DARK NIGHT NINE

2031 Words
CHAPTER NINE NAPATINGIN si Angel sa asul na rosas na nakapatong sa kanyang table. Ilang ganyan na ba ang natanggap niya nitong buwan. Walang araw na yatang hindi siya nakakatanggap ng ganoon. Dinampot niya ang asul na rosas, doon niya napansin ang note na nakaipit sa kape ng isang kilalang coffee shop. Kinuha niya ang sulat at binasa. 'I'm sorry kung hindi kita nasundo ngayong araw. May kailangan lang ayusin sa site. Eat the food I put on your table. ' – your boss Sancho James Lim. Hindi niya napigilan ang ngiting sumilay sa kanyang labi. Bakit ba naging masyadong sweet sa kanya si Sancho simula ng gabing iyon. Hindi niya nakausap si Sancho ng gabing iyon. Pagkatapos kasi niyang marinig ang mga sinabi nito ay nawalan siya ng malay-tao. Pinaalis ni Andrew ang magkapatid. Nang magkita sila ni Sancho kinabukasan ay hindi nagsalita ang binata. Sinundo lang siya nito at kumain ng almusal sa labas bago tumuloy sa opisina. Hindi na nito binanggit ang tungkol sa sinabi nito ng araw na iyon. Ngunit napansin niya ang pagbabago sa pakikitungo nito sa kanya. Hindi na siya nito tinatawag na Ms. Cruz bugkos ay Angel na. Madalas na din siyang sinusundo ng binata sa bahay at kumakain sila ng almusal kung saan nito maisipan. Kahit lunch ay ito din ang kasabay niya. Hinahatid din siya nito pa-uwi. Wala man pormal na usapan sa pagitan nila ngunit nakasanayan na niya ang ginagawa nito. Dahil kahit nasa ibang bansa ang binata, sinisugurado nito na kumakain siya sa tamang oras at may hahatid at susundo sa kanya mula sa trabaho. Nais niyang tanungin ang binata kung bakit ginagawa nito iyon ngunit natatakot naman siyang unggatin ang tungkol sa ginawa nila ng gabing iyon. "A flower again, ha!" Napalingon siya ng marinig ang boses ni Joshua. Nakatayo ito hindi kalayuan sa kanya. May naglalarong ngiti sa labi nito. Agad niyang binitiwan ang bulaklak at inayos ang mga papeles pagkatapos ilapag ang bag. "My brother is hitting on you, Angel." Hindi siya umimik pero tinitigan niya lang ito ng masama. Alam niya kung ano ang sinasabi nito at kung anuman iyon ay hindi siya naniniwala. Umupo siya sa kanyang upuan. "May kailangan ka pa ba?" malamig niyang tanong dito. Mukhang natigilan si Joshua sa tanong niya. Bigla ay nawala ang saya sa mga mata nito. "Galit ka pa rin ba sa akin?" Napabutong hininga siya at kinuha ang phone sa bag. Nakita niyang marami iyong miscall mula sa kuya ng lalaking nasa harap niya ng mga sandaling iyon. Meron din text na nagmula dito. Binasa niya iyon. 'Mang Danny will pick you up later. May meeting tayo with Alexander Kim. Bring his papers with you. May meeting lang ako with Mr. Wang.' Iyon ang text na nabasa niya. Bigla ay nakaramdam siya ng disappointment. Akala niya ay kung ano ang text ng binata sa kanya iyon pala ay tungkol sa trabaho. Napasimangot siya sa nabasa. Tumayo siya at hinanap ang kailangan na papeles ng boss niya. Mukhang napansin ni Joshua na hindi siya magsasalita kaya tumayo ito. "I will pick you up later. Lunch tayo together." May bahid ng paki-usap ang boses ng binata. "I am out for lunch. May meeting kami with Mr. Kim." Hindi niya hinarap si Joshua. Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga nito. Alam niyang nais siya nito makausap patungkol sa kuya nito ngunit hindi niya alam kung paano ba ito kakausapin. Wala siyang ibang masasabi dito. Natatakot siyang marinig dito ang mga salitang narinig sa ibang tao noong unang nagkamali siya. Joshua has been a good friend to her and hearing those words from him will surely going to break her heart. "Then see you later." Akala niya ay aalis na ito ngunit ng lumingon siya ay nakita niya itong nakatayo sa harap niya. Nagtagpo ang tingin nilang dalawa. May nakita siyang lungkot sa mga mata ni Joshua. "I want to say this to you, Angel. Alam kung ayaw mong pag-usapan ang tungkol sa inyo ni Kuya pero ayaw ko naman na ganito tayo. You are my bestfriend. Alam mo kung ano ka sa buhay ko at nasasaktan ako na ganito ka sa akin. I hate seeing you like this Angel. Para na rin kitang kapatid kaya sana wag kang babalik sa dating ikaw na nakilala ko. I may hate my brother if that's will happen again. If you are worried about Dad, don't worry, he doesn't know. Ikaw, ako at si Kuya lang ang may alam ng nangyari ng gabing iyon." Nakita niya ang lungkot sa mga mata ni Joshua. Kahit hindi niya sabihin kay Joshua kung anong nararamdaman niya, alam niyang alam nito kung kailan siya nasasaktan. He is indeed her best friend. "I'm sorry. Alam kong disappointed ka sa akin. Hindi ko naman boyfriend ang kuya mo pero hinayaan kong---" "Don't be sorry. I understand. May isang bagay lang akong hihilingin sa iyon, Angel." Umangat siya ng tingin at tinitigan ito sa mga mata. "Ano iyon?" "Give my brother a chance. Alam kung ginagawa niya ang tama ngayon. He is courting you if you don't get the reason why he giving you flowers." Napasinghap siya dahil sa sinabi nito. Nanliligaw ba talaga si Sancho sa kanya kaya siya nito binibigyan ng bulaklak? Pero hindi ba at may nobya na ito. Paano si Cathy kung nililigaw siya ng binata. "Pero may girlfriend na si Sancho." "Girlfriend?" salubong ang kilay na tanong ni Joshua. "Who?" "Cathy Dela Costa." Nakita niyang lalong nagsalubong ang kilay ni Joshua. Ilang saglit pa ay nagbago ang bukas ng mukha nito. Tumawa ng malakas si Joshua na ipinagtaka niya. Nababaliw na ba ang kaibigan niya. Bakit ito tumatawa ng ganoon? "Si Kuya talaga." Lumapit sa kanya si Joshua at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Trust kuya, okay. At saka, hindi si Kuya ang tipo ng lalaki na ipagsasabay ang dalawang babae sa buhay niya." Pinisil ni Joshua ang ilong niya at iniwan siya. Nakasimangot na sinundan niya ng tingin ang binata. Anong ibig sabihin nito na hindi sila ni Cathy ipagsasabay ni Sancho? Ibig ba nitong sabihin ay hiniwalayan ni Sancho si Cathy? Oh my, mukhang nakasira pa siya ng relasyon dahil sa katangahan. Anong gagawin niya kapag sinugod siya ni Cathy? Her life is about to be mess again because of the guy she should stay away from the start. KUMAKAIN sila ng dinner ni Sancho sa isang kilalang restaurant. Pagkatapos ng meeting nila with Mr. Kim ay niyaya na siyang umuwi ni Sancho. Dumaan muna sila ng restaurant para kumain. Wala siyang nagawa kung hindi sumunod sa amo. "You don't like the food, Angel?" tanong ni Sancho na nagpagising sa naglalakbay na diwa niya. Napatingin siya sa pagkain. Hindi pa nga talaga niya nagagalaw ang inorder na beef steak. Tumikhim siya at tumingin kay Sancho. "Hindi! Busog lang po ako, Mr. Lim" Sagot niya at nagsimula ng kumain. "Can you stop calling me Mr. Lim from now on?" Napatigil siya sa pagsubo at nag-angat ng tingin. May bahid ng inis ang boses ng binata at tama nga siya. Madilim ang mukha ng binata. Lalo siyang hindi napalagay dahil sa reaksyon nito sa pagtawag niya rito na Mr. Lim. "I want you to call me Sancho starting from now on. Lalo na kung dalawa lang tayo." "But---" "No buts, Angel." May pinalidad sa boses ng binata. Bigla ay nakaramdam siya ng galit sa binata. Inuutusan ba siya nito. Oo at boss niya ito, may karapatan itong utusan siya ngunit sa loob lang iyon ng opisina at sa oras ng trabaho. Wala itong karapatan na utusan siya kapag wala na sila sa trabaho kahit pa nga may nangyari sa kanila. Hindi siya nito pagmamay-ari para umasta ito ng ganoon. Naikuyom niya ang kamay. Mukhang napansin iyon ni Sancho dahil napatingin ito sa kanyang kamay na nakapatong sa mesa. Agad niya iyong ibinaba. Walang salitang nagpatuloy siya sa pagkain. Ayaw niyang gumawa ng eksena kaya hindi na lang siya nagsalita. "I'm sorry." Napaangat siya ng tingin. Nagtagpo ang mga tingin nila ni Sancho. Bigla ay binundol siya ng kakaibang kaba. Nakikita niya ang senseridad sa mga mata ng binata. He is really sorry. Nawala ang inis at galit niya sa binata, napalitan iyon ng kakaibang damdamin na pilit niyang itinatanggi. "I'm sorry if I get you mad. Hindi na kasi maganda pakinggan kapag Mr. Lim ang tawag mo sa akin pagkatapos ng nangyari sa atin. I want you to call me Sancho because I feel it's---" "Can we forget that night?" putol niya sa iba pa nitong sasabihin. Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata ng binata. "What!" "Gusto kong kalimutan natin ang nangyari. Hindi naman iyon ang unang karanasan ko at alam kung hindi din iyon ang unang karanasan mo. Kaya pwede bang kalimutan na lang natin ang nangyari ng gabing iyon? Sa tingin ko nararapat lang na kalimutan natin ang nangyari para hindi maapek---" "Bullshit!" Nasuntok ni Sancho ang mesa na ikinatingin ng lahat na naruruon. Lahat ng tao ay nagulat sa ginawa ng binata at kahit siya ay nagulat din. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin dito. Nag-aapoy ang mga mata ni Sancho. "Forget what happen? Sa tingin mo ganoon lang kadali ang lahat, Angel. Alam mo ba kung anong ginawa mo sa akin pagkatapos ng gabing iyon? I can sleep properly without thin---" "Sancho, let's not talk this over here." Malumamay niyang sabi. Mukha naman nakuha ni Sancho ang ibig niyang sabihin dahil tumingin ito sa paligid. Bumuntong hininga ito. Tinawag nito ang waiter at nagbayad. Wala silang imikan ni Sancho hanggang sa kotse nito. Seryuso pa rin ang mukha ni Sancho habang nagmamaneho ito. Hindi niya tuloy maiwasan na hindi kabahan. Hindi na din siya umimik pa. Ayaw niyang siya ang magbukas ng topic. Pipikit na sana siya ng biglang ihinto ni Sancho ang sasakyan sa gilid ng daan. Napatingin siya sa binata. Nasa daan pa rin ang tingin nito ngunit nakikita niya ang walang emosyong mukha nito. "I can't forget what happen between us, Angel." Tumingin sa kanya si Sancho at hinawakan siya sa balikat. "I can't give what you want. Kung para sa iyo ay wala lang iyon ngunit para sa akin ay hindi. You gave me a sleepless night, Angel. Pati ba sa pagbibigay ng sarili mo ay malamig din ang pagtanggap mo?" Hindi siya agad nakasagot sa tanong nito. May kumurot sa puso niya dahil sa tanong nito. Akala ba nito ay madali lang sa kanya ang lahat. Na hindi big deal na ipinagkaloob niya ang sarili dito. Sa dalawang beses na inalay niya ang sarili dito ay hindi niya makakalimutan. Kaya nga hindi niya ito mapatawad. Pinigilan niya ang sarili na maiyak sa harap nito kahit pa iyon ang nais ng puso niya. Malamig niyang tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa balikat niya. "Ano bang gusto mong palabasin, Mr. Lim? Hindi naman ikaw ang nakauna sa akin. At lalong hindi ako ang babaeng una mong nakasama sa kama. Don't make it a big deal. Hindi ba ito naman ang gusto niyong mga lalaki. Di ba ayaw niyang hinahabol kayo ng babae pagkatapos silang maikama? Be thankful that I'm not a clinging woman. If you are worried that I might tell your father, then don't. Wala akong balak na sabihin kay Sir John." Walang emosyon ang mukha niya habang sinasabi iyon sa binata. Lalong nandilim ang mukha ni Sancho. Wari bang hindi ito nagustuhan ang sinabi niya. Bakit ba ito nagkakaganito? Tama naman ang sinabi niya. Mas ito pa nga dapat ang lumayo sa kanya dahil sa nangyari. "So, wala talaga para sa iyo ang nangyari sa atin. Fine!" sumigaw ito at umiwas ng tingin. Ilang sandali silang tahimik dalawa. Nang muling humarap sa kanya si Sancho ay wala ng emosyon ang mga mata nito. Bigla ay nanlamig siya. Hindi niya gusto ang Sancho na nakikita niya. "Kung wala lang sa iyo ang nangyari sa atin, kung ganoon ay okay lang sa iyo kung may mangyari muli sa atin?" isang ngisi ang iginawad sa kanya ni Sancho. Nanlaki ang mga mata niya. Anong ibig nitong sabihin? Nasagot ang tanong niya sa pangalawang tanong nito. "Can you be my bedmate, Angel? Gusto kong sundan ang nangyari sa atin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD