Chapter 5

1096 Words
Pagdating ng hapon nagikot ikot ako sa paligid ng mansion. Natuwa ako ng makita na punong puno ng halaman na namumulaklak ang paligid ng mansion.Hindi ko napigilan na lapitan ito. "Mahilig po pala kayo sa mga halaman." Sabi ng hardinero na si manong Dodong. Tumango ako sa kanya saka ngumiti. " Kung gusto niyo ma'am ipipitas ko kayo araw ng bulaklak para ilagay niyo sa silid niyo sayang naman kasi ang bulaklak na lalanta lang. Wala naman kasing mahilig sa bulaklak dito. Dati nung buhay pa si Doña Elena ang mama ni sir Alex lagi yun nagpapapitas ng bulaklak nilalagay niya sa mga vase. Mahilig kasi yun sa mga bulaklak. Siya nga ang pumili ng mga halaman na yan kasi namumulaklak." Kwento ni manong Dodong sa akin. Natuwa ako ng ipotas niya ako ng mga bulaklak. Dinala ko ang mga yun sa silid ni Alex ang lalaking naka comma. " Hi! Alex pala ang pangalan mo. Alam mo ba na kapangalan mo pa ang lalake na naging malapit sa akin." Kausap ko dito. Nakasanayan ko ng kausapin siya kahit hindi naman siya nasagot. Ni hindi ko nga alam kung naririnig niya ako. Basta kontento na ako na may nakakausap ako. " Pero hindi na kami nagkita hindi ko alam kung nasaan na siya. Sabagay apilyido nga niya hindi ko alam. Malalaman ko pa ba kung ano ang trabaho niya." Sabi ko saka huminga ako ng malalim at ngumiti dito "Meron nga pala akong dala sayo. Sabi ni manong Dodong paborito daw ito ng Mama mo kaya ng ibigay niya sa akin Imbis na sa silid ko ilagay naisip ko na dito na lang ilagay. Baka kasi makatulong ito sayo para magising ka." Sabi ko sa kanya habang inaayos ang bulaklak sa vase na nasa tabi ng higaan niya. Kagaya ng dati binantayan ko na naman siya. Hindi ako nagsasawa na kausapin siya araw araw. Kung ano ano ang dinadala ko sa kanya. Minsan binabasahan ko siya ng news ng kwento pero lagi ko siyang dinadalahan ng bulaklak sa silid niya. Pag may oras tumatawag ako sa kaibigan ko para kumustahin ang lagay ng nanay ko. Nagising na daw ito pero mahina parin. Kaya nalungkot ako. Inisip ko na lang na sana bumalik agad sina Eliana ng mapaoperahan na ang nanay ko. ****ALEX POV#**** Nalaman ko na darating sila Wilson kasama ang fiance ko. Kaya naghanda ako sa gagawin nila. Nagising ako sa ingay sa paligid ko Narinig ko ang boses ni Willson kausap ang doctor ko. Narinig ko ang paglapit niya sa higaan ko. "Pasensiya na bro, Hindi ko akalain na gagawin niya yan sayo. Sana hinayaan mo na lang na mawala sayo ang kompanya. Tutal marami ka pa naman ariarian hindi ka pa naman magugutom kong hahayaan mo na mawala sayo ang kompanya. Sana oras na magising ka wag kang maging matigas ang ulo. Sumunod ka na lang sa agos. Kung gusto mo pang mabuhay ng matagal. Pasensiya na ganun talaga may kanya kanya tayong pangangailangan. Sana magkita pa tayo." Sabi nito. Naikuyom ko ang kamao ko nagtagis ang bagang ko. Naramdaman ko na lumabas siya ng silid ko. Maya maya narinig ko ang pagandar ng kotse nila sa labas. Huminga ako ng malalim. Maya maya pumasok ang doctor ko. "Umalis na sila. Iniwan nila ang fiance mo. Pinahatid ko muna sa silid na pinahanda mo." Sabi ng doctor sa akin umupo ako. "Ano ang plano mo?" Tanong niya sa akin "Hayaan muna natin sila tingnan natin kung ano ang plinaplano nila habang nagpapalakas pa ako. Alam niyo na ba kung sino ang mga tao nila na nandito? " Tanong ko sa kanya. Huminga siya ng malalim. " Sa ngayon hindi pa. Lahat ng kasama ko pinalitan niya. Maliban sa akin." Sabi ni Kelly ang doctor ko. Sinabi niya sa akin na kinausap daw siya ni Willson na maging tao nila. Sinabi ko na sumangayon lang siya sa mga ito. " May sinabi ba siya sayo? " Tanong ko dito. " Sa ngayon wala pa naman. Nagtanong lang siya sa kundisyon mo. Kagaya ng napagusapan natin yun ang sinabi ko sa kanya. Tumango ako. "Kailangan natin magingat hindi natin alam kung sino sino ang binayaran nila." Sabi nito tumango ako. Tinulungan niya ako uling makahiga. Pagalis niya nakatulog uli ako. Nagising ako na may nagsasalita sa tabi ko. Napakunot ang noo ko. Pinakingan ko ang mga sinasabi niya. "Parang pamilyar ang boses niya." Bulong ko sa isip ko. Hindi ako kumilos nagpangap ako na natutulog. Maya maya dumating na ang doctor at Nurse ko. Lumabas na siya muna. "pwede ka ng umupo wala na siya. lilinisan lang natin ang mga sugat mo." Sabi ni Kelly. " Sino ang babae na nandito kanina? " Tanong ko dito. Natigilan siya. " Sino pa kundi ang fiance mo. Wag mong sabihin na hindi mo siya nakilala? " Sabi nito sa akin. Napakunot ang noo ko. "Hindi siya ang fiance ko. Ibang tao ang dinala nila dito para magpangap bilang fiance ko. " Sabi ko dito. " Kung ganun, hindi siya ang fiance mo na si Eliana? Pero sabi ni Willson siya daw ang fiance mo." Sabi nito. Napaisip ako. " Sigurado ako na may binabalak sila. " Sabi ko. "Kung ganun kailangan natin magingat ng mabuti sa mga kilos natin." Sabi nito naikuyom ko ang kamao ko. "Hindi nila ako titigilan hangat hindi ako nawawala." Bulong ko sa isip ko. Tinawagan ko ang Atorny ko. " Nais kong imbistigahan mo kung sino ang babae na dinala nila dito para magpangap na fiance ko. " Sabi ko dito. " May dinala sila na babae diyan? Ipadala mo sa akin ang larawan niya." Sabi nito. Sinabi ko sa doctor ko na kuhanan niya ng larawan ang nagpapangap na fiance ko at ipadala niya sa abogado ko. Ilang araw lang ang hinintay ko. Dumating si Atorny. "Dala ko na ang kailangan mo. Siya si Eliana Gonzalez Nagtatrabaho siya sa Evone Club. Panganay sa tatlong magkakapatid may sakit sa puso ang nanay niya. Bread winner ng pamilya. " Sabi ni Atorny. Nagulat ako sa narinig. "Evone Club? Hindi kaya siya yung..." Bulong ko. Napatingin sa akin si Atorny. "Kubg ganun naka plano na pala ang pagsama niya sa akin nung gabing yun." Bulong ko uli sa isip. Naikuyom ko ang kamao ko. " Bakit Alex? " Tanong sa akin ni Atorny. "Gusto kong pasubaybayan mo ang kilos ng babaeng yan sa mga tao mo. Gusto ko malaman kung ano ang pinaplano nila." Sabi ko dito. "Hayaan mo may itatalaga ako na magbabantay sa mga kilos niya 24/7." Sabi ni Atorny sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD