Hinawakan ko ang mukha niya. na walang malay.
"Hindi mo lang alam kung gaano ko pinanabikan na makita kitang muli." Sabi ko habang lumuluha. Pinagmasdan ko siya. Ng maalala ko ang sitwasyon namin.
"Kaya pala hindi kana bumalik. May nagmamayari na pala sayo." Bulong ko saka napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Alam ko naman sa umpisa palang na malabo ang lahat sa amin. Pero umasa parin ang puso ko. Napangiti na lang ako sa sarili ko.
" Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Sa ganitong sitwasyon pa tayo muling nagkita. Kung gising ka kaya ano kaya ang magiging reaction mo pag nakita mo ako. Siguradong magagalit ka. Sa bagay hindi naman kita masisi." Sabi ko sa kanya. Huminga ako ng malalim pinunasan ko ang luha ko. Pinagmasdan ko siya.
"Parang walang pinagbago sa hitsura mo. Ikaw parin ang Alex na nakilala ko.
Sana kapag nagising ka mapatawad mo ako. " Sabi ko habang hawak ko ang kamay niya. Natigilan ako ng maramdaman ko na kumislot ang kamay niya. Napatingin ako sa kamay niya.
"Hinawakan niya ba ang kamay ko?" Bulong ko sa isip ko. Tiningnan ko ang mukha niya ganun parin naman siya tulog na tulog. Huminga ako ng malalim.
"Ano ba ang nangyayari sayo Eliana kung ano ano na lang ang iniisip mo. Pano ka hahawakan ng taong walang malay. Haays." Sabi ko sabay kuha ng libro sa tabi ng higaan niya. Binasahan ko na lang siya.
Kinabukasan maaga akong nagising. Ewan ko ba excited ako na makita siya uli. Nanguha ako ng mga bulaklak sa hardin pagkatapos kong magalmusal.
"Parang ang ganda ng tulog mo kagabi ah." Sabi ni mang Paeng ang hardinero.
"Magandang umaga mang Paeng. Nakakagaan po talaga ng pakiramdam ang mga tanim dito sa hardin." Sabi ko sa kanya.
"Kung buhay lang si Madam siguradong tuwang tuwa sayo yun. Kagaya mo rin kasi siya tuwang tuwa kapag nakikita ang mga halaman niya." Sabi nito. Ngumiti na lang ako saka nagpaalam na dito.
"Good morning sweetheart!" Bati ko sa kanya. Ng matigilan ako sa sinabi ko. Napahawak ako sa bibig ko.
"Sweetheart ka diyan, hindi kaya ikaw ang totoong Eliana. Mukhang nangangarap kana ng gising Eliana. Baka nakakalimutan mo hindi ikaw ang totoong asawa ni Alex." Bulong ko sa isip ko. Namumula na napatingin ako sa kanya na tulog na tulog.
"E ano naman tulog pa naman siya saka wala pa naman yung totoong Eliana. Kaya walang masama kung tawagin ko siyang sweetheart. Ngayon lang naman habang tulog siya." Bulong ko sa isip ko.
"Wala naman masama kung tatawagin kitang sweetheart diba. Kahit ngayon lang habang wala ka pang malay. " Sabi ko saka tinitigan siya. Napangiti ako.
" Ang landi mo Eliana. Pag nagising yan ewan ko lang kung malandi mo pa yan." Bulong ko sa isip ko. Huminga ako ng malalim.
"Ah basta bahala na si Batman. Basta masaya ako na nakasama ko siya uli. Saka ko na lang iisipin ang lahat pag nagising na siya." Bulong ko uli sa isip ko. Kakanta kanta ako habang nililinis ang silid niya.
***ALEX POV#***
Naisip ko na ipatangal na ang benda ko. Gusto kong malaman ang magiging reaction niya.
"Sigurado kana ba sa gusto mong gawin?" Tanong ng doctor ko sa akin. Tumango ako.
"Sige kung ganun uumpisahan na namin." Sabi niya. Ng matapos sila at papasukin na nila si Eliana na higit ko ang paghinga ko. Nagulat ako ng marinig ko na umiiyak siya. Parang gusto kong magsisi. Pero hindi ko na mababawi pa. Sa totoo lang lumilihis na nga ako sa totoong plano dahil sa kanya. Hindi ko kasi inaasahan na siya ang dadalahin nilang tao dito. Nakinig ako sa kanya. Hindi ko napigilan na hindi pisilin ang kamay niya. Natauhan lang ako ng matigilan siya.
"s**t! Alex nakakalimot kana." Bulong ko sa isip ko. Tawa ng tawa si Atorny ng malaman ang nangyari.
"Bakit kasi nagpapangap kapa. Pwede naman na magpangap ka na nagising kana." Sabi niya sa akin. Napahinga ako ng malalim.
"Ano kaba natatakot nga siya na magising ako. Hayaan muna natin siya. Tutal hinahanap pa naman natin kung nasaan na sila Eliana." Sabi ko sa kanya.
"Nalaman kona kung saang bansa sila pumunta. Nasa California sila pero hindi lang sila may kasama pa sila na isa." Sabi ni Atorny. Napaisip ako.
"Pero wag na muna yan ang isipin mo. Dahil may malaking problema na dapat kang harapin. Dahil ang kalaban mong Kompanya sinusulot ang mga investor mo. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang link na nalulugi na raw ang kompanya mo dahil sa malaking halaga na nawala dito kaya naman nagpapatawag ng Conference meeting ang mga Shareholders. Nais nilang marinig ang paliwanag mo hingil dito." Sabi ni Atorny. Napakunot ang noo ko. Maaring kagagawan ito ni Willson. Napamura ako.
"Ikaw na muna ang bahalang makipagusap sa kanila." Sabi ko kay James ang atorny ko.
" Sige gagawan ko ito ng paraan sa ngayon pero hindi ko pinapangako na hindi kana nila hahanapin. Siguradong hinfi titigil ang kalaban mo lalo nat nakasilip na sila ng butas upang pabagsakin ka. " Sabi niya sa akin. Tumango ako.
" Kailangan ko lang ng konting panahon." Sabi ko sa kanya. Tumango siya saka nagpaalam na sa akin. Pinatay kona ang phone ko. Napaisip ako.
" Sino nga kaya ang nasa likod ng lahat ng ito at sino na namang kompanya ang kumakalaban sa akin ngayon? " Tanong ko sa isip ko.
" Kailangan kong makaisip ng paraan hindi nila pwedeng malaman na nabulag ang mata ko." Bulong ko sa isip ko.
" Kailangan kong mabawi ang kalahati ng kompanya sa pinagbigyan ni Willson." Bulong ko uli. Saka napaisip ako. Ng walang maisip napahilot na lang ako sa noo ko. Ng maalala ko siya.
" Ano kaya ang gagawin niya pagnagising na ako? " Tanong ko uli.
" Siguradong matatakot siya. Sana hindi siya umalis mag stay siya sa tabi ko hangang matapos ang lahat ng ito." Bulong ko sa isip ko. Ng maalala ko kung gaano siya nasaktan ng makita niya ako.
Gustong gusto ko siyang yakapin ng oras na yun. Pero hindi ko magawa.
Huminga ako ng malalim. Saka napahilamos ako.
Kinabukasan madilim pa gising na ako. Dinalahan ako ni Kelly ng almusal.
"Ang aga mo nagising ah,"
Sabi niya sa akin.
"Naisip ko kasi kailangan ko ng magising sa lalong madaling panahon." Sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin.
"Akala ko ba ayaw mo pang gumising. Bakit gusto mo na bang makausap si miss Eliana?" Panunukdo niya sa akin.
"Tssk, nakausap ko si atorny may problema sa company. Hinahanap ako ng mga Shareholders." Sabi ko sa kanya.
"Naku pano yan, kahit magising kapa may problema ka parin dahil bulag ka." Sabi niya sa akin.
"Hindi nila pwedeng malaman ang kalagayan ko. Hindi pa natin alam kung sino ang pinagbigyan ni willson ng kalahati ng share ko. Kailangan ko ng maoperahan sa lalong madaling panahon." Sabi ko sa kanya.
"Pero wala pa kaming nakikita na compatible na donor mo." Sabi niya sa akin.
"Kung kinakailangan na suyurin niyo lahat ng ospital makahanap lang ng donor ko gawin niyo. Walang problema sa gastos." Sabi ko sa kanila.
"Wag kang magaalala kokontakin ko ang mga kilala ko. Para makahanap tayo ng donor mo." Sabi niya sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya. Nagpaalam na ito sa akin.
"Kailangan kong makaisip ng paraan kung pano ang gagawin ko hangat hindi pa nakakahanap ng donor ko sila Kelly hindi pwedeng maghintay lang ako." Bulong ko saka nagisip ako. Natigilan ako ng dumating na siya sa silid ko. Nagulat ako sa tinawag niya sa akin. Natigilan siya ng maisip niya ang sinabi niya. Gusto kong mangiti pero pinigilan ko ang sarili ko. Nakinig na lang ako sa mga sinasabi niya. Hangang sa nagpaalam siya sa akin. Ng lumabas na siya ng silid ko hindi ko mapigilan na hindi mangiti ng maalala ko ang mga sinabi niya.
"Masabi mo pa kaya sa akin yan oras na magising na ako." Bulong ko habang tinitingnan ang nilabasan niya.