Chapter 19

1109 Words
Tumakbo kami ni Alex papunta sa masukal na lugar. Pinaulanan nila kami ng bala. Tuwing magpapa putok sila kinakabig ako ni Alex papunta sa tabi ng puno saka siya gaganti ng putok. Makikita ko na may tumutumba sa kanila. Tapos magkakarga na naman ng bala si Alex Habang pinapaulanan nila kami ng bala. Kinabahan ako kasi bukod sa ang dami nila na humahabol sa amin. May mga pamapasabog pa sila na dala. "Tara na." Sabi ni Alex. Tumakbo na naman kami. Narinig ko ang tunog ng dagat.Nagulat ako ng may sumabog sa gabi namin. Napapatili ako. "Malapit na tayo sa tabing dagat." Sabi niya sa akin. Napangiti ako. Nawala ang takot ko. "Bilisan mo malapit na sila sa atin." Sabi niya. Kaya napatingin ako sa likod namin Nanglake ang mata ko ng makita na malapit na nga sila sa amin at ang dami nila. Nagmadali kami. Pinaulanan nila kami ng bala. Nagulat ako ng biglang may sumulpot na mga Armadong lalake sa mga gilid namin. May pasalubong pa sa amin. Nagpaputok ang mga ito. Saka pinasabugan ang mga nasa likod namin. "Ligtas na kayo." Sabi ng lalake na sumalubong sa amin. "Lieutenant Ramirez." Pakilala niya saka kinamayan si Alex. "Kaibigan ko si Atorny. Pinapunta niya ako dito para erescue kayo." Sabi niya sa amin. " Si Austin? " Tanong ni Alex dito. " Ayos lang siya. Actually sa inyo siya nagaalala." Sabi nito. Umakay kami sa Bangka na nasa tabing dagat. Nakakarinig kami ng putukan at pagsabog. " Mauna na kayo sa Isla nandun na si Austine at ang mga tao." Sabi niya. Saka senenyasan ang tauhan niya. Inalalayan nito kami na makasakay sa bangka. Nagpasalamat ako dito. Naupo kami sa gilid ng bangka. Yumakap ako kay Alex. Habang palayo kami. Nakikita ko na nagpapalitan ng putok ang mga kalaban at ang grupo ni Lieutenant. "Okay ka lang?" Tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. "Maidlip ka muna. Gigisingin na lang kita pag malapit na tayo." Sabi niya. Pumikit na ako. Nagising ako ng Tapikin niya ako. Pagdilat ko medyo maliwanag na Nakapatay na ang makina ng bangka namim. Inalalayan ako ni Alex na tumayo. Inalalayan kami ng mga armadong lalake na makababa ng bangka. Dumeretso kami sa malaking bahay. May sumalubong sa amin na babae. "Kumain muna kayo bago magpahinga. Maya maya darating na ang chopper na sasakyan niyo papuntang airport." Sabi nito. Tumango kami. Dinala niya kami sa dining area.Parang hindi ako nakakaramdam ng gutom. Dahil sa nangyari. Pinaghila ko ng bangko si Alex. sinalinan ko siya ng kape. Saka nilagyan ng pagkain sa pingan niya saka inabot ang kutsara sa kanya. "Salamat." Sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Kumain na kami. Nang matapos kami kumain tinahi nila ang sugat niya. Pinuntahan namin si Austine. Marami itong tama. Napangiti ito ng makita kami. Nagkamayan sila ni Austine. "Kumusta ka?" Tanong ni Alex dito. "Ayos lang malayo ito sa bituka." Sagot nito. Napangiti si Alex. "Salamat hindi ko malilimutan ang tulong na ginawa mo sa akin." Sabi ni Alex dito. Ngumiti lang ito. " Masaya ako na nakatulong ako sayo." Sabi nito. " Sige na magpahinga na kayo mamaya susunduin na kayo. Good luck na lang." Sabi uli nito. " Salamat uli. Ikaw din magpagaling ka babawi ako sayo pagmaayos na ang lahat. " Sabi ni Alex. Saka niyaya na ako. Pagpasok namin sa silid namin naligo kami at nagbihis. Nakatulog kami dahil sa pagod. Nagising kami sa katok sa pintuan namin. "Sir Alex nandiyan na po daw ang sundo niyo." Sabi ng lalake sa labas. "Sige magbibihis lang kami susunod na kami." Sabi ni Alex. Nagbihis kami ng damit na nandun saka kami lumabas na ng silid. Nakita ko ang isang Chopper. Nilapitan kami ni Lieutenant nandito na siya. "Pagdating niyo sa airport may mga tao na ako dun na mag eescort sa inyo papuntang Maynila. Aag kayong magalala ligtas kayo sa kanila." Sabi niya sa amin. Nagpasalamat si Alex. Sumakay na kami sa Chopper. Hinatid nila kami sa Airport. Pagdating namin dun may sumalubong sa amin na mga armadong lalake. Sumakay kami sa private plane. Gabi na kami nakarating ng maynila. Pagdating namin dun sinalubong na kami ni Atorny. Sa likod kami ng airport dumaan. Pinagbihis nila kami saka kami lumabas isang lumang sasakyan ang sinakyan namin. Si Atorny ang nagdrive. "May mga Tao na nagaabang sa inyo sa Airport hindi ko alam kung sino pa ang kasamahan nila. Kaya naisip namin ito para maging ligtas ka. Sa tingin ko Alex hindi basta basta ang kalaban mo." Sabi ni Atorny kay Alex. Huminga ng malalim si Alex. Hinatid kami ni Atorny sa isang lumang mansion. Lumabas kami ng sasakyan. "Dito kita dinala sa mansion ng lolo mo. Hinanda ko na ang mga sinabi mo." Sabi ni Atorny. Tumango si Alex. "Magandang gabi Seniorito Alex." Bati ng isang matabang babae. "Veronica." Sabi ni Alex. Yumakap ito kay Alex. "Mabuti naman at ligtas ka." Sabi nito sabay singhot. Tumawa si Alex. "Wala kang pagbabago iyakin ka parin." Sabi ni Alex. Hinampas ito ng babae. Tumingin ito sa akin. "Magandang gabi sayo Iha." Bati nito sa akin. "Ahhm, Siya nga pala si Eliana my wife. Eliana siya Veronica ang mayordoma ng lolo ko." Sabi ni Alex. Nagtaka ako kasi ang bata niya pa para maging mayordoma. "Actually ang mama ko ang dating mayordoma dito ng mamatay ang lolo ni seniorito at magretire na ang mama ko ako ang pinalit ni seniorito na mangalaga sa bahay na ito." Paliwanag niya. Ngumiti ako sa kanya. "Halikayo nagpaluto po si Atorny sa amin. Dahil darating daw kayo. Kaya niluto ko ang mga paborito ni Seniorito." Masayang sabi nito. Pumasok na kami sa dinning area. Inalalayan ko si Alex na makaupo. Saka nilagyan ito ng pagkain sa pingan niya bago ako umupo at kumain. Kwentuhan sila ng kwentuhan. "Ano ang balak mo Alex ngayon na nandito kana?" Tanong ni Atorny dito. " Gusto kong bawiin kung ano man ang kinuha nila sa akin." Sabi ni Alex. " Gusto kong alamin mo Atorny kung ano ano ang kahinaan ng tatlo na yan. Sila ang magiging susi natin para lumabas ang totoong kalaban. " Sabi ni Alex. " Sige. Papaimbistigahan ko sila. " Sabi ni Atorny. " Gusto kong magpatawag ka ng meeting sa lahat ng Shareholders. Nais kong ungkatin ang tungkol sa nawawalang Pondo ng Washington mall sa US." Sabi ni Alex. " Sige magpapatawag ako ng meeting. Completo tayo sa ebedensiya diyan na binulsa nila ang pondo dahil akala nila hindi kana magigising pa." Sabi ni Atorny. Nag stay pa ito ng ilang minoto nagpaalam na iti dahil ihahanda pa daw nito ang mga kakailanganin ni Alex na mga documents.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD