Chapter 11

1658 Words
" Ayos ka naman. Siguro napagod ka lang. Ipahinga mo lang yan aayos din ang pakiramdam mo." Sabi niya habang inaayos ang mga gamit niya. Tumango na lang ako. Nagpaalam na sila sa akin. Nakaidlip ako sa kakaisip kung ano ang gagawin ko. Paano ako makakaiwas kay Alex. Nagising ako na kumakalam ang sikmura ko. Hinanap ko agad ang phone ko. Nadismaya ako ng makita na wala man lang tumawag sa akin. "Hello? Besty." Tawag ko diro. "Pasensiya na besty pinuntahan ko si Vanessa kaso hindi niya din daw makontact si Eliana. Hayaan mo daw pag na kontact niya sasabihin niya daw na nagising na si Alex. Pano yan besty anong gagawin mo?" Tanong niya sa akin. Nanlolomo na napahilamos ako ng mukha. "Hello? Besty, nandiyan ka pa ba?" Tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim. "Pasensiya na talaga besty. Kung nandito ka lang sa maynila tinulungan na kita tumakas diyan. Pero ang layo mo kaya. Hindi ko pa alam kung saang isla yan." Sabi niya. Napangiti na lang ako. Alam ko naman na hindi siya titigil hangat hindi ako natutulungan. "Wag kang magalala hindi naman siguro niya ako ipapakulong. Magagalit siya pero ayos lang yun may kasalanan naman talaga ako. Nagsinungaling ako sa kanya." Sabi ko na lang saka malungkot na ngumiti. Nagpaalam na ako sa kanya. Inayos ko ang sarili ko. "Ayos lang yan Eliana, hindi matatapos ang problema hangat hindi mo ito hinaharap. Okay? " Bulong ko sa sarili ko habang nakaharap ako sa salamin. Huminga ako ng malalim saka lumakad na palabas ng pintuan. " Miss Eliana kumusta na ang pakiramdam mo? " Tanong nila sa akin ng pumasok ako sa dining area. " Ayos na ako. " Sabi ko sa kanila saka ngumiti sa kanila. Tumango sila. Naupo na ako. Nagsimulang kumain. "Buti naman at nagising na si seniorito." Sabi ng isang katulong. "Oo nga. Ang tagal niya ding na comma." Sabi naman ng isa. "Diba yung mga kagaya niya na nacocomma ng matagal nahihirapan makatayo at makalakad." Sabi ng isang katulong. Napatingin ako sa kanya. Naisip ko si Alex. "Oo kasi matagal nilang hindi nagalaw ang mga mussels niya." Sabi naman ni manang. Nagalala ako kay Alex. Tinapos ko na ang kinakain ko. Kanina pa ako sa labas ng silid niya nagdadalawang isip ako kung papasok ako o hindi. Ng maisip na nahihirapan itong igalaw ang katawan napapikit na lang ako. "Bahala na nga." Bulong ko saka bumuga ng hangin. Kumatok muna ako bago ako pumasok. Nakita ko na nakaupo siya kausap niya ang doctor niya. " O, nandito na pala si miss Eliana" Sabi ng doctor niya. Nahigit ko ang hininga ko ng lumingon siya sa akin. Tumingin siya sa akin. Napayuko ako. Hinihintay ko ang galit na reaction niya. " Hi! Sweetheart,Anong ginagawa mo diyan? Bat hindi ka lumapit dito hindi ka ba masaya na gising na ako. "Sabi niya sa akin. Napatanga ako. " Ano daw sweetheart?" Bulong ko sa isip ko. " Tama ba ang narinig ko pinalalapit niya ako sa kanya. Hindi siya galit sa akin? Baka hindi niya ako nakilala? " Tanong ko uli sa isip ko. " Miss Eliana, Masama parin ba ang pakiramdam mo?" Tanong ng doctor.Napapikit ako. " Bahala na nga si Batman." Bulong ko. Napilitan ako na tumingin sa kanila. Nakita ko na nakangiti siya. Natulala ako. Ang gwapo niya talaga. Tumikhim ang doctor. "Baka matunaw si Alex niyan." Sabi uli ng doctor. Natauhan ako. Namula ako. "Mabuti pa iwan ko na muna kayo." Sabi ng doctor saka nagpaalam na sa amin. Nanatili ako sa pwesto ko kinakabahan ako sa sasabihin niya sa akin. "Hindi kaba lalapit sa akin? Pasensiya na hindi kita mapupuntahan diyan." Sabi niya. Para naman natauhan ako napatingin ako sa mga paa niya na nababalutan ng kumot. Huminga ako ng malalim saka dahan dahan akong lumapit sa kanya. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko saka siya yumakap sa akin. Napatanga ako. "I miss you sweetheart." Sabi niya. Natigilan ako. Magsasalita sana ako kaso nagsalita uli siya. "Pasensiya na pinagalala kita ng husto. Akala ko iniwan mo na ako. Alam mo bang natakot ako ng hindi ka pumunta dito kanina. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin. Tumango ako. Humiwalay siya sa akin pero hawak niya parin ang kamay ko. "Sweetheart bat ang tahimik mo?" Tanong niya sa akin. Hindi ako umimik napayuko ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Nagulat ako ng hawakan niya ang baba ko at itaas ito. "Ang mata ko ba ang problema? Sinabi naba sayo ni James?" Tanong niya sa akin. Napakunot ang noo ko. Napatingin ako sa kanya. Nakita ko na nakatingin siya sa akin. " Bakit anong nangyari sa mga mata mo? " Tanong ko sa kanya. Yumuko siya. "Nagkadiperensiya ang mga mata ko sa pagsabog . Nabulag ako ng dahil doon." Sabi niya napahawak ako sa bibig ko sa pagkabigla sa narinig ko. " Kaya pala hindi niya ako nakilala. " Bulong ko sa isip ko. Naawa ako sa kanya. Nayakap ko siya tuluyan ng tumulo ang luha ko. Niyakap niya rin ako. " Hey!" Sabi niya ng marinig niya na umiiyak ako. Hinawakan niya ang mukha ko. " Umiiyak ka ba dahil nabulag ako? " Tanong niya sa akin. Nahampas ko siya. " Syempre, Pano kana ngayon niyan? " Tanong ko sa kanya. " Ayos lang sabi naman ni James may pagasa pa akong makakita kailangan ko lang daw ng donor. Naguumpisa na silang maghanap ng donor ko. Pero yun nga lang hindi daw madali makahanap ng donor. " Sabi niya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya. " Ayos lang yun ang mahalaga may pagasa pa na makakita ka." Sabi ko sa kanya. Napalingon siya sa akin. " Gusto mo ba na makakita ako?" Tanong niya sa akin. "Oo naman no." Sagot ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko. "Pag nakakita ba ako nandito ka parin ba sa tabi ko lagi? Aalagaan mo parin ba ako kagaya ng dati?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. Natigilan ako. "Pwede pa ba akong manatili sa tabi mo kahit malaman mo na hindi ako ang Eliana na mahal mo?" Tanong ko sa isip ko. Habang tinititigan ko siya. Pinunasan ko ang luha ko na tumulo. Saka hinawakan ang kamay niya. "Oo naman hangat kailangan mo ako at hindi mo ako pinapaalis sa tabi mo mananatili ako sa tabi mo." Sabi ko sa kanya saka malungkot na ngumiti. "Yun ay kung tatangapin mo pa ako sa buhay mo oras na malaman mo na isa lamang akong huwad." Bulong ko sa isip ko. "Pero hangat kailangan mo ako handa akong alalayan ka at samahan ka." Bulong ko uli sa isip ko. Pinagbalat ko siya ng prutas. "Alam mo ba na dahil sayo kaya nagising na ako." Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. " Bakit naman ako? " Tanong ko sa kanya. " Nagaalala kasi ako sayo. " Sabi niya. Napakunot ang noo ko. " Bakit naman?" Tanong ko uli sa kanya. " Basta nagalala ako sayo. " Sabi niya sa akin. Tinitigan ko siya. Huminga siya ng malalim. " Hindi mo kailangan magaalala sa akin. Dahil walang masamang mangyayari sa akin. Lalo na ngayon gising kana." Sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko. Kumabog ang puso ko. "Hayaan mo magpapalakas ako agad. Hindi ko sila hahayaan na saktan ka nila. " Sabi niya sa akin. Natigilan ako.Masarap sana pakinggan ang mga sinasabi niya kung para sa akin lang sana ang mga yan. "Pero alam ko na hindi para sa akin yan." Bulong ko sa isip ko. Malungkot na ngumiti na lang ako. "Hayaan mo aalalayan kita para bumalik ang lakas mo. " Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. "Siya nga pala bakit hindi na bigkas sa akin nila manang na bulag ka?" Tanong ko sa kanya. "Hiniling ko kay James na itago sa iba ang karamdaman ko. Hindi pwedeng malaman ng kalaban ko sa negosyo ang nangyari sa akin." Sabi niya napakunot ang noo ko. " Ano ba talaga ang nangyari sayo?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko na naikuyom niya ang kamao niya. " May nagtangka sa buhay ko. Nalaman ko na may kumuha ng kalahati ng share ko sa kompanya ko. Pinaimbistigahan ko ito ng malaman nila na alam ko na at pinaiimbistigahana ko ito pinagplanuhan nila ang buhay ko. Nilagyan nila ng bomba ang sasakyan ko. " Sabi niya napahawak ako sa bibig lo. " Kung ganun nanganganib ngayon ang buhay mo? " Sa bi ko sa kanya. Yumuko siya. " Kaya hindi nila pwedeng malaman ang kalagayan ko." Sabi niya. Napatango ako. " Nalaman mo na ba kung sino ang gumawa sayo nito? " Tanong ko sa kanya. " Hindi pa sa ngayon. Masyado silang malinis gumawa. Wala akong nakuha na ebedensiya na magtuturo sa kanila. " Sabi niya sa akin. Naawa ako sa kanya. Hindi pala ganun kadali ang sitwasyon nito ngayon. " Wag kang magaalala handa ako na alalayan ka. Pwede mo akong maging mata habang wala pang donor na dumarating at hindi ka pa naooperahan. " Sabi ko sa saka hinawakan ko ang kamay niya. Nagpasalamat siya sa akin. Nasa silid ko ba ako pero laman parin ng isipan ko ang napagusapan namin ni Alex. Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa kanya. " Talaga besty? Hindi siya nagalit sayo? Tanong ng kaibigan ko sa akin. Ng ikwento ko ang nangyari. "Pano naman siya magagalit sa akin hindi naman niya ako nakilala ang alam niya ako parin si Eliana." Sabi ko sa kanya. "Pano nangyari yun besty e. Sabi mo nakaharap at nakausap mo siya? " Tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Saka kwenento ko ang sinabi sa akin ni Alex. Nagulat din siya ngarinig ang lahat. " Naku besty, baka pati ikaw nanganganib narin ang buhay mo dahil ang alam nila ikaw ang fiance niya. " Sabi niya sa akin. Doon ko lang naalala ang sinabi niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD