Chapter 15

1075 Words
Kinabukasan maaga pa nasa labas ng bahay. Tinulungan ako ng mga tao ni Atorny na makalabas ng bahay sakay ako ng wheelchair tulak tulak ni Eliana. Mula ngayon lilipat kami sa ibaba ng bahay. Doon na ang magiging silid namin. Malapit sa library. Nagumpisa niya akong akayin. "Nasa tabi tayo ng Fountain. Ngayon papalakarin kita papunta sa pintuan." Sabi niya sa akin. "Nasa kaliwa mo ngayon ang pintuan. Nandun ang ilang tauhan. Nakatingin sa atin." Sabi niya sa akin. Lumingon ako dito. Nagumpisa kaming magsanay. Masmahirap dito kasi maluwang. Pagdating ng tanghali nagpahatid ako sa kanya sa kabilang silid ng kwarto namin. SInadya yun ni Atorny na magmukhang Library para maging lihim ang pagsasanay namin. Pagdating ko dun nandun na ang magtuturo sa akin na isa ding tauhan ko. "Good afternoon Mr and Mrs. Washington.Bati nito sa amin. Tinanguan ko lang siya. " Ako po si Austin ang kinuha ni Atorny Villegas para magturo sa inyo. " Sabi niya. Tumango ako. Nagpaiwan na ako kay Eliana para makapagpahinga na siya. Hindi naging madali ang pagtuturuan namin. " Una kong ituturo sayo Kailangan mong makilala ang bawat tunog. Na maririnig mo. Kailangan mong mapalakas ang pakiramdam mo at pandinig mo dahil sila ang magiging mata mo sa kalaban." Sabi niya sa akin. Pinaupo niya muna ako at pinag concentrate.. Ilang araw na pinakingan ko lang ang mga tunog sa paligid ko. Pati pag nagtuturuan kami ni Eliana sa labas ng bahay.Sumunod tinuruan niya ako ng mga basic. Lagi niya akong nabubog. Ni hindi manlang ako nakakaganti sa kanya. Sinabi ko naman sa kanya na wag siyang magkaroon ng awa sa akin. Kung kinakailangan niyang maging mahigpit sa akin gawin niya. "Bakit naman tinututoo niya na patamaan ka." Sabi ni Eliana habang sumisinghot habang ginagamot niya ang mga pasa ko. "Sssh. Wag ka ng umiyak sinabi ko naman talaga yan. Kailangan ko yan dahil sa totoong laban tatamaan talaga ako kapag hindi ako nagingat." Sabi ko sa kanya. "Baka hangang sa matutunan mo yan mamatay ka na." Sabi niya natawa ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya saka hinapit ko siya. "Halika nga dito." Sabi ko sa kanya. "Wag kang magalala. Hindi ako mawawala hangat nandito ka sa tabi ko." Sabi ko sa kanya. Yumakap siya sa akin. Hinawakan ko ang mukha niya. Saka hinalikan siya. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi siya tumutol. Imbis tinugon niya ang halik ko. Naalala ko noog unang gabi na nagkakilala kami. Pinalalim ko ang halik ko napasinghap siya. Sinamantala ko yun upang angkinin ng buo ang labi niya. Napakapit siya sa leeg ko. Inihiga ko siya sa higaan namin. Hinihintay ko na tumutol siya. Pero lalo lang akong nadadarang sa pagkakalapit namin. Lalo na ng umungol siya naputol na ang lahat ng pagpipigil ko. ***ELIANA POV#**** Nagising ako na may nakasiksik sa akin. Pagdilat ko nabungaran ko ang mukha niya. Napangiti ako naalala ko ang nagdaang gabi. Inangat ko ang kamay ko. Pinaglandas ko ang daliri ko sa matangos niyang ilong. Ng hihipuin ko na ang mga labi niya. Nagulat ako ng hulihin niya ang kamay ko. Napatili ako ng daganan niya ako at pupugin ako ng halik. "Ano ba Alex, Umaga na kaya." Sabi ko sa kanya. "Ano naman ngayon?" Sagot nito. "Baka hinahanap na nila tayo." Sabi ko uli. "Hayaan mo sila iisipin lang nila na tulog la tayo." Sabi niya. Saka pumasok na sa kumot namin. Hindi na ako nakatutol. Kalahating araw kaming nagtuturuan sa labas kalahating araw naman sila nagtuturuan ni Austin. Natutuwa ako kasi nakakatulong din ang tinuturo ni Austin sa ginagawa namin. Dahil mabilos niyang nasasaulo ang lugar dahil sa amoy at tunong ng mga bagay na narito. Naawa ako sa kanya dahil lagi na lang marami siyang pasa sa katawa. Sa tuwing ginagamot ko siya kagaya ngayon hindi ko maiwasan na hindi umiyak. Dahil kung nakakakita lang siya siguradong madali lang sana sa kanya ang lahat. Kinabukasan maag pa gising na ako. Bumangon ako at pumasok sa banyo para maligo. Nasa kalagitnaan ako ng paliligo. Nagulat ako ng may humapit sa akin sa likod ko. Napatili ako. Tawa siya ng tawa. Pinaghahampas ko siya. "Bakit kasi hindi mo ako hinihintay." Sabi niya sa akin. "Kainis ka talaga. Porket kabisado mo na ang pagpunta rito. Basta ka na lang pumapasok." Sabi ko sa kanya. "Bakit ayaw mo ba?" Tanong niya sa akin saka sinandal ako sa ding ding. Napatingin ako sa kanya. "Gusto." Sagot ko saka ko pinulupot sa leeg niya ang braso ko. Hinalikan niya ako. Napaungol na lang ako ng bumaba ang mga halik niya. Ilang araw pa ang lumipas na babawasan ang pasa niya sa katawan. Hangang sa wala na akong nakita na pasa niya. Nakabisado narin niya ang labas. Dumating na ang hinihintay namin. Tumawag si Atorny na nagpatawag na naman ng meeting ang kalaban. "Maghanda kayo magkakaroon ng meeting ang buong boad ngayong lunes. Handa kana ba humarap Alex?" Tanong ni Atorny sa kanya "Handa na ako Atorny." Sagot niya kay Atorny. "Kung ganun may papupuntahin ako diyan na tao sa linggo ng gabi para mag set up ng mga kailangan mo para sa meeting." Sabi uli ni Atorny. "Sige hihintayin ko sila." Sabi naman ni Alex. "Ahhm, Eliana naisip ko bakit hindi kadin magaral habang nagaaral si Alex." Sabi ni Atorny sa akin. Napatanga ako. "Kakailanganin mo kasi yan dahil naisip kong ipasok ka bilang personal assistant ni Alex para pwede kang sumama kay Alex kahit saan." Sabi uli nito. Tumingin ako kay Alex. Tumango ako. "Good, kung ganun papupuntahin ko din diyan ang magtuturo sayo." Sabi niya sa akin. Kinabukasan nagulat ako ng ayain ako ni Alex. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "May pupuntahan lang tayo nila Austin. Mamaya pagkatapos mananghalian." Sabi niya sa akin. Pagkatapos naming mananghalian. Umalis kami sakay ng Van. si Austin ang nagdrive. Dinala niya kami sa liblib na lugar. Kinakabahan ako.Pero tinitingnan ko si Alex kalmante lang ito. Pagdating namin dun. Inalalayan ko siya na bumaba. Hindi na siya sumakay sa wheelchair niya. Akay ko lang siya. Akala ko kung ano ang gagawin nila yun pala tuturuan siya ni Austin humawak ng armas. Napapatili ako sa tuwing muntik muntikan siyang matamaan ni Austin. Hindi ko maiwasan humanga sa bilis niy kumilos. Hindi ko akalain na sa loob ng isang buwan na pagtuturuan nila ganito na siya kabilis kumilos. Hindi mo mapapagkamalan na bulag siya sa kilos niya. Nahuhulaan niya kung nasaan si Austin. Napatanga ako sa nakikita ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD