Dark Night ONE

2205 Words
ABALA si Angel sa ginagawang report ng dumating ang big boss ng kompanya. Agad siyang tumayo at pumunta ng pantry para gumawa ng kape. Kinuha niya ang kanyang planner bago pumasok sa loob ng opisina nito. Nakatutok na sa mga papeles nito si Sir John ng pumasok siya. "Good morning sir. Here's your coffee." Inilapag niya ang kape sa mesa nito na puno ng mga papeles. Umangat ng tingin si Sir James at ngumiti sa kanya. "Thank you, Angel." Kinuha nito ang kape at agad na tinikman. "Alam mo bang ito ang mamimiss ko sa opisinang ito?" Ngumiti siya sa turan ng kanyang boss. "Matagal ka pa naman bago mag-retired, Sir John kaya matitikman mo pa po iyan." Ngumiti ang matanda sa kanya. Alam niyang nasa late seventies na si Sir John ngunit hindi pa rin ito nagreretired dahil wala pang papalit sa pwesto nito. Pareho kasing nasa ibang bansa ang dalawang anak nitong lalaki. Meron din kanya-kanyang negosyo ang mga ito kaya hindi din maiwan. Sa higit na limang taon niyang pagtatrabaho sa mga Lim ay iilang beses lang niya nakakasalamuha ang magkakapatid, madalas ay ang bunsong anak ni Sir John na si Joshua. Sir Joshua is their legal consultant and now studying in Italy. Nagmamasterial doon ang binata habang hinahawakan ang café ng ina nito. Ang panganay na anak ni Sir John ang halos hindi niya nakakasalamuha dahil sa tuwing uuwi ito ay itinataon niya na magbabakasyon siya sa probinsya niya. Hindi niya kayang harapan ang binata. Natatakot siya sa magiging reaksyon nito kapag nakita siya. "Angel, I have news for you." Inilapag ni Sir John ang hawak nitong ballpen at seryusong tumingin sa kanya. "I'm retiring." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Sigurado po kayo, Sir John. Hindi po ba ayaw niyong magretired dahil hindi pa handa ang mga anak niyo na hawakan ang kompanya." "Yes! Iyon nga ang sinabi ko." Tumayo ito at lumapit sa glass window kung saan kitang kita ang naglalakihang gusali sa Metro Manila. "My son is going home. Tapos na siyang magmasterial kaya handa na daw siyang pag-aralan at hawakan ang kompanya." "Sir Joshua is going home?" She feels disappointed knowing that it is Joshua who is going home. Akala pa naman niya ay ang panganay na anak ni Sir John ang hahawak ng kompanya. "It's not Joshua. Ang anak kong panganay ang uuwi, Angel. Sancho is going home next week. Siya na ang hahawak ng kompanya." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng big boss niya. Bumilis ang t***k ng puso niya ng marinig ang pangalan ng binata. Sancho is going home and he will be her boss soon. Bakit ngayon pa kung saan hindi pa siya pwedeng magresign? Her family needs her that's why she need this job. Nag-aaral pa ng college ang mga kapatid niya at umaasa din ang mga magulang sa kanya. "Don't worry, Angel. Mabait naman ang anak ko. Strick lang siya pero maayos naman siya makisalamuha sa mga tao." Mukhang napansin ni Sir John ang agam-agam niya. "Well, Sir John. If it's about who's the kindest person I know, no one can beat you." Sabi niya kay Sir John na nagpangiti dito. Mabait sa kanya ang matandang Lim. Para na rin niyang ama ito. Sa lahat ng oras na kailangan niya ng tulong ay nariyan ito. She is very thankful to her big boss. Kaya hindi niya mapigilan na hindi malungkot ngayong magreretired na ito. Hindi niya alam ang ugali ni Sir Sancho. Hindi naman kasi niya talaga ito nakilala kahit kailan ng personal maliban sa isang gabing hindi niya mabaon sa limot. "You make me flatter so much, Angel." Tumawa ang matanda. "Wag kang mag-alala dahil pwede mo naman akong lapitan kapag may ginawang masama sa iyo ang anak ko." Hindi niya napigilan ang hindi ngumiti. "Thank you sir." "Isang buwan siyang magiging under supervision mo bago niya tuluyan hawakan ang kompanya. Kaya sana tulungan mo siyang malaman lahat ng tunkol sa kompanya. Hindi ka naman mahihirapan sa anak ko dahil matalino itong tao. Isa lang ang nais kong ipaalala sa iyo patungkol sa anak ko." Naging seryuso ang mga mata at mukha ni Sir John. "Ano po iyon Sir?" "Don't fall in love with my son." Napasinghap siya sa sinabi nito. Hindi siya pweding umibig kay Sancho. Bakit? "Don't get me wrong, Angel. I like you, hija. Para nakitang anak kaya ayoko din na masaktan ka. Sancho is a friendly person. Mabilis makagaanan ito ng loob. Maluko ito pero madaling kaibiganin. Kaya sana kung maari ay wag kang main-love sa kanya dahil baka saktan ka lang niya." "Makakaasa po kayo, Sir. Hindi ko po hahayaan ang puso ko na mahulog sa anak niyo." Seryusong sabi niya. "That's good to hear. Now, can you give me my schedule today? Gusto ko nasa ayos na ang lahat bago ko ibigay ang posisyon sa anak ko." She didn't speak. Tumingin na lang siya sa planner niya at sinimulang basahin ang schedule ni Sir John. Bakit pakiramdam niya ay mahirap ang gagawin niya sa susunod na linggo? Sancho is coming. Hinihiling niya na sana ay hindi siya maalala ng binata. "ANGEL, COME TO MY OFFICE." Utos ni Sir John ng sagutin niya ang intercom. Nagulat siya ng marinig ang boses nito. Hindi niya kasi namalayan na dumating ang kanyang boss. Agad siyang nagtimpla ng kape at kinuha ang planner niya. Kumatok muna siya sa pinto bago pumasok. Nasa hawak na tasa siya nakatingin habang palapit sa mesa ni Sir John. "Your coffee for today, sir." Inilapag niya ang isang tasang kape sa mesa nito bago iniangat ang mukha. Ngunit napasinghap siya ng makitang hindi si Sir John ang nakaupo sa mesa kung hindi isang gwapong lalaki na ngayon niya lang nakita sa loob ng ilang taon niyang pagtatrabaho sa mga Lim. Bigla ay parang may nagliliparang mga paruparo sa harap niya habang nakatingin sa lalaking ngayon ay nakatitig din sa kanya. Kagaya niya ay gulat na gulat din ito. Napakagwapo ng binata sa suot na three piece suit. Maputi din ito na alam niyang namana nito sa ina. Hindi din nakaligtas sa kanya ang mga mata nitong maliit na may mahahabang pilik-mata. Maganda din ang kulay ng mga mata nito na kulay kayumanggi. Hindi din makapal ang kilay nito na lalong nagbigay dito ng friendly na aura. Matangos din ang ilong nito. Ang labi nitong natural ang pagkapula. Is he really a boy? Bakit mas maganda pa ang labi nito kaysa sa kanya? Napalunok siya ng maalala ang isang gabi na dapat ay kinalimutan na niya. 'Umayos ka, Angel. Nasa harap mo ang big boss. Alalahanin mo nangako kang hindi ka mahuhulog sa anak niya.' Kistigo niya sa sarili. "Good morning, Angel. Thank you for the coffee." Basag ni Sir John sa katahimikang namamayani sa pagitan nila ng lalaki. Unang nakabawi ang lalaki. Bigla ay naging seryuso ang aura nito. "Angel? She is your secretary?" tanong ng lalaki na sa ama na nito nakatingin. "Yes, Sancho." Tumingin sa kanya ang matanda. "Sancho, meet Angel Fatima Cruz, my efficient secretary. She will be your secretary and she will teach you all the things you need to learn about the company." Tumungo ang binata at tumayo sa harapan niya. Inilahad nito ang kamay sa harap niya. "Nice to meet you, Angel. I'm James Sancho Lim, I will be your future boss." Napakurap siya at napatingin sa kamay nitong nakalahad. Paanong nangyaring nandito na ito? Hindi ba dapat ay nasa U.S pa ito. Next week pa ang alam niyang babalik ito. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito ngunit agad din sana niyang babawiin ang kamay ng makaramdam ng munting kuryenteng dumaloy sa kanyang ugat ng ayaw iyong bitawan ng binata. Seryuso pa rin nakatingin sa kanya ang lalaki at pakiramdam niya ay pati kaluluwa niya ang nakikita na nito. Lalong nagwala ang puso niya dahil sa ginagawa nito. Lalo siyang hindi naging comfortable ng pisilin nito ang kamay niya. "N-nice to meet you, sir." She shutter that makes her want to hit herself. Bakit ba kasi ang bilis ng t***k ng puso niya? Ngumiti si Sancho sa kanya bago nito binitiwan ang kamay niya. Agad niya iyong itinago. Iyong kamay niya ang nanginginig sa sobrang bilis ng t***k ng puso niya. Bakit ba kasi ganito ang puso niya? Ano bang meron sa binata para magkaganoon siya? 'You and him had past, remember?' kastigo ng isip niya. Nais niyang magalit sa sarili. Bakit ba nakalimutan niya ang ginawang pagkakamali anim na taon na ang nakakaraan? "Kinagagalak din kitang makilala, Angel. Dad told me about you but I didn't expect a beautiful lady." Naramdaman niya ang pamumula ng kanyang mukha. Itinago niya ang mukha para hindi nito iyon makita. Pilit niya naman inaaway ang sarili sa isipan. Hindi ba nangako siya kay Sir John na magiging professional siya sa harap ng anak nito? Ngayon, ano itong ginagawa niya? A simple complement and here she is, blushing like a teenage girl. For Pete's sake, she is already twenty-seven years old. Tumikhim si Sir John. "Now, kilala niyo na ang isa't-isa dapat na tayong bumalik sa ginagawa." Hinarap siya ni Sir John. "Can you read my schedule today, Angel? And please, arrange a schedule for Sancho also." "Okay sir." Agad niyang binasa ang schedule ng matandang Lim. She tried to shake the presence of Sacho that looking at her with so much attention. Sana ay makaya niya ang mga susunod pa na araw na kasama ang binata. Mukhang kailangan na talaga niyang harapin ang kapalaran niya. Hindi na niya mapipigilan pa ang tadhana. Sancho is now at her front, fresh and looking at her with so much tension. Hinihiling niya na sana ay hindi siya nito makilala at kung sakali man ay sana hindi na nito babalikan kung anong meron sila noon. She hoping for impossible. SANCHO keeps on calling Mazelyn but his best friend one is not answering his call. Ayaw niya naman tawagan si Cathy, his best friend two dahil siguradong sermon ang aabutin niya. Hindi alam ng dalawa na umuwi siya galing U.S kaya siguradong babalatan siya ng buhay ng dalawa. Okay lang kung si Maze dahil mabait ang kaibigan niyang iyon. Si Cathy ang ayaw niyang makaalam dahil siguradong suntok ang aabutin niya. Well, kailan ba nawala ang asaran sa pagitan nilang dalawa ni Cathy. Bumangon si Sancho at lumabas ng kwarto niya. Kailangan niyang ikalma ang sarili. He was really disturbed because of that girl presence. Bakit ngayon niya lang nalaman na secretary pala ito ng ama niya? Nalaman niya mula sa HR manager na matagal ng nagtatrabaho si Angel sa kompanya ng kanyang ama. Sa loob ng limang taon ay hindi niya minsan nakita ang babae, ngayon lang kung saan hahawakan na niya ang negosyo ng pamilya. Pababa siya ng hagdan ng maramdaman ang vibration ng phone niya. Kinuha niya iyon sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag. Tumaas ang kilay niya ng mabasa ang pangalan ng kapatid. "Hello." Bati niya. "Hi, big brother. How're the Philippines?" tanong ni Joshua. "So far, so good. How are you, little brother? When are you going home?" Pumunta siya ng kitchen at binuksan ang refrigerator. Kumuha siya ng tubig habang nakikinig sa kapatid. "Stop with little brother. I will be home three months from now. Tatapusin ko lang ang mastieral ko at uuwi na din ako." Sagot nito. May narinig siyang boses babae na ikinangiti niya. "Are you with her?" may panunuksong tanong niya. Hindi agad nakasagot ang kapatid niya. "Who?" Tumawa siya sa sagot nito. Kahit kailan talaga ay malihim ang kapatid niya pagdating sa love life nito. Minsan lang nito pinakilala sa kanila ang babaeng minamahal nito kaya wala silang alam tungkol sa babaeng kasama nito ngayon pero dahil kapatid niya ito at dakilang tsismoso siya, nalaman niya ang buong pagkatao ng nobya ng kapatid. "You know who's I talking." Sagot niya. "It's okay if you don't want us to know. Just don't be a fool this time." Hindi nagsalita ang kapatid niya sa kabilang linya. Alam nitong seryuso siya. Minsan na itong muntikan maging isang talunan dahil sa pag-ibig. Ayaw niyang maulit iyon. He loves his younger brother and there's no room for failure in their family. Hindi pwedeng ma disappoint ang ama nila. "Joshua..." "I know, what I'm doing, Kuya. No room for failure and disappointment, remember?" Naging seryuso ang boses ng kapatid. Ngumiti siya. "Do your best. Come home once you settle everything there." "I will." Katahimikan ang namagitan sa pagitan nila ng kapatid. "Oo nga pala, Kuya. Nakita mo na ba siya?" Natigilan siya sa tanong ng kapatid. Joshua and he are very close to each other. They know their dirty secret. They share fair of mistakes and craziness. "Yes! I already saw her. At mukhang hindi niya ako nakilala, younger brother. This will be t*****e to me. Siguro alam mo naman kung bakit." Sumandal siya sa lababo at tumingala. Biglang lumitaw sa balintataw niya ang mukha ni Angel. What's up with him? Bakit ba kay hirap alisin sa isipan niya ang maamo nitong mukha? "I know. Lalo na at may ganyan kang bibig." Ngumiti na lang siya. His life is starting to be exciting. Mukhang kailangan niya pang pag-aralan ang self control. Sana nga at magtagumpay siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD