***OTHER PERSON POV#***
" Ano? Panong nangyari yun? " Tanong ko sa mga tao ko. Tumawag ito sa akin para sabihin na nasusunog ang bodega ko. Agad na pinuntahan ko ito. Halos manlumo ako ng malaman na walang natira rito.
" s**t! Ano na ngayon ang materyales na ibibigay ko kay Mr. Fortune. " Bulong ko.
" Hindi pwedeng hindi ko maibigay ang materyales kundi malalagot ako kay Alex. Siguradong sisibakin nila ako sa kompanya."Bulong ko uli. Tinawagan ko ang abugado ko. Pinacontct ko ang binilihan namin ng mayeryales pinaorder ko siya ng mga kapalit ng nasunog na materyales. Pinadideliver ko ito sa lalong madaling panahon. Nagbigay ako ng checke dito bilang bayad.
"s**t, Ang laki ng nawala sa akin. Dahil sa sunog na yun." Sabi ko.
"Di bale pag nadispacha naman natin si Alex babalik ang lahat ng yan sayo. Pag ikaw na ang president ng kompanya." Sabi ni Mr. Galvez sa akin.
"Siya nga pala bakit hindi ko napagkikita si Mr. Chua?" Tanong ko dito.
"Haay, alam mo naman yun laging nasa casino." Sabi nito sa akin. Tumango ako.
Kinabukasan nagulat ako ng tumawag sa akin ang abugado ko.
"Ano? Panong nangyari yun. Kulang kulang half billion ang pera ko sa bangko.". Sabi ko sa kanila.
Nagulat ako ng sabihin ni Atorny na tumalbog ang checke ko. Pinuntahan ko agad ang bangko ko. Halos himatayin ako ng malaman ko na wala ng laman ang account ko may nagwidraw ng pera ko.
"Hindi? Hindi maari ito." Sabi ko. Tumawag ako kay Mr. Galvez para humingi ng tulong pero hindi ko ito makontact. Ganun din si Mr. Chua. Kaya pinuntahan ko ito sa bahay nila. Nagulat ako ng malaman na namomoroblema din ito dahil nakasanla ang bahay at lupa dahil na ipatalo sa sugal ang lahat ng pera nito. Kaya para makabawi isinanla ang bahay at lupa nila. Kaso natalo din.
Na momoroblema kami ng husto ngayon. Dahil ang natirang materyales nasunog ng masunog ang bodega. Siya naman naipatalo niya sa sugal ang natitirang pondo para sa project na washington mall.
"Hindi tayo pwedeng tumawag sa kanya. Siguradong malilintikan tayo pag nalaman niya ang nangyari." Sabi ko kay Mr. Chua.
"E ano ang gagawin natin. Matatangal ka sa pwesto mo pag nagkataon. Ako naman mawawalan kami ng bahay." Sabi ni Mr. Chua.
"Pagisipan natin ng maigi ang dapat nating gawin." Sabi ko sa kanya. Napaisip siya.
"Bwisit na Mr. Galvez na ito bakit hindi natin siya makontact." Sabi ko dito. Naghiwalay kami ng walang naiisip na suluyon.
Kinabukasan tinawagan ako ni Mr. Chua.
"Alam ko na kung saan natin mahahanap si Mr. Galvez." Sabi ni Mr. Chua.
"Saan? Tanong ko dito. Dinala ako nito sa isang Bar. Nakita ko na nagpapakasawa ito sa mga babae.
" O, Mr. Hernandez, Mr. Chua! " Gulat na sabi nito ng makita niya kami.
" Maupo kayo. " Sabi niya sa amin.
"Bigyan mo sila ng inumin." Sabi nito sa waiter.
" Bakit mukhang big time ka ngayon? " Tanong namin sa kanya.
"May nasalihan kasi akong isang investment company. Nag invest ako ng maliit lang. Nagulat ako ng bumalik ito wala pang isang lingo kumita ako agad ng kulang kulang isang billion. Kaya inimvest kona ang lahat ng pera ko dito. Biruin mo hindi ko na kailangan magpagod. Kumikita ako kahit nasa bahay lang ako. " Sabi nito na tuwang tuwa. Ng mapatingin ito sa amin.
"Bat hindi kayo sumali dito? " Tanong nito sa amin.
" Kahit gustuhin namin hindi kami makakasali diyan. " Sabi ni Mr. Chua. Napakunot ang noo niya.
" Bakit anong nangyari sa inyo? " Tanong nito sa amin. Sinabi namin ang problema sa kanya.
" Patay tayo diyan. " Sabi niya.
" Di bale pare pahihiramim na lang kita ng pera pambayad ng materyales. Bayaran mo na lang ako pag president kana ng kompanya. " Sabi nito sa akin. Nagpasalamat ako dito.
Kaso sumunod na araw tumawag na naman sa akin si Atorny. Tumalbog din ang checke ni Mr. Galvez. Kaya tinwagan ko ito. Nalaman ko na namomoroblema narin ito dahil tinakbuhan siya ng invetor na pinaginvestan niya ng pera niya. Peke pala ito. Walang nakarecord na company na ganun ang pangalan. Hinack lang pala nito ang computer ni Mr Galvez kaya ng magsearch siya nakita niya na nakaregistered nga ang company nato sa gobyerno. Kaya ngayon namomoroblema siya dahil nakasanla pa ang bahay at lupa nila.
**** ALEX POV#***
Lumipas pa ang ilang araw tumawag sa akin si Robert nakikipag kita ito sa akin. Natapos na daw nila ang pinagagawa ko. Hindi na ako nakipagkita sa kanya. Pinadala ko na lang sa account niya ang pera.
Nalaman ko na namomoroblema na sila. Hindi na nakakapasok ang tatlo. Laging absent ang mga ito. Kunyari nagtanong ako kay Mr. Fortune tungkol sa Materyales.
"Sorry, sir wala pa pong materyales na pinapadala sa akin si Mr. Hernandez." Sabi nito sa akin.
Tinawagan ko ang opisina nito.
"Sorry sir hindi papo pumapasok si Mr. Hernandez mula pa nung lunes." Sabi ng secretary nito.
"Pag pumasok siya sabihin mo pumunta sa opisina ko." Sabi ko sa secretary nito. Pagbaba ko ng phone tinawagan ko si Atorny.
"Ngayon na Atorny gawin mo na." Sabi ko sa kanya.
"Sige ihahanda ko ang tao nakakausap sa kanila."
Sabi ni Atorny. Hinawakan ni Eliana ang kamay ko.
"Kumusta, Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin.
Tumango ako sa kanya.
"Sa ngayon wala pang problema. " Sabi ko sa kanya. Maaga kaming umuwi nakidaan siya sa akin sa mall.
"Gusto kong magpadecoration sa bahay ng pang cristmass. Para maging masaya naman ang bahay." Sabi niya sa akin habang naglalakad kami.
"Sige sasabihin ko kay Atorny magpadala ng decorator sa bahay." Sabi ko sa kanya. Pumasok kami sa loob ng damitan. Ayaw niya pa sana pero pinapilian ko siya sa sales lady ng mga damit niya.
Pinilian niya narin ako.
Kinabukasan naging busy siya sa kakausap sa pinapunta ni Atorny na magaayos ng bahay namin.
"Are you happy?" Tanong ko sa kanya ng matapos ayusan ang bahay. Tumango siya.
"Verry happy, alam mo ba na pangarap ko magkaroon ng ganitong bahay yung aayusan ko pagdating ng pasko tapos sama sama kami nila nanay. " Sabi niya sa akin. Niyakap ko siya.
"Hayaan mo tutuparin ko yang pangarap mo na yan." Sabi ko sa kanya. Bigla siyang natahimik.
"Hey, bakit natahimik ka?" Tanong ko sa kanya.
"Ah, wala. Naisip ko lang kumusta na kaya si nanay?" Sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim
"Wag kang magalala ayos lang sila. Dahil kung hindi siguradong tatawag sila sa atin." Sabi ko sa kanya. Huminga siya ng malalim
"Alam mo. Gusto kong makilala kung sino ang nagsponsor sa nanay ko. Gusto ko siyang pasalamatan. Dahil kung hindi sa kanya. Baka wala na ang nanay ko. Baka hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko." Sabi niya. Natahimik ako.
"Pano kung malaman mo na ako yun ano ang gagawin mo?" Bulong ko sa isip ko.
"Magagalit ka ba sa akin dahil nagsinungaling ako sayo? Iiwan mo ba ako pag nalaman mo na sa simula pa lang niloko na kita." Bulong ko sa isip ko. Huminga ako ng malalim.
****ELIANA POV#****
Maaga pa kami pumasok dahil nagpatawag ng meeting si Alex.
"Nagpatawag ako ng meeting sa inyo dahil nais kong malaman kung ano na ang nangyari sa Washington mall na pinatatapos ko sa inyo?"
Seryosong tanong ni Alex sa kanila. Walang umiimik sa kanila.
"Fortune anong nangyari bakit peak season na hindi pa tapos ang project?" Galit na tanong ni Alex dito.
"Sorry sir, wala po kasing materyales na pinapadala si Mr. Hernandez sa amin."
Sagot nito.
" Mr. Hernandez, Sinabi ko diba sa secretary mo na pumunta ka sa office ko oras na pumasok ka. Bakit hindi ka man lang nagpakita sa akin at saka ano tong nangyayari na ito. Bakit ang materyales nasayo pa diba sinabi ko na naibigay mo na ang materyales sa Marketing department. Ano bang problema bakit hindi mo maibigay ang materyales may problema ba? " Tanong ni Alex dito.
" W... Wala naman Alex k... Kaya lang nasira kasi yung sasakyan na magdadala ng materyales ponapaayos ko pa. " Sabi nito.
" Sasakyan lang hindi mo magawan ng paraan. Alam mo ba kung anong problema ang ibibigay mo oras na madelay ang ang pagbukas ng washington mall. Malake ang mawawala sa atin malake pa ang babayaran natin sa mga investor natin. Ngayon tatanungin kita kaya mo bang sagutin lahat yun? " Tanong ko sa kanya. Napalunok ito.