***ALEX POV#***
Nagising ako na wala na ang babae na kasama ko kagabi. Napabangon ako. Tiningnan ko ang paligid wala naman na wala sa bahay. Huminga ako ng malalim ng mapatingin ako sa higaan nakita ko ang mantsa ng dugo. Tanda na ako ang nakauna sa kanya. Napahilamos ako sa mukha ko. Naalala ko ang nangyari sa amin kagabi. Hindi ko alam parang ang sarap sa pakiramdam na ako ang nakauna sa kanya.
"Aah! ano ba ang nangyayari sa akin. Bakit ba ganito na lang ang nararamdaman ko sa babae na yun?" Bulong ko. Pumasok ako sa banyo. Parang nararamdaman ko parin ang lambot ng balat niya. Binuksan ko na ang shower at naligo na ako.
Kahit nasa trabaho na ako siya parin ang laman ng isip ko hindi parin maalis sa isipan ko ang nagdaang gabi. Kaya inis na napahilamos ako ng mukha ko. Inabala ko ang isipan ko sa mga dapat kong gawin.
"Lani pasabihan mo ang lahat ng staff natin na lahat ng report nila sa akin nila dalahin." Sabi ko dito.Naging busy ako sa mga sumunod na araw. Nagpatawag ako ng conference meeting. Nakatangap ako ng tawag sa secretary ko may naghahanap daw sa akin. Pinapasok ko ito at kinausap.
"Ako po pala si Agent Kim Hidalgo. Pinapunta po ako dito ni Atorny." Sabi nito. Napatango ako nagusap kami sinabi ko sa kanya ang nais kong gawin niya. Ng umalis ito napagpasyahan ko na tapusin na ang trabaho ko.
Ilang araw din na sa akin nagrereport ang lahat ng staff. Lagi parin siyang laman ng isip ko. Kaya naisip ko na puntahan siya sa Club kung saan siya nagtatrabaho. Tumayo na ako inayos ko na ang mga gamit ko.
"Lani uuwi na ako. Umuwi ka narin." Sabi ko sa secretary ko. Tumango ito. Bumaba na ako sabasement nasa loob na ako ng kotse ko ng makatangap ako ng tawag galing sa Agent na kausap ko.
"Sir Alex! Ako to si Agent Kim." Sabi nito.
"Bakita ka napatawag?" Tanong ko dito.
"Nasaan po kayo ngayon?" Tanong nito. Napakunot ang noo ko.
"Nasa loob ng kotse pauwi na." Sagot ko dito.
"Lumabas po kayo ng kotse niyo sir sasabog po yan." Sabi nito kaya natigilan ako. Agad na binuksan ko ang kotse saka lumabas saktong kalalabas ko lang ng sumabog ito. Nawalan ako ng malay.
Nagising ako na nasa ospital ako. May nakatakip sa mga mata ko at sa katawan ko. Tinawag ko ang doctor ko kinausap ko ito. Saka nakiusap na tawagan ang abugado ko.
"Maari bang pakitawagan ang number na ito paki sabi na nasa ospital ako." Sabi ko dito. Maya maya dumating ang abugado ko.
"Pasensiya na ngayon lang ako nakapasok. Nasa labas kasi kanina ang Fiance mo at si Willson kasama nila ang kapatid mo." Sabi nito. Tumango ako.
"Kumusta ang lagay mo?" Tanong nito sa akin.
"Ayos lang ako pero Nadale ang mata ko." Sabi ko dito.
"Nais kong malaman kung sino ang may gawa sa akin nito?" Tanong ko dito. Huminga ito ng malalim.
"Ang natatandaan ko bago sumabog ang sasakyan ko tumawag sa akin si Agent Kim sinabi niya na umalis ako sa sasakyan ko dahil sasabog ito." Sabi ko dito. Napatiim bagang siya.
"Hayaan mo tatawagan ko si Agent Kim." Sabi niya.
" Magpahinga ka muna. Sasabihan ko ang doctor na wag magpapasok dito." Sabi niya. Nagpasalamat ako sa kanya.
Kinabukasan pinuntahan niya uli ako.
" Narinig niya daw na may kausap si Willson sa phone sinabi nito na nilagyan nito ng Bomba ang sasakyan mo. Nagulat daw si Willson. Nagtalo pa daw ang dalawa. Hindi na niya inintindi ang pinagusapan ng dalawa kasi tinawagan ka niya agad. Pero sabi niya may iba pa daw kasabwat si Willson. " Sabi ng abugado ko. Naikuyom ko ang kamao ko.
" Kailangan mo ng magingat ngayon binabalak na nila na tapusin ka. Mukhang nakahalata sila na alam mona na traidor si Willson. Kaya nais na nila na tapusin ka. " Sabi ng abugado ko. Nagtagis ang bagang ko.
" Ano ang plano mo ngayon? " Tanong niya sa akin. May naisip na ako. Sinabi ko sa kanya ang plano ko.
" Sigurado ka? " Tanong niya sa akin. Tumango ako.
"Doon lang natin malalaman kung sino ang nasa likod nito. " Sabi ko sa kanya. Tumango siya.
" Sige kung ganun kakausapin ko na ang doctor mo. " Sabi nito at nagpaalam na ito.
Kinabukasan nagising ako sa boses ng nasa tabi ko.
"Si Willson." Bulong ko. Hindi ako kumilos.
"Wala sa usapan natin ito. Alam ko pero may iba pa naman na paraan. Malapit na naman mapunta sa iyo ang Company kunting tiis na lang. Sinabi mo muna sana sa akin bago mo ginawa. Pano ngayon yan kung mawala siya hindi niya pa napipirmahan ang will of testament niya. Masyado ka kasing nagpapadalos dalos hindi ka muna nagiisip. " Sabi nito sa kausap. Naikuyom ko ang kamao ko.
" Comma nga daw sabi ng doctor niya. Sunog na sunog daw ang balat niya dahil sa pagsabog." Sabi nito sa kausap niya.
Narinig ko na lumabas ito ng silid ko.
Tinawagan ko si agent Kim. Pinapunta ko dito sa ospital.
" Lagi po silang nagkikita ng Fiance mo maliban doon wala na po siyang ibang kinakatagpo. Pero lagi po siyang may kausap sa phone. " Sabi nito. Napaisip ako.
" Masyadong maingat ang nasa likod nito. " Bulong ko sa isip ko.
" Sundan mo lang siya. " Sabi ko dito. Tumango ito at nagpalam na sa akin.
Kinabukasan dumating ang abugado ko.
" Sinabi ng doctor mo na pinapalipat ka daw ni Willson ng lugar nais daw nito na dalahin ka sa bakasyunan mo sa Palawan. Pipigilan ko ba?" Tanong nito sa akin. Napaisip ako ang bakasyunan ko sa palawan ay isang isla. Ibig sabihin may binabalak sila.
" Sabi nga pala ni Agent Kim kasabwat daw nila ang fiance mo." Sabi uli ng abugado ko naikuyom ko uli ang kamao ko. May kutob na ako ng sabihin ng Agent ko na laging nagkikita si Willson at si Eliana kinutuban na ako dun. Sinabi ko dito na hayaan nito ang plano nila.
"Magiingat ka magpapadala ako ng lihim na mga magbabantay sayo doon." Sabi nito sa akin Nagpasalamat ako dito.
Sumunod na araw inasikaso na ang paglilipat sa akin papunta sa Isla. Napagalaman ko na pinalitan nila ang doctor ko. Pati mga nurse.