***ELIANA POV#***
Nakita ko na kinausap ng lalake na kasama namin ang lalaking naka comma. Maya maya kinausap nito ang isang nurse saka nagpaalam na sila sa amin.
"Ikaw na ang bahala sa kanya. " Sabi ni Eliana sa akin. Napatitig ako dito. Ni hindi ko man lang nakitaan ng kalungkutan ang mukha nito. Ni kahit konting pagaalala para sa fiance niya. Wala man lang mababakas sa mukha niya.
"Wag kang magalala hahanapan namin ng donor ang nanay mo." Sabi nito sa akin. Hindi na lang ako umimik.
Nang makaalis sila may lumapit sa akin na may edad na babae.
"Ikaw po ba si ma'am Eliana?" Tanong nito sa akin. Tumango ako dito.
"Sumama po kayo sa akin ihahatid ko po kayo sa silid niyo." Sabi ng babae sa akin. Sumunod ako dito. Dinala ako nito sa katabing silid ng lalaking naka comma.
"Magpahinga po muna kayo. Tatawagin ko na lang po kayo pagnakahain na ang hapunan."
Sabi ng babaeng may edad sa akin. Tumango na lang ako. Ng iwan niya ako nagbihis muna ako saka nahiga sa kama. Parang doon ko lang naramdaman ang pagod. Nakatulog ako agad. Nagising ako sa mahihinang katok sa pintuan ko. Napabangon ako agad.
"Nakahain na po ang hapunan." Sabi nito sa akin. Tumango ako. Sumama ako dito. Pagdating ko sa kusina nakita ko na nandun din ang mga doctor at nurse. Binati ako ng doctor. Ngumiti na lang ako diro. Ng matapos kaming kumain pinuntahan ko ang silid ng lalake. Wala parin itong malay.
"Nakakaawa ka naman ." Bulong ko sa isip ko habang pinagmamasdan ko siya. Maya maya dumating na ang doctor at ang nurss. Tiningnan nito ang lalake.
"Kumusta na po ang lagay niya doc?" Tanong ko dito. Tumingin siya sa akin saka ngumiti.
"Ayos naman ang hearth rate niya pati ang BP niya.
Sa ngayon wala naman problema sa kanya. Maliban sa hindi pa siya nagigising." Sagot ng doctor sa akin.
"Kung ganun kailan po siya magigising?" Tanong ko uli sa kanya.
"Hindi ko yun masasagot. Depende yun sa kanya." Sagot uli nito sa akin. Napatingin ako sa lalake.
"B... Bakit po nakabalot lahat ang katawan niya pati ang mukha niya?" Tanong ko uli sa doctor.
"Kasi naapektuhan ng pagsabog ang katawan at mukha niya. Pero nilagyan na namin ng gamot ang mga sugat niya upang bumalik sa dati ang balat niya. Kailangan lang talagang balutin para mabilis maghilom ang mga sugat niya. " Sagot uli nito. Napatango na lang ako. Nagpaalam na sila sa akin. Nilapitan ko ito saka naupo sa tabi niya.
" Kawawa ka naman. Ang hirap siguro ng dinanas mo." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Huminga ako ng malalim. Kumuha ako ng bulak binasa ko yun ng alcohol saka pinunasan ang kamay niya.
" Akala ko mas mahirap na ang sitwasyon na dinadanas ko ngayon. Pero ng makita kita kanina naisip ko mas mas maswerte parin pala ako. Kasi ako gising at malakas kaya ko pang harapin at gawan ng paraan ang problema na hinaharap ko. Pero ikaw nakaratay ka na nga tulog ka pa. Hindi mo pa alam kung kailan ka magigising. Pano mo malalaman kung bakit sumabog ang kotse mo kung tulog ka. Pano mo haharapin ang problema mo kung nakaratay ka ng ganyan. Kaya mas mahirap ang kalagayan mo kesa sa akin. Yun nga lang mas mapera ka kesa sa akin dahil kahit ganyan ang kalagayan mo marami parin ang handang magasikaso sayo at sa oras na magising ka siguradong magagawan mo agad ng paraan ang problema mo. Hindi kagaya ko naghihintay pa ng awa galing sa taas. " Bulong ko saka huminga ng malalim. Ng matapos kong punasan ang mga kamay niya na at paa niya na walang benda. Naupo na ako sa tabi niya. Binantayan ko siya magdamag.
" Ma'am magpahinga na po kayo ako na po ang bahala kay sir. " Sabi ng nurse ng gisingin niya ako. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Tumango ako saka nagpaalam na sa nurse. Nagderetso ako sa room ko. Nagbihis ako aktong mahihiga na ako ng may kumatok sa pintuan ko.
"Ahhm, ma'am magalmusal muna daw po kayo sabi ni doc bago daw po kayo matulog." Sabi ni manang. Tumango na lang ako.
"Sige manang baba na lang po ako." Sabi ko dito.
Nagpaalam na ito sa akin. Tiningnan ko ang itsura ko naka jugging pants at Tshirt ako. Kaya sinuklay ko na lang ang buhok ko saka ako bumaba.
"Naku inday ikaw nga tumigil tigil sa pagpapacute kay doc hindi ka nun papansinin no." Sabi ng katulong na isa. Napatingin ako sa kanila.
"Haays, akala mo naman siya hindi nagpapacute pag nandito si Atorny." Sabi naman ni Inday. Bigla naman na mula ang mukh nung kausap niya kaya nagtawanan sila.Napatingin sila sa akin.
"Ikaw talaga nakakahiya tuloy kay ma'am." Bulong nung Inday sa kausap niya.
"Ayos lang isipin niyo na lang na hindi ko narinig." Sabi ko sa kanila. Namula ang dalawa. Natawa na lang ako sa kanila.
Pagkagising ko naligo ako at nagbihis. Nagderetso ako sa silid niya. Katulad kahapon wala parin siyang malay.
"Hi! Kumusta kana. Buti ka pa kahit ganyan ang kalagayan mo payapa ka parin. Hindi kagaya ko nagaalala kung ano na ang nangyayari sa pamilya ko." Sabi ko dito. Nakatalungko ako sa gilid niya.
"Pasensiya kana. Wala kasi akong makausap sa bahay kasi nandun ang kaibigan ko na nakakausap ko. Dito kasi wala naman akong kakilala para makausap ko kaya ikaw na lang.Ayos lang kahit hindi mo kayang sumagot ang mahalaga may nakikinig at napaglalabasan ako ng problema ko. Sapat na yun para kahit papano gumaan ang pakiramdam ko." Sabiko uli sa kanya.
" Hindi ka ba nahihirapan sa kalagayan mo? Masaya ka ba diyan kung nasaan ka? Kasi kung pagmamasdan kita parang napaka payapa ng itsura mo. Siguro masaya ka kung nasaan ka." Sabi ko uli. Saka huminga ng malalim.Dumating ang nurse niya.
" Papalitan ko lang po ang benda ng sugat ni sir." Sabi nito tumango ako. Lumabas na muna ako nagpunta ako sa kusina para tumulong.
"Matagal na ba kayo dito?" Tanong ko sa dalawa.
"Naku hindi po ma'am. Bago lang din po kami ni Marie dito si manang Fe ang matagal na dito saka si manong Dodong yung hardinero. Sila kasi ang katiwala ni sir dito. " Sagot ni Inday sa akin. Napatango ako sa kanya.
" Siguro ma'am mahal na mahal niyo po si sir kasi magmula ng dumating kayo dito lagi na lang kayo nasa tabi niya." Sabi ni Marie sa akin. Muntik na tuloy ako mabulunan. Sakto kasing kumakain ako ng tanghalian. Pasimple ko na lang ininom ang tubig na nasa tabi ko saka ngumiti sa kanila.