Chapter 18

1091 Words
Lagi lagi silang nageensayo. Kaya lagi kaming umaalis. Ang alam ng mga tao sa Isla na binibisita lang namin ang mga Isla na nais bilihin ni Alex. Kagaya ng dati Magdidilim na kami bumabalik para hindi mapapansin ang mga galos ni Alex. Dahil sa pagod maaga kaming nakatulog ni Alex. Nagising kami na nagkakagulo sa labas. Napatingin ako kay Alex. Senenyasan niya ako na wag maingay. Tumayo kami at dahan dahan kami na pumunta sa pintuan. Narinig namin na nagkakgulo sa labas. Nakakarinig kami ng kalampagan sa labas. Kinuha ni Alex ang baril niya. Saka hinawakan ako ng mahigpit. Kinuha ko ang robe ko saka sinuot. kinuha ko ang coat niya na nakasabit at sinuot sa kanya. Maya maya nakarinig kami ng katok sa pintuan. "Alex ako ito." Sabi ni Austine. Agad na binuksan ko ang pintuan. Pumasok ito sa loob. Nakita ko na may tama ito sa balikat. "Maghanda kayo aalis tayo. Sinugod na nila ang isla. Pinatatakas kona rin ang iba." Sabi ni Austine. Kinabahan ako. Tumango kami. "Marami ba sila?" Tanong ni Alex. "Oo Alex at mukhang pinaghandaan nila ang gabing ito." Sabi ni Austine. "Kung ganun anong gagawin natin?" Tanong uli ni Alex. " Matagal na namin napaghandaan ni Atorny ang ganitong pangyayari. Kailangan nating makarating sa tabing dagat may inihanda kaming sasakyan dun para magamit sa ganitong sitwasyon. May mga kargada din dun. Kaialngan natin makarating sa kabilang Isla may mga Tao ako na tinalaga dun. Sasalubungin nila tayo dun kapag nakita nila ang sasakyan natin."Sabi nito. Tumango kami ni Alex. "Sumunod kayo sa akin." Sabi niya. Saka dahan dahan na binuksan ang pintuan. " Maghanda ka Alex. Lakasan mo ang pakiramdam mo. " Sabi ni Austine. Sa likod kami dumaan. Pagliko namin sa hallway marami kaming nakitang katawan na wala ng buhay.Kabadong kabado ako habang nilalampasan namin ang mga ito. Paglabas namin sa hallway sinalubong kami ng mga armadong mga lalake na nakaitim. Pinaputukan kami agad nito. Napatili ako at agad na kinabig ko si Alex papunta sa gilid. Nahiwalay kami kay Austine. Nanginginig ako sa sobrang nervous. Hinawakan ako ng maige ni Alex. "Relax, okay? Makinig ka sweetheart, ngayon kita kailangan. Diba sabi mo ikaw ang mata ko. Kaya kailangan mong magrelax." Sabi niya sa akin. Tumango ako habang tumutulo ang luha ko. Huminga ako ng malalim. Tama siya kailangan kong lakasan ang loob ko. Kailangan ako ni Alex ngayon. Kaya kailangan kong lakasan ang loob ko. Pinunasan ko ang luha ko. "Ngayon. Tumingin ka sa paligid natin. Sabihin mo sa akin kung nasaan tayo." Sabi ni Alex. Tumingin ako sa paligid namin. " Nasa gilid tayo ng bahay sa bandang kaliwa. Nasa labas tayo. " Sabi ko sa kanya. " Ang sabi ni Austine kanina. Kailangan natin makarating sa tabing dagat." Sabi ni Alex. Tumango ako. "Makinig ka ang dagat nasa bandang kaliwa ng kakahuyan. Kailangan nating pumasok sa kakayuhan. Paglamapas natin dun makikita natin ang dagat." Sabi niya sa akin. Napalingon ako sa bandang kaliwa namin. Nakakita ako ng kakahuyan. "Sa bandang kaliwa natin may kakahuyan." Sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko. "Pagsinabi ko na takbo tumakbo ka papuntang kakahuyan." Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. "Wag kang magalala hawak kita kaya masusundan kita." Sabi niya uli Tumango na lang ako kahit kinakabahan ako.Hinalikan niya ako. "Wag kang magalala hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo." Sabi niya sa akin.Tumulo ang luha ko. "Ipangako mo rin na walang mangyayaring masama sayo." Sabi ko sa kanya. "Pangako." Sabi niya. Yumakap ako sa kanya. Niyakap niya din ako. Maya maya humiwalay na siya sa akin at hinawakan niya ang kamay niya ng maige saka humanda sa mangyayari. "Ngayon na takbo!" Sabi niya. Tumakbo ako habang nakahawak ako sa kamay niya. Nagulat ako ng magpaputok ito. Pagtingin ko tumumba ang dalawang lalake na nasa bandang kanan namin. Kahit nanginginig ako sa takot pinilit ko na tumakbo parin. Pagdating namin sa kakahuyan. bigla niya akong kinabig. Papunta sa tabi ng puno. Nagulat ako sa kanya. Senenyasan niya ako na wag maingay. Kinakabahan ako na pinakiramdaman ang paligid namin. masyadong madilim na, sa kinalalagyan namin dahil nasa kakahuyan na kami. Nakarinig ako ng yabag. Nagulat ako ng biglang lumabas si Alex sa kanan namin sabay paputok ng magkasunod. pagtingin ko sa kaliwa namin may parating na mga tao. Pero mabilis na humarap dito si Alex sabay paputok Pero nakapagpaputok din ang mga ito.Napatili ako ng makita na tinamaan si Alex sa balikat. Niyakap niya ako agad. "Are you okay?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa mga lalake na nakabulagta na sa paligid namin. Yumakap ako kay Alex saka tumango habang umiiyak. "Sash. Tahan na ayos na." Sabi niya sa akin habang pinapahid niya ang luha ko. "May Tama ka." Sabi ko sa kanya. "Ayos lang ako daplis lang ito." Sabi niya sa akin. Pinunit ko ang laylayan ng robe ko. Tinalian ko ang sugat niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Gamit namit ko ang CP niya.Nagulat ako ng tumunog ang CP niya. Agad na binigay ko sa kanya.Si Atorny ang tumatawag. "Ayos lang ba kayo Alex? Nasaan kayo? Nahiwalay daw kayo kay Austine." Sabi nito na nagaalala. "Ayos lang kami Atorny sa tingin ko nasa kalagitnaan kami ng kakahuyan. Papunta kami sa tabing dagat." Sabi ni Alex habang naglalakad kami. "Sige magiingat kayo. May pinapunta na akong tao diyan sa loction niyo. Wag mong papatayin ang CP mo para malocate ko ang lugar niyo. May tao na akong pinapunta diyan para salubungin kayo oras na makarating kayo sa tabing dagat." Sabi niya. " Salamat Atorny." Sabi ni Alex dito. " Alex. Ipangako mo na magkikita pa tayo." Sabi niya uli. " Pangako." Sabi ni Alex saka binaba na ang phone niya. Medyo malayo layo na kami ng magpahinga kami. Naupo ako sa putol na puno. "Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. "Oo ayos lang ako. Ikaw kumusta na ang braso mo?" Tanong ko sa kanya. "Ayos lang tumigil na sa pagdudugo." Sabi niya. "Kailangan na natin umalis hindi ligtas dito." Sabi niya saka inalalayan akong tumayo. Naglakad kami uli. Hindi pa kami nakakarating ng makarinig kami ng mga ingay. Maya maya sunod sunod na yabag na. Tumakbo na kami. "Nandito lang sila hindi pa sila nakakalayo." Sabi ng isa. "Sigurado hindi pa malakas yun kaya Siguradong nandito pa sila." Sabi naman ng isa. Tumakbo na kami ni Alex. "Hayun sabi ko na nga hindi pa nakakalayo ang mga yan." Sabi ng isa. "Bilisan niyo habulin niyo. Wag niyong hayaan na makatakas kundi malalagot tayo kay Boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD