Chapter 17

1005 Words
Nagsalita si Alex. Seryosong seryoso ang anyo nito. "Ngayon nais kong malaman kung ano ang mga hinaing ng bawat isa at bakit kailangan niyo akong makausap. Kung tungkol sa kalaban nating investor natural na yan sa business. Noon pa man may mga kalaban na talaga tayo hindi na bago yan. Pero wag kayong magalala. Napagisipan ko na yan. Magpapatawag ako uli ng meeting sa pagbalik ko next month. May tinatapos lang akong deal dito. After that babalik na ako. Ngayon gusto kong malaman kung bakit nais niyo akong makaharap Mr. Chua, Mr. Galvez at Mr. Hernandez? May problema ba sa mga tao ko na pinapaharap ko sa inyo? Matagal na tayong magkakasama sa negosyo bakit ngayon lang naging big deal sa inyo ang pagkawala ko?" Tanong ni Alex dito. Gulat na gulat ito. " Ahhm, w..Wala naman. Nagaalala lang naman kami sayo Mr,. President." Sabi nito. Lumingon dito si Alex. "At bakit naman kayo nagaalala sa akin. Dahil sa sinasabi mo na may nangyaring masama sa akin? Ngayon na nakita niyo na ako kontento na ba ang board?" Tanong uli ni Alex sa mga ito. Walang umimik. " Wala naman kaming problema dun Alex, actually nagtataka din kami kung bakit nagpatawag ng meeting. " Sabi naman ng isang Shareholders. " Ngayon na nadito narin kayo may ilan akong katanungan. Nalaman ko na nakipagkita ka daw Mr, Hernandez sa President ng UNESCO maari ba naming malaman kung bakit? " Tanong ni Alex dito. Namutla ito. " Kalaban ng company natin yun bakit siya nakipag kita? " Tanong ng isang Shareholders. Nagbulungan ang mga ito. " Ahhm. Gusto ko lang ayusin ang problema ng company. " Sagot nito. " Pero trabaho kong ayusin ang problema ng company. Hindi mo trabaho. Maliban na lang kung nakipagusap ka muna sa akin tungkol sa plano mo. Dahil oras na magkamali ka at nagkaroon ng problema sino ang sisihin ng board. At isa pa dapat kung may naiisip na plano ang bawat isa sa atin dapat muna niyang ipaalam sa lahat upang pagusapan ito kung dapat ba o hindi dapat. Bakit hindi ka nagpatawag ng meeting. Samantalang nagagawa niyo ngang magpatawag ng meeting sa paghahanap lang sa akin. " Sabi uli ni Alex. Hindi nakaimik ang tatlo. "I'm the president of the company. I'm not here in my position just to be cute with you. So whatever you're planning for the company, you should let me know first so we can discuss whether or not it should be. If you're worried that I'm not here I have people you can talk to to convey to me what you want us to talk about. In the future, I don't want this to happen again, that you will call a meeting for a meaningless matter. If someone wants to replace me, just say so I'm willing to let go if necessary. But I want you to have a solid reason and what you're going to replace me with is worthy." Sabi uli ni Alex. Lalong nagingay ang mga Shareholders. Tumayo na si Alex. "This meeting is over. I will call a meeting when I get back to Manila." Sabi ni Alex saka naglakad paalis. Nagingay na ang mga Shareholders. Pinatay na ang projector. " Malaking abala itong ginawa mo Mr. Chua akala namin kung ano ang importante nating paguusapan. Sabi mo may dapat kaming malaman. Tungkol sa prisedent. E nasa maayos na kalagayan naman ang prisedent katunayan nakikipag deal siya sa bagong project ng company natin." Sabi ng isang Shareholders. " Oo nga sobrang nakakadismaya ito. " Sabi naman ng isa. Saka lumabas na ng conference room. Naiwan si Mr. Chua na nagiisip. Maya maya lumabas na ito kasama ng dalawa pang Shareholders. Tinawagan ni Alex si Atorny. " Gusto kong pasubaybayan mo ang tatlo na yan. Nais kong malaman ang susunod na plano nila. " Sabi ni Alex. " Sige ako ang bahala." Sabi ni Atorny. "Pero kailangan mo ng maghanda ipapasundo ko kayo diyan ngayong lingo. Sa ngayon kailangan mong magingat siguradong kikilos na sila upang iligpit ka ulit." Sabi ni Atorny. Huminga ng malalim si Alex. Saka tumingin sa akin. "Alam ko at nakahanda ako." Sabi niya. Nagpaalam na ito kay Atorny. Akala ko magpapahinga kami ngayon pero pagkatapos magligpit ng mga tao ni Atorny sa ginamit namin. Pagalis ng mga ito niyaya na siya agad ni Austine na magpractice. Tumigil lang sila para kumain. Bago bumalik uli. Ako naman nagbasa naman ng mga libro na pinadala ni Atorny sa akin. Eto daw ang dapat kong pagaralan. Kinabukasan may pinuntahan kami ni Alex. Sakay ng Yachts niya pinuntahan namin ang sumunod na isla. Pero kagabi pa lang pinagusapan na namin ito. Pinakilala na niya sa akin ang mga makakaharap namin. May mga files siya na nakatabi dito. Dati na daw niya itong balak bago pa mangyari sa kanya ito. Ngayon niya isasakatuparan. Pagbaba namin may sumalubong sa amin. "Alex!" Bati nito ng makita niya si Alex. Seryoso lang si Alex. "Napadalaw ka sa isla ko." Sabi nito. "Meron akong nais iaalok sa iyo." Sabi ni Alex. Napatigil ang lalake tumingin ito sa akin. "Ahhm, siya nga pala si Eliana my wife and also my new assistant." Pakilala ni Alex sa akin. " Ow, hindi ko na laman na ikinasal kana. Wala man lang nabalita. "Sabi nito. "Because I don't want to expose my private life." Sabi naman ni Alex. " Yeah, I know that. Masyado ka paring malihim pagdating sa private life mo." Sabi naman nito saka niyaya kami pumasok sa bahay niya. Simple lang ang bahay niya pero halatang mamahalin ang mga gamit. Nagusap sila ni Alex. Medyo matagal din silang nagusap. Niyaya pa niya kami. Sa labas. Kinuhanan ko ito ng litrato. Dito na kami nag lunch. Nagkasundo sila bago kami umalis. " Ipapadala ko na lang sa Atorny ko ang mga kailangan. " Sabi ni Alex. Tumango ito. Pagdating namin sa Isla. Nagpratice uli sila ni Austine. Pagdating ng gabi tinawagan niya si Atorny. Pinaaayos niya ang napagusapan nila ni Peterson. Ang lalakeng nakausap namin sa Isla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD