CHAPTER EIGHT
INIMULAT NI Angel ang kanyang mga mata. Bigla ay binundol ng kakaibang kaba ang dibdib niya ng mapansin na hindi pamilyar na kwarto ang kanyang nakagisnan. Napabangon siya at iniikot ang mga mata sa paligid. Why the room smells like Sancho? Lalo siyang kinabahan ng may naramdaman siyang gumalaw sa gilid niya. Unti-unting lumingon siya sa kabilang side ng kama. Para siyang nakakita ng multo ng makita ang maamong mukha ni Sancho na natutulog. Para siyang bumalik sa kahapon dahil sa nakikita. This is not happening again? Ano na naman itong ginawa niya? Akala niya ba ay hindi na siya muling magkakamali pa?
Nagiginig ang kamay na iniangat niya iyon at hinawakan si Sancho sa pisngi. At nang maramdaman ang mainit nitong pisngi ay parang na papasong inilayo niya ang kamay. Hindi lang isang panaginip ang lahat. Totoong kasama niya sa kama ng mga sandaling iyon si Sancho. Napatingin siya sa kumot na nagtatakip sa kanyang katawan. Hindi na niya kailangan pangtingnan kung nakahubad ba siya dahil nararamdaman niya ang fabric ng kumot sa katawan niya.
Para siyang pinagsakluban ng langit. Bakit na naman niya nagawa ang bagay na ito? Parang kailan lang ng ipinangako niya sa sarili na hindi na iyon mauulit pa.
'What are you doing, Angel? Hindi ka pa ba natuto sa kamalian mo noon?' Kistigo niya sa sarili.
Nais pumatak ng mga luha niya ngunit pinigilan niya ang sarili. Kailangan niyang umalis doon. Hindi pwedeng makita siya ni Sancho. Wala siyang mukhang ma ihaharap sa boss niya ngayon. Naging mahina na naman siya kagabi. Naging mahina na naman siya kay Sancho. Paano niya ito haharapin sa susunod na araw na hindi na alala ang ginawa nila kagabi?
Tumayo siya paalis ng kama habang hindi inaalis ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan. Tahimik niyang dinampot ang damit na nagkalat at sinuot iyon. Kailangan niyang lumayo kay Sancho. Hindi niya pa ito kayang harapin pagkatapos ng mga nangyari. Dadamputin nasa na niya ang handbag ng may narinig siyang may gumalaw sa kanyang likuran.
"Where are you going, Angel?"
Natigilan siya at nanginig ang katawan ng marinig ang malambing na boses na iyon. Parang nais niyang umiyak ng mga sandaling iyon. This is not happening to her. Hindi siya lumingon kay Sancho, nakatayo lang siya sa gitna ng hotel room na iyon at nakatitig sa dingding. Natauhan siya ng maramdaman na gumalaw si Sancho.
"Goodbye, Sir." Sabi niya at tumakbo palabas ng hotel room na iyon.
Tumakbo siya na parang hinahabol ang buhay niya. Kahit na malakas na tinawag ni Sancho ang pangalan niya ay hindi siya lumingon. Hindi niya pa ito kayang harapan. Hindi niya pa alam kung ano ang sasabihin sa binata. Kailangan niya munang mag-ipon ng lakas ng loob para ibalik ang malamig na pakikitungo dito dahiL sigurado siya na hindi niya iyon kayang gawin ngayon may nangyari ulit sa kanila. Nakasakay na siya ng elevator ay hindi pa rin siya mapalagay. Siguro ay magiging maayos lang siya kapag tuluyang malisan ang hotel na iyon. Pagkabukas ng elevator ay tumakbo siya. Wala siyang paki-alam kung pinagtitinginan siya ng tao dahil sa ayos niya. Kailangan niyang lumayo, kailangan niyang tumakas kagaya noong unang gabing iniwan niya si Sancho. Malapit na siya sa entrance ng hotel ng may humawak sa kanyang braso.
Napatingin siya sa taong humawak sa braso niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Joshua. Anong ginagawa nito doon? Napatingin siya sa suot nito. Kagaya niya kung ano ang suot nito kagabi ay ganoon din ang binata.
"J-Joshua..." banggit niya sa pangalan ng binata.
"What happen to you, Angel?" tanong nito at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
Bigla ay nakaramdam siya ng panghihina. Bumigat ang puso niya at ang luhang kanina pa na pinipigilan ay unti-unting pumatak. Walang salitang na mutawi sa mga labi ni Joshua. Hinila siya nito para yakapin. Umiyak siya sa dibdib ng kaibigan at walang paki-alam kung marinig man iyon ng mga tao. Wala siyang paki-alam kung pinagtitinginan sila ng mga tao.
"Tahan na, Angel. We need to get out of here. Baka sundan ka ni Kuya. Hindi ka niya pwedeng maabutan sa ganitong sitwasyon." Bulong ni Joshua.
Natauhan naman siya. Binuhat siya ni Joshua na parang bagong kasal at naglakad paalis doon. Nagpapasalamat siya na nandoon si Joshua dahil mabilis siyang makaalis doon. Hindi niya din kasi alam kung makakakuha agad siya ng taxi. And the last thing she need to face is Sancho. Hindi niya talaga kayang makita ito at malaman kung anong reaksyon ng binata. After what happen, she needs to stay away from Sancho.
HINATID siya ni Joshua sa bahay niya. Sinabi nito ang nangyari kagabi sa party dahil pareho silang hindi makita ni Sancho. Hindi tuloy pormal na pinakilala si Sancho bilang bagong Presidente ng kompanya. Natapos ang gabing iyon na hindi bumalik ng party si Sancho. Paano naman ito makakabalik kung buong gabi siyang inangkin ng binata? Naalala niya ang buong nangyari kagabi ng mahismasan siya. She remember every detail, every kiss and every touch. Kung ang unang gabi nila ni Sancho ay hindi niya maalala dahil sa ininum na alak ay hindi ang kagabi. At pa hanggang sa mga sandaling iyon ay naalala niya pa ang nangyari sa kanila ng gabing iyon. How could she forget if she feels heaven in Sancho's arms?
"Are you okay?" tanong ni Joshua. May inilapag itong isang tasang kape sa harap niya.
Napatingin siya sa kaibigan. Hindi niya masabi dito ang tungkol sa nangyari kagabi at hinding-hindi niya sasabihin sa binata. Kung may huling bagay man siya na sasabihin sa kaibigan ay iyon ang tungkol sa nangyari sa pagitan nila ng Kuya nito. Wala siyang pagsasabihinan na kahit sino, iyon ang pinangako niya sa sarili kanina. At saka, magkapatid si Joshua at Sancho, hindi pa rin dapat niya pagkatiwalan si Joshua patungkol sa kanilang dalawa ni Sancho.
"I'm fine." Malamig niyang sagot at umiwas ng tingin
Narinig niyang na pabuntong-hininga si Joshua. Umupo ito sa katabing upuan niya. Magsasalita nasa na ito ng pumasok si Andrew na hindi maipinta ang mukha.
"May naghahanap sa iyo, Ate." Hindi maitago ang disgusto sa boses ng kapatid.
Napatingin siya sa taong ngayon ay nakatayo sa likuran ng kapatid niya. Bigla ay nais niyang tumakbo papunta ng kwarto niya. Bakit ba hindi niya na isip na maari itong pumunta ng bahay niya para siya ay kausapin? Kailan pa siya naging bobo?
'Simula ng tumibok ang puso mo sa lalaking nasa harap mo ngayon.' Narinig niyang sabi ng isip niya.
NO! Hindi pwedeng tumibok ang puso niya sa binata. Maraming dahilan para hindi siya magkagusto dito. Pagkatapos ng ginawa nito sa kanya ilang taon na ang nakakaraan. Pagkatapos nitong baliin ang pangako nito sa kanya. Ngayon ay mahuhulog ang puso niya dito. Hindi iyon maari. Kung may damdamin man na uusbong sa puso niya para sa binata tanging galit at pagkamuhi lang iyon. Sinira niya ang buhay niya limang taon na ang nakakaraan pagkatapos nagbalik nito na parang walang naalala, basta nalang nito kinalimutan ang nangyari sa pagitan nila. Alam niyang hindi ito lasing ng gabing iyon basi sa kwento ni Joshua sa kanya kaya paano siya nito makakalimutan kung naalala nito ang nangyari ng gabing iyon. Ano iyon? Nakalimutan nito ang mukha niya ngunit hindi ang pakikipagtalik nito sa kanya. Kaya hindi niya mapapatawad ang binata at kahit siguro magpaliwanag ito ay hindi niya pakikinggan. Masakit ang ginawa nito para bigyan niya pa ito ng puwang sa puso niya. Sinira nito ang buhay niya pati na rin ang taong pinapahalagahan niya.
"Kuya, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Joshua. Tumayo ito at nilapitan ang kuya nito na ngayon ay madilim ang mukha.
"I need to talk to Angel." May diin ang bawat katagang sabi nito.
Binalot ng kakaibang kaba ang puso niya pagkatapos ng sinabi nito. Hindi niya magawang makatayo mula sa kinauupuan dahil sa panginginig ng kanyang mga tuhod sa uri ng tingin nito. Para bang tagos hanggang kaluluwa niya ang tingin sa kanya ni Sancho ng mga sandaling iyon. Nais niyang magtago sa binata ngunit hindi naman niya ma-igalaw ang kanyang mga paa.
"Tungkol saan?"
Napatingin si Sancho kay Joshua. Hindi pa rin nagbabago ang bukas ng mukha nito. Galit na galit pa rin ang binata. At mukhang kay Joshua nito ibubunton ang galit na nararamdaman ngunit hindi matinag si Joshua sa pagkakatayo. Para bang baliwala lang dito ang galit na pinapakita ng kuya nito.
"I need to talk to Angel. Wala kang kinalaman sa pag-uusapan namin kaya umalis ka sa harap ko."
Nakita niyang nagulat si Joshua sa sinabi ng kuya nito ngunit agad ding naglaho at napalitan ng tapang ang mukha ng kaibigan.
"You are mad, Kuya. Kung kakausapin mo man si Angel. Kailangan mo munang kumalma. Bumalik ka na lang mamaya kapag mahinahon ka na."
Lalong nandilim ang mukha ni Sancho sa sinabi ni Joshua. Bigla nitong kinelyehuhan si Joshua na ikinasinghap niya. Sancho is scary at the moment. Mas nakakatakot pa siya ng mga sandaling iyon kaysa noong una niya itong nakitang nagalit.
"Naririndi na ako sa iyo, Joshua. I asking you, ano ka ba ni Angel para bakuran mo siya? Are you in love with her?" galit na galit na tanong ni Sancho.
Pareho silang nagulat ni Joshua sa tanong ni Sancho. Anong klasing tanong ba ang sinasabi ni Sancho? Saan naman nito napulot ang tanong na iyon. Nakita niyang ngumisi si Joshua. Hindi talaga ito natatakot sa kuya nito.
"Kuya..." inalis nito ang kamay ni Sancho sa kwelyo. "Chill ka lang. Alam mo naman kung sino ang gusto ko. At saka magkaibigan lang kami ni Angel. Alam ko ang nangyari kagabi. Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi malaman ang ginawa niyo. I check the CCTV footage last night, I know what you two did."
Namula ang pisngi niya sa sinabi ni Joshua. Hindi na pala niya maililihim pa kay Joshua ang tungkol sa nangyari kagabi. Kahit hindi na siya magsalita ay alam na pala nito. Ngayon ay hindi niya alam kung paano haharapin ang binata.
"You need to calm down, Kuya. Hindi mo pwedeng kausapin si Angel na ganyan ka. Calm yourself then I let you talk to Angel." Hinawakan ni Joshua si Sancho sa braso ngunit pumiksi lang ang binata.
"Wala akong paki-alam kung alam mo na ang ginawa namin ni Angel kagabi. Kailangan namin mag-usap." Tumingin sa kanya ang nagbabagang mga mata ni Sancho. "Whatever happen between us, nasa amin na iyon. Kaibigan ka lang ni Angel at kapatid lang kita. Wala kang karapatan pumagitna sa amin dalawa. Angel is mine now, Joshua. So, you better back off before I forget that you are my brother."
"Kuya, Angel is not yours. Bakit----"
"She is mine since the day she gave herself to me. Hindi na siya pwedeng angkinin ng iba."
Napasinghap siya pagkatapos marinig ang mga salitang iyon kay Sancho. Wala na ba talaga siyang kawala kay Sancho ngayon. Ito na ba ang katuparan ng mga pangako nito noon? Ano nang mangyayari sa kanya ngayong inaangkin na siya ni Sancho? Ano ang magiging reaksyon nito kapag nalaman nitong noon pa man ay inangkin na siya nito?