Araw araw hinihintay ko ang pagdating niya nasasanay na ako na binabati niya ako tuwing umaga.
"Good morning Mr. Handsome!" Bati niya sa akin. Sa masiglang boses. Napangiti ako. Tama ang doctor ko marami siyang Energy at nakakahawa ito. Buong maghapon nanaman niya akong kwenentuhan.
"Alam mo hindi kaba nahihirapan na nakahiga ka na lang palagi. Siguro pag nagising ka mahihirapan kang tumayo at maglakad. Ganun daw kasi yun kapag galing sa comma." Sabi niya sa akin.
"Kung alam mo lang." Bulong ko sa isip ko.
"Ano kaya ang magiging reaction niya kapag tinanggal na ang benda ko? Makikilala niya kaya ako?" Bulong ko sa isip ko. Saka pinakiramdaman ko na lang siya sa mga ginagawa niya.
***ELIANA POV#***
Tumutulong ako magdilig ng halaman kay manong Dodong ng may dumating na bisita.
"Sino po yung dumating manong?" Tanong ko kay manong na nagbubungkal ng lupa. Lumingon ito sa akin.
"Baka isa sa mga Atorny ni sir Alex." Sagot nito. Nakita ko na dumeretso ito sa silid ni Alex. Sinara nito ang bintana. Pinagpatuloy ko na lang ang pagdidilig ko ng halaman. Pagkatapos ko dumeretso na lang ako sa kusina. Nasa silid pa kasi ni Alex yung Atorny. Hindi na ako nakabalik sa silid ni Alex kasi sinabi sa akin ng nurse niya na magpahinga na lang daw ako kasi si Atorny na ang magbabantay muna kay Alex. Hindi ko alam pero parang nalungkot ako. binigay ko na lang sa kanya ang bulaklak na pinitas ko. Parang nasanay na ako na inaasikaso ko siya hindi ko alam pero parang ang lapit ng loob ko sa kanya. Nilibang ko na lang sa paglalaba ng mga damit ko ang sarili ko. Ng matapos ako tinawagan ko sa telepono ang kaibigan ko. Wala kasi akong CP iniwan ko sa kapatid ko. Para matawagan nila ako oras na magkaproblema.
Kinabukasan maaga pa gising na ako. Nagasikaso na ako ng sarili ko. Nagaalmusal ako sa kusina ng ipatawag ako ng Atorny ni Alex. Nagtataka na sumunod ako kay Inday. Kinakabahan ako baka may nangyaring masama kay Alex. Dinala ako ni Inday sa library. Ngayon lang ako nakarating dito.
"Ang daming aklat dito." Bulong ko sa isip ko.
"Ahhm, Good morning miss Eliana." Bati sa akin ng Atorny. Napatingin ako sa kanya.
"Bata pa pala ang abogado ni Alex." Bulong ko sa isip ko. Binati ko din ito saka ngumiti dito. Nakatitig siya sa akin. Nailang tuloy ako sa pagkakatitig niya.
"M... May kailngan po ba kayo sa akin?" Tanong ko sa kanya. Naiilang na kasi ako.
"Ow! Sorry, Maupo ka mayroon lang akong importanteng sasabihin sayo." Sabi niya sa akin. Kinabahan ako.
"Nalaman na ba niya na nagpapangap lang ako. Kaya niya ako pinatawag dahil ipapahuli na niya ako." Bulong ko sa isip ko. Habang kinakabahan na naupo sa upuan na nasa harap ng lamesa na nasa harap niya. Nilaro laro ko ang daliri ko habang naghihintay sa sasabihin niya.
"Ahhm. Miss Eliana dalawang buwan narin ang lumipas buhat ng ma comma si Alex." Sabi nito habang may kinukuha sa attache case niya.
"Dalawang buwan na pala ako dito. Hindi ko namalayan. Pero bakit hindi parin bumabalik si Eliana? " Tanong ko sa isip ko. Masyado akong nalibang sa pagbabantay kay Alex.
" Bago siya na Comma may sinabi siya sa akin. Ibigay ko daw ito sayo. " Sabi niya saka inabot sa akin ang isang maliit na box. Nagtataka na binuksan ko ito. Nanlake ang mata ko ng makita na isa itong sing sing.
" Nais niyang alukin ka ng kasal. Hinabilin niya sa akin nung araw na sinugod namin siya sa ospital na asikasuhin ko ang kasal niyo kahit anong mangyari sa kanya. Kaya naman pinatawag kita dahil nais kong tuparin ang pangako ko sa kanya. Ngayon handa ka ba na pakasalan si Alex? " Tanong nito sa akin na ikinagulat ko. Napahawak ako sa dib dib ko. Nalilito na tumingin ako sa kanya.
" T.. Teka ano ang isasagot ko sa kanya? H.. Hindi naman ako si Eliana. " Bulong ko sa isip ko. Nakatitig siya sa akin.
" M.. Maari ko bang pagisipan muna. H.. Hindi sa ayaw ko siyang pakasalan... K... Kailangan ko lang makapagisip muna. " Sabi ko sa kanya. Tumango siya.
" Oo naman. Hindi naman kita minamadali. Alam ko na mahirap ang sitwasyon mo kaya bibigyan kita ng panahon para makapagisipisip. "Sabi niya uli. Ngumiti ako sa kanya. Binalik ko ang box sa kanya pero binigay niya uli sa akin ito.
"Isuot mo yan binili niya yan para sayo. Baka sakali makatulong yan para makapagdisisyon ka." Sabi niya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya.
"Eto nga pala ang number ko. Wala ka bang Phone?" Tanong niya sa akin.
"Ahh. Naiwan ko kasi sa bahay ang phone ko sa pagmamadali ko papunta dito." Pagsisinungaling ko. Tumango na lang si Atorny.
"Okay, sige ganito na lang kapag nakapagdisisyon ka na tawagan mo na lang ako. Kung ano ang naging pasya mo. Tatangapin ko kahit ano pa yun. Sa tingin ko rin naman maiintindihan karin niya." Sabi nito saka ngumiti sa akin. Tumango na lang ako dito. Kinamayan ako nito. Nagpaalam na ako dito.
Isang buong araw na laman ng isip ko ang sinabi sa akin ni Atorny. Kanina pa ako nandito sa silid ni Alex kanina ko parin siya pinagmamasdan.
"Mahal na mahal mo talaga siya. Kahit naka Comma kana nais mo parin makasal sa kanya. Pano kung malaman mo na hindi kana pala niya mahal at niloloko ka lang pala niya." Bulong ko. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako para sa kanya. Tumutulo ang luha ko habang nakatingin ako sa kanya. Pagdating ng gabi pinilit ko na tawagan si Eliana pero hindi ko siya macontact. Tinawagan ko ang kaibigan ko sinabi ko sa kanya ang sinabi ng Atorny sa akin. Pinatawagan ko si Eliana sa kakilala niya. Hindi ko sinusuot ang sing sing nahihiya ako na isuot yun. Para sa akin wala akong karapatan na isuot yun.
Ilang araw na pero hindi ko parin macontact si Eliana.
"Pasensiya kana, hindi sa ayaw kong magpakasal sayo. Marami pa kasi akong dapat intindihin sa ngayon namomoroblema pa kasi ako sa nanay ko at sa mga kapatid ko. Pagnagpakasal ako sayo pano naman ang pamilya ko. Kailangan kong umuwi sa kanila. Kailangan ako ng nanay ko." Sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang kamay niya. Ng may mapansin ako sa daliri niya.
"Teka! Parang pamilyar sa akin ang sing sing mo." Wala sa sarili na sabi ko. Saka umiling.
"Hindi imposible." Bulong ko uli.
"Bakit ba hindi siya maalis alis sa isipan ko. Buti sana kung iniisip manlang niya ako. Kaso malabo mangyari yun. Haay, Bakit kasi magkapangalan pa kayo." Sabi ko saka tinabi ko ang bulak at alcohol.
Nagpaalam na ako sa kanya.
Paglipas ng tatlong araw nagulat ako ng biglang tumawag sa akin ang kaibigan ko. Nagaalala na pumunta ako sa sala.
Kabadong kabado ako.
" Ano kaya ang dahilan bat tumawag sa akin si Besty. May nangyari kaya kay nanay? " Bulong ko habang bumababa ng hagdan.
" Hello? Besty. " Sabi ko pagkahawak ko ng phone.
" Eliana ikaw na ba yan? " Tanong nito.
" Oo. Bakit ka napatawag may nangyari bang masama kay nanay? " Tanong ko dito na kinakabahan.
" Wala gaga!" Sabi nito. Nakahinga ako ng maluwag sa narinig.
" Kung ganun, bakit ka biglang tumawag?" Tanong ko dito Tanghaling tapat kasi. Bigla itong tumili muntik ng matangal ang tenga ko.
" Besty! May good news ako sayo. Siguradong matutuwa ka." Sabi niya sa akin napakunot ang noo ko.
" Ang sakit naman ng tenga ko besty. Siguraduhin mo na matutuwa ako diyan ha. Naku naman nabingi yata ako sa tili mo." Sabi ko dito. natawa ito.
" Siguradong matutuwa ka. Dahil may nagpunta dito sa ospital Ang gwapo niya besty. Gusto ko siyang pakasalan. " Malanding sabi nito. Napataas ang kilay ko.
" Batukan ko kaya ito. Muntik na akong mabingi at halos atakihin ako sa puso
sa biglaang pagtawag niya. Yun pala may nakita lang pala siya na gwapo. "
Inis na kumamot ako sa ilong ko.
" Besty nandiyan kapa ba? " Tanong nito hindi ako umimik.
" Wag ka ng magalit. Alam ko umuusok na naman ang bunbunan mo. Hindi lang naman yun ang sasabuhin ko. Pumunta siya dito sa ospital kasi naghahanap ang amo niya ng iisponsoran at ang nanay mo ang napili niya. Sasagutin ng amo niya ang operasyon ng nanay mo pati ang mga pagaaral ng mga kapatid mo.
Hindi lang yun besty may matatangap pa sila na allowance kada buwan. Maliban sa gastusin sa pagaaral nila. Kaya sabi ng doctor kailangan na lang daw ng nanay mo na magpalakas dahil naghahanap na sila ng donor para pag may nakita na sila pwede na raw operahan ang nanay mo. " Sabi niya. Napahawak ako sa bibig ko. Saka tumulo ng tumulo ang luha ko.
" Besty nandiyan ka paba? " Tanong niya sa akin.
" Oo besty, Masayang masaya ako dahil maooperahan na si nanay sa wakas. " Sabi ko.Habang sige ang iyak ko.
" Sabi ko naman sayo Besty may awa ang diyos." Sabi niya na umiiyak narin.
" Kaya pwede kana magpakasal besty. Hindi mo na kailangan problemahin sila nanay ako na ang bahala sa kanila. " Sabi nito. Natawa ako.
" Sira ka talaga. Alam mo naman ang dahilan kung bakit hindi pwede. "
"Si Alex na naman. Wag mo na siyang isipin. Baka talagang hindi kayo para sa isat isa dahil sa ibang Alex ka pala nakatadhana. " Sabi uli nito natawa uli ako.
" Ewan ko sayo. " Sabi ko dito tumawa siya.
" Pwera biro. Sa tingin ko naman nahuhulog na ang loob mo diyan sa alaga mo bakit hindi mo na lang totohanin. Malay mo kayo pala ang tinadhana. " Sabi uli nito. Napailing na lang ako. Nagpaalam na ako sa kanya. Alam ko na kukulitin na naman niya ako.
tawa ito ng tawa habang binababa ko ang phone.