Cjapter 21

1216 Words
Nakauwi kami ng ligtas. Kinabukasan nagpasya si Alex na pumasok na ng office niya. Kaya naghanda kami sa pagbabalik niya sa opisina. Sumunod na araw sakay na kami ng sasakyan niya papunta sa opisina. Nagulat ang mga empleyado ng makita nila si Alex. Nagpatawag siya ng board meeting. Kaya nagderetso kami sa conference room. Pinagaralan ko na ang mapa ng building kaya alam ko na kung ano anong department ang bawat floor. Pagdating namin sinalubong kami ni Atorny. "Nasa loob na silang lahat." Sabi ni Atorya. Tumango si Alex. Nagderetso kami sa loob. Nagulat sila ng makita nila si Alex. Nakahawak siya sa kamay ko. Sinusundan niya ang kilos ko at hakbang. Pagdating namin sa upuan lihim kong dinikit sa upuan niya ang kamay niya. Hinawakan niya ang sandalan ng upuan saka hinila at maingat na naupo. Naupo din ako sa tabi niya. Binati niya ang lahat. Bumati din sila kay Alex. "First, I would like to introduce you to my personal assistant. Eliana Gonzalez my wife." Sabi ni Alex. Tumingin sila sa akin. " I called a meeting because I want to talk about what is happening with the projects I left." Sabi ni Alex sa mga ito. "Siguro naman nakahanda ang mga report niyo tungkol dun hindi ba?" Sabi uli ni Alex sa mga ito. Halatang kinabahan ang mga ito. "Pinadala ko na sa office mo ang mga files ng report nila." Sabi ni Atorny. "Eliana, pakikuha ang report ng bawat department." Sabi ni Alex sa akin. Binigay ko ito sa kanya. Kunyari binasa niya ito pero ang totoo binasa ko na ito sa kanya kahapon pa. Kaya napatunayan niya na may anumalyang nangyayari sa kompanya. Napakunot ang noo niya. " Bakit na hinto ang Project ng Washington mall sa US? " Tanong niya sa mga ito. Nakita ko na nagkatinginan silang lahat. " Walang magsasalita sa inyo? " Tanong ni Alex sa kanila. " Ahhm. Ang totoo talaga Sir. Pina stop ko po ang project. " Sabi ng Head ng Operation management department. Tumingin dito si Alex. " Kasi sir kulang na po ang materyales na dumating sa amin." Sabi nito. " Pano nangyari yun? Miss Deviga hindi ba nagpasa ka sa akin report tungkol sa napagusapan niyong budjet ni Mr. Forune. Bakit ngayon nagkulang ang busdjet." Tanong ni Alex dito. " Kung ano po ang napausapn namin ni Mr. Fortune yun naman po talaga ang pinasa ko sa accounting department.Kaya nagtataka ako kung bakit nagkulang ang materyales. " Sabi ng Head marketing. "Yun naman po talaga ang naging Calculation po ng gastusin lahat. Nung una kaso pagdating po nitong nakaraang buwan nagbago po sila ng plano. pinalitan nila ang mga materyales na napagusapan sa unang plano. Kaya po nagkulang ang budjet." Sabi naman ng Head ng accounting department kay Alex. Napakunot ang noo ni Alex. "Bakit mo binago ang plano Mr. Galvez." Tanong ni Alex dito. Napatingin ito kay Alex. " Naisip namin ni Mr. Galvez na masyadong tipid ang materyales kaya iniba namin ang plano ng konti pinalitan namin ng mas quality. Pero pinadala naman namin ang mga mteryales na kailangan ng mga tao mo Mr. Fortune. Kaya bakit nahinto ang operation ng project? " Tanong nito kay Mr Fortune. "Pinahinto ko. Kasi yung mga materyales na pinadala niyo ay mahihinang klase pag yun ang ginamit namin baka maging mahina ang pondasyon ng project. mall po kasi ang ginagawa namin pero ang pinadala niyo po na materyales ay pang housing." Sabi naman ni Mr. Fortune. "Nagpalit kayo ng plano ng hindi sinasangguni sa lahat. Saka bakit hindi ko ito alam? Bakit walang nakarating na report sa akin tungkol dito? " Tanong ni Alex sa kanila. "Hindi kana namin ginambala pa Mr. President. Maliit lang naman na problema ito kaya ako na lang ang nakipagusap kay Mr Galvez. " Sabi ni Mr. Hernandez. " Maliit lang na problema? Nahinto ang project dahil sa inyo. Alam mo ba kung anong abala ang ginawa niyo. Isa pa nagorder kayo ng materyales ng hindi kinakausap ang Operation management. Paano ngayon yan. Hindi pwedeng gamitin ang materyales na pinadala niyo? " Tanong ni Alex sa mga ito. " Wag kang magalala Mr. President gagawan namin ng paraan ito." " Gusto kong magawan niyo ng paraan ito sa lalong madaling panahon. Dahil gusto ko matapos ang mall bago sumapit ang peak season." Sabi ni Alex. "Kaya bang matapos ang project bago sumapit ang peak season Mr. Fortune? " Tanong niya kay Mr. Fortune. " Kaya po namin tapusin ang project kapag naibigay nila sa amin ang materyales na kailangan namin bago matapos ang buwan na ito." Sabi ni Mr. Fortune. " Narinig niyo yun Mr. Hernandez. By the way may isa pa akong nais itanong Mr. Hernandez. Sayo daw sinurender ni Mr. Vecente ang mga natirang materyales sa natapos na project sa may Pampangga. Nais kong gamitin ito sa ipapatayo kong resort sa Palawan. Ibigay mo Eliana ang plano na ginawa ko kay Miss Deviga." Sabi ni Alex sa akin. Binigay ko ang files dito. " Gusto kong pagusapan ninyo ni Mr Fortune ang tungkol dito. Mr. Hernandez ibigay mo na lang ang mga materyales na natira sa project ." Sabi ni Alex. Tumayo na si Alex. " Gusto ko makapagbigay kayo ng report sa akin Mr. Fortune, Miss Deviga tungkol sa bagong project na pinapagawa ko sa inyo. Bago matapos ang buwan ito. Gusto kong umpisahan ang resort sa lalong madaling panahon." Sabi ni Laex. " Tapos na ang meeting." Sabi niya saka hinawakan ang kamay ko at inalalayan akong tumayo. Naglakad na kami pabalik sa opisina. Pagpasok namin dun sinara niya ang pintuan. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Sobra sobra ang kaba ko kanina. Hinatid ko siya sa upuan niya. Nagulat ako ng hapitin niya ako saka pinaupo niya ako sa kandungan niya. " Kumusta ang pakiramdam mo? " Tanong niya sa akin. Kumapit ako sa batok niya. "Sa ngayon ayos na. Pero kanina akala ko lalabas ang puso ko. " Sabi ko sa kanya. Na tawa siya. Saka hinalikan ako. Napalingon kami sa pintuan ng may kumatok. Tumayo ako aktong lalayo ako sa kanya pero hindi niya binitawan ang kamay ko. "Come in." Sabi niya. Pumasok si Atorny. Saka ni lock ang pintuan. "Congratulation. Ang galing niyo. Hindi nila nahalata na bulag ka. Alam mo ba na binigla mo sila kanina akala nila sa monitor ka lang nila makikita at hindi pa nila alam na tungkol sa Washington mall ang paguusapan niyo kanina. Hindi nila alam na alam mo na ang tungkol dun. Kaya nabigla mo sila. Hindi sila nakapaghanda." Sabi ni Atorny. Tawa ng tawa ito. "Pero dapat kang magingat ng husto. Dahil siguradong may gagawin ang amo nila." Sabi ni Atotny. "Alam ko. Kumusta nagawa mo ba ang pinakukuha ko sayo." Sabi ko sa kanya. "Oo naman. Eto kompleto yan. Nandiyan lahat sa files ang mga negosyo at mga hubby ng tatlo." Sabi ni Atorny dito. "Salamat." Sabi ni Alex dito. Ngumiti ito. "Ano ang susunod na plano mo ngayon?" Tanong ni Atorny kay Alex. " Naguumpisa palang ako sa kanila Atorny." Sabi ni Alex. Na seryosong seryoso. Hinawakan ko ang kamay niya. " Basta wag mong kakalimutan nandito lang ako sa likod mo. Sabihin mo lang ang kailangan mo lahat gagawin ko matulungan ka lang. " Sabi ni Atorny dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD