DARK NIGHT FOURTEEN

3250 Words
CHAPTER FOURTEEN "THIS will be your room, kiddo." Sabi niya sa anak ng buksan niya ang kwarto nito sa condo niya na pina-ayos niya sa kapatid. Isa sa mga hininging favor ni Angel ang magkaroon sila ng sariling tahanan. Kung maari daw ay bumukod sila sa ama niya. Alam naman niya kung bakit. Hindi pa kayang harapin ni Angel ang kanyang ama ngunit hindi habang buhay ay matatago niya sa ama ang katotohanan. Balak niyang sabihin sa ama bukas ng gabi at kakausapin niya si Angel patungkol doon. Joshua said that his parents will come home tomorrow night. Sumilip ang anak sa sarili nitong kwarto at nakita niya ang ningning sa mga mata nito. Ang sabi ni Angel ay mahilig sa anime na Naruto ang anak kaya naman sinadya niya na gawing Naruto theme ang kwarto nito. Mag-iilang buwan na niyang pagmamay-ari ang condo na iyon. Binili niya iyon ng makabalik siya galing U.S at hindi niya akalain na uuwi siya doon kasama ang mag-ina niya. Akala niya talaga ay uuwi siya doon ng mag-isa pero pansamantala lang naman sila doon. May bahay siyang kinuha sa isang subdivision at doon niya balak iuwi ang kanyang mag-ina kapag natapos na ang pagpapagawa niya. "Nagustuhan mo ba ang kwarto mo, Kiddo?" tanong niya sa anak. Tumingin sa kanya ang anak. "Kwarto ko talaga ito, Itay?" "Yes. Ito na ang magiging kwarto mo simula ngayon." Ngumiti ang anak at tumakbo papasok ng kwarto nito. Agad itong sumampa ng kama. "Yehey!!! May sariling kwarto na ako." Tumalon-talon ito sa kama. Hindi talaga nito maitago ang sayang nararamdaman. Hindi niya napigilan ang pagsilay ng kanyang ngiti sa labi. Seeing his son happy makes his heart joy. Alam niyang maraming bagay ay kinasasabikan ng kanyang anak at ngayong nasa poder na niya ito ay gagawin niya ang lahat maibigay lang ang lahat ng iyon. Humilig siya sa pinto at hinayaan lang ang anak na tumalon-talon sa kama nito. "Aldin, tama na iyan." Narinig niyang suway ni Angel na nakatayo din sa may pinto. Nakasandal din ito sa pinto kagaya niya. Tumigil sa ginawa nito ang anak at nakasimangot na tumingin kay Angel. "Pero Inay..." "Wag matigas ang ulo, Aldin. Pinag-usapan na natin ito." Lumapit si Angel sa anak nila at umupo sa kama. Nanatili lang siyang nakatayo at nanonood sa dalawang taong naging importante na sa kanya sa maikling panahon. May humaplos sa puso niya ng makitang ngumiti ang anak kay Angel. Mabait ang anak niya. Mabilis itong sumusunod kay Angel at hindi ito kagaya ng ibang bata na nagmamaktol kapag hindi nasunod ang gusto. Nagpapasalamat siya na maayos itong pinalaki ng mga magulang ni Angel. Nakikita niya sa anak na lalaki itong mabuting tao. Hindi nakaapekto kay Aldin na lumaki itong walang amang nakakasama. Kahit na salat sa ilang bagay ang anak niya ay hindi iyon naging rason para hindi ito sumaya sa buhay. "Itay..." tawag ni Aldin na nagpagising sa kanya. "Yes, kiddo." Nakatingin na pala ang kanyang mag-ina sa kanya. Lumapit siya sa mga ito at umupo ng kama. Tumabi siya sa anak. Napapagitnaan na nila ito ni Angel. "Itay, dito na po ba ako mag-aaral?" "Yes, kiddo. Pero maghahanap pa si Itay mo ng papasukan mong paaralan." Ginulo niya ang buhok ng anak. "Babalik na po ba kayo sa trabaho, Itay?" "Oo. Kiddo. Kailangan ng magtrabaho ni Itay at ganoon din si Inay pero wag kang mag-aalala dahil ang Lola Sandra mo ang magbabantay sa iyo at pagdating sa hapon ay susunduin kita para makasama ka namin sa gabi." "Sino po si Lola Sandra?" nagtatakang tanong ng anak niya. Napatingin siya kay Angel. Nanlalaki ang mga mata nito at namutla ang dalaga. Hindi ba nito na-isip na sasabihin niya sa kanyang mga magulang ang tungkol sa anak. Muli niyang ibinalik ang tingin sa anak at ngumiti dito. "Si Lola Sandra ang aking inay, kiddo. Si Lolo John naman ang pangalan g aking ama. Ipakikilala kita sa kanila. Alam kong magugustuhan ka nila." "Talaga, Itay!!!" tumayo si Aldin at tumalon para yakapin siya. "May Lola at Lolo pa akong isa." Niyakap niya din ang anak at pinupog ng halik. Napuno ng saya ang puso niya kapag ganitong masaya ang anak niya. Lalo niyang napapatunayan sa sarili na tama ang mga ginagawa niyang desisyon na dalhin ito sa Manila para makasama siya. Ilang sandali pa ay napuno ng tawa ang kwarto ng anak niya dahil kiniliti niya ito sa tiyan. Tawa ng tawa ang anak niya habang pilit na inilalayo ang sarili sa kanya ngunit hindi nito magawa dahil mahigpit niya itong yakap. "Tama na po itay. I give up! Suko na po si Aladin." Sabi ng anak sa pagitan ng pagtawa nito. Tumigil naman siya at tinitigan ang anak. Napakasaya niya na nakakasama niya ito. Nayayakap, nahahawakan at nakikita ang mga ngiti. Nagbibigay ng kapayapaan sa kanya ang tawa at ngiti nito. Bigla ay nagkaroon ng liwanag ang buhay niya. "Aldin, anak, common! It's time for you to rest." Putol sa kanila ni Angel. Napatingin siya sa ina ng kanyang anak. Seryuso ang mukha ng dalaga. Bigla ay nakaramdam siya ng kakaiba sa uri ng reaksyon nito. Tumayo siya mula sa pagkakadagan sa anak. Muli siyang tumingin sa anak at ngumiti. "Tama ang Inay mo, kiddo. Masyadong mahaba ang byahe natin kanina. Kailangan mo ng magpahinga." "Pero Itay..." humaba ang nguso ng anak niya na ikinangiti niya. "Bukas ay lalabas tayo para mamasyal. Okay ba sa iyo, kiddo?" Lumiwanag ang mukha ni Aldin at tumungo sa kanya. Humarap ito sa ina. "Inay, milk ko po." Sabi nito. "Bukas na lang anak. Mag-aayos muna kami ng Itay mo ng mga gamit natin." "It's okay. Bumili ng gatas ni Aldin si Joshua. Alam ko nasa isang kabinet sa kusina." Tumungo lang sa kanya si Angel at lumabas ng kwarto. Napabuntong hininga na lang siya. Akala pa naman ay magiging okay na sila ni Angel ngayong nandito na ito sa poder niya. Too much for his expectation. Muli siyang napatingin sa anak. Yumuko siya para halikan ito sa noo. "Good night, kiddo." "Good night, Itay." Yumakap sa kanyang leeg ang anak at hinalikan siya sa pisngi. Ginulo niya muna ang buhok nito bago lumabas ng kwarto nito. Pumunta siya ng kusina para sundan si Angel. Nakita niya itong naghahanap ng gatas ng anak. Lumapit siya dito at nakitulong sa paghahanap. Maayos naman na ang condo at wala na sila masyadong aayusin maliban sa mga damit nila. Maasahan talaga ang kapatid niya. Nakita nila ni Angel ang gatas ng anak kasama ng ilang power drinks. Agad na nagtimpla si Angel. Pinanood naman niya ito sa ginagawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na kasama na niya ito sa iisang bahay. "Wala sa usapan natin na ipakilala mo ang anak ko sa mga magulang mo." May bahid ng galit na sabi ni Angel. He blinks twice because of her question. Hindi nga siya nagkamali na iyon ang ikinagagalit sa kanya ng dalaga. Huminga siya ng malalim. "I'm sorry about that but my parents have the right to know about Aldin. Hindi ko pwedeng ilihim sa kanila ang ganitong bagay. Ayaw ko din naman na malaman nila sa ibang tao ang tungkol sa anak ko." Lumapit siya sa refrigerator at kumuha ng beer. Humarap sa kanya si Angel na hindi maitago ang galit para sa kanya. Alam naman niyang dapat tinanong niya muna ito bago sabihin sa anak ang tungkol sa kanyang mga magulang ngunit iyon lang din ang nakita niyang paraan para pumayag ang dalaga na ipakilala niya ang anak sa mga magulang. "Alam mo kung anong sitwasyon meron ako sa ama mo. He is my former boss and knowing I have a child with his son makes me feel uncomfortable. I have been working with him for so many years and I didn't tell about his grandson and I'm sure he will get mad at him. Mabait si Sir John pero nakakatakot siyang magalit at iyon ang pinaka-iniwasan ko." "Dad won't get mad. Alam kong maiintindihan niya ang dahilan mo kung bakit hindi mo sinabi sa kanya. Look, Angel, hindi naman ganoon kasama ang ama ko." "Sa tingin mo hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na ang anak niya ay nakabuntis ng isang mahirap. Hindi mo ba nakita kung paano niya pinaghiwalay si Joshua at Alister? Alam ko kung gaano kahirap---" "Alam ko dahil nandoon ako. Pero hindi ang pagiging mahirap ni Alister ang naging dahilan ng paghihiwalay nila." Putol niya sa iba pa nitong sasabihin. Humilig siya sa lababo. "Alam ni Daddy na ikaw ang nakasama ko ng gabing iyon." Nanlaki ang mga mata ni Angel at ang marahan nitong pagbuka ng labi. Her mouth form into a letter 'O'. Nakakagulat naman talaga iyon. Sino naman kasi ang magpapasok sa kompanya nito ng babaeng naging bahagi ng nakaraan ng anak nito? His father is weird and conning. Alam niyang may pinaplano ito pero binaliwala na lang niya. Ang importante ay tinulungan nito ang dalaga na magkatrabaho at saka kung hindi dahil sa ginawa nito ay hindi muli magkukrus ang landas nila ng dalaga. "How? W-why?" "Hindi ko din alam. Kaya ako pinatapon ni Daddy sa U.S dahil sa hinahanap kita. I think he investigate about you." Bumadha ang pag-aalala sa mukha ng dalaga. "Kaya ba sinabi niya na wag akong magkagusto sa iyo dahil kilala na niya ako?" Nagsalubong ang kilay niya ng marinig ang tanong nito. Kinausap ito ng kanyang ama. Kaya ba ganoon ang trato sa kanya ng dalaga. Naikuyom niya ang mga kamay. Bigla ay kumulo ang dugo niya dahil sa narinig. Hindi pa rin pala tumitigil ang ama sa pangingi-alam nito sa buhay nila magkapatid. Pwes! Hindi siya makakapayag. Lalo pa ngayong may anak sila ni Angel. Wala ng magagawa ang kanyang ama kapag sinabi niyang pakakasalan niya si Angel para ibigay ang apelyido sa anak. "He said that to you?" hindi niya maitago ang irritasyon. Umiwas naman ng tingin si Angel. Naghari ang katahimikan sa pagitan nila at nararamdaman niya ang tensyon sa pagitan nila. Mukhang ayaw pag-usapan ng dalaga ang tungkol sa sinabi dito ng kanyang ama. Namumula na ang leeg niya sa pinipigil na galit. "Ihatid mo na iyang gatas sa anak natin. Your own room is the left door of Aldin's room. I'm tired." Iniwan niya ang dalaga. Ayaw niyang magsalita pa at baka kung ano pa ang masabi niya sa dalaga. Hindi lang kasi sa ama niya siya naiinis kung hindi pati na rin kay Angel. Bakit ito pumayag sa nais ng kanyang ama? Talagang ganoon ba kalalim ang sakit na idinulot niya dito. Malaki ba talaga ang galit nito sa kanya dahil sa nangyari. Bakit? Kung tutuusin ay may pagkakamali din naman ang dalaga ng gabing iyon. Hindi dapat ito nagpakalasing ng gabing iyon. Hindi lang siya ang nagkamali ng gabing iyon. Pagkapasok sa kwarto niya ay agad siyang pumunta ng bathroom para maligo. Kailangan niyang tanggalin ang galit sa dalaga dahil hindi pwedeng makita iyon ng anak nila. NANGINGINIG ang kamay ni Angel habang nakatayo sa pinto ng mansion ng mga Lim. Ngayong araw ipakilala ni Sancho si Aldin sa mga magulang nito. Wala siyang nagawa dahil sa kasayahan ng anak na makilala ang mga magulang ng ama nito. Muli siyang huminga ng malalim. Hinihintay niyang bumaba ng sasakyan si Sancho bago siya pumasok sa loob. Wala siyang alam kung anong mangyayari ngayong araw at iyon ang ikinatatakot niya. Ano kaya ang sasabihin ng dati niyang boss kapag nalaman nitong may anak sila ni Sancho. "Daddy? Tama ba ang pagkakasabi ko, Itay?" tanong ng anak niya na nagpabalik sa kanya mula sa malalim na pag-iisip. Napatingin siya sa kanyang mag-ama. Hindi niya napigilang hindi ngumiti ng makita ang ayos ng dalawa. Ang cute tingnan ng mga ito. Pareho kasi ang suot ng dalawa. Nakasuot ng blue t-shirt at maong pants na may punit sa tuhod ang dalawa. Itim naman na rubber shoes ang suot na sapin. Sinabi ng anak na nais nitong suotin ang bagong damit na binili ng ama nito kahapon. Sino naman siya para ikait sa anak ang sayang nais nito? Mahal na mahal niya ang anak kahit pa nga marami siyang pinagdaanan dahil dito. "Let's go?" Napakurap siya dahil sa tanong na iyon ni Sancho. Nasa harap na pala niya ito at mataman siyang tinitigan. May bahid din ng pag-aalala ang mukha nito. Umiwas siya ng tingin at napayuko. Simula ng malaman ni Sancho ang tungkol sa anak nila ay hindi na niya ito matitigan ng matagal sa mga mata. Natatakot siya na baka malaman nito ang nilalaman ng puso niya kapag tinitigan siya nito. "Tara na mommy." Hinawakan ng anak ang kamay niya. "Mommy?" napatingin siya sa anak. "Opo. Ang sabi ni Daddy, iyon na po ang itawag ko sa inyo mula ngayon." Ngumiti ang anak. Bago pa niya matanong si Sancho ay bumukas ang pinto at lumabas ang kapatid ni Sancho na si Joshua. May ngiti sa labi nito na agad na hinarap ang anak niya. "Hello there, little Lim." Yumuko si Joshua para makapantay ang anak niya. "Hindi mo man lang kami babatiin, little brother." Umangat ng tingin si Joshua. "Sino ba kayong dalawa? Hindi ko kayo kilala." Nakataas ang kilay na sabi nito. Muli nitong hinarap si Aldin. "Anong pangalan mo, Little kid?" Tumingin sa kanya ang anak. Nasa mga mata nito ay nagtatanong kung maari niya bang sagutin ang tanong ng lalaki. Ngumiti naman siya sa anak. "Magpakilala ka na sa Tito Joshua mo, anak." Humarap ang anak niya kay Joshua. "Hello po. Ako po pala si Sancho Aladin Cruz." Lalong lumiwanag ang mukha ni Joshua. "Masaya akong makilala ka Little Sancho. Ako pala si Joshua Sancho Lim, kapatid ako ng ama mo." Tinuro pa ni Joshua si Sancho na tahimik lang na nakatingin sa anak. "Kapatid ka ni Daddy?" Nanlalaki ang mga mata ng anak . "Yap. Kaya maari mo bang bigyan ng yakap ang Tito Joshua mo?" dumapa si Joshua. Agad naman niyakap ni Aldin ang Tito Joshua nito. "May tito pa akong isa at sobrang gwapo pa." Natawa sila sa huling sinabi ng anak niya. Narinig niya din tumawa si Sancho na ikinatingin niya dito. Nakikita niya ang sobrang saya nito. Lumundag ng malakas ang puso niya ng humarap ito at nagsalubong ang tingin nila. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Buhat na ni Joshua si Aldin. "Dad and Mom are waiting inside. Let's go." Sabi ni Joshua at nauna ng naglakad papasok ng bahay habang buhat si Aldin. Naiwan naman siyang nakatayo sa pinto at hindi alam kung susunod ba sa mga ito. Bago pa niya ma-ihakbang ang mga paa ay may humawak sa kanyang kamay. Nag-angat siya ng tingin at nagsalubong ang tingin nila ni Sancho. "Magiging okay din ang lahat. Nandito ako, Angel. Hindi ko kayo pababayaan ni Aldin." Ngumiti ang binata na nagbigay ng kapayapaan sa puso niya. Magiging okay din ang lahat. Nandiyan si Sancho at sinasabing hindi siya pababayaan. Ito na siguro ang tamang oras na pagkatiwalaan niya ng lubos ang binata. Tumungo siya at ngumiti sa binata. Pumasok sila sa loob. Walang tao sa sala kaya tumuloy sila sa dinning area at doon nila nakita ang ama at ina ni Sancho na nakatingin sa anak nila. Masayang nagsasalita ang anak niya habang nakatingin dito ang mag-asawang Lim. Nakikitaan ng pagtataka ang mukha ng mga ito. Ilang hakbang pa ang layo nila ng sabay na tumingin ang mga magulang ni Sancho. Linukob ng kaba ang puso niya ng magtagpo ang tingin nila ng dating boss. Mukhang napansin naman ni Sancho ang tensyon sa katawan niya dahil pinisil nito ang kamay niya. Lumapit pa sila sa mga magulang nito na may nagtatanong ang mga tingin. "Who is this kid, Sancho?" tanong ni Mrs. Sandra Lim. Napatingin muna sa kanya si Sancho bago nito sinagot ang ina. "Mom, Dad, I want you to meet my son, Sancho Aladin Cruz..." kitang-kita niya ang pagguhit ng pagkagulat sa mukha ng ina ni Sancho. "... and the girl beside me is the mother of my child, Angel Fatima Cruz." Napatingin sa kanya si Mrs. Sandra Lim. Agad naman siyang yumuko at nag-iwas ng tingin. Natatakot siyang makita sa mga mata nito ang galit para sa kanya. Napakabait ni Tita Sandra sa kanya. Madalas itong pumupunta noon sa opisina ni Sir John kaya madalas din siya nitong kinakausap. Kapag may pagtitipon ang mga Lim at naa-anyayahan siya ay si Tita Sandra talaga ang umaasikaso sa kanya. Wala siyang masabi sa ina ni Sancho. Napakabait nito at hindi mapagtaas. Ngunit iba ang sitwasyon nila ngayon. Pakiramdam niya ay pinagtaksilan niya ang ina ni Sancho dahil hindi niya sinabi dito ang totoo. Nahihiya siyang harapin ito. Natigilan siya ng may biglang yumakap sa kanya. Nanigas siya kinatatayuan ng maamoy ang malamyos na pabango ni Tita Sandra. Mahigpit siya nitong yakap na ikinagulat niya. Ano bang nangyayari? Bakit yakap siya nito? Hindi ba dapat ay isang malakas na sampal ang makukuha niya mula dito? "T-tita Sandra..." "Oh my gosh! Sa wakas nagkatotoo din ang hiling ko na maging anak ka, Angel." Kumalas sa pagkakayakap sa kanya ang ina ni Sancho. May ningning sa mga mata nito. "Tita Sandra, hindi po kayo galit sa akin?" naiiyak niyang tanong. "Magagalit? Anong tanong iyan, Angel? Bakit naman ako magagalit sa iyo?" hinawakan ni Tita ang kamay niya. "Kasi po naglihim ako sa inyo. Hindi ko po sinabi agad na may apo kayo sa akin." Ngumiti si Tita Sandra. "Oh silly! Alam ko naman na may rason ka." Masamang tingin ang ipinukol nito kay Sancho. "Knowing my son, sigurado akong mabigat ang rason mo. Wag kang mag-alala, hindi ako galit sa iyo. Masaya pa nga ako dahil sa wakas magiging anak na kita. Akalain mo iyon ang panganay na anak ko pa talaga ang mapapangasawa mo." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Mapapangasawa? Siya magiging asawa ni Sancho? Bigla ay tinakasan siya ng kulay sa sinabi ni Tita Sandra. Iyon ba ang inaasahan nito sa kanila ni Sancho. "Mommy!!!" may bahid ng pagsuway na tawag ni Sancho sa ina. Napatingin si Tita Sandra kay Sancho. "What?" "Hindi pa po niya alam." Nakita niya ang panlalaki ng mga mata ni Tita Sandra. "James Sancho Lim, hindi kita pinalaki para maging torpe." Napakamot ng ulo si Sancho dahil sa sinabi ni Tita Sandra. Wala naman siyang ediya kung anong pinag-uusapan ng dalawa. Para bang may nililihim ang mag-ina sa kanya. "Tama na iyon. Ang mabuti pa ay kumain na tayo. Mukhang nagugutom na itong apo ko. Mamaya na natin pag-usapan ang tungkol sa inyong dalawa ni Angel, Sancho." Sa wakas ay nagsalita na rin ang matandang Lim. Natigil naman sa masamang tingin si Tita Sandra at magiliw na tumungin sa kanya. "Halika na, hija." Hinawakan ni Tita Sandra ang kamay niya at ginaya siyang umupo sa tabi nito. Aangal sana si Sancho ngunit agad itong pinandilatan ng ina. Walang nagawa ang binata kung hindi ay umupo sa tabi ng anak nila para ito ang umasikaso sa pagkain ni Aldin. Pagkaupo niya ay agad na nagsalita si Sir John na ikinatingin niya dito. "Bago tayo magsimulang kumain may nais akong sabihin sa iyo, Angel." Nakatingin sa kanyang mga mata ang matandang Lim. Walang emosyon ang mga mata at mukha nito. Hindi siya sanay na ganoon si Sir John sa kanya. Napalunok siya ng magtagpo ang kanilang tingin. "Welcome to the family, Angel. Masaya ako na magiging parte ka na ng pamilya ko." Para naman nabunutan ng tinik ang puso niya ng marinig iyon mula sa dati niyang amo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD