Magdidilim na kami umuwi. Pagdating namin sa bahay ginamot ko ang mga galos niya. Maaga pa ng matulog kami. Nagising ako na wala siya sa tabi ko. Napalingon ako sa kanya. Lumingon siya sa akin. Tatanungin ko sana siya kung bakit gising pa siya ng takpan niya ang bibig ko.
"Wag kang maingay." Bulong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya.
"May mga tao sa labas." Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa labas ng pintuan namin. Nasa library kasi kami. Dito kami nakatulog kagabi.
Pagkatapos ko siyang gamutin. Naguusap lang kami nakatulog ako. Hindi niya ako nilipat kinuha niya na lang ang compoter namin saka mga unan
at dito na kami natulog. Pinakiramdaman namin sila.
"Hindi sila dito natulog." Sabi ng isa.
"Ano ka ba nakita ko sila kagabi ng pumasok sila dito. Kaya sigurado ako na nandito sila." Sabi naman ng isa. Kinabahan ako.
"May tao nga sa silid namin at hinahanap nila kami." Bulong ko. Sa isip ko. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"Relax nandito lang ako." Sabi niya. Huminga ako ng malalim. Hindi ako kailangan magpatalo sa takot ko. Kailangan kong magpakatatag dahil ako ang pinaka mata niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Narinig namin na naghalungkat ang mga ito sa silid namin. Hindi nga nila mapapansin ang connecting door ng silid at ng library kasi natatakpan ito ng painting. Pero pag nasandalan nila ang painting malalaman nila na pintuan ito.
"Wala sila dito." Sabi ng isa..
"Baka lumabas sila kagabi hindi niyo lang napansin." Sabi ng isa at narinig namin na lumaba na sila.
"Baka nasa taas sila natulog. " Sabi ng isa.
"Pero pano mangyayari yun e hindi pa nga siya nakakalakad ng maayos." Sabi ng isa. Bago sila lumabas. Nakahinga lang ako ng hindi ko na sila marinig. Hiningi niya sa akin ang phone niya may tinawagan siya.
"Puntahan niyo ng mga tao niyo ang silid ko. Pinasok nila." Sabi niya dito.
"Ayos lang kami . Oo nandito kami." Sagot niya. Maya maya pinatay na niya ang phone niya. Maya maya may narinig kami na nagdatingan na mga tao. Ilang sandali lang may kumatok sa may pintuan namin. Kinabahan ako.
"Relax si Austin yan at ang mga tao niya." Sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim. Tumayo ako.Naglakad kami papunta sa pintuan. Binuksan ko ito. Nakita ko si Austin.
"Ayos lang ba kayo?" Tanong niya sa amin. Tumango ako. Pumasok siya sa loob.
"Naghalongkat sila sa silid niyo. Mukhang hinanap nila kayo. " Sabi niya.
"Buti dito kayo natulog. " Sabi niya sa akin. Nagusap sila ni Alex.
"Mga ilan sila sa palagay mo?" Tanong ni Austin kay Alex.
"Lima sila." Sagot nito. Napatingin ako sa kanya. Pano niya na laman e hindi naman namin sinilip.
"Tatlo ang nasa loob dalawa ang nasa labas ng pintuan." Sabi niya uli. Napatanga ako.
"Pano niya nalaman yun?" Tanong ko sa isip ko.
"Kailangan na natin magmadali. Kumikilos na sila. Kahit hindi ka pa nagpapakita." Sabi ni Austine. Tumango si Alex.Nagusap pa sila ni Alex. Bago ito nagpaalam.
"Mauna na ako. Magpahinga na kayo iiwan ko ang ibang tao ko sa labas ng pintuan ng silid mo. Tumawag na ako sa headquarters nagpapadala ako ng ibang tauhan dito. Salabas kami magbabantay. " Sabi niya tumango si Alex. Binigyan niya ng armas si Alex.
" Incase of emergency." Sabi ni Austine. Bago lumabas ng silid namin.Iniwan ni Austine ang limang tauhan niya para magbantay sa labas ng silid namin.
"Magpahinga kana." Sabi niya sa akin.
"Tabihan mo na ako." Sabi ko sa kanya. Tumango siya saka nahiga sa tabi ko. Yumakap ako sa kanya.
Kinabukasan maaga pa niyaya na kami ni Austine na umalis. Nagturuan sila. Hapon na kami bumalik. Nadatnan namin si Atorny kasama ang iba pang tao.
"Kumusta? Sabi may pumasok daw sa silid mo?" Tanong ni Atorny kay Alex. Tumango siya.
"Dilikado na ang lagay mo dito.." Sabi niya hindi umimik si Alex.
"Aasikasuhin ko na ang pagbalik mo sa maynila. " Sabi uli ni Atorny.
"Anong balita kay Kelly?" Tanong ni Alex.
"Wala pa siyang nakikitang donor. " Sagot ni Atorny. Nanlumo ito. Hinawakan ko ang kamay niya. Nagpaalam narin si Atorny. Nalaman ko na galing sa isang special forces pala sila Austine mga kasamahan pala ito ni Atorny noong pumasok ito sa army. Pero hindi nito pinagpatuloy.
Ka buddy niya pala si Austine. Ito ang leader ng grupo. Mga tao niya ang mga kasama ni Atorny.
Hiningian ito ng tulong ni Atorny.
Dumating ang araw ng linggo may dumating na isang grupo na magseset up ng camera para kay Alex. Hindi na naulit ang nangyari noong nagdaang gabi.
Kinabukasan bumiyahe kami sa bakanteng lote na pinagpapractisan nila ni Austine. Pagdating namin dun. Nagbihis na kami ni Alex. Pagkatapos lumabas na kami ng sasakyan. Pinaupo nila kami sa senet up nilang upuan. Binasa ko ang tema ng pagmemetingan.
Napapanood namin ang nanguayari. Nakita namin na unti unting nagdadatingan ang mga Shareholders. Kilala ko ang bawat isa. Dahil pinadalhan ako ni Atorny ng mga litrato nila saka mga pangalan. Kaya isa isa kong sinabi kay Alex ang mga dumarating kung saan ito nakaupo.
Nagumpisa na ang meeting. Pinakikingan namin sila.
"Nagpatwag kami ng boad meeting. Upang mapagusapan natin ang mga problema ng company. Kagaya na lang ng kinakaharap nating problema. Maya nakapag sabi sa amin na ilang buwan ng hindi nagpapakita ang ating President.
Pag nagpatawa naman ng meeting lagi na lang ang assistant at abugado niya ang humaharap.
Gusto namin malaman kung ano ang nangyayari sa ating President?" Sabu ng isa. Na sunangayunan ng dalawa pang Shareholders.
"Hindi pwede ang ganito. Kailangan niyo ng sabihin kung nasaan ba ang president? " Sabi ni Mr Chua.
" Baka naman may masamang nangyari sa kanya kaya hindi siya makaharap sa amin? " Sabi naman ng isa.
"Wala pong masamang nangyari sa ating Presidente. Sa katunayan busy siya ngayon sa pagaasikaso sa mga isla na napili niyang tayuan ng bagong project. Pero dahil marami kayong katanungan gumawa kami ng paraan para kahit malayo siya masagot niya ang mga katanungan ninyo." Sabi ni Atorny saka sumenyas sa camera man na nasa sulok. Binuksan nito ang projector para commonect sa amin. Nagulat ang mga Shareholders ng makita nila si Alex.