Chapter 22

1248 Words
***ALEX POV#*** Pinagaralan ko ang binigay na files ni Atorny. Gabi na gising pa ako. Pinagiisipan ko ang gagawin ko sa kanila. Kung papano ko sila magigipit. Yung wala silang masusulingan. May naisip akong tao na makakatulong sa akin. Kinuha ko ang phone ko saka may tinawagan. "Hello, Nick?" Sabi ko ng marinig ang kabilang linya. "Ako nga, gusto ko malaman kung ganun parin ba ang trabaho mo ngayon?" Tanong ko dito. "May hihingiin sana akong pabor sayo. Kailangan ko kasi ang tulong mo ngayon." Sabi ko sa kanya. Saka pinagusapan namin ang nais kong gawin niya. "Ipapakausap ko sayo ang abugado ko. Kayo na lang magusap kung ano ang dapat gawin at kung ano ang mga kailangan niyo." Sabi ko dito. "Sige tawag na lang ako sayo kung saan kami magkikita." Sabi nito sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya.Saka tinawagan ko si Atorny. Kinabukasan nasa office na naman kami. Sinusundan ko lang ang kilos ni Eliana. Kinikilala ko ang mga boses ng mga empleyado ko. Hindi na lang ako umiimik. Nagderetso kami sa office ko. Pagdating namin dun. Sinasara ni Eliana ang kurtina. Saka niya babasahin sa akin ang mga files na nasa lamesa ko bago ko pirmahan. Kapag hindi niya naiintindihan pinapaliwanag ko sa kanya. Sa dami ng kailangan kong pirmahan. Sa opisina na kami kumain. Gabi narin kami nakauwi. Nais ko sanang ayain siya kumain sa labas. Kaso nung nasa biyahe na kami nakatulog na siya sa tabi sa sasakyan. "Sir, dederetso po ba tayo sa Saulog restaurant?" Tanong ng driver ko. "Hindi na deretso na tayo sa bahay." Sabi ko sa kanila. Saka ko hinapit si Eliana papunta sa dib dib ko. "Sorry, nadadamay ka sa gulo ng buhay ko." Bulong ko habang hinihimas ko ang kamay niya. "Sana manatili ka sa akin hangang dulo dahil ikaw na lang ang nagbibigay ng lakas sa akin Eliana. Pag nawala ka pa sa akin. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pang lumaban. " Bulong ko sa isip ko. Dahil sa kanya nagagawa ko ang mga imposibleng bagay. Huminga ako ng malalim. Pagdating namin sa bahay. Binuhat ko na lang siya saka pumasok sa loob ng bahay. Nasa unang palapag lang ang silid namin. Ang silid ng papa ko sa imopisina niya. Nung una nahihirapan siya dahil marami siyang hindi naiintindihan. Pero natutuwa ako sa kanya dahil ang dali niyang turuan. Ilang araw lang nakakasabay na siya sa akin. Minsan nagbibigay narin siya ng mga opinyon niya tungkol sa mga inaalok ng mga investor sa akin. Nakikipag meeting narin kami sa labas. Sumapit ang araw ng operasyon ng nanay ni Eliana pumunta kami sa ospital. Buong maghapon kami dito. Naging maayos naman ang naging operasyon. Kaso kailangan pang obserbahan kung hindi magkakaproblema. Nilipat sa ICU ito. Habang under observation pa. "Magiging okay din ang lahat." Sabi ko sa kanya. Yumakap siya sa akin. "Salamat sa pagbibigay ng lakas sa akin. Kung wala ka dito hindi ko alam kung ano ang gagawin ko." Sabi niya sa akin. "Ako ang dapat na magpasalamat sayo. Dahil ikaw ang maraming nagawang tulong sa akin." Sabi ko sa kanya.Ngumiti siya. Kami ang nagbantay sa mama niya. Pinauwi na muna namin ang kaibigan niya. Sa ospital na kami nagpalipas ng gabi. Nagpadeliver na lang kami ng pagkain. Kinabukasan na kami umuwi. Pero hindi parin nagkakamalay ang mama niya. Nagpahinga lang kami sa bahay maghapon. Pagdating ng gabi niyaya ko siya kumain sa labas para mawala ang isipin niya sa mama niya. " Malapit na pala ang pasko. " Sabi niya sa akin. Habang nakatingin sa mga parol na nakasabit sa paligid. Hindi ko din namalayan ang araw palibhasa masyadong busy ang utak ko. Kinabukasan nakatangap kami ng tawag galing ospital na nagkamalay na ang mama niya. Kaya paguwi namin ng hapon dumaan kami doon. Tuwang tuwa si Eliana ng makita na gising na ang nanay niya. Kailangan na lang daw nitong magpahinga. Gabi na kami umuwi. Halos araw araw kaming pumupunta sa ospital bago kami umuwi. Sumunod na araw nakatangap Ako ng tawag kay Atorny. Pagdating ng gabi. "Ayos na Alex, Hawak mo na ang bahay at lupa ni Mr. Chua. Napapirma narin namin si Mr. Galvez." Sabi ni Atorny sa akin. Nakahinga ako ng maluwag. "Ikaw na lang Mr. Hernandez." Bulong ko sa isip ko. Kinuha ko ang phone ko saka may kinausap. "Pwede ba tayong magkita?" Sabi ko dito. "May ipapatrabaho lang ako sayo." Sabi ko sa kanya. Pinakilala ito sa akin ni Nick. Siya ang nagbigay ng info sa akin tungkol sa grupo na ito. " Pano mo nalaman ang number ko? " Tanong nito sa akin. " Binigay ni Nick sabi niya ikaw daw ang makakatulong sa akin. " Sabi ko dito. Tumahimik siya. " Sige magkita tayo. Isesend ko sayo ang lugar. " Sabi niya sa akin. Kinabukasan hinatid ko muna sa ospital si Eliana sala nagpaalam ako na may pupuntahan lang. Ayaw pa sana nito. Nagaalala siya sa akin. Pero ng sabihin ko na Okay lang ako. At sinabi ko sa kanya na paghindi ako nakabalik hangang mamayang gabi. Tingnan niya ang location ko sa Phone niya at tumawag siya kay Atorny. Saka siya alanganing tumango. Gustuhin ko mang isama siya. Ayaw kong manganib siya. Hindi ko kilala ang kakatagpuin ko. Delikado kung isasama ko siya. "Promise, babalik ako." Sabi ko sa kanya. Saka hinalikan siya. "Hihintayin kita." Sabi niya. Tumango ako saka nagpaalam na sa mama niya. Nakarating kami sa isang abandonadong gusali. Nagsipaghanda ang mga tao ko. May lumapit na lalake sa sasakyan ko. Binuksan ko ang bintana ng kotse. "Ikaw ba si Alex?" Tanong nito sa akin. Tumango ako. "Ako si Robert. Ako ang kausap mo sa phone." Sabi nito sa akin. "Ano ang trabaho na iaalok mo sa amin?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa likod niya may mga nakahimpil na sasakyan. Nakapatay ang ilaw ng mga ito. "May ipalilinis akong bodega sa inyo. Inyo na ang laman babayaran ko pa kayo. Basta wala kayong ititira kahit isa." Sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. May binigay akong folder sa kanya. "Nandiyan ang lahat ng kailangan niyong malaman tungkol sa bodega. " Sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang folder. May binigay akong sobre sa kanya. "Yan ang paunang bayad ko. Pagnatapos niyo na ang kabuuan." Sabi ko sa kanya. Tiningnan niya ang laman ng sobre. Napangiti siya. "Tatawagan na lang kita kapag natapos na namin." Sabi niya. Napangiti ako saka nagpaalam na sa kanila. Pagalis namin saka ko tinawagan si Nick. "Nick, gusto kung ihack mo ang lahat ng pera sa bangko ni Mr. Hernandez yun ang ipasok mo sa bangko ni Mr. Galvez upang maging unang kita niya sa inimvest niya sa atin." Sabi ko kay Nick. "Sinabi mo e." Sabi nito. Napangiti ako. "Naguumpisa na ako. Kung sino ka man malapit na tayong magkita. Kayo ang nagturo sa akin ng laro nato. " Bulong ko sa isip ko. " Sir saan na po ang punta natin? " Tanong nila sa akin. " Sa ospital na tayo. " Sabi ko sa kanila. Tumango sila. Niyakap niya kaagad ako ng makita niya ako. Natawa ako ng marinig na umiiyak ito. " Sssh, tahan na nandito na ako diba? " Sabi ko sa kanya habang pinapahid ang luha niya. " Masyado akong nagalala sayo. Kung alam mo lang. " Sabi niya. Hinalikan ko siya. " Walang masamang mangyayari sa akin hangat nandiyan ka sa tabi ko." Sabi ko sa kanya. Huminga siya ng malalim. Pumasok kami sa loob para magpaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD