"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin. Nasa terrace kami ng bahay. Kita ko ang napakaraming tauhan na nagkakalat sa labas ng bahay.
"Ayos lang bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Kanina ka pa kasi tahimik." Sabi niya sa akin.
"Iniisip ko lang ang pamilya ko. Kung may nangyari sa akin pano na sila." Sabi ko sa kanya. Natahimik siya. Nilaro laro niya ang kamay ko.
"Gusto mo ba silang dalawin?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya.
Saka huminga ng malalim.
"Wag na. Lagi ko naman sila tinatawagan. Alam ko naman na dilikado." Sabi ko sa kanya.
"Alam mo sweetheart, Kahit anong gawin natin dilikado na talaga ang buhay natin magmula ngayon. Kung matatakot tayo sa kanila matutuwa lang sila sa atin. Isa pa alam ko naman na miss na miss mo na ang pamilya mo. Kaya bukas na bukas din pupuntahan natin sila sa ospital. Akong bahala." Sabi niya sa akin. Nanlake ang mata ko sa narinig.
" Pero pano tayo pupunta dun e paglabas palang natin sa bahay Siguradong pagtatangkaan na nila agad ang buhay mo." Sabi ko sa kanya.
" Sabi ko nga akong bahala diba? Lahat ng bagay may paraan pag ginusto mo. " Sabi niya pa. Napatili na lang ako ng buhatin ako nito at pinasok sa loob ng silid. Pinaghahampas ko ito. Tawa lang ng tawa siya.
Kinabukasan pag gising ko wala na siya sa tabi ko. Napakunot ang noo ko. Bumangon ako saka kinuha ang robe na nasa tabi ng kama. Nakita ko siya na nakatalikod may kausap sa Phone. Lumapit ako sa kanya. Saka yumakap sa likod niya. Nagpaalam na siya sa kausap niya saka humarap sa akin. Nagulat ako ng buhatin niya uli ako.
" Ano ba Alex ibaba mo nga ako baka mamaya matumba tayo." Sabi ko sa kanya.
" Wag kang magalala kabisado ko ang bahay na ito." Sabi niya sa akin.
" Bakit mo ba kasi ako binuhat pa? " Tanong ko sa kanya.
" Kasi hindi pa ako tapos sayo. Kanina pa kita hinihintay na magising." Sabi niya saka binuksan ang pintuan ng banyo. saka pumasok dun. Pinaupo niya ako sa Sink. Saka niya ako siniil ng halik habang kinakalas ang suot ko. Hinayaan ko na lang siya.
Nagpadala na lang siya ng pagakin namin sa silid namin. Pagdating ng tanghali. Umalis kami. Sakay ng itim na kotse. Pumunta kami ng ospital. Tiningnan muna ng mga bodyguard niya kung ligtas ba sa loob. Bago kami lumabas. Nagulat si besty ng makita niya ako.
"Besty!" Tili nito ng makita ako.
"Pano mo na laman kung nasaang kwarto kami?" Tanong niya sa akin.
"Kay Alex." Sagot ko doon niya lang nakita ang katabi ko.
"Hi! Lisa nga pala kaibigan ni Eliana." Pakilala niya. Ngumiti si Alex dito. Saka inangat ang kamay niya. Inabot naman ni Lisa ang kamay niya.
" Alex." Pakilala ni Alex dito.
"Nasaan ang mga kapatid ko?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa school pa." Sabi niya.
"Kumusta si nanay?" Tanong ko uli dito.
"Maayos na siya sabi ng doctor niya nakakita na daw sila ng donor ni Nanay.
pwede na daw siyang operahan sa susunod na linggo. Itatawag ko palang sayo. Buti nandito kana. Matutuwa siya pag nakita ka niya kasi kinakabahan siya magpaopera dahil wala ka pa daw." Sabi nito. Natuwa ako sa narinig.
" Nay, nandito na ako." Sabi ko. Hindi ko napigilan ang luha ko. Dumilat ito.
" Eliana ikaw naba yan anak? " Tanong nito. Tumango ako saka niyakap siya habang umiiyak. Niyakap din ako nito na lumuluha. Sobrang na miss ko sila.
"Kumusta na po ang pakiramdam niyo?" Tanong ko sa kanya.
"Maayos na anak. Sabi ng doctor ooperahan na nila ako sa susunod na linggo. Makakapunta ka ba anak?" Tanong nito sa akin. Hindi ako nakasagot.
"Gusto ko anak nandito ka oras na operahan ako." Sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.
"Wag po kayong magalala nandito po si Eliana sa araw ng operation niyo."
Sabi ni Alex dito. Napatingin kami sa kanya. Tumingin si Nanay sa akin.
"Si Alex po nay. Alex nanay ko" Pakilala ko sa kanila.
"Hi! po. Asawa po ako ni Eliana. " Sabi nito na ikinagulat ko. Napatingin sa akin si nanay.
" Mamaya ko na lang po ipapaliwanag sa inyo. " Sabi ko kay nanay.
" Pasensiya na po kung ikinagulat niyo. Biglaan po kasi ang kasal namin. Pero pag maayos na po ang lahat. Pakakasalan ko po siya uli sa simbahan." Sabi niya uli.
" Ano kaba Alex aatakihin sa puso ang nanay ko sayoe." Bulong ko dito ng lapitan ko ito.Natigilan ito.
" Sorry, Mali po ba ang timing ko." Sabi niya saka kumamot sa ulo niya. Tumawa si nanay.
"Nakakatuwa ka iho. Kung ganun masaya ako para sa inyo." Sabi ni nanay. Hindi na lang ako umimik.
"Pasensiya na po wala po kami dala para da inyo. Nagmamadali na kasi kami papunta dito. Babawi na lang po kami sa susunod." Sabi uli ni Alex.
"Wala yun Iho. Ang mahalaga na dala mo ang anak ko dito ng ligtas. Masaya na ako doon." Sabi ni nanay sa kanya.
"Ate!" Sigaw ng mga kapatid ko ng makita nila ako. Saka yumakap sa akin. Niyakap ko din ang mga ito.
"Kumusta na kayo?" Tanong ko sa mga ito na naluluha.
"Ayos lang kami ate." Sagot ng kapatid ko sa akin. Tuwang tuwa ako na nakita ko sila na nasa maayos ang kalagayan.
Nagpaorder na lang kami ng pagkain. Nasa private room si nanay sagot daw ng sponsor ni nanay ang bayad doon. Kompleto dito may sarili itong CR. May extrang bed para sa mga kapatid ko. May sofa dito may sariling mga gamit dito may ref sila na puno ng pagkain. Gusto kong makilala ang sponsor ng nanay ko. Gusto kong magpasalamat sa kanya. Hapon na kami umuwi. Nagpaalam na ako kay nanay nangako ako na babalik na lang. Nagiwan ng pera si Alex kay Lisa para panggastos nila.
Sa likod na kami ng ospital dumaan.
" Salamat." Sabi ko kay Alex.
"Wala yun. Alam ko naman na na mimis mo na sila." Sabi niya. Yumakap ako sa kanya.