Chapter 6

1016 Words
Kinabukasan narinig ko na naman ang pagdating niya. Napapakunot ang noo ko habang nakikinig ako sa mga sinasabi niya. "Ano ba talaga ang dahilan bakit nandito ka?" Bulong ko sa isip ko habang nakikinig ako sa kanya. Naramdaman ko na pinupunasan niya ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng t***k ng puso ko ng maglapat ang mga kamay namin. Pinilit ko na pakalmahin ang sarili ko. Dahil baka tumunog ang aparato na nakakabit sa akin. Nakahingan lang ako ng dumating na ang nurse na papalit sa kanya. "Kumain na po muna kayo ma'am Eliana." Sabi nito sa kanya. Nagpasalamat siya dito bago nagpaalam. Nagising ako sa pamilyar na amoy. "Bulaklak yun na paborito ni mommy." Bulong ko sa isip ko. Maya maya narinig ko ang boses niya. Kinakausap na naman niya ako. Hindi siya nagsasawa sa kakausap sa akin kahit hindi naman ako nasagot sa kanya. Siguro pinapatay niya lang ang pagkainip niya. "Tingnan natin kung hangang saan ang itatagal mo sa pagpapangap mo. Malalaman ko din ang totoong Plano niyo." Bulong ko sa isip ko. Saka pinakingan ko na lang siya. Halos araw araw dinadalahan niya ako ng bulaklak na galing sa hardin. Hindi din siya nagsasawa sa kakausap sa akin. Binabasahan niya din ako ng kung ano ano. Minsan news paper ang dala niya minsan naman magazine. Nagtataka ako sa kanya dahil imbis na mainip at mabugnot siya sa kakabantay sa akin. Mukhang hindi siya nagsasawa. "Baka naman totoo ang mga sinasabi niya." Bulong ko sa isip ko. Habang pinakikingan ko siya na nagsasalita. Pakiramdam ko miss na miss na niya ang pamilya na sinasabi niya. Nasanay na ako na sa tuwing umaga dumarating siya para palitan ng bagong bulaklak ang vase na nasa tabi ko at magkwe kwento siya ng kung ano ano lang. Ewan ko pakiramdam ko nalilibang din ako sa kadaldalan niya. Minsan pa nga hindi ko na mamalayan na napapangiti ako buti na lang may balot pa ang mukha ko. "Wala naman kaming nakikita na kahinahinala na kinikilos niya. Sa katunayan pa nga nakakatuwa siya dahil punong puno siya ng Energy. Hindi siya nagsasawa sa pagbabantay sayo. Biruin mo kung titingnan siya kung pano ka niya asikasuhin parang siya talaga ang fiance mo." Sabi ng doctor ko. Napaisip ako. " By the way, unti unti ng naghihilom ang mga sugat mo. Baka ilang araw na lang magaling na lahat ng sugat mo. Hindi paba natin tatangalin ang benda mo?" Tanong ng doctor ko. Napisip ako. "Saka na lang pag tuluyan ng naghilom ang mga sugat ko." Sabi ko na lang.Tumango siya. " Alam mo sa tingin ko wala siyang alam tungkol sa plano nila Willson." Sabi uli nito habang binabalik ang benda ko. Hindi ako umimik may gumugulo sa isipan ko. Kinabukasan kagaya ng dati maaga pa gising na ako naghihintay ako sa pagdating niya. Ewan ko hinahanap ko ang kadaldalan niya. Bigla akong pumikit at nahiga ng marinig ko na may paparating. Alam ko na siya na yun. "Hi! Good morning, Kamusta kana? Ang payapa mo parin. Buti ka pa. Ako nagaalala parin sa kalagayan ng nanay ko at mga kapatid ko." Sabi niya napakunot ang noo ko. "Alam mo ang gwapo mo siguro kasi ang laki ng katawan mo. Halata kahit punong puno ng benda. Saka ang labi mo ang pula parang ang sarap halikan." Sabi niya saka tumawa. Napangiti ako. "Pano kung sabihin ko sayo na nahalikan mo na yan." Bulong ko sa isip ko. Saka naalala ang gabing yun. "s**t! Umayos ka nga Alex wag ka ngang nagpapadala sa babaeng yan. Baka mamaya sinusubukan ka lang niyan kung totoong naka comma ka." Bulong ko uli sa isip ko. Iniwasan ko na lang na pakingan ang mga sinasabi niya. Buti na lang at nagumpisa na siyang magbasa. "Ano ba tong mga tao na ito? Puro na lang Crimen ang nasa utak. Kaya wala kang mababasa at mapapanood kung hindi p*****n. Wala ka man lang mabasa na matutuwa ka na basahin." Sabi niya. "Dahil marami na ang nagkakalat na kagaya niyo na hindi mapagkakatiwalaan at mapagsamantala. " Bulong ko saka naikuyom ko ang kamao ko. Nakatulugan ko na lang siya. " Malapit ng maghilom ang sugat mo ano ang balak mo?" Tanong ng doctor ko sa akin. Napaisip ako. "Pagiisipan ko pa kung tatangalin ko na ba." Sabi ko sa kanya. Tumango siya. Nagising ako na may nagpupunas sa mga kamay ko. "Siguro mahal na mahal mo ang fiance mo? Sa bagay ganun talaga pag nagmahal ang isang tao. Kahit alam mo na malabo na maging kayo at hindi ka naman niya mahal. Patuloy ka paring umaasa na sana iniisip ka din niya. Ganun siguro talaga ang pagmamahal. Nagiging tanga ka. Nakakalimutan mo ang mga pamantayan mo sa buhay. Kasi ako ganun. Nakalimutan ko ang lahat ng makilala ko siya hindi ko alam. Kahit alam ko na malabo na totohanin niya ako umaasa parin ako na hindi lang yun ang huli naming pagkikita at kahit hindi na siya nagpakita pa sa akin umaasa parin ako na naiisip niya rin ako. Kasi ako hindi ko makakalimutan ang gabing yun. " Sabi niya. Natigilan ako sa sinabi niya. Napalunok ako. Tumayo siya at nagpaalam sa akin. Hinintay ko ang pagbalik niya pero hindi na siya bumalik. Naglalaba daw ito ng damit niya. Sinabihan na nga daw ni manang na sila na lang ang maglalaba pero hindi ito pumayag. Nahihiya daw siya magpalaba ng damit niya. Kwento ng doctor ko sa akin. Kaya tinawagan ko ang abugado ko. " Nais kong malaman ang lahat sa babaeng nagpapangap na si Eliana. " Sabi ko dito. Natigilan siya. " Sige aalamin ko. Napapaisip ka narin ba sa kanya. Sa tingin ko kasi nagkamali tayo ng iniisip sa kanya. Ayon sa kwento ng mga tao ko na sumusubaybay sa kanya. Mukhang wala siyang alam sa lahat. " Sabi nito. Napaisip ako. " Sige sasabihin ko na lang sayo ang mga malalaman ko pupunta na lang ako diyan. Tutal matagal na ng huli tayong nagkita. Saka may iuupdate narin ako sayo tungkol sa kompanya." Sabi nito tumango na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD