ang pangalawang anak nila? Alam niyang hindi plano si Aldin noon at lalong ang pangalawang anak nila. Paano kung isipin ni Sancho na ginagamit lang niya ito dahil sa pera kagaya ng sinasabi ng ibang tao. Hindi niya yata kakayanin ang sakit. Mahal niya ang binata at siguradong madudurog siya kapag pinalayas siya nito. Oo nga at may nangyayari sa kanila ngunit hindi ibig sabihin noon ay may pagtingin sa kanya ang binata. Natatakot siya na baka kapag nalaman ni Sancho na nagdadalawang tao siya sa pangalawang anak nila ay ipagtatabuyan sila nito. Hindi siya makakapayag na umabot sa ganoon ang lahat. Lumapit siya sa walk-in closet at agad na kinuha ang bag niya. Hindi niya na hihintayin pa na palayasin siya ng binata. Inilagay niya ang gamit sa malaking bag. Nang sa tingin niya ay nailagay na niya lahat ng kailangang gamit ay pumunta siya sa kwarto ng anak at inilagay din sa malaking bag ang gamit ng anak. Tatakas siya doon kasama ito. Baka kunin sa kanya ni Sancho ang anak, iyon ang hindi niya papayagan. Nilapitan niya ang anak na natutulog ng matapos niyang inilagay ang lahat ng gamit sa bag. Binuhat niya ang anak at lumabas ng kwarto nito. Aalis sila sa lugar na iyon. Kailangan niyang itago ang dalawang anak sa ama nito dahil nasisigurado niya na sa oras na malaman ni Sancho na buntis siya at palalayasin siya nito. Hindi siya makakapayag na mawalay sa dalawang anak. Malapit na siya sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Sancho na may hawak na isang plastic. Halos mag-isang guhit ang kilay nito ng makita siya. Bumaba ang tingin nito sa hawak niyang malaking bag. Napaatras naman siya. "S-Sancho..." nanginginig ang boses na banggit niya sa pangalan nito. "Anong ibig sabihin nito, Angel?" nagtatakang tanong nito. "Ah... A-ano..." hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa binata. Walang salita ang nais na lumabas sa labi niya para magdahilan at magsinungaling sa binata. Mukhang napansin ng binata ang panginginig niya. Lumapit ito sa kanya ngunit agad siyang umatras. Natatakot siya. Hindi niya alam kung bakit ngunit natatakot siya na baka saktan siya ng binata kapag nalaman nitong buntis siya. "Saan ka pupunta, Angel? Bakit may dala kang isang malaking bag at buhat mo si Aldin?" may bahid ng galit na tanong nito. "S-Sancho, please!" pumatak ang mga luha niya. Natatakot siya ng mga sandaling iyon. Binitawan niya ang hawak na bag at inilagay ang isang kamay sa tapat ng kanyang tiyan. Nasa kaliwang braso niya naman ang anak na natutulog. Kailangan niyang protektahan ang bata. Hindi ito pwedeng masaktan. "Sagutin mo ako. Saan ka pupunta kasama si Aldin?" sigaw ng binata. Natulos naman sa kinatatayuan nito si Angel. Nanginig ang katawan niya sa lakas ng sigaw ng binata. Lumandas ang luha sa pisngi niya. Naramdaman niya ang sakit sa buong katawan na hindi niya alam kung bakit bigla na lang niya naramdaman. Ang namamanhid niyang pisngi at kirot mula sa kanyang braso sa matinding hawak. "Wag!" mahinang sabi niya. "Wag mo akong sasaktan! Maawa ka! Buntis ako kaya wag mo akong sasaktan." Sabi niya sa pagitan ng pag-iyak. Umupo siya. Habang yakap si Aldin ay itinago niya ang sinapupunan sa takot na tamaan ito ng ihahampas sa kanya. Natatakot siya hindi para sa sarili kung hindi para sa kaligtasan ng anak. "A-anong sabi mo, Angel?" Umangat siya ng tingin. Nakita niya ang mukha ng kanyang ama. Galit na galit itong nakatingin sa kanya habang may hawak itong isang kahoy. Hindi na niya nakikilala ang ama dahil sa anyo nito. Alam niya na kahit anong oras ay papatay ito ng tao. 'Isa kang malanding babae.' Malakas nitong sabi bago siya hinampas ng kahoy na hawak. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumigaw. "Huwag!!!" Naramdaman ni Angel ang masakit na bagay na tumama sa kanyang ulo. Bigla ay nandilim ang kanyang paligid. "A-ang b-baby k-ko!!!" huli niyang sinabi bago nawalan ng malay-tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD