Chapter 14

1142 Words
Tinotoo niya ang sinabi niya natulog lang talaga kami na magkayakap. Maaga pa ng magising ako nagulat ako ng maramdaman na may nakayapos sa akin. Pagdilat ko nakita ko ang mukha niya doon ko lang naalala na nasa silid nga pala niya ako. Napangiti ako. Pinagmasdan ko ang mukha niya. "Hindi ko akalain na makakasama kita uli ng ganito. " Bulong ko habang pinagmamasdan ko siya. Nagulat ako ng sumiksik ito sa leeg ko. Yumakap na lang ako sa kanya. Magkasabay uli kaming kumain ng almusal kagaya ng hapunan hinayaan ko lang siya na kumain magisa. Nilagay ko lang sa harap niya ang sandwich niya. Saka ang kape niya. Kung pagmamasdan mo siya hindi mo mapagkakamalan na bulag siya. Dahil pino siya kumilos. Kalmanteng kalmante. Kagaya ng nakaraan buong maghapon na naman kaming nagturuan sa loob ng silid niya. Pagdating ng hapon dumating si Atorny na may dalang wheelchair at stick na pwede niyang magamit sa paglalakad. "Kumusta na ang company?" Tanong niya kay Atorny. "May dalawang Shareholders na pilit na hinahanap ka. Kaya sumasabay narin ang iba." Sabi ni Atorny napaisip si Alex. Hinawakan ko ang kamay niya. " Ikaw na muna ang bahala sa kanila atorny. " Sabi niya dito. Ng may maisip ako. " Bakit hindi natin kuhanan ng Video ang meeting yung nakikita ng live ni Alex ganun din si Alex kukuhanan natin ng nakikita ng live ng mga Shareholders ng sa ganun kahit nandito lang si Alex nakakaatend siya ng meeting nalalaman niya ang pinagmetingan nasasagot niya ang mga tanong nila. Saka pwede na ring ipadala dito ng assistant ni Alex ang mga pepeles na kailangan niyang pirmahan habang nagpapalakas siya." Sabi ko kay Atorny napatingin sila sa akin. " Wag kang magalala Atorny ako ang magiging mata ni Alex habang hindi pa dumarating ang donor niya.Umasa ka na tutulungan ko siya sa abot ng makakaya ko. " Sabi kay Atorny.Tumango ito. " Tama siya Atorny sa pamamagitan nun makakausap ko sila ng hindi nila nahahalata ang kalagayan ko." Sabi ni Alex. " Sige aasikasuhin ko ang mga kailangan mo dito ganun din sa opisina. " Sabi ni Atorny. " Pero siguradong hahanap uli sila ng paraan para gipitin ka. Dahil alam nila ang lagay mo ngayon. " Sabi ni Atorny. Huminga ng malalim si Alex. " Hayaan mo lang sila. Habang nagiisip tayo kung papano natin sila mapipilit na magpakita sa akin. " Sabi ni Alex. Nakikinig lang ako sa kanila. Marami pa akong hindi alam. Nagusap pa sila ni Alex. Dito na namin niyaya kumain si Atorny. Nagulat ito ng makita na nakakain magisa si Alex.Hindi ko ito kailangan subuan. Hiniwa ko lang ang karne na ulam niya. Bago ko ibinigay sa kanya.Pagkatapos naming kumain nagpalam ako sa kanila na ibaba ko lang ang pinagkainan namin. Nakipagkwentuhan muna ako kayla manang maya nakita kona na pababa na si Atorny. "Salamat Eliana." Sabi ni Atorny ng lapitan niya ako. Napatingin ako sa kanya. "Para sa saan Atorny?" Tanong ko sa kanya. "Sa pagaasikaso kay Alex. Dahil sayo nagkaroon uli siya ng lakas upang lumaban. Sa kabila ng nangyari sa kanya nagkaroon siya ng pagasa dahil sa tulong mo." Sabi niya yumuko ako. "Sana wag mo siyang iwan hangang wakas." Sabi niya uli. Hindi ako nakaimik. Hindi ko din alam kung makakasama ba niya ako hangang wakas. Hindi ko alam kung mapapatawad niya ako oras na malaman niya na nagpapangagap lang ako. Nagpaalam na ito sa akin. "Balikan mo na siya. Hinahanap kana niya." Sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Pagalis niya bumalik na ako sa silid ni Alex. ***OTHER PERSON POV#*** "Kumusta na Frank anong nangyayari diyan?" Tanong ko sa assistant ko na siyang pinapaasikaso ko sa Companya ni Alex. "Hindi parin sila makahanap ng paraan kung papano nila mapagtatakpan ang kalagayan ng president. Malapit na namin sila maipit. Malalaman narin ng board ang totoong kalagayan ng President. Siguradong ibaba na nila ito sa pwesto. Pagnagkataon maghahanap sila ng papalit dito at dahil ikaw ang sumusunod na pinakamalaki ang share sa company siguradong hindi aangal ang nga Shareholders kapag sinabi namin sa kanila ikaw ang ipalit." Sabi nito napangiti ako. " Kawawa ka naman Alex magigising ka na wala na sayo ang company mo." Bulong ko sa isip ko. " Magaling, kung ganun gawin niyo na ang nararapat para maalis na siya sa pwesto. " Sabi ko sa kanya. " Wag kang magalala boss magpapatawag uli kami ng Assmbly meeting. Para sa lahat ng Shareholders this time pipilitin na namin na aminin nila ang tunay na kalagayan ng president. Sisiguraduhin namin na matatangal na siya sa pwesto." Sabi uli nito. Napangiti ako. Nagpaalam na ito sa akin. " Lagot kana Atorny, Tingnan natin kung gaano katalino ang mga tao mo Alex. Paano nila malulusutan ang nakaambang pagbagsak mo. " Bulong ko saka humalakhak ako. Naalala ko noong bata ako. Kung paano kami pinagtabuyan sa malaking bahay. Dahil dun namatay ang aking Ina.Naikuyom ko ang kamao ko. Magmula noon pinangako ko na magbabayad sila sa akin balang araw. "Ngayon oras na ng katuparan ng paniningil ko." Bulong ko saka tumawa ako. "kukunin ko ang lahat ng sa inyo hangang sa wala ng matira. " Bulong ko uli saka naikuyom ko ang kamao ko. ***ALEX POV#*** "Ang laki na ng pinagbago mo mula ng huli nating pagkikita." Sabi ni Atorny sa akin ng makita niya na tumayo ako at pumunta sa bintana. "Utang ko ito sa kanya. Siya ang nagpapalakas ng loob ko. Kaya na kakaya kong gawin ang mga bagay bagay." Sabi ko sa kanya. "Pero kinakabahan ako.Para sa kanya, dahil oras na lumabas na ako malalaman na ng kaaway na gising na ako. Siguradong hindi lang sila mananahimik lang at maari silang madamay ng pamilya niya. Yun ang gumugulo sa isipan ko. Pano ko sila proproteksiyonan kung ganito ako kahina." Sabi ko kay Atorny. Huminga ako ng malalim. "Kung ganun anong balak mo?" Tanong niya sa akin. " Nais kong matutu makipaglaban. Para kahit siya man lang makaya kong ipagtangol. Gusto kong ikuha mo ako ng tao na magtuturo sa akin." Sabi ko sa kanya. Tumango siya. "Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin. Wag kang magalala may kilala ako na magtuturo sayo. Tungkol naman sa pamilya niya wag kang magalala pinasusubaybayan ko sila 24/7." Sabi niya sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya.Ng sabihin niya na kailangan kong masaulo ang paligid ko para makagalaw ako ng maayos kahit bulag ako. Naisip ko na imposible yun. Pero sa halos araw araw na pagtuturo niya sa akin at nagawa ko ang mga bagay na sinasabi niya. Nagkaroon ako ng pagasa na kaya kong lumaban kahit ganito ang sitwasyon ko basta magtiwala lang ako sa sarili ko kagaya ng pagtitiwala niya sa akin. Hindi ko siya bibiguin magiging tagapagtangol niya ako kahit ganito ang sitwasyon ko.Ipapakita ko sa kanya na pwede niya akong sandalan sa oras ng kagipitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD