MALAKAS na sinampal ni Angel si Sancho pagkatapos nitong sabihin iyon. Hindi na niya napigilan ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi. Hindi niya inaasahan na iyon ang maririnig niya mula kay Sancho. May tumusok na patalim sa puso niya dahil sa tanong nito. Ganoon ba kababa ang tingin nito sa kanya para yayain siya nito na maging bedmate? Habol niya ang hininga habang galit na nakatingin sa binata.
Narinig niyang biglang tumawa si Sancho. Humarap ito sa kanya habang hawak ang nasaktang pisngi. May isang nakakalukong ngiti sa labi nito. Lalo siyang nasaktan dahil sa nakita. He doesn't care about what she feels. Bakit ba tumitibok ang puso niya sa binata?
"I thought you are different." Sabi niya at tinanggal ang seatbelt. Bubuksan na sana niya ang pinto ng kotse ng hawakan siya ni Sancho sa braso.
"Where do you think you're going?" parang kulog ang boses na tanong ng binata.
Hinatak niya ang braso at galit na tinitigan ito. Wala siyang paki-alam kung boss niya ito. He doesn't have the right to ask her like that. Hindi siya mababang babae para yayain nitong maging bedmate. Hindi niya sinagot ang tanong nito. Lumabas siya ng kotse at iniwan ito. Hindi niya pinansin ang pagtawag nito. She is not going there because it will mean that she accepts his offer and that's the last thing she will do. Isang malaking pagkakamali ang gagawin niya pagnagkataon.
NAPATINGIN si Sancho sa mesa ni Angel. Wala doon ang dalaga kung saan nakasanayan niya sa umaga. Angel comes to office earlier than him. Kaya nga nagtataka siya kung bakit wala pa rin ang dalaga. Bigla ay binundol siya ng kakaibang kaba. Bakit pakiramdam niya ay may mali?
Pumasok siya ng kanyang opisina at pilit na winawaglit sa isipan ang agam-agam. Na traffic lang naman siguro ang dalaga kaya wala pa rin ito. Umupo siya sa upuan niya. Bubuksan na sana niya ang laptop ng may nakitang sobre na nakapatong sa side ng table niya. Kinuha niya iyon at binuksan. Mukhang sulat iyon ngunit kanino galing. Walang pangalan kaya lalo siyang nagtaka. Binasa niya ang sulat nalaman ng sobre. May nabuhay na galit sa puso niya. This is all his fault. Bakit ba kasi niya nasabi ang mga salitang iyon?
Muli niyang binasa ang sulat. May naramdaman siyang kurot sa puso niya. Talaga bang iiwan na siya nito. How could this happen now? Ngayon pa kung saan nahahawakan na niya ito ng malaya.
'Isa ka kasing gago. Why you offer Angel to be your bedmate?' kistigo niya sa sarili.
No! Hindi siya makakapayag na iwan siyang muli ng dalaga. Binigyan siya ng pangalawang pagkakataon na makasama ito at gagawin niya ang lahat para makuha lang ito. Alam niyang mali ang ginawa niya kagabi. Offering her to be his bedmate is a bad move but he was mad. Galit na galit siya ng sabihin nitong kalimutan na lang nila ang nangyari sa pagitan nila, gayong hindi niya iyon magagawa. He been dreaming to hold her again. Noon pa niya pinapangarap na muli itong makasama at mahawakan. Kaya hindi na niya napigilan ang saliri ng gabing iyon. Hindi niya naman pinagsisihan ang ginawa. Pero kagabi, pinagsisihan niya na tinanong niya iyon sa dalaga. He is a fool.
Kinuha niya ang phone at tinawagan ang dalaga ngunit nakailang dial na siya ay hindi niya pa rin ito makontakt. This is bad. Angel resign and it's effected today. It's his f*****g fault. Kasalanan niya talaga kung bakit mawawalang muli sa kanya ang dalawa. Tumayo siya. Kailangan niyang maka-usap ang dalaga at magpaliwanag dito. Kailangan niyang itama ang maling ginawa.
Nagulat siya pagkalabas ng opisina ay nakita ang kapatid na nakatayo sa harap niya. Mukhang hindi din nito inaasahan ang paglabas niya. Unang nakabawi si Joshua at hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa. Sinuntok siya ng kapatid na ikina-upo niya. Naramdam niyang pumutok ang gilid ng labi niya. He taste blood. Malakas din pala sumuntok ang bunso niyang kapatid. Pinunasan niya ang gilid ng labi na alam niyang may bahid ng dugo.
"You are such a jerk, Kuya. I expected so much from you but not that one." Galit na sigaw ni Joshua.
Buti nalang at sulo niya ang floor na iyon kung hindi ay pinagtitinginan na sila ng kapatid ng mga empleyado. At kapag nangyari iyon ay siguradong makakarating sa ama niya ang pinangagawa niya. The last thing he needs right now is his father munolative action. Tumayo siya at hinarap ang kapatid na nanlilisik ang mga mata sa kanya.
"She told you?"
"No! But I can figure everything out. What did you do this time for her to resign?" Hinawakan siya ni Joshua sa kelyo. Mukhang wala itong paki-alam kahit Kuya siya nito. "Alam kung hindi magsasabi sa akin si Angel kahit na magtanong ako ng paulit-ulit. Nagsabi lang siya sa akin na magreresign siya dahil nasaktan siya sa sinabi mo. Now Kuya, tell me, what did you said to Angel for her to be hurt? Akala ko ba mahal mo siya kaya bakit mo siya sinaktan ng ganoon?"
May kumurot sa puso niya dahil sa sinabi ng kapatid. Nasaktan nga talaga niya ang dalaga dahil sa sinabi nito. It's not intentional but it hurts someone he want to treasure forever. Mukhang napansin ni Joshua ang pagbalatay ng sakit sa mukha at mga mata niya dahil lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanyang kwelyo. Hindi siya sumagot sa kapatid o kahit man laban ay hindi niya ginawa. Kasalanan naman talaga kasi niya ang lahat. He deserves Joshua's punch. Na
Naramdaman niyang binitiwan ni Joshua ang kanyang kwelyo. Narinig niya na napabuntong hininga ito.
"Anong gagawin mo ngayon?" tanong ni Joshua pagkalipas ng ilang sandali.
"I will talk to her." Umangat siya ng tingin. "Ikaw na ang bahala mamaya sa board meeting. Kailangan kong maka-usap si Angel."
"Fine! Ako na ang bahala mamaya sa board meeting. Sundan mo na si Angel."
Ngumiti siya dahil sa sinabi ng kapatid. Tinapik niya ang balikat nito. "Thank you, brother-mine."
Bago pa siya tumakbo papuntang elevator ng muling nagsalita ang kapatid. "Do the right thing this time."
Lumingon siya sa kapatid. "I will." Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nito. At gagawin niya talaga ang tama sa pagkakataong ito. Hindi na niya pakakawalan si Angel.
Para siyang hinabol ng bala sa sobrang bilis niyang nilisan ang kanyang opisina. Walang ibang laman ng isip niya kung hindi si Angel. Kung paano niya ipagtatapat sa dalaga ang lahat ng nararamdaman. Kung paano niya ito minahal simula ng makilala niya ito. Kailangan niya din aminin dito na siya ang lalaki ng gabing iyon at kung ano ba talaga ang nangyari.
Alam niyang hindi maalala ng dalaga kung anong nangyari ng gabing iyon dahil sa drugs na nakahalo sa inumin na ibinigay dito. Hihingi siya ng patawad dahil iniwan at pinabayaan niya ito pagkatapos ng gabing iyon. At ngayon ay itatama niya ang pagkakamaling iyon. He will do it right thing this time.
Nakarating siya sa bahay ni Angel pagkalipas ng dalawang oras. Thanks to the traffic. Lumabas siya at tinakbo ang pinto. Agad siyang kumatok ngunit lumipas ang ilang minuto ay walang taong lumabas. Kahit ang kapatid ni Angel ay wala din. Kunuha niya ang phone sa bulsa. Pinilit niyang tawagan ang numero ni Angel ngunit hindi niya talaga iyon makontak. Kakatok sana siya muli ng may lumapit sa kanya.
"Sir, ang magkapatid ba na Cruz ang hinahanap niya?"
Humarap siya sa lalaking lumapit at nagtanong sa kanya. "Opo. Umalis po ba sila?"
Tumungo ang lalaki. "Umalis sila kaninang umaga. Marami nga silang bagaheng dala."
Bigla ay binundol siya ng kakaibang kaba. Hindi ito maaari. Tatakas na naman ang dalaga. Pagtataguan na naman siya nito.
"May sinabi po ba sila kung saan sila pupunta?" nagbabakasali siya na baka may alam pa ito.
"Narinig ko na uuwi sila ng probinsya. Doon na lang yata nila hihintayin ang graduation ng isa nilang kapatid."
Nanlaki ang mga mata niya. Kung ganoon ay balak talaga siyang iwan ng dalaga. Umuwi ito ng probinsya para lang pagtaguan siya. Ganoon ba talaga kalaki ang ginawa niyang kasalan sa dalaga?
Hinarap niya ang lalaki. "Salamat po." Aalis na sana siya ng pigilan siya ng lalaki.
"Sandali lang. Ano ka ba ng mga Cruz?"
Tinitigan niya ang lalaki. Mukhang nilapitan lang siya nito para alamin kung sino siya pero nagpapasalamat pa rin siya dahil nagbigay ito ng impormasyon kung nasaan ang babaeng sinisinta. Hindi naman siya madalamot na tao at marunong siyang magbayad ng utang na loob.
"Asawa po ni Angel. May hindi lang po kami pagkakaunawaan mag-asawa." Sagot niya at iniwan na ito.
Nais niyang matawa ng manlaki ang mga mata ng binata. Bahala na itong ipagkalat ang nalaman sa kanya. Wala din naman siyang paki-alam dahil sisiguraduhin niya na sa pagbalik niya ng Manila ay ikakasal na sila ni Angel. Hindi na niya talaga pakakawalan ang dalaga. Sapat narin naman siguro ang anim na taon para pagbigyan niya ang ama. Gagawin niya ang nais niya. At tanging nais niya lang naman ay ang makasama habang buhay ang babaeng tinitibok ng puso niya. Si Angel lang ang nais niyang mapangasawa.
Kinuha niya ang phone sa bulsa pagkapasok ng kotse at tinawagan ang taong alam niyang makakatulong sa kanya ng mga sandaling iyon.
"Hello, Jacob. Are you available right now? May ipapahanap akong tao sa iyo. Angel Fatima Cruz ang pangalan niya. Secretary siya ni Daddy dati. Track her down for me."
"Give me a day." Sagot ng kaibigan.
"Okay. I deposit to your account my payment." Pagkatapos magpaalam kay Jacob ay pinatay niya ang tawag.
Wala na talagang atrasan ito. Pupuntahan niya kung saanman nagtatago ng mga sandaling iyon ang babaeng sinisinta. He will chase her this time.