Episode 3: Date me

473 Words
"Kinabukasan nagising akong masakit ang buong katawan ko. Para akong binugbog ng sampung tao! Nanlaki ang mata ko ng may matanto ako. Oh, damn! Wala sa sariling nilingon ko ang katabi ko na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin. Ang kanyang braso ay nakapulopot sa akin na parang sawa! Napatakip ako sa bibig ko nang maalala ko ang pinagsaluhan namin kagabi. Tandang-tanda ko pa! Paano ako makakalimut, siya ang una sa lahat sa akin! Pinilit kung tumayo. Hindi niya ako pwedeng abutan pag gising niya. Kailangan ko nang umalis. Kahit nananakit ang hita ko ay pilit akong tumayo at dahan-dahan na nagtungo sa banyo. Nang makapagbihis ay kaagad akong lumabas ng banyo at pinulot ko ang bag ko sa sahig. Nilingon ko siya sa ibabaw ng kama na mahimbing pa rin ang tulog. Akmang lalabas na siya ng may maalala. Bumalik siya sa tabi ng kama. Kumuha siya ng ballpen at kapirasong papel sa bag niya saka ito sinulatan. Nang matapos ay inilapag niya ito sa ibabaw ng nightstand katabi ng kama. Pinatungan niya ito ng vase para pag nagising ito ay mabasa nito ang sulat. Bago siya tuluyang umalis ay mabilis niya itong ninakawan ng halik sa labi saka mabilis na lumabas ng kwarto. Goodbye, Mr. Stranger! *** Present: Where's Miss Santillan?!" Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang marining ang malakas na boses na iyon. Kahit hindi ko lingunin ay alam ko kung sino ang nagmamay- ari niyon! Iisang tao lang naman ang may ganyang pag uugali sa akin. Hindi ko siya pinansin at tinuloy ko ang pagkain ko. Nagtayuan ang mga nasa harap ko. Kaya napaangat ako ng tingin sa kanila. Nakita ko ang pagkataranta nila Reah at Elle. "Mauuna na kami, Maddi. see you nalang mamaya sa bahay ni Riyann," sabi ni Elle. "Bye, Maddi, goodluck!" si Reah. Tumango nalang ako sa kanila. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko dahil nawalan na ako ng gana. Tatayo na rin sana ako ng pabalagbag niyang hinila ang bakanteng upuan na inalisan nila Elle. He sat infront of me. He bore me. "What are you doing, Miss Santillan?" Mariin niyang tanong. hindi ako gumalaw. Pansin ko ang tinginan ng mga tao sa amin dito sa loob ng canteen. Bakit ba siya nandito? Malamang para bwesitin ka! "As you can see, sir. kumakain po," mahina kong sagot sa kanya. pinigilan ko ang sarili na irapan siya. "tss," Kaagad siyang tumayo at basta nalang inilapag sa harap ko ang isang kaperasong papel. Napataas ang kilay ko. Ano naman kaya 'yan? "Next time. Inform me where you are. Para hindi ako laging naghahanap," After that he walked out. Pinulot ko ang papel saka binuksan. It was a letter! A hand written one. Binasa ko ang nakasulat. "Date me tonight," Napangiti na ako ng tuluyan. Napairap ako sa hangin. Kukurutin talaga kita mamaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD