"Sabi ko na nga ba. Tama ako magiingat ka din besty, siguradong magpapadala ng tao ang kalaban diyan ngayon na nalaman na nila na nagising na si Alex." Sabi niya sa akin ng sabihin ko sa kanya ang sinabi ni Alex.
"Kailangan mo ng umalis diyan besty sa lalong madaling panahon." Sabi niya sa akin. Napaisip ako.
" Kaya ko bang iwan siya sa kalagayan niya ngayon?" Tanong ko sa isip ko.
" Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamangangyari sa kanya. " Bulong ko sa isip ko
" Besty hoy! Nandiyan ka pa ba? " Tanong niya sa akin.Huminga ako ng malalim.
" Hindi ko kayang iwan siya sa ganyang kalagayan niya besty. Alam ko na kailangan niya ako ngayon hindi ko siya iiwan. " Sabi ko sa kanya. Huminga siya ng malalim.
" Mahal mo na nga siya talaga. Handa kang mamatay para sa kanya e. " Sabi niya sa akin.
" Haays, ang pagibig nga naman talaga. Nagpapabago at nagpapalakas ng isang tao. " Sabi niya pa. Natawa na lang ako sa kanya.
" Kung ganyan ang pasya mo. Magiingat ka na lang diyan. Alam ko na hindi ko na mababago pa ang isipan mo. Pero meron akong naisip sa tingin ko mas makakabuti sa inyong dalawa ito." Sabi niya napakunot ang noo ko.
"Ano naman yun?" Tanong ko sa kanya. Nagaalinlangan ako sa sabihin niya dahil puro kalokohan lang lagi ang naiisip nito.
"Ano kaya kung sa kwarto ka ni alex na matulog. Tutal magasawa na naman kayo. Isa pa may nangyari na naman sa inyo. Kaya hindi na kayo magkakalinlangan pa." Sabi niya napatampal ako sa noo ko.
"Sabi ko na nga ba puro kalokohan ang laman ng isip nito
" Teka lang wag la munang magalit. Naisip ko lang kasi besty siguradong alam na ng kalaban na gising na si Alex pano kung pasukin nito ang silid ni alex at pagtangkaan nito ang buhay ni Alex. Walang kalaban laban si Alex kasi bulag siya. " Sabi niya sa akin. Napakunot ang noo ko.
" May point ka diyan besty. " Sabi ko sa kanya.
" Sabi ko na nga ba. Ganyan kasi ang nangyari sa isa sa mga kwento na nabasa ko. Naging mata niya ang bidang babae kaya nahuli nila ang gustong pumatay sa bidang lalake. " Sabi nito. Napapikit ako. Kung nandito lang ito nabatukan ko na ito. Hindi ako nakatulog agad iniisip ko ang sinabi ni Besty. Dinikit ko ang tenga ko sa ding ding na pagitan ng silid namin. Pero wala naman akong naririnig. Kaua inis na bumalik ako sa higaan ko.
"Kung pupuntahan ko naman siya, ano naman ang sasabihin ko sa kanya?" Bulong ko sa isip ko.
"Haays, nakakainis kasi si besty kung ano ano ang sinasabi sa akin." Inis na sabi ko saka kinuha ang unan at tinakip sa mukha ko. Maliwanag na ng makatulog ako. Kaya tanghali na ng magising ako.
Napabalikwas ako ng bangon ng magising ako at makita na mataas na ang araw sa labas ng bintan ko.Napatingin ako sa relos na nasa ding ding ko.
"Hala! Alas nuwebe emedya na ng tanghali." Sabi ko saka ako bumangon at nagmamadali akong naligo at nagasikaso ng sarili.
" Mukhang tinanghali ka ng gising miss Eliana. " Sabi ng isang katulong.
" Maliwanag na po kasi ng makatulog ako." Sagot ko sa kanila. Napatingin ako sa labas. Nagtaka ng makita na maraming bantay sa labas.
"Sino po ang mga yan?" Tanong ko kay manang.
"Dumating kanina si Atorny may mga kasamang tao. Sabi para daw magbantay kay seniorito." Sabi niya sa akin. Napatango ako.
"Buti naman at naisip ni atorny yun." Sabi ko sa isip ko.
"Miss Eliana, gising kana pala. Kanina kapa hinahanap ni Alex." Sabi ni James ang doctor ni Alex.
" Sige aakyat na ako sa taas."
Paalam ko sa kanila. Saka lumabas na ng dining erea. Nagderetso ako sa silid ni Alex. Kumatok na muna ako bago ako pumasok nakita ko na naguusap si Alex at si Atorny.
" O, nandito na pala ang misis mo. " Sabi ni atorny namula ako sa sinabi niya. Natawa ito sa akin.
" Mabuti pa maiwan ko muna kayo. " Sabi niya sa amin at lumabas na ito ng silid.
" Hi! Kumusta ang tulog mo?" Tanong niya siya akin.
" Ayos namam. Tinanghali nga ako ng gising. " Sabi ko sa kanya.
" Sabi nga ni James tulog ka pa daw. " Sabi niya saka inabot ang kamay ko. Kumalabog ang puso ko.
" Alam mo ba na namiss kita agad. Kung nakakakita lang ako pinuntahan na kita sa silid mo." Sabi niya sa akin.
" Kahit nakakakita ka pa hindi karin makakapunta sa silid ko. " Sabi ko sa kanya saka hinawakan ang mukha niya.
"Bakit naman hindi? " Tanong niya sa akin.
" Dahil sabi ni manang ang mga kagaya mo daw na kakagising lang sa comma. Kadalasan daw hirap igalaw ang mga paa. " Sabi ko sa kanya.
" Hindi ako, kasi may magaling na tagabantay ako habang nakacomma ako. Lagi niyang minamasahe ang mga kamay at paa ko. Kaya nakatulong yun para dumaloy ang mga dugo sa mga ugat ko. Kaya nagagalaw ko ng maayos ang mga paa ko. " Sabi niya sa akin. Namula ako kasi ako yun lagi kong minamasahe ang mga paa niya at mga kamay.
" Kung ganun, naigagalaw mo ang mga paa mo? " Tanong ko sa kanya. Tumango siya sa aki
" Gusto mo buhatin pa kita. " Sabi niya sa akin. Hinampas ko siya tumawa siya.
" Kung ganun pwede ka ng lumabas ng silid mo?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya.
"pwede naman kaso malalaman nila na hindi ako nakakakita." Sabi niya sa akin.
"Wag kang magalala. Akong bahala." Sabi ko sa kanya. Napalingon siya sa akin.
"Kailangan mong lumabas dito para masaulo mo ang pasikot sikot dito sa bahay niyo. Isa pa hindi ka pwedeng manatili dito sa loob ng silid mo ng matagal maghihinala sila sayo." Sabi ko sa kanya. Napakunot ang noo niya.
"E panong gagawin natin. May binulong ako sa kanya. Nagliwanag ang mukha niya.
" Sige magpapakuha ako nun kay atorny. " Sabi niya sa akin.
" Peeo may problema pa tayo." Sabi ko sa kanya.
" Ano? " Tanong niya sa akin.
" Ang magbubuhat sayo pababa ng hagdan hindi kaya kita kaya no. ' Sabi ko sa kanya.
"Kung tuturuan kita mahahalata nila tayo." Sabi ko sa kanya. Tumango siya.
"May naisip na ako." Sabi niya sa akin.
"Akong bahala." Sabi niya. Tinawagan niya si Atorny at sinabi niya ang balak namin. Nagusap sila ng ilang saglit maya maya binaba na niya ang phone niya.
"Ayos na." Sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa lanya.
"Ngayon dito muna tayo magsisimula. " Sabi ko sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin? " Tanong niya. Hinawakan ko ang kamay niya.
" Kailangan mong masaulo ang silid na to. Para pag may pumasok na kalaban sayo dito makakalaban ka. Saka pag may dumalaw sayo dito makakakilos ka ng hindi na kailangan na alalayan kita. " Sabi ko sa kanya. Tumango siya. Hinawakan ko ang kamay niya saka inalalayan na tumayo. Kaso ng makatayo siya na out balance siya kaya tumumba siya papunta sa akin. Kaso hindi ako nakahanda sa bigat niya kaya na out balance din ako. Kaso nakabig niya ako bago kami bumagsak. Ang nangyari sa kama kami bumagsak at nasa ibabaw niya ako. Sakto naman may pumapasok na nurse sa silid.
"Ay, sorry po." Sabi niya saka sinara uli ang pintuan.
Sabay kaming napalingon sa pintuan. Namumula ako ng makita na nasa ibabaw niya ako.
"Ay, sorry." Sabi ko saka aktong tatayo na pero laking gulat ko ng hawakan niya ang mukha ko.
Napatitig ako sa kanya.
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin. Naginit ang mukha ko.
"O.. Oo ayos lang ako." Sabi ko sa kanya. Huminga siya ng malalim.
" Sorry, Nanibago kasi ako. Matagal na kasi ng tumayo ako." Sabi niya sa akin.
"Ayos lang yun." Sabi ko sa kanya saka hinawakan ang kamay niya. Saka tumayo na ako at inalalayan siya uli. Inilibot ko siya sa silid niya sinasabi ko kung ano ang mga nandito at kung saan ang iiwasan niya. Buong maghapon kami nagsanay sa silid niya. Nung una madalas siyang maout balance. Pero ingat na ingat siya na masaktan ako.
Pagdating ko sa silid ko napapangiti ako kapag naalala ko. Kung papano bumibilis ang t***k ng puso ko sa tuwing matutumba siya sa akin.
"Ano magkaiba parin kayo ng silid. Sabi ko na sayo besty sa silid ka na niya matulog." Sabi uli ng kaibigan ko.
"Haays, hindi na ako dapat magaalala kasi may kinuha na si atorny na magbabantay sa amin." Sabi ko sa kanya.
"Saka isa pa besty nakakahiya naman na ako pa ang magsusugest no." Sabi ko sa kanya.
"So ibig sabihin gusto mo rin." Sabi niya na kinikilig pa. Hindi ako umimik.
"Ay sus, pakunyari ka pa besty yun pala naghihintay ka lang na mag damooves si Alex sayo." Sabi nito na kinikilig pa. Namula ako.
"Sira , hindi yun ang ibig kong sabihin. Ang dumi talaga ng utak mo. Naisip ko kasi na tama ka naman masmaganda na nadun ako dahil oras na may pumasok na kaaway ako ang magiging mata niya." Sabi ko sa kanya. Pero hindi parin ito tumigil sa kakatukso sa akin. Napailing na lang ako.
Kinabukasan nagsanay uli kami sa silid niya. Pinabibilang ko ang bawat hakbang niya. Pagdating ng tanghali hinahayaan ko na siya na humakbang habang nasa tabi niya ako. Ilang beses siyang bumunggo. Nung huli bumunggo siya sa ding ding. Natawa ako sa kanya ng hawakan niya ang ulo niya.
"Tawa ka diyan pag nahuli kita...." Sabi niya sa akin. Napataas ang kilay ko .
"Ano ang gagawin?" Tanong ko sa kanya.
"Hahalikan lang naman kita." Sabi niya sa akin.
"Kung mahuhuli mo." Sabi ko sa kanya habang tumatawa. Kaya sinubukan niya akong hulihin. Tawa naman ako ng tawa habang umiiwas ako sa kanya. Wala kaming ginawa kundi magharutan dalawa. Inabot na kami ng gabi sa pagtuturuan.