SAKAY NG kanyang BMW ay tinahak mag-isa ni Sancho ang probinsya ni Angel. Nagpaalam siya sa ama na pupuntahan si Angel sa probinsya nito para bumalik sa trabaho. Buong akala niya ay pipigilan siya ng ama ngunit hindi. He even push him to get Angel back. Hindi ito nagtanong kung anong nangyari sa kanila ng dalaga basta sinabi lang nito na ito muna ang bahala sa opisina.
'Do what you need to go.' Iyong ang eksaktong sinabi nito.
Bumaba siya ng kotse para magtanong sa isang tindahan na naroroon. May mga lalaking nakatambay sa tindahan at halatang nagpapahinga.
"Magandang hapon po." Bati niya sa tindera.
Lahat ng tao doon ay napatingin sa kanya. Hindi na lang niya pinansin ang mga tingin ng mga ito. Alam naman niya na may namumuong tanong sa isipan ng mga ito.
"Magandang hapon din, hijo. Anong sa iyo?" magiliw na tanong ng matanda. Halatang nasa late sixties na ito dahil sa kulay ng buhok nito at mga kulubot sa mukha.
"Alam niyo po ba kung saan ang bahay ni Angel Fatima Cruz?"
Nanlaki ang mga mata ng matanda. Kung ganoon ay kilala nito ang dalaga. Mukhang hindi siya mahihirapan sa paghahanap ng bahay ng dalaga. Ngumiti siya dito.
"Kilala niyo po ba si Angel?" muli niyang tanong.
"Anong kailangan mo sa dalaga ni Mang Allan?"
Napatingin siya sa lalaking nagsalita. Hindi niya ito namalayan na lumapit sa kanya. Napaatras siya bigla at napatingala sa lalaki. Matangkad kasi ito at malaki pa ang katawan. Sinalubong niya ang tingin nito. Seryuso ang mukha nito at may bahid iyon ng pagtataka.
"Kilala mo si Angel?" nabuhayan siya ng loob dahil sa tanong nito.
"Pinsan ko siya. Anong kailangan mo sa kanya?"
Napangiti siya. Siniswerte ka nga naman. Iyong pinsan pa ng sinisinta ang nakilala niya.
"Boss niya ako sa Manila. May kailangan lang ako sa kanya kaya ko siya hinahanap. Hindi ko kasi siya matawagan sa phone niya. Pwede mo ba akong samahan sa kanila?"
Nagulat ito ng magpakilala siya ngunit agad din napalitan ng aliw. Ngumisi ito sa kanya. Bigla ay nanindig ang balahibo niya sa ginawa nitong pagngiti. May kakaiba sa ngisi nito na hindi niya magugustuhan.
"Sige, samahan kita sa kanya." Sabi nito. Humarap ito sa may-ari ng tindahan. "Aling Sally, mamaya ko na bayaran iyong kinain kong tinapay at soft drinks."
"Lista ko na lang, Carlo."
Nagthumb-up na lang ang binata at naglakad na. Sumunod siya dito.
"May sasakyan ka ba?" tanong ng pinsan ni Angel. Kung tama ang narinig niya ay Carlo ang pangalan nito.
"Oo. Malayo pa ba dito ang bahay ni Angel?"
"Hindi. Lalakarin na lang natin. Lock mo nalang kotse mo tapos sumunod ka sa akin."
Sinunod niya ito. Naglakad sila papasok sa isang bakanteng lote. Sabi nito ay hindi naman kalayuan ang bahay ni Angel ngunit lumipas ang limang minuto ay hindi pa rin sila nakarating. Nais man niyang magreklamo ay hindi niya magawa dahil pinsan ito ni Angel. Naiinis siya sa binata dahil maa-ari naman pumasok ang kotse niya sa bakanteng lote na iyo. May nakita pa nga siyang tricycle na pumapasok at may sakay na pasahero. Naikuyom na lang niya ang kamay para pigilan ang sarili na singhalan ang binata. Pati labi niya ay napagdiskitahan na niya. Pagkalipas ng sampong minuto ay huminto sila sa isang bahay na yari sa semento. May pangalawang palapag iyon ngunit wala pang pintura. Ang pangalawang palapag ay yari sa kawayan.
"Ito na ang bahay ni Mang Allan. Ang alam ko nandyan na siya ng mga oras na ito. Nakauwi na sigurado ito galing palengke."
Tumungo siya. "Salamat ah." Nais niyang tumalon sa tuwa dahil sa wakas ay narating din niya ang bahay ng dalaga. Kukuha na sana siya ng pitaka ng tumalikod ang pinsan ni Angel. "Sandali lang!"
Huminto ang binata ngunit hindi naman lumingon. "Mag-ingat ka nga pala. Sana maka-uwi ka ng Manila na buhay."
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. Anong pinagsasabi nito? Anong sabi ito na sana ay buhay pa siyang makauwi ng Manila? Tuluyan na siyang iniwan ng binata bago pa siya makapagtanong dito. Nagkibit balikat na lang siya at tumingin sa bahay. Wala siyang taong nakikita sa gilid o labas man lang ng bahay. Mukhang nasa loob ang mag-anak. Sisigaw na sana siya ng may nagsalita sa likuran niya.
"Anong ginagawa mo dito?"
Napalingon siya at napangiti siya ng makita ang kapatid ni Angel na laging nagbubukas ng pinto kapag pumupunta siya sa bahay ng mga ito sa Manila. Kung hindi siya nagkakamali ito ang kapatid ni Angel na sumunod dito.
"Magandang hapon." Ngumiti siya.
Malamig na titig ang isinukli sa kanya ng lalaki. "Anong ginagawa mo dito?"
"A-ano.." bigla siyang nailang dahil sa nakikitang kalamigan ng kapatid ng dalaga. Noong unang nakilala niya ito ay galit ito sa kanya kaya nagtataka siya ngayon kung bakit malamig na ang pakikitungo nito.
"Sino iyan, Andrew?" isang malakas na boses ang nagpalingon sa kanilang dalawa.
"Tay!" tawag ni Andrew dito.
Bigla ay nanigas siya kinatatayuan. Ang lalaking ito ay ang ama ng babaeng sinisinta niya. May authoritad sa mukha ng matanda. Wala itong pagkahawig sa kay Angel. Kung pagkakatitigan ay mas kamukha nito ang kapatid ni Angel na kaharap niya kanina. Makapal ang kilay nito na lalong nagbigay dito ng supladong mukha. Napalunok siya ng laway ng mapatingin sa kanya ang ama ng dalaga.
"Pumasok kayo dito, Andrew at isama mo iyang kasama mo."
Napatingin siya kay Andrew. Gumuhit ang disgusto sa mukha nito. Mukhang ayaw nitong tumungtong siya sa bahay ng mga magulang nito. Wala itong nagawa ng muling nagsalita ang ama nito at pinapapasok sila sa loob. Unang pumasok si Andrew at sumunod siya dito. Nanginginig ang kalamnan niya habang palapit sa ama ng mga ito. Huminto sila sa tapat ng ama ni Angel. Napalunok siya ng makitang mataman siya nitong tinitigan para bang kinikilala siya ng matanda.
"Anong pangalan mo, hijo? At anong sadya mo dito sa amin?"
Napalunok muna siya bago sumagot sa ama ni Angel sa nanginginig na boses. "M-magandang hapon po, Sir. Ako po pala si J-James S-Sancho Cruz. Boss po ako ni Angel sa Maynila. Nais ko po sana makausap si Angel." Pinilit niyang pakalmahin ang sarili ngunit hindi niya magawa.
Ngayon niya lang nakaharap ang pamilya ng dalaga at sa unang pagkakataon ay natatakot siya sa sasabihin ng mga ito.
Nakita niya ang pagbago ng reaksyon sa mukha ng ama ni Angel. Hinawakan agad ni Andrew sa braso ang ama.
"Ikaw pala ang lalaking iyon?' may diin na tanong ni Angel.
"Kilala niyo po ako, Sir?" lalong nilukob ng kakaibang kaba ang puso niya.
May alam ba ito sa kanila ni Angel? Alam ba nito ang sinabi at ginawa niya sa dating sekretarya? Lalo siyang kinabahan sa naisip. Mukhang bad shot na agad siya sa ama ng dalaga.
Hindi siya sinagot ng ama ni Angel. Bumilis ang t***k ng puso niya ng sumigaw ito.
"Angel Fatima Cruz!"
May babaeng bigla na lang lumabas ng bahay ng mga ito at patakbong lumapit sa ama ni Angel.
"Ano bang sinisigaw mo dyan, Allan? Nasa kusina si Angel at nagluluto ng ulam." Hinampas pa nito ng kamay sa braso ang ama ni Angel.
"Fatima!" pinalakihan ng lalaki ang babaeng bagong dating at tinuro siya. "May lalaking naghahanap sa anak mo."
Doon lang tumingin sa kanya ang matandang babae. Nakita niya ang pagtataka sa mukha nito ng makita siya. Magsasalita sana ang babae ng marinig nito ang kanyang pangalan na binanggit ng babaeng dahilan ng pagpunta niya doon.
"Sir Sancho!"
Napatingin siya sa deriksyon ng babaeng nagsalita. At para siyang nakakita ng angel ng makita ang maamong mukha ng babaeng sinisinta. Lumiwanag bigla ang buhay niya. Nawala ang agam-agam sa puso niya at napuno iyon ng saya ng makitang maayos naman ang dalaga. Sa sobrang pagka-miss niya sa dalaga ay lumapit siya dito at niyakap. Wala siyang paki-alam kung nandoon ay ama nito.
"Sancho!" narinig niyang banggit ni Angel sa pangalan niya.
Isang ngiti ang sumilay sa labi niya at lalong niyakap ng mahigpit ang dalaga. Kay sarap palang marinig mula sa labi nito ang kanyang pangalan. Ngunit wala ng may sasarap pa ngayong yakap niya ang dalaga. Nilukob ng saya ang puso niya. Para siyang nakalutang sa langit dahil nasa bisig niya ang angel na nagbigay ng liwanag sa buhay niya.
Nanlaki ang mga mata niya ng bigla nalang siyang tinulak ng dalaga. May pagtataka sa mukha niya habang nakatingin sa mga mata nito. Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. May luhang lumandas sa pisnigi nito na ikinatigil niya. Nadurog ang puso niya habang nakatingin sa dalaga. Bakit ito umiiyak? Hindi ba ito masayang makita siya?
"Anong ginagawa mo dito, Sir Lim?" may humawak sa balikat ni Angel.
"Narito ako para kausapin kang bumalik sa opisina. Forget about my offer that night. May iba akong nais ibigay sa iyo. Iyon ang huling pa---" bago pa niya matapos ang ibang sasabihin ay tumili ang ina ni Angel.
Sabay silang napatingin ni Angel sa tinitingnan ng kanyang ina. Nanlaki ang mga mata niya at nanginig ang tuhod niya ng makita ang ama ni Angel na papalapit sa kanya. At sa nanginginig na tuhod ay tumakbo siya para iwasan ang ama ni Angel na ngayon ay hinahabol siya habang may hawak ng isang mahabang kutsilyo. Hindi niya alam kung anong tamang tawag doon ng mga tao pero nasisigurado siyang patay siya kapag natamaan siya noon. Alam niyang hindi samurai ang hawak nito. He runs for his life. Hindi siya pwedeng maabutan ng itak na hawak ng ama ni Angel. Tama itak nga ang hawak ng ama ni Angel at sa nakikita niya matalim iyon at pwedeng mahati ang katawan niya kapag tumama iyon sa kanya. He is not safe. Ano bang nangyayari? Bakit siya hinahabol ng ama ni Angel?
"Papatayin kitang hayop ka. Ikaw ang dahilan ng paghihirap ng panganay at nag-iisang anak kong babae. Ang kapal ng mukha mong pumunta dito." Sigaw ng ama ni Angel.
Nakatingin lang ang mga kapatid na lalaki ni Angel. May ngiti sa mga labi ng mga ito. Para bang sayang-saya sila sa paghihirap niyang iyon. Tumakbo siya at paikot-ikot sa bakuran ng mga Cruz.
"Tay, tama na iyan." Sa wakas ay nagsalita din si Angel.
"Allan, tama na iyon. Hindi mo siya pwedeng patayin." Sigaw naman ng ina ni Angel.
"Wala akong paki-alam kung makulong ako. Kailangan pagbayaran ng lalaking ito ang ginawa sa dalaga ko. Hindi siya makakaalis sa lupa ko ng hindi dumadanak ang dugo ng hayop na ito." Sigaw ng ama ni Angel. Hinihingal na ito ngunit patuloy pa rin ito sa paghabol sa kanya.
"Sir, alam kung may kasalanan ako kay Angel handa naman akong ituwid iyon. Hayaan niyo po sana ako."
"Anong hayaan ka? Hindi ako papayag na maging parti ka ng pamilya ko. Hinding-hindi ka magiging ama sa apo ko."
Natigil siya sa pagtakbo ng marinig ang mga huling sinabi nito. Para siyang tinamaan ng kidlat dahil sa sinabi ng matanda. Tama ba ang pagkakarinig niya. Apo! Magiging ama ng apo nito. Anong ibig sabihin nito?
Bago pa siya makatanong ay biglang sumigaw si Angel.
"Sancho!"
Nanlaki ang mga mata niya ng makitang tatama sa leeg niya ang hawak na itak ng ama ni Angel. Tumigil sa pagtibok ang puso niya ng ilang segondo, ganoon din ang kanyang paghinga. Alam niyang mukha na siyang nakababad sa suka sa sobrang putla. Angel's father almost kill him. Tumigil ang itak nito katapat ng balikat niya. Akala niya ay mahihiwalay na ang ulo niya sa kanyang katawan.
"Sancho!!!" sigaw muli ni Angel.
Inalis ng ama ng dalaga ang itak nitong nakatutok sa kanyang leeg. Muntik na siya doon. Galit na galit siyang tinitigan ng ama ni Angel. Lumapit ang dalaga sa kanya at hinawakan siya sa braso.
"Umalis ka na, Sancho. Papatayin ka ni ama. Hindi ka dapat pumunta dito." May bahid ng pag-aalala ang boses nito.
"Umalis ka sa harapan kung hayop ka. At wag kang babalik dito."
Napakurap siya at seryusong niyang tinitigan ito. Narinig niya ang sinabi ng matanda at hindi siya maaring magkamali. Napakuyom ang kamao niya. He wants him to leave not meeting his son or daughter.
"No sir. Sindi po ako aalis. May sinabi kayo kanina habang hinahabol niyo ako. Ano pong ibig niyong sabihin sa sinabi niyo?" matapang niyang tanong.
Makita niyang nagbago ang bukas ng mukha ng ama ni Angel. Naramdam din niya na nanigas sa kinatatayuan nito ang dalaga. Inalis nito ang dalawang kamay niya braso niya. Napatingin siya kay Angel. Namumutla ang dalaga habang nakatingin sa kanya.
At bago pa siya nakapagtanong muli ay may narinig siyang maliit na boses.
"Inay! Inay!"
Sabay silang lahat napatingin sa batang ngayon ay patakbong lumapit kay Angel. Muling tumigil sa pag-ikot ang mundo niya ng mapagmasdan ang batang ngayon ay nakayakap sa binti ng dalagang minamahal. Nakaramdam siya ng paghaplos sa kanyang puso ng magtagpo ang mga tingin nila. In his 29years of existence, he heard angels singing a lalluby. Sa nanginginig na katawan ay unti-unti siyang pumantay sa bata. Parang slow motion na iniangat niya ang kamay para hawakan sa pisngi ng bata. Puno ng pagtataka ang mukha nito. Nakasalubong ang makapal na kilay nito.
"Sino ka?" tanong ng bata. "Bakit kamukha mo ang itay ko na nasa larawan?"
Nangilid ang luha niya sa tanong na iyon ng bata. Anak niya... Anak niya ang batang nasa harap niya. May anak na siya...