DARK NIGHT TWO

1976 Words
NATIGIL sa pagbabasa ng dokumento si Sancho ng may naglapag ng isang tasang kape sa harap niya. Napaangat siya ng tingin at muntik na siyang mahulog sa kinauupuan ng makita ng malapitan ang maamong mukha ni Angel. This girl is very beautiful. Bagay na bagay dito ang pangalan na Angel. The girl has a very white skin, red lips, perfect oval shape eyes and pinky check. Maganda din ang pagkakaayos ng kilay nito, mahaba ang pilik mata nito na lalong nagbigay ng ganda sa mga mata nitong kulay kayumangi. Maganda din ang maalon nitong buhok na hanggang siko. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang mapupulang labi nito na alam niyang masarap halikan. He is mesmerized with her beauty. Walang pamana dito ang mga babaeng nakilala niya sa U.S. kahit ang gandang taglay ni Mazelyn at Cathy ay walang-wala sa babaeng nasa harap niya ngayon. Natigil ang paglalakbay niya ng makarinig ng malakas na pagtikhim. Napakurap siya at napatingin sa mga mata ni Angel. Para naman siyang natauhan sa naging reaksyon. What's up with him? Anong klaseng mahika meron ang babaeng ito para mawala siya sa sarili ng ilang minuto? This is bad. He is going to be in danger soon. Umupo siya ng maayos at pinapormal ang mukha. Hindi pwedeng malaman ng babaeng ito kung anong epekto nito sa pagkatao niya. "Do you need anything, Ms. Cruz?" Nais niyang magbunyi dahil nasabi niya iyon ng puno ng kaseryusuhan ang boses. Knowing his self, hindi siya marunong maging seryuso sa mga empleyado niya. "Here's your schedule today, Sir." Walang emosyong nilapag nito ang hawak ng planner. "Can you just tell me?" umiwas siya ng tingin at muling itinoon ang atensyon sa binabasa. Narinig niyang tumikhim ang babae at kinuha ang planner. Binasa muna nito iyon bago binanggit sa kanya. "You have an early meeting breakfast with the managers. Lunch meeting with the real estate owner..." natigil sa pagbasa ang babae. Napaangat siya ng tingin. Nakita niya ang pamumutla sa mukha nito. "May problema ba, Ms. Cruz." Napakurap ng ilang beses ang babae bago tumingin sa kanya. "Ahm... hindi ko po alam na may meeting po kayo with Mr. King. Kailan po siya nagpakuha ng appointment sa inyo, Sir?" Nagsalubong ang kilay niya sa tanong nito. Hindi lang iyon ang napansin niya, may bahid ng inis ang boses ng babae. Kailangan ba lahat ng appointment niya ay dumaan dito? "King is my cousin, of course, hindi na niya kailangan dumaan sa iyo para makakuha ng appointment sa akin. Ako ang nagsulat niyan sa planner mo ng makita ko siyang nakapatong sa table mo. May problema ba sa ginawa ko, Ms. Cruz?" Nakita niya ang pagdilim ng mukha ng babae. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pagsagot niya sa tanong nito. Well, sorry to disappoint her. Kahit pa na may kakaibang damdaman itong binubuhay sa pagkatao niya ay hindi pwedeng hindi siya maging professional sa harap nito. This is business, he need to be serious. Sabi nga ng ama niya lagi sa kanila ni Joshua, business first before pleasure. Hindi pwedeng ipagsabay ang dalawa kung nais namin maging successful sa buhay. "Nothing, Sir. May meeting din po kayo mamayang 4o'clock with the board." Pagtatapos nito sa schedule niya. "That's all, Sir. If you excuse me." naglakad na palabas ng opisina niya si Angel ng muli niya itong pinatawag. "Yes, Sir?" humarap ito sa kanya. Wala ng emosyon ang mga mata at mukha nito. "Can you give me the contract we need for Mr. King?" "Yes, Sir. Is that all?" Hindi siya umimik. 'Can you smile?' sasabihin niya sana iyon ng agad niyang pinigilan ang sarili. "You can back to work now." Instead, he dismisses her. Yumuko muna ang babae bago lumabas ng opisina niya. Napabuntong hininga siya ng tuluyan makalabas ng opisina niya si Angel. Iba talaga ang epekto ng babaeng iyon sa kanya. There's something about her that makes him what to know her. Nais niyang makilala ang babae, nais niyang malaman kung sino ba talaga si Angel. At bakit kailangan pa nitong bumalik sa buhay niya? It was a simple admiration turn into attraction. He needs to release all his worries. At isang tao lang ang alam niyang makakatulong sa kanya. Kinuha niya ang phone at tiningnan ang lokasyon ng babaeng sarap asarin. Siguradong isusumpa siya nito kapag nalaman na konektado ang phone nito sa kanya. Napangiti siya na nasa mall ito. Ibig sabihin ay nakabalik na ito ng bansa. Mukhang kailangan na niyang magpakita sa kaibigan. NATATAWA pa rin siya dahil sa nangyari kahapon sa restaurant kung saan sinuntok siya ni Shilo pagkatapos niyang halikan sa gilid ng labi nito si Mazelyn. Mukhang tama ang hinala niya, may nararamdaman ang lalaking iyon para kay Maze. Ngunit malalim ang iniwan nitong sugat sa kaibigan para agad itong patawaran ng babae. He meets Maze in U.S. Broken hearted ang babae kaya mabilis niya itong naging kaibigan ng makasama sa pag-gawa ng kanilang thesis. They become closed. Nakilala naman niya si Cathy dahil kay Maze. Simula noon naging malapit na siya sa dalawa. Mabilis niyang nakagaanan ng loob ang dalawa. Pareho sila ni Maze nanatili ng U.S para mag-aral pa, habang si Cathy ay umuwi ng Pilipinas para pamahalaan ang negosyo ng pamilya dalawang taon na ang nakakaraan. Maraming nagsasabi na girlfriend niya ang isa sa dalawang kaibigan na pinagtawanan lang nila. He is just closed with them and that's all. Napasiksik sa dulo ng elevator si Sancho ng magsipasukan ang mga empleyado ng kompanya na galing ng parking area. May suot siyang sombrero at face mask kaya hindi siya napapansin ng mga ito. Nang huminto ang elevator sa ground floor kung nasaan ang lobby ng kompanya ay nakita niyang nakatayo si Angel. "Papasok ka ba?" tanong ng isang babae na sakay ng elevator. Kasabay niya ito sa parking lot kanina. Walang reaksyon mula kay Angel. Gumilid lang ito para bigyan ng daan ang ibang empleyado na nasa likuran nito. Nagsipasukan naman ang mga empleyado habang si Angel ay hindi pumasok. Nagtaka siya sa inasal ng dalaga. Hindi ba ito nagmamadaling pumasok sa opisina. Simula ng magtraining siya ay talagang nagtataka na siya sa dalaga. What's up with Angel? Bakit ganoon ito? Pinagmasdan niya ang mukha nito. Walang emosyon sa mukha at mga mata nito. Hindi iyon nagbago hanggang sa nagsara ang pinto. Sa loob ng dalawang linggo niyang pagtatrabaho doon kahit minsan ay hindi niya pa nakitang ngumiti ang dalaga sa kanya. Laging walang emosyon ang mga mata at mukha nito. Para nga siyang may kasamang robot. He finds Angel's attitude weird. Ngunit kahit weird ito ay napakagaling nitong sekretarya. Wala siyang masabi sa galing ito. Marami siyang natutunan sa dalaga tungkol sa kompanya. Nasisigurado niya na magiging maayos ang pamamalakad niya sa kompanya ng ama dahil may maasahan siyang sekretarya. Napatigil ang paglalakbay ng kanyang isipan ng marinig ang pangalan ng babaeng gumugulo sa kanyang sistema simula ng magtrabaho siya sa kompanya ng ama. "Ang weird talaga ni Angel." Napatingin siya sa babaeng nagsalita gamit ang salamin ng elevator. He is sure she is one of the company employees. Hindi niya ito kilala but he is sure that woman is a b***h. Kilala niya ang mga ganoong babae base sa tono ng boses nito. Lima nalang sila sa loob ng elevator na iyon. "Well, anong bago doon. Simula ng magtrabaho siya sa kompanyang ito ay wala siyang kaibigan. Hindi lang iyon, hindi siya natin madalas makitang nakangiti. Bilang lang sa daliri ko ng makita ko siyang ngumiti." Sabi naman ng babaeng katabi nito. "Ako din. Kung hindi ako nagkakamali, una ko siyang nakitang ngumiti ng maka-usap niya sa company anniversary si Sir John. Pagkatapos ng gabing iyon, dalawang araw lang naging sekretarya na siya ni Sir John." "Talaga!" sabi ng isang babae na mukhang kasama nito. "Siya iyong babae kanina sa labas ng elevator di ba? "Oo siya nga, Nysa." "At alam mo ba Nysa may kumalat na balita pagkatapos nitong maging sekretarya ni Sir John." "Anong balita naman iyon, Mally?" tanong ng babaeng nangangalang Nysa. Tumaas ang isa niyang kilay ng banggitin nila ang pangalan ng kanyang ama. They are talking about my father and Angel. Agad nilang nakuha ang atensyon nila. People gossiping really interest him. Nabuhay ang interest niya lalo kay Angel. "Sir John has an affair with Angel. Ang sabi nila ay inakit ni Angel si Sir John. Ang bilis niyang umangat alam mo ba. Ilang taon palang siya sa kumpanya pero agad itong naging sekretarya ni Sir John. Hindi lang iyon, ang sabi ng manager ng department natin na si Manager Agnes nakita niya isang beses si Angel na nakangiti habang nakatingin sa mga larawan na nasa kwarto ni Sir John." Sabi ng babaeng si Mally. Bigla ay nakaramdam siya ng galit sa loob. They are talking nonsense. Kilala niya ang ama, he will never cheat on their mother. Nakita nila ni Joshua kung gaano kamahal ng kanyang ama ang ina nila. Those people creating lies that can destroy someone's life. Kailan ba sila titigil? Naikuyom niya ang kamao para kuntrolin ang galit na nararamdaman. "Hindi lang iyon. Alam mo bang minsan na silang nagbakasyon na magkasama. Ang balita pa noon ay magkasama sila pumunta ng Paris." "Talaga!!! Ang amo ng mukha niya pero nasa loob pala ang kulo." Kumento ni Nysa na lalong nagpadilim sa aura niya. "Wag kang magpapaluko sa mukha niya, Nysa. Alam namin ni Vannesa kung anong totoong ugali niya. Sigurado ako next target niya ngayon ay si Sir Sancho." "Si Sir Sancho? Iyong anak ni Sir John." "Oo, sigurado ako. Hindi mo ba napapansin na nagbago ang pagsusuot niya ng damit. She looks conservative because----" "What department are you three?" galit niyang tanong. Hindi na talaga siya nakatiis. Tuluyan ng naputol ang pagtitimpi niya. Napalingon sa kanya ang tatlo na puno ng pagtataka ang mukha. Sasagot na sana ang mga ito ng bumukas ang elevator. Agad na lumabas ang tatlo. Sinundan niya naman ng tingin ang mga ito. Nang sumara ang pinto ng elevator ay agad niyang tiningnan kung anong floor iyon. Napupuyos pa rin sa galit ng makarating sa kanyang opisina. Wala pa si Angel ng mapadaan siya sa mesa nito. Of course, she was not there. Sigurado siya na sa ibang elevator ito sumakay. Pagdating sa kanyang opisina ay agad niyang iniangat ang telephone at tumawag sa HR. Wala siyang pakialam kung hindi pa siya ang CEO ng kompanya ng kanyang ama. Hindi pwedeng may ganoong kwento sa loob ng kompanya ng kanyang ama. They are trashing his father name and Angel. "Hello. This..." "I'm Sancho James Lim. I want to speak to your manager." Putol niya sa ibang sasabihin nito. Mukhang nataranta naman ang babae dahil agad nitong ipinasa ang tawag sa manager nito. "Yes, Sir Lim. What can I do for you?" magiliw na sabi ng manager. "Give me all the list of the employee on the 25th floor. I want it before the lunch break." Sabi niya. Mukhang nagulat ito sa inutos niya dahil hindi agad ito nakapagsalita. "Yes. Is that all, Sir Lim?" "Yes! Also include a photo of them." Ibinaba niya ang telephone kasabay ng pagbukas ng pinto ng opisina niya at pumasok si Angel na may dalang tasang kape. Pinigilan niyang mapangiti. Biglang nawala ang inis niya ng makita ang maamo nitong mukha. Wala pa rin emosyon ang mukha nito hanggang sa makalapit sa kanya. Ipinatong nito ang dalang kape. "Good morning, Ms. Cruz. What's my schedule for today?" Umupo siya at inabala ang sarili. Nais niyang itago dito ang pagbabago ng emosyon sa mukha nito. He loves seeing her faces. Alam niyang lumalambot ang mukha niya kapag nasa malapit ito kaya kung maari ay ayaw niyang malaman nito. He doesn't know why, he just wanted too. He got it bad. He is in dangerous situation. Ngunit kahit ganoon ay ayaw niyang umalis sa kung saang sitwasyon man siya ngayon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD