"Pagkababa ko ng taxi ay tuloy-tuloy ako papasok sa hospital kung saan kasalukuyan inooperahan ang mama ko. Dala ko na ang pera na kapalit ng puri ko. Kanina kahit nanghihina ako ay dumiretso ako sa bangko para papalitan ang cheque.
Ideniposit ko na rin ang sobra. Kinuha ko lang ang kakailanganin kong pambayad at panggastos namin. Saka ko na lang iisipin ang sarili ko importante makakaligtas na si mama at makakasama namin siya ng matagal ni tatay.
Naabutan ko si tatay sa labas ng Operating room habang palakad lakad. halata mo ang pag aalala sa kanyang mukha. Nilapitan ko siya at niyakap.
"Tay, k-kumusta si mama?" kumalas ako at saka siya tiningnan.
"Nasa loob pa ang mga doctor na nag oopera sa kanya. Wala akong balita anak,"
"Ipagdasal natin na maging matagumpay ang operasyon. hindi ko kakayanin pag nawala si mama sa tin!"
"Matapang ang mama mo anak! hindi niya tayo iiwan. lalaban siya, kaya dapat tayo rin. teka, saan ka galing bakit ngayon ka lang ha? at saka, bakit baliktad ang damit mo?"
Napayuko ako sa suot kong damit at namilog ang nata ko nang matanto na baliktad nga ito!
Inayos ko ito at saka ako tumingin ulit kay tatay. Matalim na itong nakatingin ngayon sa akin. kinabahan naman ako.
"T-Tay,"
"Anong ginawa mo, Madisson Santillan?!"
Halos mapaigtad ako nang sumigaw siya. Alam ko galit siya.
Napaiyak na ako nang haklitin niya ang kamay ko.
"B-Binenta mo ang sarili mo? tama ako 'di ba?"
Nagpatuloy ako sa pag iyak at hindi ko siya magawang sagutin.
Ngunit halos sumubsob ako sa sahig ng malakas akong sinampal ni tatay. Sakto namang bumukas ang pinto ng Operating room at lumabas ang isang lalaking doctor at nagulat pa ito nang madatnan ang pagsampal sa akin ni tatay.
habol ang hininga ni tatay habang nakaduro ang kamay sa akin. Ni hindi niya napansin ang doctor sa likuran niya.
"Pinayagan kita sa trabaho na 'yan kahit labag sa loob ko dahil nangako ka na hindi mo iwawala ang sarili mo! pero anong ginawa mo?! Ano pa ang mukha kong ihaharap sa mama mo ha? Sisisihin niya ako dahil wala akong kwentang ama. Na hindi ko magampanan ang pagiging tatay at asawa ko, kaya napilitan ka gumawa ng mali para lang may maipambayad tayo dito!"
Tuluyan na akong napahagulhol.
Hindi ko magawang sumagot dahil mali ako. Ilang beses na naman kasi niya sinabi na ingatan ko ang sarili ko pero ano ang ginawa ko?
"Ah, Excuse me. Mr. Santillan."
Napalingon si tatay sa doctor na nakatayo sa likod niya. Nakatingin din ito sa akin at iwan ko ba pero parang may kamukha siya. Di ko lang alam kung sino.
Base rin sa itsura niya ay nasa early 30's lang ito. Napakaguwapo rin kung tutuusin.
Ipinilig ko ang ulo sa naisip. Nasampal na lahat lahat ng tatay nagawa pang purihin ang doctor sa harap?!
Ano ba naman Maddi? tsk.
"Doc, a-ano pong nangyari. maayos na ba ang asawa ko?"
Tanong ni tatay. Sa akin pa rin nakatingin 'yong doctor.
agad din naman itong lumipat kay tatay at sinagot ito ng nakangiti. Nabuhayan naman ako bigla ng loob dahil sa ngiti niyang 'yon. parang alam ko na ang susunod na sasabihin niya.
"Yes, Mr. Santillan. The operation was successful! It was a miracle that your wife is a fighter. Nilabanan niya rin talaga ang sakit niya. para sa inyo,"
nakangiti nitong ani sa amin.
Nagpasalamat si tatay sa doctor at sinabi kung pwede na namin makita si mama. pwede na raw ililipat lang ito sa kwarto para sa recovery. Tulog raw ito ngayon.
Saglit akong nagpaalam kay tatay na babayaran lang ang bills ni nanay pero hindi niya ako sinagot.
Mukhang masama talaga ang loob niya sa akin. pero ayos lang atleast tapos na. ok na si mama. Saka ko nalang iisipin ang galit ni mama pag gising niya.