"Dito kana kumain sabay na tayo." Sabi niya sa akin.
"Sige." Sabi ko sa kanya.
"Kukuha lang ako ng pagkain natin." Sabi ko sa kanya habang inaalalayan ko siya na bumalik sa higaan niya.
"Hindi na kailangan tatawagan ko na lang si manang." Sabi niya sa akin. Tumango na lang ako.
Saktong nakakahiga na siya ng dumating ang doctor niya.
"Mukhang mabilis ang recovery mo ah. Iba talaga kapag ang mahal mo ang bantay mo." Sabi nito saka tumingin sa akin. Namula ako. Pinisil naman ni Alex ang kamay ko.
"Sabi ni atorny gusto mo daw lumabas na ng silid mo? Maganda yun makakatulong sayo yun para bumalik agad ang lakas mo." Sabi nito kay Alex habang kinukha nito ang BP ni Alex.
" Naisip ko lang kailangan ko ng lumabas sa silid ko. Baka kasi maghinala na sila sa akin. " Sabi ni Alex dito.
" Tama ka diyan. "
Sabi uli ni James. Nakikinig lang ako sa kanila.
Si James ang pumalit pansamantala kay Kelly ang doctor ni Alex. Naghanap kasi ito ng donor ni Alex.
Nang magpaalam ito aktong tatayo ako para ihatid ito sa pintuan kaso hinigit ang kamay ko ni Alex kaya napaupo ako sa tabi niya sabay hapit sa akin. Napatingin ako sa kanya.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.
"Saan ka kasi pupunta? Sabi ko diba sabay tayo kakain." Sabi niya sa akin.
"Ano ka ba, ihahatid ko lang ang doctor mo." Sabi ko sa kanya.
"Hindi na kailangan, kaya na niya bumaba magisa." Sabi niya uli na nakakunot ang noo. Napangiti ako sa kanya.
" Ano bang nangyayari sayo. Para kang bata." Sabi ko sa kanya. Hindi ito umimik. Aasarin ko pa sana kaso may kumatok sa pintuan pumasok ang isang katulong may dalang tray. Tumayo ako inayos ko ang pagkain namin.
"Salamat Cathy., sige ako na ang bahala dito." Sabi ko sa katulong nagpaalam na ito. Inayos ko ang pagkain niya.
" Kaya mo bang kumain magisa? " Tanong ko sa kanya. Umiling siya. Kaya nilagyan ko siya ng kanin at ulam sa pingan niya. Hinwa ko na ang karne. Saka pinahawak ko ang kutsara at tinidor sa kanya. Napakunot ang noo niya.
"Kailangan mong masanay kumain magisa. Para handa ka oras na magkaroon ka ng bisita." Sabi ko sa kanya.
"Sige try mo. Wag kang magalala nandito ako tutulungan kita." Sabi ko uli sa kanya.
"Nasa taas ng pingan mo ang ulam bandang kanan. Hiniwa ko na yan kaya hindi kana mahihirapan." Sabi ko sa kanya. Huminga siya ng malalim. Gusto ko siyang subuan na lang pero kailangan niyang matutunan ito. Dahil hindi ko alam kung hangang kailan ako nasa tabi niya.
Tinitingnan ko siya habang sinasandok niya ng kutsara ang kanin niya. Napangiti ako ng nagawa niya ng tama nakakuha siya ng kanin at ulam niya.
Ng sumibo soya uli kumain na ako. Hinihiwaan ko ng ulam siya. Sinasabawan ko din ang kanin niya.
"Salamat." Sabi niya sa akin. Ng matapos kaming kumain.
"Para saan?" Tanong ko sa kanya habang nagliligpit ako ng pinagkainan namin.
"Sa pagtitiwala sa akin." Sabi niya sa akin.
"Ano kaba alam ko naman na makakaya mo. Sabi ko nga diba. Nandito lang ako tutulungan kita. " Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya saka hinalikan ang kamay ko.
" Dito kana kaya matulog. " Sabi niya. Natigilan ako.
" Ano ba yang sinasabi mo? " Sabi ko sa kanya pakiramdam ko ang init ng mukha ko.
" Bakit ayaw mo? Tanong niya sa akin.
"Ano kaba ano na lang ang sasabihin ng doctor mo kakagising mo pa lang no." Sabi ko sa kanya.
"Ano naman, asawa naman kita no. Saka wala naman akong gagawin sayo. Matutulog lang tayo." Sabi niya namula lalo ang mukha ko.
"Promise!" Sabi niya tinaas pa ang kamay niya na parang nanunumpa. Napangiti na lang ako.
"Nagaalala kasi ako sayo. Hindi ako mapalagay na hindi kita nararamdaman sa tabi ko. Nagalala ako na may mangyari sayo na malayo ka sa akin. Alam mo naman na dito pa lang sa silid ko ang nakakabisa ko na lugar." Sabi niya sa akin. Napatanga ako sa kanya. Nagaalala din pala siya sa akin. Katulad ng pagaalala ko sa kanya.
Sabagay tama siya walang magiisip ng masama sa amin dahil ang alam nila ako si Eliana na asawa niya.
"Sige, pumapayag na ako." Sabi ko sa kanya.
"Yes!" Sabi niya.
"Thank you." Sabi niya sa akin. Natawa ako sa kanya. Huminga ako ng malalim.
"Magpasalamat kapa kaya sa akin balang araw?" Tanong ko sa isip ko. Saka malungkot na ngumiti.
"Kukuha lang ako ng damit ko sa silid ko babalik din ako agad. " Sabi ko sa kanya. Tumango siya. Kinuha ko na ang tray ng pagkain namin saka dinala ko sa kusina. Nagbalik ako sa silid ko kumuha na ako ng damit ko. Saka bumalik ako sa silid niya. Nakita ko na nakaupo siya sa kama niya.
Lumingon siya sa akin.
"Gusto mo ba ng tsaa? Tanong ko sa kanya.
" Kape na lang please. " Sabi niya sa akin.
" Sige ikukuha kita." Sabi ko sa kanya.
" Hindi na itatawag ko na lang kay manang. Ikaw ano ang gusto mo? " Tanong niya sa akin.
" Tea na lang. " Sabi ko sa kanya. Tumango siya.
Nagpaalam na ako na maliligo lang sandali. Pumasok na ako sa banyo. Kagaya ng banyo ko malaki din ang banyo niya.
Naligo ako at nagbihis ng pangtulog ko.
Paglabas ko nakita ko na umiinom na siya ng kape niya.
" Gusto mo bang maligo? " Tanong
Ko sa kanya. Lumingon siya sa akin..
"Pwede ba." Sagot niya.
"Oo naman." Sabi ko sa kanya. Inalalayan ko siya na tumayo. Pinabilang ko sa kanya ang hakabang niya papuntan sa closet niya. Pinakapa ko rin ang mga damit niya. Inalalayan ko din siya papunta sa banyo. Pati pagpasok sa shower room.
"Pag tapos kana tawagin mo na lang ako." Sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin. Lumabas na ako pagkatapos kong ituro sa kanya kung nasaan ang sabon at shampo. Nakakalahati ko na ang tsaa ko ng tawagin niya ako. Nagaalala na pumasok ako aa banyo. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siyang nakasuot ng pajama. Napangiti ako saka nilapitan siya. Inalalayan ko na siya pabalik sa higaan niya.