NAKANGITING pinagmasdan ni Sancho ang anak na naglalaro ng basketball kasama ang dalawang Tito nito. Hindi pa rin siya makapaniwala na may anak na sila ni Angel. Niyakap niya ito ng mahigpit kanina pagkatapos niyang marinig ang tanong nito. Umiyak siya sa harap ng anak. Hindi niya alam kung bakit. Basta nalang pumatak ang luha niya. Siguro ay nadala lang siya ng damdamin. Anim na taon. Anim na taon niya itong hindi nakasama. Nakita niyang umiiyak din kanina si Angel. Sinabi din nito sa bata na siya ang ama nito.
Hindi maitatanggi ni Angel na anak niya si Aldin. Kamukhang-kamukha niya ang bata. Lahat ng bahagi ng mukha nito ay nakuha sa kanya. Para silang pinagbiyak na bunga ng anak. At nagbigay iyon ng kasayahan sa kanya. May sapat na kasi siyang dahilan para isama ang dalaga sa Manila at tumuloy sa bahay niya. Hindi siya makakapayag na hindi sumama sa kanya ang anak. Ayaw na niyang lumipas ang panahon na wala ito sa tabi niya.
Sancho Aladin Cruz ang buong pangalan ng anak niya at balak niyang baguhin iyon. Hindi pwedeng hindi maging Lim ang anak niya. Gagawin niya ang lahat maging Lim lang ang anak. May karapatan ito sa yaman niya at yaman ng pamilya niya bilang panganay niyang anak.
Napatingin siya sa kaliwang bahagi ng kina-uupuan niya ng may naglapag nang kape sa harap niya. It's already 5o'clock in the afternoon. Hindi na siya muling hinabol ng itak ng ama ni Angel ngunit masama pa rin ang titig nito sa kanya. Sinabi nitong saka nalang siya papatayin kapag hindi nakatingin ang anak niya. Umangat ang tingin niya ng umupo ang naglapag ng kape sa tabi niya.
"I'm sorry." Hindi makatingin sa kanya ng diretso ang dalaga na ipinagtataka niya.
Pinakititigan niya ang dalaga. Ang babaeng ito ay ina ng anak niya. Noon ay pinapangarap niyang makita ito kasama ang magiging anak nila, ngayon nga ay magkatotoo ang pinangarap niya ngunit hindi pa siya tuluyang nagiging masaya.
"Sorry for what?"
"Sorry for keeping Aldin from you. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa iyo at ayaw ko ng maungkat pa ang nakaraan. Masyadong malayo ang agwat natin sa buhay. Magu---"
"Sa tingin mo may paki-alam ako kung masyadong malayo ang agwat ng buhay natin? He is my son, Angel. Anim na taon ko siyang hindi nakasama." Mabigat niyang sabi sa dalaga. "Ngunit hindi ko magawang magalit sa iyo. Alam ko naman na natakot ka ng gabing iyon. I'm a stranger and we both on the influence of alcohol. Hindi man natin ginusto ang nangyari. You where young back then and full of dreams. Hindi kita masisisi kung tinakasan mo ako kinabukasan pagkatapos ng nangyari sa atin."
Nakita niyang pumatak ang mga luha ng dalaga. Lalo siyang napabuntong hininga. Kinabig niya ang dalaga at niyakap. Kung may bagay man siyang ayaw makita kay Angel ay iyong luha niya. Sinasakal ang puso niya kapag umiiyak ito, lalo na at siya ang dahilan niyon. Sana hindi siya umalis ng bansa. Sana ay hinanap niya ang dalaga. Sana nagpursige siyang hanapin ito. Bakit ba kasi mabilis siyang natakot sa ama ng mga panahong iyon? Ngayon ay puro na lang 'sana' ang lahat para sa kanya. Napakahirap tuloy kuhain ang pagtingin ng dalaga.
"I'm sorry." Hinalikan niya ang noo nito. "I'm sorry kung hindi kita hinanap pagkatapos ng nangyari. Alam ko naman kung sino ka pero hindi pa rin kita hinanap. I'm sorry if I hurt you. I'm sorry kung naghirap ka ng dahil sa akin. Ngayong nandito na ako, babawi ako sa iyo at sa anak natin. Ganoon din sa pamilya mo. Itatama ko ang mga pagkakamali ko."
Kumalas si Angel sa pagkakayakap niya at nagtatanong ang mga tingin na nakatitig sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?
"Let's live together. You, me and Aldin. Sumama ka sa akin pabalik ng Maynila, kayo ni Aldin." Walang pag-alinlangan niyang sabi sa dalaga.
Nanlaki naman ang mga mata ni Angel. Hindi maitatago sa kanyang mga mata ang pagkagulat. Alam naman niya na biglaan ang kanyang proposal. Nakilala niya lang kanina ang anak at heto siya at may plano na agad para rito ngunit ganoon yata talaga siya. He wants to be with this woman. Kung nais niyang makasama si Angel at kung ang anak naman ang magiging daan ay gagawin niya. Gagawin niya ang lahat para lang makasama si Angel.
Kung maari lang sanang yayain na niya itong magpakasal ay ginawa na niya ngunit alam niyang hindi pwede. Angel is not ready for that and he doesn't want to blow all his chances. At saka, nais din niyang magpakasal dito na may nararamdaman na ito sa kanya. Naniniwala pa rin siya na mas magandang pundasyon ng pagsasama ang pagmamahalan sa pagitan ng dalawa. Trust, love, and respect are the key to a long relationship. At bago niya yayain ng kasal ang dalaga ay nais niyang meron silang dalawa noon. He already loves Angel so much. He also respects her. Trust? He trusts Angel but not those men looking at his woman with admiration. Nais niyang siya lang ang tumitingin ng ganoon sa babaeng sinisinta. Kung maari lang kulungin ang dalaga sa bahay ay ginawa na niya. But he knows it's not right.
Naputol ang malalim niyang pag-iisip ng marinig ang boses ng babaeng bumabaliw sa kanya. Mukhang nakabawi na ito sa pagkagulat.
"Live with you? Ano na lang ang sasabihin ni Sir John kapag nakita niya iniuwi mo ako sa bahay niya? Hi---"
"I have my own house in Manila. Nasa isang exclusive subdivision iyon sa Ortigas. You don't need to worry about my father. Sigurado akong matutuwa iyon malaman na may apo na ito sa akin. Sigurado nang may magpapatuloy ng lahi namin. Aldin will be Lim soon, Angel. Nararapat lang na nasa poder ko ang anak ko. Aldin deserves to have everything in this world because he is my son."
"Sancho, hindi---"
Natigil sa pagsasalita si Angel ng ilapit niya ang mukha rito. Narinig niya ang malakas na pagsinghap nito. Bahagya pa itong napa-atras. Hindi niya napigilan ang isang ngiting sumilay sa kanyang mga labi. He likes Angel's reaction every time he is near. Pakiramdam niya ang napaka-inosente pa rin nito. Well, Angel is still innocent. Nararamdaman niya iyon ng gabing may nangyari ulit sa kanila. She doesn't know to kiss. She doesn't know how to please him in bed but it's alright to him. Mas gusto niyang ganoon ang dalaga.
"I let you think everything I said, Angel. I give you two weeks to think." Hinawakan niya ang kamay ng dalaga. May kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya at nagbibigay iyon ng kakaibang saya sa puso niya. Iba ang hatid ni Angel sa sistema niya at wala siyang balak na pigilan iyon.
"Pag-isipan mong mabuti. Gusto kong makasama ang anak ko, Angel. Anim na taon ko siyang hindi nakasama. Kaya sana pagbigyan mo ako. Gusto ko siyang makilala at bigyan ng magandang buhay. Gagawin ko ang lahat maprotektahan lang siya... at ganoon din ikaw." Hinalikan niya sa noo si Angel.
Wala siyang nakitang pagtutol sa dalaga ng lumayo siya dito. Nakikita lang niya ang pagkagulat sa mukha nito. Alam niyang ngayon lang siya naging ganoon dito at wala siyang balak na itigil kung anuman ang nasimulan na niya. He is intended to keep Angel and Aldin forever. Isang ngiti ang ibinigay niya sa dalaga.
"Sancho..." tutol pa sana ang dalaga ng bigla na lang may bolang dumaan sa pagitan nila.
Sabay silang napatingin sa taong naghagis noon. Nakita niya ang galit na mga mata ng mga kapatid ni Angel. Mukhang hindi talaga siya matatanggap ng pamilya ng dalaga. He needs to work hard to get their approval. Mahabang-habang laban ang haharapin niya at wala siyang balak na sumuko dahil ang taya sa laban na ito ay ang makasama ang babaeng minamahal.
"Laro tayo, Itay." Sabi ni Aldin na hinawakan siya sa braso.
Ngumiti siya sa anak at tumayo. Hinila siya ng anak at nagpahila naman siya. Muli niyang sinulyapan ang dalaga na nakasunod ang tingin sa kanila ng anak. May nagbabadyang luha sa mga mata nito. Kinindatan niya ang dalaga na ikinapula ng pisngi nito ngunit mas namula pa ito ng may isinigaw siya.
"Cheer for me, Angel. I will win for you." Alam niyang dalawa ang ibig sabihin ng sinabi niya at mukhang nakuha naman ni Angel ang ibig niyang sabihin.
Nilukob ang puso niya ng tuwa. He will keep Angel. Hindi na siya makakapayag na makawala pa ito sa kanya.
'You are mine, Angel.'
NASA labas ng bahay si Sancho. Katatapos lang nilang kumain. Alam niyang nasa kusina si Angel at kasama nito ang ina. Natuwa siya kanina sa hapag-kainan. Sinubuan niya kasi ang anak habang si Angel ay nilagyan ng pagkain ang plato niya. Pritong isda, ginisang gulay at atsara. Masarap ang atsara kaya naging magana ang kain niya. Simple lang ang pagkain nakahain sa mesa ngunit napakasarap naman noon. He even used his hands as spoon. It was first time for him but it was a great experiences. Natawa pa nga siya ng sabihin ng ina ni Angel na parang hindi siya mayaman dahil hindi siya naiilang gamitin ang kanyang kamay.
Nakikita niyang tanggap siya ng ina ni Angel. Kahit papaano ay napanatag siya na ang tatlong lalaki na lang ng pamilya Cruz ang kailangan niyang suyuin. Hindi naman siya nagtataka kung bakit ganoon na lang ang galit ng mga ito sa kanya dahil kung mayroon din naman siyang anak na babae o kapatid na babae at uuwi itong buntis ay magagalit din siya sa lalaking nakabuntis dito. Gagawin din niya ang ginawa ng ama ni Angel kanina o baka nga mas higit pa. He own a g*n and he will pull the trigger if someone hurt his girl.
Nakita niyang sinagot ng kanyang kapatid ang tawag niya.
"Hey big brother. Babalik na ba si Angel sa kompanya?" tanong agad ng kapatid.
"Not yet." Naglakad siya malapit sa puno ng mangga na nasa gitna ng bakuran.
"What do you mean 'not yet'?"
"I give her two weeks to think about my offer."
"Bakit kailangan pa ng two weeks, kuya? Kailangan niya lang pumili kung babalik siya bilang secretary mo o maging secretary ko. We talk about this Kuya. Kailangan bumalik ni Angel ng kompanya para tuluyan mo na siyang maligawan."
"I change my plan, younger brother. Something happens that I change my plan."
"What happen?" naging alerto ang kapatid niya.
"The truth is, I called you for something about legal papers."
Alam niyang salubong ang kilay ng kapatid niya ng mga sandaling iyon.
"Kailangan mapalitan ang apilyedo ni Aldin sa lalong madaling panahon. Gusto ko na maging Lim na siya bago matapos ang taon."
"Wait! Anong sinasabi mo, Kuya? And who's Aldin? Bakit kailangan niyang maging Lim bago matapos ang taon."
Napangiti siya sa tanong ng kapatid. "Well, brother-mine. Congrats me because I'm already a father. May anak na ako. May anak na kami ni Angel."
At sa unang pagkakataon ay nakarinig siya ng sunod-sunod na mura sa kapatid. Natawa na lang siya dahil sa reaksyon ng kapatid. He can't wait to introduce Aldin to his family. Siguradong matutuwa ang ama kapag nalaman nitong may anak na siya. At sigurado siyang wala na itong magagawa pa kapag sinabi niyang pakakasalan niya si Angel dahil ang ama niya ang tipo ng tao na ayaw silang magkaroon ng anak na bastardo.