***ELIANA POV#***
Maaga pa gising na ako tumulong ako sa hardin magasikaso ng mga halaman. Naglipat kami ng mga bagong punla nito. Ng matapos kami nagpaalam na ako na aakyat na sa taas kagaya ng dati may dala nanaman akong bulaklak. Napangiti ako kasi makakasama ko na naman si Alex kahit wala itong malay ayos lang masaya ako makita ko lang siya. Nagulat ako ng pagpasok ko sa bahay na nagkakagulo sila.
"Anong nangyayari manang?" Tanong ko sa kusinera na nasalubong ko sa ibaba ng hagdan.
"Nagising na si Seniorito Alex." Sabi niya sa akin. Nabitawan ko ang dala kong bulaklak sa narinig.
"Hoy! Anong nangyari sayo bat bigla kang namutla. Ayos ka lang ba Eliana?" Tanong sa akin ni manang. Hindi ako nakaimik.
"Halika nga muna dito sa kusina uminom ka muna ng tubig. Nagalmusal kana babg bata ka? " Tanong niya sa akin. Saka dinampot ang bulaklak na nabitawan ko. Binigyan niya ako ng tubig.
"Kakain kaba?" Tanong niya sa akin. Umiling ako. Tiningnan niya ako.
"Bakit ka ba namumutla? Haay baka mamaya diyan ikaw naman ang pumalit kay seniorito sa higaan. Masyado ka kasing nagpapagod. Nagising na pa naman si seniorito magagalit yun pag nagkasakit ka." Sabi niya sa akin. Pero hindi ko na naiintindihan ang sinasabi niya.Akupado ang isip ko ng isang bagay.
"G.. Gising na siya. Ibig bang sabihin nito kailangan ko ng umalis?" Bulong ko sa isip ko.
Nagpaalam na sa akin si manang. May gagawin pa daw siya. Naiwan niya daw ang hinihiwa niya sa labas. Kumain na lang daw ako kung gusto ko.
Kanina pa ako pabalik balik ng lakad dito sa dining erea. Iniisip ko kung aalis na ba ako. Pero papano nasa isang isla ako. Anong sasakyan ko.
Ng may maalala ako. Kinuha ko ang phone ko. Tinawagan ko ang kaibigan ni Eliana pero hindi ko ito makontact kaya nagiwan na lang ako ng massage dito. Naalala ko ang kaibigan ko.
"Ano kaba besty kailangan mong umalis na diyan. Baka pag nakita ka niya ipakulong ka dahil nagpanggap ka na fiance niya. Hindi pa yun nagpakasal ka pa sa kanya.Naku kailangan mo talagang umalis diyan besty baka kung ano ang gawin niya sayo." Sabi niya sa akin ng sabihin ko na gising na si Alex.
"Alam mo nakatulong ka nga talaga sa akin. Pinalala mo lang ang nararamdaman kong kaba. Paano nga ako aalis no? Alam mo naman na nasa isang Isla kami no. Anong sasakyan ko para makaails dito." Sabi ko sa kanya. Natahimik siya.
"Sorry besty nagpapanic narin kasi ako dahil sayo. Ganito na lang besty, wag ka munang magpakita sa kanya. Susubukan ko munang kontakin si Vanessa." Sabi niya uli sa akin.
" Basta relax ka lang diyan. Wag kang pahalata sa kanila. Okay? " Sabi niya uli sa akin.
" Sige, salamat besty. " Sabi ko sa kanya. Nagpaalam na ito sa akin. Napatingin ako sa labas. Nakita ko na tahimik na sila sa labas. Saglit akong nagisip kong lalabas ba ako o hindi.
"Bahala na. Hindi pwedeng nandito lang ako sa loob ng dining erea." Bulong ko saka huminga ako ng malalim bago ako lumabas.
" Miss Eliana nandiyan ka lang pala kanina, kanina ka pa po hinahanap ng doctor at nurse. Nagising na daw po si seniorito Alex. " Sabi ng katulong sa akin ng makita ako nito.
"Pasensiya na nahilo kasi ako kanina kaya nagpahinga muna ako sa dining erea. " Pagsisinungaling ko.
" Sige salamat, aakyat na ako sa taas. " Sabi ko sa kanya. Tumango siya. Ng aktong tatalikod na ito tinawag ko ulo ito ng may maalala ako.
" Ahhm. Itatanong ko lang kung ayos na ba si Alex? " Tanong ko sa kanya.
" Ay, opo ayos na po siya sabi nga po ng isang nurse parang hindi daw po ito na comma ng matagal." Sabi niya. Kinabahan ako sa narinig ko.
" Ayos na po ba ang pakiramdam niyo miss Eliana? Kung hindi pa po magpahinga muna kayo. Sasabihi ko na lang po sa kanila na masama po ang pakiramdam mo. " Sabi niya sa akin. Ng maalala ko ang sinabi ng kaibigan ko.
" Medyo nahihilo pa ako. Pero aayos din ako maya maya. " Sabi ko sa kanya.
" Miss Eliana! " Tawag sa akin galing sa taas ng hagdan.Sabay kami ng katulong na napatingin dito.
" Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Sabi ng doctor ni Alex ng makalapit siya sa amin.
" Nasa dining erea siya doc nagpapahinga, Dinala ko po siya dun para makapagpahinga sandali. Masama po kasi ang pakiramdam ni miss Eliana. Nahilo siya kanina." Sabi naman ni manang na kalalabas lang ng kusina.
" Ah, ganun ba. Mukha ngang namumutla ka. Kung masama pa ang pakiramdam mo magpahinga ka muna sa silid mo. Pupuntahan na lang kita mamaya. Pag natapos kaming asikasuhin si Alex." Sabi nito nagpasalamat ako sa kanya. Ng aktong aakyat na ako tinawag niya uli ako.
" Alam mo na ba na gising na siya? " Tanong niya sa akin.Tumango ako saka ngumiti. Sa totoo lang masaya ako na gising na siya at nagpapasamat ako sa diyos.
" Kumusta na po siya? " Tanong ko sa kanya.
" Ayos na siya sa ngayon under observation pa siya. Pero ayos naman ang lahat sa kanya wala naman akong nakitang problema." Sabi niya sa akin. Napatango na lang ako sa kanya.
" Paki sabi na lang na pupuntahan ko siya agad pag umayos na ang pakiramdam ko." Sabi ko sa kanya.Tumango siya. Umakyat na ako. Napapikit na lang ako ng makatalikod ako sa kanila. Pagpasok ko sa silid ko napa buga ako ng hangin. Nahiga ako sa kama ko.
"Gising na siya." Bulong ko. Gusto ko sanang makita siya kaso kinakabahan ako. Siguradong magagalit siya sa ginawa kong panloloko sa kanila. Napapikit ako. Huminga ako ng malalim.
Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok. Pumasok ang doctor kasama ang nurse niya.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? Pinapunta kami dito ni Alex ng malaman niya na masama ang pakiramdam mo." Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya.
" Akala niya kasi ako ang fiance niya." Bulong ko sa isip ko. Parang may kumirot sa dib dib.
" Mahal niya talaga si Eliana. Nagaalala siya agad dito. " Bulong ko uli sa isip ko. Napayuko na lang ako. Nilapitan nila ako. Chineck up niya ako.